Chereads / Legendary Slime Tamer (TAGALOG) / Chapter 2 - Roan (Revised)

Chapter 2 - Roan (Revised)

*Blink*

*Blink*

Napadilat bigla ang isang bagito mula sa kanyang pagtulog, nagising nanaman siya ng madaling araw. Sa katunayan, di na niya mabilang ang mga gabi na nai-interupt ang kanyang pagtulog.

Tulala ito at naka titig lamang sa ceiling ng kanyang kwarto at napa hikbi. Dahan-dahang tumulo mag-isa ang mga luha sa kanyang pisngi.

Ba't ba lagi kong napapaniginipan ang mga iyon? Ito ang paulit-ulit na tanong niya sa kanyang sarili dahil sa madalasang pagdalaw ng masamang ala-ala na desperate niyang makalimutan.

Siya ang ating bida na si Roan Limen, isang Neet A.K.A Shut in, walang trabaho at umaasa lamang sa online gaming at ito ang tanging source of income niya. 1 year ago, sa kalagitnaan ng kanyang paglalaro sa isang sikat na online RPG game, isang life events ang di niya inakala na magpapabago sa kanyang buhay.

Habang nasa ingame, biglaan na lamang siyang na 'Force Logout' at hindi na muling nakabalik pa sa loob ng laro. Sa una, binaliwala lamang niya ito dahil sa pag aakalang isa sa mga matalik niyang mga 'Online Friends' at Guild mates ang posibleng gumamit ng kanyang account, pero ang hindi niya inakala ay ito na pala ang huling araw ng kanyang pinakamamahal na Account.

Nalaman nalamang ni Roan sa social medias na may malawakang pang ha-hack ang nangyari sa loob ng game. Isa sa na-apektuhan nito ay ang kanyang account na ang puhunan ay ang kanyang oras, dugo at pawis. Isang Top Ranker, Guild Master at nag iisang pinakamalakas sa buong server ang kanyang Account. Kaya't sa isang iglap, biglang gumuho ang kanyang mundo.

Dahil sa insedenteng ito, lahat ng mamahalin na items at ingame money ni Roan ay nilamas ng mga letseng digital na kawatan. Pati mga nakatagong Treasure Items at Golds sa loob ng Treasury Hall ng kanyang Guild ay winalis rin at walang itinira kahit potions man lang.

Kahit alam ng mga guild members na biktima rin si Roan, nanaig parin ang kanilang mga frustrations lalo na't walang official statement ang Game Company tungkol sa hacking. Para lamang may mabuntungan ang kanilang galit, even though na selfish ang galawang ito, halos lahat ng mga miyembro ay humingi ng compensation kay Roan sa mga nawala nilang precious items. Isa sa mga rason na nag udlot sa kanila ay ang pag tutol ni Roan na lagyan ng security password ang Treasury Hall.

Dahil sa walang tigil na pag D-DM (Direct Message) nila kay Roan sa Bluebird (Social Media) at kabi-kabilang reklamo ng mga buraot na miyembro, ay lalong naging depressed si Roan. Para mabayaran ang lahat, kahit hindi naman niya kasalanan at masakit man, ay humantong na lamang si Roan sa desisyon na ibenta ang tangi niyang account.

Dahil sa larong ito ay huminto si Roan sa pag aaral para makapag concentrate bilang isang pro gamer at para narin kumita ng pera. Pero hindi niya inakala na isa rin ito sa dahilan kung bakit siya na baon sa utang ngayon.

Kaya ganon nalamang ang kanyang pag ka heart broken (mas masakit pa sa iniwan ng jowa) at simula nun ay di na siya humawak ng keyboards kailanman.

******

Bumangon siya sa higaan at nag ayos ng sarili para simulan ang kanyang araw sa pag tratrabaho sa isang construction site.

"Ma, papasok na ako!"

"Cough, cough. Roan, mag almusal ka muna habang mainit pa ang sabaw."

"Hindi na hoh ma, ma lalate na ako."

Bago siya tuluyang maka-alis ay may bigla siyang naalala, lumingon at bagtanong sa kanyang ina. "Ma, may gamot paba kayong natitira para sa week na ito?"

"Meron pa anak... mga isang pakete pa.."

"Ah ganon ba? Sige, pag nagkasahod ako ngayong sabado, bibilhan kita ng limang pakete ng gamot."

"Mag ingat ka."

"Opo, nay"

Pagkalabas niya sa pinto, sumakay agad siya sa kanyang bisekleta, pero bago pa siya maka-alis ay may isang tao na humarang sa kanyang harapan.

"Roan.... hindi ka naba talaga papasok ulit sa school?" Nag alalang tanong ng isang babaeng estudyante.

Emrie.....

Nabigla siya sa biglaang pag sulpot ni Emrie sa kanyang harapan. Siya ang childhood friend ni Roan at lagi silang mag kaklase simula kindergarten hanggang grade 10.

Dahil magkatabi lang ang kanilang bahay ay halos araw-araw silang nakaka salubong tuwing papasok siya ng trabaho at papunta naman ng school si Emrie. Sa 'di malamang dahilan ay paulit ulit rin nito na tinatanong si Roan ng same questions sa tuwing magkikita sila.

Pero ganon pa man, feel ni Roan ang warmth at cincerity ni Emrie.

"Oh! Good morning Emrie! .....ahmm pag-iisipan ko pa. Sige, nagmamadali kasi ako. See yah!"

Napakunot nalamang ang noo ni Emrie at nag pout nang makita na papalayo na si Roan.

Minadali ni Roan ang usapan dahil talagang malilintikan siya ng kanyang boss pag siya ay ma le-late.

Bigla niyang naalala ang babala ng 'Time Keeper' sa construction site.

"Shit, pag mahuhuli ako ng ilang minuto, katumbas nun ay kalahati ang bawas ng sahod sa isang araw!"

******

Whew.. Buti nalang ay hindi ako na late!

Sinimulan niya agad ang ma-bato at ma-buhangin na trabaho sa construction site.

Nang maghahanda na sana si Roan para umuwi, ay bigla siyang nilapitan ng isa sa mga katrabaho niya dito sa construction.

"Roan, narinig mo na ba ang larong World Combat Continent? Balita ko maraming mga Chicka Babes sa larong iyon." Straight forward na tanong ng isang matipunong lalaki.

W-World Combat Continent? Ahhh... yung laging lumalabas sa TV nowadays...

Nang makita ng matipunong lalaki na walang interes si Roan sa pag o-open topic niya about gaming ay iniba niya ang kanyang tanong.

"Naglalaro kaba ng Online Games? Hmm?"

Online games? Tsk, na trauma na ako sa ganyan. Ayaw ko na! Quit na ako sa ano mang laro, dahil diyan nagkanda utang utang ako at tumigil sa pag aaral. Tsaka ba't napaka lapit ng mukha mo saakin? Reklamo ni Roan sa kanyang sarili.

Hindi sinagot ni Roan ang matipunong lalaki dahil sa tingin niya walang patutunguhan ang usapang ito. Nangako na siya sa kanyang sarili na hindi na siya maglalaro ng online games, never ever again period!

Kaya walang atubili ay tumalikod lamang si Roan at kumaripas sa pagsakay ng bisikleta.

Di niya alam kung bakit naiirita siya sa mga ganitong usapan.

Well, hindi ko rin naman siya kialala, kaya ok lang kung umalis nalang at para makauwi na dahil pagod na pagod ang aking katawan hays.

"Teka! Wait wait!" Humarang ang matipunong lalaki sa kanyang harapan, kahit anong gawin ni Roan na pag ilag sa kanya ay siya namang ka pursigido na harangin ang daanan niya.

Goal keeper kaba huh?

Kaya tumigil si Roan sa pag padyak ng bisekleta at sumuko nalang sa pursigidong ka-trabaho at nagtanong, "Teka, sino ka ba?"

Nabuhayan at lumaki ang mga mata ng matipunong lalaki nang marinig ang tanong ni Roan. Yown!

Ngunit nang ma-realize niya ang tanong ni Roan ay ganoon nalamang ang pag nga-nga ng kanyang bunganga sa pagkamangha. Seriously dude? Hindi mo'ko kilala? My gawd!

"Sa tinagal-tagal na nating mag ka-trabaho, hindi mo ko kilala?"

"Seryoso, magtatanong ba ako kung alam ko ang kung sino ka"

Pero seriously, hindi ko talaga siya kilala. Kinalikot ni Roan ang kanyang memorya.

"One thing na hindi mo ako kausapin dahil ayaw mo, pero... sasabihin mong hindi mo ako kilala... Wow, just wow!"

Hindi naman ako nag pupunta rito para makipag kilala o makipag kaibigan. Andito ako para mag trabaho at kumita ng pera. Napaka OA naman niya kung mag react!

"Ehem, Ako nga pala si Zen. Gusto ko sanang imbitahin ka maglaro ng WCCO, and lucky you mah friend! It happens na may Extra game capsule ako na pwedeng ipahiram sayo. Ano sa tingin mo?"

Wait, what? WCCO yung bagong Virtual Game at Game Capsule? Balita ko ang basic model nito ay nagkakahalaga ng tumataginting 300,000 PHP. Tapos ngayon ipapahiram lamang niya saakin? Hmm. Something fishy alok niya...

"Niloloko mo ba ako? Sorry, pero straight ako pre! Ayaw kong ibenta katawan ko para sa capsule na yan! Thanks, but no thanks nalang."

Dahil sa refusal ni Roan, nagmadaling nag explain si Zen, "WTF Roan!? Straight din ako noh! P-pero kung gusto mo, free ako tonight? What say you?"

"B-ba't ka nag ba-blush? Sa laki ng ba naman ng katawan mo 'di bagay ang cute acting mo!" Sigaw ni Roan na halos masuka.

"Ehem! Seryoso my friend, legit yan. Sa katunayan, yang game capsule na ipapahiram ko sayo ay secondhand na, dati na itong ginamit ng pinsan ko ngunit nag quit siya dahil di niya daw mapag sabay ang pag aaral at paglalaro."

"So, anong kundisyon para magamit ko ang capsule na'to?"

Napakamot si Zen ng ulo bago sumagot.

"Gusto ko kasi gumawa ng sariling Clan sa game. Alam mo naman na recquired ang 7 members para makapag register at ma-stablish officially ang Clan."

"Yun lang? How about members? Ilan nang miyembro ang naka sign up?"

Medyo namula ang pisngi ni Zen bago makasagot ng ilang sandali.

"Ahmm, actually, 2 members palang. Ako... at ikaw ang pangalawa..."

What the! Akala ko, ako nalang ang kulang para ma complete na ang registration ng Clan kaya ipapahiram niya ang Capsule.

Nawalan tuloy ako ng gana...

Sabagay, marami ng malalakas na Clan ang naka stablish na ingame kaya't mahirap maghanap ng mga members.

"Sige pag-iisipan ko..."

"Lodi, bilisan mo ang pag iisip ahh.. Need ko talaga ng members! Tsaka kung free ka tonight, just call me huh! Wag kang mahiya! I'll be yours!" Sigaw ni Zen sa papaalis na si Roan.

******

Bago dumiretso sa bahay, dumaan muna si Roan sa isang Department store para bumili ng ilang school supplies para sa bunso niyang kapatid na isa ring highschool student.

Tiit.

Tunog ng barcode scanner, sabay abot sa kanya ng resibo sa pinamili ni Roan.

"Sir, dahil kayo po ang ika 10,001th customer sa araw na ito, makakatangap po kayo ng Game Redeem Card sa larong World Combat Continent Online. Ma re-redeem nyo lang po ito ingame pag umabot kayo ng level 20." Inabot ng cashier ang isang redeem card.

Di nga!? Sinuswerte ata ako ngayon, pero too bad, hindi ko kailangan ng Game redeem Cards. If posible, gusto ko ng Cash! Cash!

"Ah... Miss? Pwede ho bang palitan nyo nalang ito ng cash? Hindi kasi ako nag lalaro ng online games."

Napaka shameless naman ng lalaking 'to. Hmp!? Sabi ng cashier lady sa kanyang sarili.

"Ahmm sir, may valuable items po ang randomly na lalabas pag swe-swertihin kayo sa pag redeem ng card ingame. Pwede nyo ho ibenta kung mamahaling items ang makukuha nyo." May halong pagka irita ang tono ng cashier.

As usual, katulad ng ibang games ay pwedeng kumita sa pag lalaro sa pamamagitan ng pag bebenta ng items. Pero anong silbi nito eh quit na ako!? Tsk!

"Pero.... Miss, please! Kahit isang box lang ng sardinas..." Nagpupumilit parin si Roan.

Instead card, cash nalang sana... Pwede ring pagkain please? Pleading ni Roan.

"Pasensya na ho sir..."

Makailang negosasyon rin si Roan sa cashier lady pero lahat ay tinurn down laman siya ng mabilisan.

Tsk..

******

[ VIRTUAL GAMING BREAKING NEWS ]

"Live na live po tayo ngayon sa pinag uusapang VIRTUAL REALITY Game sa buong mundo!" Pasok ng isang reporter sa harap ng camera, sa likuran niya ang napaka gandang tanawin ng fantasy world sa loob ng virtual reality game.

"Narito po tayo ngayon loob mismo ng Virtual game sa Hinger Island, makakasama natin sa panayam ang isa sa pinaka bagong nakatanggap o naka-acquired ng Epic Rating Job. Balita ko, iilan pa lamang sa buong server ang nakakuha ng ganito, please welcome, Mr. Grandorm!"

Pumasok ang isang naka Full Armor with Cape na player at biglang nag pose ng 'Peace' sign sa harap ng camera.

"Ako ang inyong lingkod, Grandorm the Coolest, at your service!"

Hindi na pinatagal ng reporter at nag tanong agad sa player, "Good evening, Mr. Grandorm, balita ko na sobrang astig o malakas ang nakuha mong Job?"

"Hindi lang malakas, kundi napaka grandeur ng Job na ito. Sa katunayan, gamit lamang ang Job na ito, mag do-dominate ako sa Ranking. Hindi tatagal mag iiba na ang may hawak sa trono ng No. 1 World Ranker."

Biglang binunot ni Grandorm ang nakatagong Roses sa kanyang [Spatial Ring] at sa isang iglap, ang dating Rosas ay nagtransform at naging isang pulang espada.

Napa dilat ang dalawang mata ng reporter sa magical na pangyayari, "Woah! As expected sa isang Epic job. Sir Grandorm, ano po ang tawag sa nakuha nyong Job at ano ang koneksyon ng Rosas sa espadang iyan?"

"Kukukuku.. Ang tawag sa bagong Job ko ay... Blood Rose Blade Master," Napahawak siya sa kanyang buhok at nagpalabas ng grandeur na smile. Praise me more mga weaklings! Wahaha!

"Kaya pala... kung ganon, anong abilities ang meron sa rosas na espada at Job mo?" Inilapit ng reporter ang mic sa bunganga ni Grandorm.

"Confidential... Makikita nyo soon pag naging No. 1 World Ranker na ako. Hehehe"

"So, anong mensahe mo sa mga Top Rankers sa buong mundo?"

Nap smirk si Grandorm bago sumagot.

"Ang masasabi ko... Maghintay kayo mga Ranker! Lalo na ikaw Song Jun Hae a.k.a Soloist. Oo, ikaw! Matitikman mo rin ang hagupit ng lakas ko! Gamit ang Rose Sword ko na +10, at ang abilities nito na mag la-life steal ng 90% every attack ay never mo akong matatalo! Ha ha ha ha" Nagsisigaw si Grandorm sa harap mismo ng Camera habang naka middle finger.

"+10 weapon enhanced? at tsaka life steal na espada. As expected kay Sir Grandorm, paniguradong namamayagpag ka sa Ranking Charts sa loob lamang ng madaling panahon!"

Nang marinig ni Grandorm ang comment ng reporter sa bulyaw niya ay saka lamang niya na realise na ang kanyang itinagong alas ay na i-kanta niya Live.

Inagaw niya agad ang mic sa reporter at handang i deny ang mga pangyayari.

"No. no. no. Mali ang narinig nyo sa katu..."

Tiit.

Bago matapos ang buong report ay biglang nag off ang TV dahil pinatay agad ito ng kapatid na babae ni Roan na si Raysha dahil napansin niyang papasok na sa bakuran kuya niya.

Ayaw ni Raysha na makita ng kuya niya ang palabas sa TV tungkol sa mga games na super hate ni Roan.

Pero bago pa tuluyang makapasok si Roan ay sinalubong agad siya ng kapatid sa pinto, "Sakto! Kuya, kumain kana habang mainit pa yung sabaw ng noodles, tsaka may itlog na naka toppings, alam kung paborito mo iyon! Diba?"

"Hays.. Wala akong ganang kumain... Oh heto, bagong notebooks at ball pens."

Wala talagang gana kumain si Roan dahil sa nag fail niyang negotiations kanina sa Department Store.

Arghh! Pagkain nalang sana para atleast may makain kami sa susunod na araw...

Dumiretsong umakyat si Roan sa hagdan papuntang kwarto nang may naalala siyang reminders para sa kapatid.

"Hinaan mo naman ang volume ng TV, rinig na rinig sa labas sa sobrang lakas."

"Eh..." Di makasagot si Raysha at nag-alala dahil dinig ng kuya niya ang balita sa TV.

Teka... Bayaran nanaman pala ng kuryente at tubig sa makalawa. Hays...

"Raysha, kung walang kwenta ang palabas sa TV, please wag mo nang i-open dahil nag sasayang kalang ng kuryente.."

"OA neto, Hindi naman ako nanonood ng Game Streaming at KPop sa TV, SB19 lang naman lagi kong pinapanood... Bleeeeeeee!"

~Itutuloy ang adventure ni Roan/Anvart.

Author's note:

Minsan magtataka kayo dahil may nabago sa past chapter dahil pinapalitan ko ito. Baguhan lang po ako sa pagsusulat kaya maaaring magkaroon ng ilang mga pagbabago tuwing binabasa nyo ang mga chapter. Ine-edit ko ang ilang bahagi nito kung sa tingin ko kailangan talaga palitan.

Your votes and comments matter very much to me, because these will serve as inspiration and motivation to go on. Please continue on supporting this series, and consider this as a reward for spending all my time and effort para lang matapos ito. And if you have suggestions, reactions, etcetera, kindly leave a comment. They will be highly appreciated.

Thank you!