Chereads / Legendary Slime Tamer (TAGALOG) / Chapter 4 - Mount Fuji

Chapter 4 - Mount Fuji

| Blade City |

*Shing*

Sa wakas sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatapak narin si Roan sa mundo ng Virtual Reality Game; ang Game na posibleng mag-aangat sa kanya.

Mangha man, di siya makapaniwala sa experience na ito, pinag masdan niyang maigi ang buong paligid gamit ang kanyang sabik na mga mata. Inenspeksyon ni Roan ang Dreamlike Fantasy na kapaligiran at nagmistulang siyang bata na nakakita ng bagong laruan. Kapansin-pansin ang napaka-busy at bustling ng mga tao sa city na ito.

Lahat ba sila Players? Parang di ata....

Di matukoy ni Roan kung sino-sino ang mga Players o NPC (Non playable Character) dahil wala itong pinagkaiba. Lahat sila nag sasalita at may kanya-kanyang ginagawa. Ang layo ng agwat ng Virtual Game kaysa sa mga PC game!

Usually, ang mga NPC sa nakasanayang mga laro ay limited ang kanilang mga actions na gagawin, dahil ganito kung pano sila ginawa o prinogram ng mga Game Developers. Meanwhile, dito sa Virtual Game ay tila bang may sarili silang pagkatao at may sariling desisyon!

Pansin rin ni Roan na walang speech bubble sa taas na kanilang mga ulo sa tuwing nagsasalita mga ito.

Omaygad! Sigurado akong astig ang gameplay nito!

Itinuon lamang ni Roan ang kanyang unang trenta minutos sa pagmamasid at pag gala sa loob ng game. Di mabilang ang praises at appreciation niya sa Creator ng Game, "Sobrang ganda talaga ng city na'to, para akong nasa isang Medieval Fantasy World!"

Kung hindi mo alam na nasa loob ka pala ng isang Virtual Game ay aakalain mo talagang tunay ang lahat ng iyong nakikita. Na fe-feel din ni Roan ang fresh air na humaplos sa kanyang mukha kaya't halos 'di na niya matukoy kung alin ang Reality at ang hindi.

Madidinig din ang Background Music na magpapagana sa Gaming Experience ng mga Players.

"Wow, galing naman nito, para akong nanaginip!"

***•***

Damn, nagsasayang ako ng oras! Biglang naalala ni Roan ang priority niya. He cannot afford mag waste ng time, time is gold!

Teka pano nga ba makikita Player Info ko? Oh, thats right! Sabi sa manual na banggitin o sabihin lang ang salitang...

"S-Status Window!" Sigaw ko.

"!!....... "

Wahh... Ba't nag si hinto ang mga tao sa paligid?

Napalingon sa kanyang direksyon ang mga napadaan na mga tao at pinalibutan siya ng mga ito.

Tumulo ang pawis sa buong katawan ni Roan na parang isang basang sisiw.

The hell, may nagawa ba akong mali??

Awkward...

Sh*t! Napalakas ata sigaw ko...

Dahil first timer si Roan sa Virtual Game, walang siyang kaalam-alam na pwede palang atasan ang Status Window gamit lamang isipan.

"Grabe siya oh, dito pa talaga sa maraming tao nagkakalat"

"Kulang sa pansin"

"Woah, newbie!"

"Noob!?"

"Ganyan din ako nung unang experience ko dito, ahhh... Ako nahihiya para sa kanya!"

"Isa nanamang weirdo.."

Mga pinag-sasabi at reaksyon ng mga Players habang lahat ay nakatitig kay Roan. Lahat sila ay may halo-halong mga expression sa mga kanilang mukha, mayroong natatawa, nagagalit at nahihiya para sa kanya.

Biglang nag bow si Roan bilang paghingi ng pasensya. Teka ba't ako nag so-sorry, eh wala naman akong kasalanan?

"Tabi, tabi mga newbie! Alis sa daan!!" Biglang may sumigaw at dali-daling nag si alisan sa kumpulan ang mga Players.

Dahil sa panic ng mga Players na makaalis sa lugar, natapilok si Roan at malapit madaganan ng isang malaking...

WTF! Isang tiger!?

Buti nalang naka ilag siya on-time, kung hindi, magtatapos agad ang kanyang adventure na hindi pa niya nasisimulan.

Huminto sa harapan ni Roan ang isang malaking Mount na Tiger, may nakasakay rito na isang lalaki na may kumikinang na Armor at tinitigan siya nito ng masama.

Namangha si Roan sa laki ng Mount na ito, napaka majestic ng dating! Halintulad ito sa tunay na tigre ngunit bawat balahibo nito ay kumikinang at may mga armor na nakapalibot sa katawan. Isa itong Emperius Tiger Mount na mabibili sa [Item Mall Shop] gamit ang tunay na pera.

Iba talaga pag richkid, ang daling lumakas at ang astig pumorma. Kailan kaya ako magkakaganito? Hmmm?

*Roar*

Galit na Emperius Tiger Mount na itinutok ang matatalim na pangil sa mukha ni Roan, nanlilisik ang mga mata at halos nag aakma itong umatake.

Waaa!! Napaatras siya bigla dahil sa pangamba na makagat ng dambuhalang tigre. Halos mag separate ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan dahil sa impact ng [Roar] nito.

Di ako makagalaw??

Kasunod nito ang paglabas ng mga text sa kanyang harapan. Isa itong transparent hologram.

[You have been affected by status ailments.]

[Fear has been applied.]

-Physical Def decreased by 50%

-Magic Def decreased by 50%

-Stun for 5 seconds.

"Newbs, wag kang paharang harang sa daan kung ayaw mong maging masarap na meryenda ng Mount ko. Hahaha!," Kutya ng Player na naka look down kay Roan. 

"S-sorry po...."

"Tsk! Killjoy! Di man lang pumalag, basura!" Matapos kutyain si Roan, magarbo itong umalis nang hindi lumilingon.

Andami na palang High Levels dito... Sabagay, halos mag-iisang taon na ang Virtual Game na'to kaya di na ako mabibigla kung may mga halimaw na sa level ang ibang Players dito. 

Sigh. Napa buntong hininga si Roan nang ma-realize niyang bilyon ang active na manlalaro sa Game na'to, "Paano ako makakahabol?" Sinampal niya ang kanyang sarili gamit ang dalawa niyang kamay.

Hmmp! Eh ano ngayon kung malakas sila? Pera ang pinunta ko rito, magpapayaman ako!

"It doesn't matter na behind ako sa Leveling Race, ang importante ay di ako susuko!," Ito ang nag aalab na resolve ni Roan.

***•***

Nang ma-satisfy si Roan sa pamamasyal at pag familiarize sa mga lugar, tumungo siya sa Plaza, sa sentrong bahagi ng Blade city para maghanap ng Quest sa Mission Board. Dito naka lista halos lahat ng mga Quest na pwedeng pagpilian ng mga Newbies na katulad ni Roan na walang pang [Popularity Stats]. Kung mataas ang popularity ay mas madaling makakuha ng personal quest galing sa mga NPC na mas mataas ang Rewards.

Binasa niya isa-isa ang nakalista rito ngunit puro Monster Slaying Quest! Nkt suitable sa kanya lalo na't Level 1 palang siya. Ngunit may isang Quest na pumukaw sa atensyon ni Roan.

"Newbie Training Center?...."

Ang quest na ito ay tungkol sa pag tre-training ng physical, mental at intelligence. Kung saan makaka kuha ng free extra attributes stats ang matagampay na makakatapos nito.

Hmm. Sabagay, mas minam tong gawin kesa pumatay ng pumatay ng mga monster lalo't na newbie pa ako. Mahirap mag monster slaying quest lalo na walang pambili ng HP Potions. Pag namatay ka halfway sa quest ay mababaliwala lang ang naipon mong EXP's (Experience points) dahil may penalty. That's a no brainer. Kung maghahanap naman ako ng ibang quest, mahirap! Dahil maliit lang ang tyansa ng mga NPC (Non Playable Characters) na mimigay ng quest dahil kailangan ng mataas na [Popularity Stats]. Tungkol naman sa Hidden Quest, Event Quest, Chain Quest at Rare Quest is no good din, 0.001% lang ang tyansa makukuha ito.

Ang tanging available quest na naangkop sa mga Newbies na tulad ko ay ang 'Newbie Training Quest'! Para mas mapagaan ang requirements ng mga ibang quest dahil sa extra stats. Kaya ito muna kunin ko, atleast for now dahil wala akong choice.

***•***

Sa labas ng Training Center |

[ New Quest: Newbie Training ]

Biglang nag pop up ang isang semi transparent hologram notification sa aking harapan nang ma i-trigger ko ang bagong quest the moment na pagtapak ko sa labas ng Newbie Training Center.

Napalibutan ito nang napakagandang lawa at nasa gitna naka pwesto ang Training Center. May mahabang tulay ito na nag co-connect at nagbibigay daan galing sa labas ng bakuran.

Binasa ko ang karagdagang description tungkol sa Newbie Training quest sa [Quest Menu].

[Ang training na ito ay para lamang sa mga newbie na di ba-baba sa level 10 ang maaring makapasok o pwedeng kumuha ng quest.

Dito, bawat newbie ay pwedeng mamili kung ano ang isasanay na attributes sa pamamagitan ng pag palo ng Dummies, disemble ng mga kagamitan gamit ang bilis ng kamay at liksi ng katawan, pagbabad sa mana pool at pag tanggap ng malakas na pressure.

Bawat Attribute Stats ay may sariling training Grounds na kailangan sanayin at walang time limit ang quest na ito. Nakadepende sa tagal ng pagsasanay ang makukuhang Attribute Stats, kung sakaling makukumpleto ito ay maaring makakakuha ng max 100 Attribute Stats na dagdag sa bawat uri ng training.]

"Kung ganon, kahit level one ay kakayanin kong makipaglaban sa isang level 10 monsters!"

Ito ang naayon at dapat kong gawin. Kung maari ay sasanayin ko ang lahat ng apat na Attributes Stats upang maka kuha nang 100 bawat stats points. Kung matagumpayan ko ito ay magiging mas mataas ang  Base Stats ko kaysa sa ibang player na same level!

Quest info:

Difficulty: Rank A

Requirements:

Kalangan Level 1-10 para makuha ang quest na ito.

Rewards:

Bawat success ng training grounds ay may karagdagang rewards ang matatanggap: 10 fame at 2,000 Coins.

Kapag natapos ang apat na training ground, bibigyan ka ng system rewards: Charisma + 100, unknown rune at Title - 'The Hard Working Newbie'.

***•***

Biglang huminto ang pagtibok ng puso ko nang makita ang mga rewards!

"[Charisma]... Tulad ng Popularity Stats, ito ay isa sa mga Stats na mag tataas ng probability para makakatanggap ng mga quest sa mga Supladong/Supladang NPC at makaka epekto ito sa pagbebenta at pagbili sa NPC shops. Tsaka may roon ring Title na ibibigay...."

Tinignan ko ang Title at ang Stats na bigay nito.

Title: Hardworking Newbie

Effects: Kapag naka equipped, bibigyan ka ng stats na dagdag: + 50 Luck, +50 Def, +50 MDef, + 50 Mana, +50 HP.

"Halos all in one package deal ang title na ito! Jockpot!!"

Bukod sa Def, MDef, HP at MP mayroon rin Luck Stats na magtataas ng chance rate na makakuha ng rare loots na nahuhulog galing sa mga monster at makakagawa ng mga items na may dagdag na status effects.

Isa rin sa umagaw ng aking atensyon ay ang Gold Coins na ibibigay sa tuwing makakatapos ng isang uri ng training. Dahil sa may apat na uri ng training grounds ang kakailanganin lamapasan, ay may kabuuang 10,000 Coins o 10,000 pesos na matanggap aki pag natapos ko lahat ito.

Pero ang ikinabahala ko ay ang Difficulty ng quest na'to. Nasa Rank A, ano kayang klaseng training na may ganitong rank?

Dahil sa hype, walang atubili ay dumaan agad ako sa tulay na nag co-connect patungong Newbie Training Center.

Sa pagdating ko, ang daming mga players na labas pasok sa Newbie Training Center ang aking nakaka salubong. Nadinig ko ang mga pinag usapan ng isang grupo ng mga players na papalabas ng training center. Siguro kakatapos lang nila kumuha ng quest..

"Dorei, ilang stats nakuha mo sa Training Grounds?" Tananong ng isang player sa kasamahan niya at halatang hindi satisfied sa kanyang nakuhang stats.

"Langhiyang training 'to, napakahirap. 2 Dexterity, 2 Agility at 3 Strength lang ang nakuha ko."

"Sino ba naman makakatagal dun, halos mag isang a lingo ako kaka training sa grounds at habang tumatagal mas lalong humihirap."

"Idiots lang ang makakakuha ng perfect stats o di kaya'y mga taong walang magawa at maraming free time." Dagdag ng isang player na kasamahan ng lalaking nag mamaktol.

"Oo nga, kung nagpa level nalang sana tayo o di kaya nag hunt, may pambili na sana tayo ng bagong weapons at armor. Nasayang oras natin sa walang kwentang dagdag na stats."

"Sinabi mo pa! Fake news tong quest na'to!" Nagdadabog ang isang player habang umuusok ang ulo nito.

Ayon sa mga mukha ng napadaang players ay dismayado ito sa resulta ng kanilang training dito sa Training Center. Napaisip tuloy ako, may kahirapan pala ang pag-gawa ng quest na ito? Bagama't naisip ko, ito lang ang paraan kung gusto kong maging advance o maging advantage sa ibang mga players.

"Ano kayang uri ng training ay mayroon sa loob?"

Alam kong may kahirapan ang quest dahil sa magandang rewards, syempre natural lang iyon, paghihirapan mo muna ang isang bagay bago mo makuha ang gusto mo. Pero gayon paman, walang pagdadalawang isip ay tumuloy parin ako at pumasok sa Newbie Training Center na punong puno ng determinasyon.

Pero nang makapasok na ako sa mismong training center, bumungad sa aking harapan ang mga players na bawat isa ay naka pwesto sa ibat-ibang uri ng training grounds. Makikita ang nanlulumong mga katawan nito na halos mga lantang gulay na ang mga mukha sa kaka ensayo ng ilang oras pa lamang ang itinagal.

Pinuntahan ko ang Quest NPC para ipasa ang nakuhang quest kanina sa harap ng training center. Gusto kong masimulan agad ang quest sa madaling panahon, kinausap ko ang isa sa mga NPC Instructor na naka pwesto nag susupervised dito sa center.

Nang makita niya na papalapit na ako ay bigla itong nagsalita, "Hello, Young Adventurer. Gusto mo bang subukin ang iyong tatag para sa additional stats bago ka mag level 10?" Tanong ng matipinong Instructor na may nakasulat sa kanyang nameplate na 'Blade City Instructor, Giove' na nakasabit sa kanyang dibdib. Natigilan ako sandali dahil parang tunay na tao talaga ang kumausap saakin. Ang galing ng technology na'to, nakaka hold ng conversation ang mga NPC dito.

Matipuno si Mr. Giove at makisig ang pangangatawan. Mapapansin din ang kanyang magandang leather armor at golden sword na nakakabit sa kanyang kaliwang bewang.

"Yes, gusto ko ng mag umpisa agad!" Determinado kong sagot kay Instructor Giove.

[You accepted the quest]

Tinuro ng Instructor ang mga dapat gawin at naghabilin ito na isa lang ang paraan para maging malakas, ay ang pagiging positibo at dertiminado sa mga bagay na iyong pinaghirapan at sa huli ay masukilian ito ng magandang rewards.

Nag simula agad ako at pinili ko mag training sa Strength Training Grounds. Kinuha ko ang Wooden Sword na may bigat 10 kilo, pero hindi naman ako nahirapan dahil sanay ako sa mabibigat na trabaho sa construction site. Nai-angat ko ang mabigat na Wooden Sword at inumpisan na ang pagpalo sa isang Dummy.

Sa isang iglap ay kalahating buwan narin ang nakalipas. Nasa Strength Training Grounds parin ako na walang tigil kakapalo sa training dummy sa aking harapan gamit ang mabigat na Wooden Sword.

Plak. Plak. Plak.

"OMFG, kaya pala ang ganda ng rewards dahil ganon rin pala kahirap ang quest! No wonder ang daming nag quit ilang oras palang bago sinimulan ang quest."

Walang pinagka-iba ang oras sa loob ng laro at tunay na mundo. Nagtrabaho parin ako sa umaga at naglalaro tuwing gabi. Wala akong ibang ginagawa sa loob ng game, ginugol ko ang anim na oras araw-araw sa paulit-ulit na pagpalo ng dummy. Humihinto lamang ako para magpahinga sa tuwing nagugutom o di kaya'y nauuhaw. Minsan inaabot ako ng katamaran pero iniisip ko nalang para sa future ko to!

"Weird, Ilang araw na siyang nasa training grounds. Wala ba siyang balak mag pa level up?"

"Anong benefits makukuha niya sa kakarampot na dagdag stats."

"Baka gusto niya maging Brawler Class, alam kong may mataas na Strength Requirements bago makapag upgrade ng Brawler class."

"Hmp! Makikitid lang ang mga utak na tatagal sa training na ito, 2 to 4 stats na dagdag ay ok na para magsimula sa mga quest. Mas sufficient mag pa level up nalang."

Dahil sa pagiging stubborn ko sa pag tre-training ay napapansin na ng mga ibang players sa training center. Sa una, ay na we-wirdohan sila sa akin. Dahil sari-sari ang mga pananaw ng ibang players at mga Adventurer NPC saakin, ang iba ay naawa dahil sinakrispiyo ko raw yung oras na dapat sana ay nag pa-level nalang kaysa mag sayang ng oras kaka-training para lamang sa kakarampot na stats.

Di'ko alam ko maiiyak o matatawa ba ako sa mga narinig kong sabisabi ng mga players. In-ignore ko lahat ng mga ito dahil nakakasira ito sa aking will of fire. Nagpapatuloy parin ako sa kakapalo at walang signs na mag give-up sa training.

Ilang araw nanaman ang dumaan pero wala parin tigil ako sa paghahampas sa dummy. Dahil dito ay mas dumami na ang mga players na nakapansin sa akin na walang tigil sa training. Kumalat rin ang bali-balitang may isang desperadong weirdong player nag sasayang ng oras sa training grounds.

Kalaunan ay isa-isa ring dumarami ang sumasabay sa akin sa training grounds. Ngayon wala nang tumatawa sa akin, napalitan ito ng admiration. Halos lahat ng players na nag tre-training sa kani-kanilang training grounds ay dahan-dahang nagtatagal at naging pursigido.

Siguro parang isang corona virus na nakakahawa ang determinasyon at perseverance ko. Halos lahat ng mga players ay na impluwensyahan sa mga ginawa ko at isa sa naging inspirasyon ng mga newbie na ipagpatuloy at umaasang matapos ang buong quest. Sino ba namang kumag ang ayaw sa napakagandang rewards? Diba?

*Pak*

Kalaunan, dahan-dahan ring nasisira ang Training Dummy, at sinabayan ng walang humpay na pagtagas ng pawis at pagbaba ng stamina bar ko. Indikasyon ito na matatapos na ang Strength Training. Para akong nabunutan ng tinik pati ang ibang mga players ay nagbunyi dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may nakatapos na ng isang Training Grounds na kailan man ay di nangyari sa Blade City.

<<<<<<<<>>>>>>>>

Later sa distant future, naging main attraction ng mga newbie ang training center dahil kay Roan A.K.A Anvart. Naging 'Must Quest' ng mga newbies na umaasang lumakas at mag top sa ranking.

May isang player na nagsabing, "Kung gusto niyong lumakas, gayahin niyo ang masochist na si Anvart!"

<<<<<<<<>>>>>>>>

"

Wahh, bilib ako sa lakas ng loob ng batang to."

"Diko akalain na may makakatagal sa hellish training na ito"

Usap usapan ng mga ibang players sa paligid ko, puno ng sila ng pagkamangha at admiration.

Pinag igihan ko pa ang pag palo sa dummy, hindi dahil may mga cheering squad ako kundi dahil papalapit na ang pagtatapos ng aking paghihirap.

*Pak pak pak*

Tunog nang huling tatlong hampas nang biglang na wasak ang Dummy at bumagsak ang mga parte nito sa training flat form. Kasunod naman nito ang pag labas ng semi transparent notification window sa aking harapan.

[ You have successfully finished the Strength Training Grounds ]

-Strength has raised by 100.

-Fame has raised by 10.

-You gained 2,000 Coins.

Instructor Giove is Proud of you.

Instructor Giove Friendship points raised by 20.

Dahil nakatapos ako ng isang Training, nakatanggap agad ako ng dagdag stats. Tsaka ang pinaka asam kong 2,000 coins.

"Nice, nice. Laki ng tinaas ng attack damage ko at physical defense."

Naramdaman ko agad ang kakaibang pwersa na dumaloy sa aking katawan. Para akong naka inum ng Energy drink. 

Habang abala ako sa kaka inspect sa newly found power ko ay may biglang umakbay sa balikat ko.

"Bilib ako sa tibay at lakas ng loob young adventurer!" Sabi ni Instructor Giove at nag thumbs up.

"Ahmm sir, pwede na'ba ako mag simula sa next training?"

"Oh! Ofcourse, pero sigurado kaba Young Adventurer? Baka kailangan mo munang magpahinga ng ilang araw?"

Takang tanong ni Instructor saakin. Alam ko kailangan kong magpahinga pero di ko afford mag sayang ng oras. Kailanagan ko ng pera para makapag simula na ako sa plano ko.

"No need sir," Sagot ko sa kanya.

"Ok, ok! Pagnatapos mo ang iyong next training, may surpresa ako sayo. Fighting!" Nag thumbs up si Instructor bago umalis.

Ayon nga, tumungo agad ako sa next training ground at yun ay ang Dexterity Training.

Nang mapansin ng mga players na pumwesto ako sa next training ay napa nganga sila ng bibig. Dahil wala pang ilang minuto na kakatapos sa training then pumunta nanaman ako sa kabila para mag umpisa.

"Woah!! Robot ba siya? Di napapagod?"

"Kahit robot nauubusan ng power at nalolowbat, pero itong newbie na ito ay walang kapagaguran. Sabihin nyo nga saakin kung tao ba talaga siya?"

Gumawa nanaman ng alboroto ang ginawa kong iyon. Ikinagulat ng nakakarami ngunit tulad ng dati, ini-ignore ko lang sila.

Tumayo ako sa isang Platform sa loob ng Training Grounds, ang training grounds na ito ay pinaghalong Dexterity at Agility Training. Ang purpose ng training na ito ay hinahasa ang dexterity ng kamay at agility ng paa, galaw at bilis ng katawan.

Kakailanganin ko lang i-disemble ang isang Mechanical Dummy sa starting stage at dalhin ang bawat piraso nito sa final stage. Pero bago makarating sa final stage ay kinakailangan kong malagpasan ang mga iba't-ibang traps at obstacles gamit ang bilis at gilas ng katawan. Ang mga pirasong nakalap ay kakailanganin i-asemble at buuin ang mechanical dummy sa final stage.

Sa unang kalahating oras ay madali kong natatawid ang magkabilang stage. Dahil na siguro  sa pagiging fit ng aking katawan, kaya't mag jojogging ako araw-araw! Naka tulong rin ang kaalaman ko sa iba't-ibang uri ng martial arts. Kahit nalimitahan ang aking bilis dahil sa mababang Agility Stats ng aking Avatar, ay hindi ito naging hadlang.

"Hmp.."

*Swosh* *Swosh* *Swosh*

Magkasunod na paglipad na mga arrows sa lahat ng aking direction. Pag tumama ito ay maari kong  ikamatay dahil wala akong armor o defense dahil nga ay newbie ako. Pero kahit ni isa ay bigo akong tamaan. Para akong isang isda sa karagatan na malayang lumalangoy at walang hirap na da-dodge ang mga arrow at shuriken. Pati mga nakatagong pit holes na may mga nakatayong wooden spear sa loob ng butas ay walang hirap na dinadaanan ko lang.

Subalit pag lipas ng mga araw ay nag iiba ang pwesto ng mga traps at random nag a-activate sa tuwing na tri-trigger ko ang mga ito. Mas humirap nga ang training.

Lahat ng mga players na naka tambay sa tabi ay di maiwasan ang pag bugwa ng kanilang mga mata at pag nganga na kanilang bibig na kasing laki ng apple.

Hindi lahat ng mga players dito ay may kaalaman sa martial arts, kaya ganon na lamang ang kanilang pagkamangha. Di ko naman sila masisi dahil sa halos kinalimutan na ang mga ancient martial arts at ibang sports dahil sa pag usbong ng makabagong technology. Iilan na lamang sa mga sports game ang nilalaro ng mga tao, kaya ganon nalamang ang mga tao sa generation na ito ay matataba dahil halos lahat ng mga gawain ay automated na.

"My gosh, napaka galing niya!!"

"Bilib ako sa determinasyon ng batang to"

"Woah, lodi pa autograph!!"

"Sus, kulang sa atensyon!"

Di maiwasan ang usap-usapan ng mga players sa aking paligid.

Sigh. Wala ba kayong magawa? Imbis na  mag tsismisan kayo, eh dapat nagpa level kayo! Mapapa facepalm ka nalang sa dami ng freetime ng mga taong to.

Sa loob ng sampung araw ay walang humpay at matiyagang kong ginagawa ang training na ito. Umulan man o maaraw at minsan nag i-snow ay di mapipigilan ang aking determinasyon!

Binuksan ko ang aking 10 Kilo Capacity [Newbie Bag], "Ahh.. naubos na Hard Bread ko.."

Sa loob ng ilang buwan na pag tre-training ay puro Hard Breads lang ang nag papahupa ng aking gutom. Tama, nakakaramdam rin ng gutom at uhaw sa loob ng laro kaso walang mga flavor pagkain dito. Gayon paman, kailangan kong kumain para hindi maubusan ng Stamina at maiwasan magkasakit na pwede kong ikamatay dito sa game. At bawat death ay may katumbas na penalty.

Kukuha nalang siguro ako ng tubig na maiinum sa south district para i refill ang aking lalagyan.

Burrgg...

Tumunog nanaman tiyan ko...

***•***

Southern District, Blade City |

"Whoa.. bat ang sarap ng tubig sa fountain?"

Pagkadating ko ay uminum agad ako ng tubig sa fountain, kakailanganin kong uminom man lang para hindi tuluyang mauubos ang stamina.

Ngunit nang kumuha ulit ako ng tubig para sa second round ay may napansin akong dalawang malaking puting bundok sa aking harapan, "Hmm, Mount Fuji?"

Napaka puti nito, sigurado akong malambot ito dahil bilog na bilog.

Diko maiwasan na mapatingin rito at tila bang na hypnotize ako sa mala alamat na hugis na iyon. Syempre, dahil healthy guy ako, kaya't diko mabaling ang dalawa kong mata sa  magandang tanawin na naka presenta sa aking harapan. Napansin ko nang biglang tumingin saakin ang nag babaeng nag mamay-ari ng dalawang legendary na bundok.

*Pwoshh*

Nabilaukan ako sa ininum kong tubig at naitapon ko ito ng buo sa mukha ng babae. Ang babaeng ito ay naka bowed position at kitang kita ang nakalabas na malusog na cleavage na sa mga oras na iyon ay kumukuha rin ng tubig a fountain.

~Itutuloy ang adventure ni Roan/Anvart.

Please vote and comment para ganahan ako mag sulat mga lods!

Author's note:

Minsan magtataka kayo dahil may nabago sa past chapter dahil pinapalitan ko ito. Baguhan lang po ako sa pagsusulat kaya maaaring magkaroon ng ilang mga pagbabago tuwing binabasa nyo ang mga chapter. Ine-edit ko ang ilang bahagi nito kung sa tingin ko kailangan talaga palitan.