Chereads / Legendary Slime Tamer (TAGALOG) / Chapter 6 - Job Quest

Chapter 6 - Job Quest

| Construction Site |

Pagdating ni Roan sa construction site ay napakunot ang kanyang noo at gumihit ang nag aalalang mukha nito.

Nag simula na ang ma-batong, ma-buhangin na trabaho sa site. Nag aalangan si Roan pumasok dahil ayaw niyang maka tikim ng walang humpay na sermon ng time keeper nila.

Habang sa isang sulok ng site ay may isang medyo chubby na nasa 6 flat ang height. Nagbubuhat ito ng apat na sako ng cemento at dinadala sa taas ng building, nang biglang may napansin itong pamilyar na tao na nag aalangan pumasok sa gate.

"Roan?" Sabi ng chubby.

*Plak*

Binitawan niya agad ang apat na sako ng cemento at bumagsak ito sa lupa.

Walang pakialam sa kanyang paligid ay tinungo agad ang lalaking chubby sa gate, ang chubby na ito ay si Ken.

Sumisigaw ito habang tumakbo patungo sa gate, "Roan, ba't di kapa pumapasok?"

Dahil malaking tao si Ken ay syempre inaasahan ring malaki ang boses nito, kaya dumagundong ang boses nito at maraming nakarinig, pati narin ang Time Keeper na masungit.

"Roan bat ngayon kalang?" Nakakunot ang noo at nakataas ang isang kilay ng Time Keeper na naunang dumating sa harap ng gate. Napaka pangit ng mukha nito kasing pangit ng umaga ni Roan.

Napayuko ng ulo si Roan at hindi sumagot, hindi dahil sa takot siya, ayaw niyang magsalita at magbigay ng rason dahil alam niyang hinding-hindi ito maniniwala sa kanya.

Ang tanging inaalala niya, ay baka maapektuhan ang kanyang sahod sa araw na ito. Napakarami niyang babayarang bills: bills ng kuryente at internet, kaya't wala siyang magawa kundi yumuko nalang at baka sakaling palalampasin lamang ito ng Time Keeper.

"Dahil late ka ng 20 minutes, kahit papasok ka sa umagang ito ay i ma-mark parin kita ng absent. Ibig sabihin ay half-day, mababawasan ang sahod mo ng kalahati para sa araw na ito" Pinaliit ng Time Keeper ang kanyang malaking mata.

Sa katunayan ay may punto naman ang sinasabi ng Time Keeper. Kung mahuhuli ng ilang minuto ay mas mabuting na umuwi nalang kaysa magpatuloy, dahil kahit magtratrabaho sa umaga at hapon ay halfday parin ang i re-record sa attendance nito.

"Sinong babawasan ng sahod?" Malaking boses ni Ken na dumagundong sa tenga ng Time Keeper, lumaki ang mata nito at napalingon sa likuran at nakita niya ang kakarating lamang na si Ken.

"Pero, young mas.. ay este Ken.... May rules tayo rito..." Medyo takot na boses ng Time Keeper.

"Walang 'pero', 'pero'.." Ngumiti si Ken at hinila papasok si Roan sa gate.

Ngunit bago umalis si Ken ay nag bigay ito ng babala sa dumbstruck na Time Keeper, "Wag na wag mong gugulihin si Roan at gawin mo siyang excempted sa rules. Maliwanag?"

"Sigh.. Maliwanag" Walang magawa ang Time Keeper, sa ayaw at gusto niya ay kailangan niyang sundin ang bawat salita ni Ken.

"Roan, baka kailangan mo ng pera para sa Game Capsule?"

"May extra akong  pera rito, pwede kitang pahiramin kung gusto mo?" Sincere na alok ni Ken kay Roan. Alam niyang mahilig sa games si Roan kahit ayaw man nito aminin ay kitang kita niya sa mga mata nito na ninanais ni Roan makapag laro ng Virtual Game.

Nag pause muna si Roan bago nakasagot sa alok ni Ken, "Ahmm, sa katunayan, naglalaro na ako ng WCCO"

Ayaw niya sanang ipagsabi sa iba na naglalaro siya nito pero dahil mabuti ang intensyon ni Ken at ang tanging isip nito ay makatulong sa kanya, ay pinaalam niya ito.

"Ano? Woah... bat di mo sinabi agad? Anong level kana?"

"Kaka simula ko palang..."

"Sige pag nasa level 50 kana ako na bahala sa level cap quest mo." Alok ni Ken na tulong, dahil alam niyang mahihirapan si Roan pagdating ng level 50.

Lahat ng level 50 users ay makakaranas ng level cap o paghinto ng pagtaas ng level, hindi aangat ng level 51 kung hindi gagawin ang raid sa loob ng cave na kilala sa tawag na LCQ o Level Cap Quest.

Nagpatuloy ang usapan ng dalawa habang nagta-trabaho. 

Sa Bahay ni Roan |

Umuwi si Roan na pagod ang katawan ngunit hindi ito hadlang para mapigilan ang kanyang paglalaro. Pagkatapos niyang kumain ay diretso siyang nag login sa game.

*Ding*

Humulma ang buong katawan ni Roan sa plaza ng South District ng Blade City. Pagkalabas niya ay dali-dali siyang umalis sa lugar, sa pangamba na baka makita siya ng members ng Ascension Guild.

Dumiretso sa Training Center si Roan at pinagpatuloy ang training sa Dexterity Platform dahil nanganga-lahati na siya rito.

"Anong ginagawa ni Boob Freak rito!?" May isang player na nag tre-training dito sa training grounds ang nakapansin at namukhaan si Roan. Ang user na ito naroon sa kaguluhan sa araw na iyo. 

"Boob Freak? Pre, anong ibig mong sabihin?" Nang marinig ang pinagsasabi ng isang user na ito ay nagtipon agad ang mga tsismosong users na puno ng curiousity at tanong sa kanilang mga mukha.

Isinalaysay ng player na iyon ang bawat pangyayari. Ang galing ng acting ng user habang kuhang kuha niya ang mga eksena at dialogue sa araw na iyon.

"Patay! Tiyak hinahanap na siya ng mga miyembro ng Ascension Guild"

"Wag na kayong lumapit sa kanya kung ayaw nyong madamay sa kaguluhan"

Lahat ng mga players ay lumayo kay Roan na parang may nakakahawang sakit, lahat sila ay takot sa Ascension Guild. Pero tulad ng dati ay hindi binigyan tuon ni Roan ang mga pinagsasabi nila, kung ayaw nila kay Roan, ay mas lalong ayaw ni Roan sa kanila.

"Kalalaking mga tao, ang gagaling sa tsismisan, hays..." Napa sumpa nalamang si Roan sa kaibuturan ng kanyang puso.

Hanggang isang buwan narin ang nakalipas ay hindi lumabas si Roan ng Training Center lahat ng oras niya ay nasa training lamang at walang iba. Sa katunayan ay ayaw pa ni Roan na makaharap ang ascension guild pero inaasahan niya itong bibisitahin siya nito sooner or later. 

Lahat ng oras niya ay nasa training hanggang lumabas sa kanyang harapan ang isang notification message.

[ You have successfully finished Dexterity Training Grounds ]

- Dexterity stats raised by 100

- Agility stats unlock and raised by 10

- Reflexes stats unlock and raised by 10

- Fame raised by 20

- You gained 2,000 Coins

- Instructor is proud of you

- Instructor Friendship points raised by 10

Gaya ng dati ay binuksan ni Roan para makita ang kanyang bagong stats at ang naipon niyang coins. Napakasaya ni Roan dahil Ilang araw palang sa tunay na mundo ay naka 4,000 coins na sya, 4,000 pesos narin kung i co-convert ito sa tunay na pera.

Kahit natapos ni Roan ang dalawang uri ng Training Grounds ay walang sinong player ang nag congratulate sa kanya. Ayaw ng mga players na mapalapit kay Roan dahil sa ginawa nitong kabastusan sa Ascension Guild.

"Ma- Try nga ang bago kung battle power sa labanan."

Napagpasyahan ni Roan na pataasin ang kanyang level kahit 2 levels man lang.

"Teka san ako mag sisimula?" Napagtanto ni Roan na wala siyang ibang quest maliban sa Newbie Training Quest.

"Logout!!"

Lumabas si Roan galing sa loob ng game palabas sa real world para maghanap ng guides sa forum.

Umupo si Roan sa harap ng desk at binuksan ang PC. Nangalap ng impormasyon sa loob ng mga forums. Tinungo niya ang guide section kung saan nakalista ang mga ibat ibang guides.

Halos isang oras na si Roan kaka surfing sa forum, "Bakit puro basic quest ang naka post sa forums?"

Walang nakitang quest na naangkop sa fame stats ni Roan, dahil puro 100 fame pataas ang required bago makuha ang quest na nakalista sa forum.

"Imposibleng walang ibang quest na hindi ba-baba ng 100 fame? o baka sadyang ayaw ng ibang players na i-post ang kanilang nakalap na impormasyon?" Sumakit ang ulo ni Roan sa kakahanap sa mga forum threads ng magandang guides pero wala siyan makita. Lahat ng mga nakalagay na guides ay tungkol lamang sa Main Story Quest na makukuha sa Mission Board ng Blade city.

Habang nag iisip si Roan ay biglang siyang may naalala na dapat una niyang gawin, "Mas mabuting uunahin ko nalang muna ang Job Quest"

Dahil blacksmith ang gustong job ni Roan ay tumungo siya agad sa Northern District ng Blade City, dito matatagpuan ang NPC Blacksmith na magbibigay ng Job Quest kay Roan.

"Ang tahimik naman rito..." nang makarating sa North District natulala si Roan ng ilang sandali, dahil bago sa kanyang paningin ang pagiging walang tao sadaan, "Siguro walang masyadong nagpupunta rito dahil lahat ng quest ay nasa west district"

"Pero naka open naman lahat ng mga NPC Shops at ibang mga stablishment."

Ilang sandali lang ay nakatayo na si Roan sa harap ng malaking gate. Sa loob ng gate na ito ay may malawak na bakuran at sa dulo nito ay may nakatayong isang Mansion.

Masasabing isa itong mansion dahil napakagara ng disenyo nito at gawa ito ng iba't-iba uring mamahaling minerals na pang gamit sa exterior ng bahay. Hindi mo aakaaling isa lamang itong pagawaan ng mga weapons at armors,  "Siguro isang sikat na blacksmith ang may ari nito.."

Sabik si Roan na makukuha niyang Job dahil ang mag mementor sa kanya ay isang sikat na blacksmith. Kung isang kilalang NPC ang tutulong sa kanya ay tiyak may special technique siyang makukuha na wala sa ibang blacksmith.

Pumasok si Roan sa gate at dumiretso sa mismong pinto ng malaking bahay.

"Tao po!!" Kinatok ni Roan ang pinto ngunit bago pa tumama ang kanyang kamay ay bigla itong bumukas.

"Tabi!!" Sinalubong siya ng isang babae na madungis ang mukha at puno ng pawis ang buong katawan.

Nagmamadali ang babae palabas ng gate at may dala-dalang malaking box sa kanyang dalawang kamay. Sa isang iglap ay nawala ito sa paningin ni Roan at hindi niya alam kung san pumunta.

Napakamot nalang si Roan ng ulo at di alam kung anong nangyayari.

Pumasok sya sa bahay at bumungad sa kanya ang makalat na mga kagamitan sa sahig.

Napaka normal ng interior sa loob ng bahay, kabaliktaran ito sa labas na parang mansion. Malapit kung saan ang furnace, may lalaking nakaupo. Isang matandang lalaki sa rocking chair na naninigarilyo. Puno ng kulubot ang mukha nito at nakabalot ang bibig sa parang gubat na bigote. "Dwarf? pero hindi naman siya pandak?"

Nilapitan ito ni Roan para humingi ng Job Quest para maging isang apprentice.

Pero bago pa makapag salita si Roan ay naunahan siya nito.

"Kung gusto mo maging isang Blacksmith ay kailangan mong sundin ang mga ipapagawa ko sayo ng walang reklamo."

"Ayaw ko sa taong maraming tanong" dagdag nito.

Nakaupo lamang at hindi tinignan si Roan ng matandang blacksmith habang nagsasalita.

"Opo, naparito ako para maging isang apprentice" nag bow si Roan sa harap ng matandang blacksmith.

"Kung ganon, kailangan mong magbayad ng 2,000 coins para sa admission fee." Humithit ulit ito ng sigarilyo.

"Admission fee?" Di maiwasan ni Roan na maitanong sa kanyang sarili. Sa pagkaka alam niya na walang admission fee ang pag kuha ng Job.

Nagduda siya nang makita ang lamesa sa harap ng matandang blacksmith. Nakapatong ang sampung bote ng alak at mga pulutan nito.

Mabuti nalamang ay may 4,000 coins si Roan galing sa training grounds bilang rewards, kung hindi ay mapipilitan siya na mag ibang job nalang. Bagama't namamahalan ay inisip nalamang ni Roan ang katagang 'Where would harvests come if not for the investment?'

Nang makita ng matandang blacksmith ang pag abot ng pera ni Roan ay nag simula na itong magbigay ng quest.

"Dahil pursigido kang maging isang blacksmith ay kailangan mong sumunod sa iuutos ko."

"Sa ngayon, bilhan mo ako ng mamahaling inumin sa Tripod Town."

******

New Quest!! |

Ang utos ng lasenggerong matandang blacksmith.

Difficulty: Rank F

Dahil sa problemang hinaharap ng blacksmith shop owner ay naging stress ito at nawalan ng gana sa pag papatakbo ng kanyang shop.

Nalulung ang matandang ito sa bisyo at posibleng hindi na kukuha ng iba pang apprentice.

Para mabago ang kanyang isipan ay kailangan mong dalhan ng isang first class na inumin ang matandang blacksmith na mabibili sa Tripod Town.

Requirements:

1st class na inumin ang bilhin.

Sa loob lamang ng isang buwan, kailangan maihatid ito bago magbago ang isip ng blacksmith.

Rewards:

Baka magbabago ang isip ng blacksmith at tuluyan kanang kunin para maging apprentice.

Pagnatapos ito ay makakatanggap ka ng limang uri ng minerals na kakakailanganin sa crafting ng una mung gawa at ito ay manggagaling mismo sa blacksmith.

Friendship points sa blacksmith +50, Fame +20, Strength +50.

Quest failed:

Wala nang pag-asa para ikaw ay maging apprentice.

Ang Friendship points sa blacksmith ay mababawasan ng 50.

Pag nag fail ang quest, may babayaran kang multa, 2000 coins.

******

"Wtf!! Anong uri na job quest to? hindi naman related sa pagiging blacksmith ang inumin tapos may multa pang kasama pag nag fail?"

Napamura ng buong puso si Roan sa natanggap na quest.

Nagdadalawang isip tuloy si Roan na tanggapin ito. Balak niyang i decline nalamang ang quest at kukuha nalamang ng Job Quest sa ibang City.

Hindi sumagot si Roan at nag taimtim ng ilang minuto.

"Argghh.. dahil andito narin naman ako ay kukunin ko na lamang ito."

Kahit alanganin, sa huli ay tinangap parin ni Roan ang quest dahil mahihirapan siyang pumunta sa ibang city. Bukod sa malayo ang mga ito, ay siguradong napakaraming monster sa daan na hinding-hindi niya kayang labanan.

"I promise na first class wine ang maiinum mo" Sagot ni Roan tila walang gana.

*Ding!*

[You have Accepted the Quest!]

Umalis agad si Roan sa blacksmith house at pumunta sa sentro ng blade city. Tinignan niya ang mapa na naka paskil dito.

"Shit, bat ang layo?"

Dalawang Village at isang Town ang kanyang madadaanan bago maka rating sa Tripod Town.

"Argh, dahil sa penalty at multa ay di ko basta-basta na ma i-cancel ang quest."

Kasunod ay nagtanong tanong siya sa mga NPC sa daan at nagbabakasakali na bigyan siya ng karagdagang quest tulad ng monster subjugation quest.

"Ang sungit naman nun?" lumabi si Roan nang tanggihan siyang kausapin ng NPC, dahil mababa at hindi abot ng charisma stats ang required na kausapin ang NPC para magbigay sa kanya ng side quest.

"Che.."

Nagpatuloy sa paglalakad lakad si Roan habang sinisipa ang isang lata sa daan.

"Hmm..."

Napadaan ang kanyang tingin sa isang Weapon Shop at naalala niyang kailangan niya ng armas para sa range attack.

Ayon sa forum at guides na nababasa niya,  may kalamangan ang pag gamit ng ranged weapons sa grinding ng monster. Isa na ritong advantage ay ang atake ng isang user galing sa malayo, at mas madaling makaiwas sa ilang mga atake galing sa monster.

Isang pangunahing bentahe ng mga range weapons ay maari ring i-target ng user ang particular na weakpoints o isang bahagi ng katawan ng monster para mas mapadali patumbahin kaysa sa mga close combat o melee type users.

Pumasok si Roan sa Weapon Shop at namili ng bow at arrows. Nang mastisfy siya sa bigay ng stats ng bago niyang armas ay umalis na siya at hindi na naghanap ng quest dahil wala naman siyang mapapala sa mga npc dahil hindi naman siya papansinin nito.

Gumastos siya ng 600 coins para sa akanyang bow at arrows at sa tuwing naalala niya ang quest na bigay ng lasengerong blacksmith ay napapa mura siya, kahit naghihina ang loob ni Roan ay pinagpatuloy parin niya kanyang paglalakbay.

Sa labas ng West Gate, Blade city |

"Magpapa level muna ako bago tutuloy sa daan."

Sa labas ng West gate ay may mga newbies na naka tambay lang at nag aalangan na pumatay ng monster.

"Aww, ang cute nila!" Sigaw ng isang babaeng user na kinuha ang isang cute na bunny at hinug ito.

"Shit Di koyang pumatay pag ganito ka cute"

"Taena GM! palitan niyo monster dito."

Lahat ng mga users na gustong mag grind ng EXPs ay di magawang saktan ang mga cute na monster na ito.

Kahit si Roan ay nag aalangan ituktok ang kanyang hammer sa cute na puppys at bunnys.

"Demn, di ako mag lelevel-up kung ganito ang kalaban."

Naghanap ng ibang pwesto si Roan. Ilang metro ang layo niya sa west gate ngunit ganon parin ang mga monster na nakikita niya.

"Anong laro ito!? Damn you, kung sinong gumawa ng larong ito!" Mga hinaing ng ibang users sa paligid.

Di alam ni Roan ang gagawin ngunit wala siyang magagawa dahil ang pinunta niya rito ay mga EXPs galing sa monster. Nilakasan niya ang loob at sinubukang patayin ang isang Puppy.

*Pak!*

Isang hampas lang gamit ang kanyang Hammer ay napiga ito at namatay.

[ Little Azure Puppy has been killed ]

- No Primal aspect beads acquired.

- Hammer Mastery Unlock

- Beginner Hammer Mastery (Lv. 1) proficiency raised by 3%]

Laking gulat ni Roan nang na 1 hit niya ang isang level 1 monster, "Wow, ang laki ng damage ko?"

"Kyahh!! Baby puppy!!" Sumigaw at itinulak si Roan ng isang babaeng newbie habang kalong ang patay na little azure puppy.

"Nasikmura mong patayin ang inosenteng creature na ito?" Mangiyak ngiyak na babae habang konomfronta si Roan.

"Hayz, what a drag..." Napakamot nalang ng ulo si Roan. Tamad siyang magbigay nang rason sa makikitid ang utak.