| Plaza ng Doro Village |
Bulalas at pagkagitla ng mga manonood na players sa biglaang turn of events! Napalunok sila ng gabundok na tigang laway, hindi nila inakala na inatake ni Jozard na sa ngayon ay poot na poot kay Doranbalth.
Bilang isang Brawler, purong purong pwersa at physical damage ang gamit na atake ni Jozard na naka target kay Doranbalth. Itinikum niya ang kanyang kamao at kasunod nito ay nag transform ito na parang isang kuko ng leon at hinaluan niya ng offensive skill, ang wrath na ito ay nakasaad tatama diretso sa mukha ni Doranbalth.
Beast Fist!
Dahil dito, nagulantang si Doranbalth, gamit ang kanyang espada ay sinalo niya ito at umaasang masasanga. Hindi niya inakala na mataaas ang level ni Jozard kaya't hindi siya nag atubili kanina na i-provoke ito, kaso ngayon ay nag sisi siya sa kanyang ginawa. Walang gamot sa pag-sisi, at isa pa, may nakatanim na hidwaan sila ni Jozard kaya handa siyang kalabanin ito.
Pero bago paman magka salpukan ang kamao ni Jozard at ang espada ni Doranbalth ay biglang silang natigilan. Hindi sila tumigil dahil sa ginusto nila, kundi dahil may sadyang tumigil sa bawat atake nila.
"Sinong....."
Biglang may tumubong mga malalaking halaman sa kanilang paaanan at sinalo ang aatake ni Jozard gamit lamang ang mga galamay nito, pati si Doranbalth ay hindi exempted. Silang dalawa ay pinalibutan ng mga galamay at napatigil sa kanilang kilos, sa ilang sandali ang buo nilang katawan ay nabalutan ng mga vines at galamay ng mga halaman.
[ Status ailments applied, you are suffering Paralyzed Effects ]
-Temporarily won't be able to move
[ Status ailments applied, you are suffering Poisoned Effects ]
-Attack power and all stats decreased
[ Status ailments applied, you are suffering Dizzy Effects ]
- Attack accuracy greatly reduced
Ito ang lumabas sa harapan nila Doranbalth at Jozard bilang notifications at kasabay nito ang malakas atΒ magandang tinig na dumiretso sa lahat ng tenga na naka present sa plaza sa mga oras na iyon.
"Ganito ba kayo sa tuwing magkikita ay parang mga batang kalye na nag sasabunutan sa daan? Ang bababaw naman ng mga magigiting na miyembro ng Ascension Guild at Valiant Guild..."
"Hayzz.. Hindi ba kayo nahihiya? O.. hindi
kayo dinidisiplina ng mga Master nyo?"
May halong paniniphayo at mapanukso ang tono ng pananalita ng babaeng player na kakarating lamang sa village at ang unang ginawa niya ay ang humadlang sa hidwaan ni Doranbalth at Jozard, hindi lamang ang dalawang nag aaway ang kanyang pinariringgan kundi pati narin ang mga master ng dalawang kumag nato.
Base sa kanyang salita ay hindi dinidisiplina ng maayos ng master ang kanilang mga miyembro. Pero ganon paman ay walang ni isa ang may lakas na loob na mag refute, kahit medyo disrespectful ang pananalita nito, ay siya namang napaka lamig at ganda pakinggan ng boses niya sa pandinig, parang masuyong niyayakap ang kanilang mga puso.
Halos napatulala ang ibang players, ang iba naman ay nawalan ng ulirat. Para silang pumasok sa isang pantasya at malabong magising pa. Ngunit naputol lang ito nang may di kilalang player ang naka recognized kung sino ang nagmamay-ari ng misteryosong boses na ito.
"Tignan nyo.. Ang Guild Master ng Elementals na si Herzy a.k.a Wood Queen!!" Tumingala sa taas ang player habang nakaturo ang hintuturo nito. Dahil dito, sinundan ng mga ibang players ang direksyon kung saan siya nakaturo.
Nakita nila sa himpapawid ang sampung malalaking dahon na nakalutang sa hangin, at hindi lang iyon, ang mga dahon na ito ay malalaki at may nakapatong na mga players sa bawat isa nito. Isa itong Abilities na makaka generate ng Flying Mount at gawa sa wood style Skills ni Master Herzy.
Dahan-dahang nag descend ang mga dahon hanggang sa makalapag ito sa sahig ng plaza, kasunod nito, si Herzy ay bumaba na parang isang prinsesa sa kanyang karwahe. Ang pangyayaring iyon ay sapat na para mag-kinang ang mga mata ng mga lalake at pati narin ang mga ibang kababaihan ay hindi exempted.
"May Alliance Treaty tayong pinirmahan at isa na sa mga napagkasunduan sa alliance meeting ay bawal ang anumang labanan sa pagitan ng mga kasapi ng alyansa."
Dahan-dahan lumapit si Herzy sa dalawang player na parang statwa at sinabing, "Isantabi nyo muna ang hidwaan sa pagitan nyong dalawa, diba may mga mission kayong na ipinag kaloob sa inyo na inyong mga master?" Lumiit na parang half moon ang napaka-fierce na mga mata ni Herzy at sa isang kaway lamang ng kanyang kamay ay naalis ang binding skill na naka gapos sa katawan nina Jozard at Doranbalth.
Napa-yuko na lamang sina Jozard at Doranbalth na parang mga basang sisiw, hindi sila nangahas na mag ingay o ni isang salita. Fierce ngunit may alindog na mga titig ni Herzy ay para siyang bagong Hotty Homeroom Teacher na pinapagalitan ang dalawang estudyante.
"Oh ano pang ginagawa nyo rito?" ng makita ni Herzy na hindi pa gumagalaw si Jozard at Doranbalth ay sinagawan niya ito.
"Tama! Mag si alisan na kayo, wala ba kayong quest? Aba, kung ganon marami kayong free time" Nang makita ng isang Sword Mage user na kasamahan ni Master Herzy na walang kibo at hindi pa nag si alisan ang mga player ay nag step up ito, siya na dati'y tahimik lamang na nasa likod ng kanyang master. Kasabay nito ang unleash niya ng kanyang armas na dati'y yakap yakap niya.
"Che, akala mo kung sino? Pag andito si master Florante tignan natin may mailalabas pa kayong salita sa inyong mga bibig" Ito ang nasa isipan ni Jozard, Tinitigan nya ng matulis si Herzy hanggang papunta sa babaeng may yakap yakap na espada bago umalis.
Pati si Dorambalth ay di nagpahuli ay umalis na rin, dahil may Mission pa silang ggagawin na bilin sa kanila ni marshall aribeth. Unlike kay Jozard si Doranbalth ay nagagalak sa pag pag-interrupt ni Master herzy, dahil kung nagkataon na nakipaglaban siya kay Jozard ay sigiradong mapapahiya siya at ang malupit pa nito, pati ang kanyang Guild ay masasampal sa mukha ng kahihiyan.
Nang marinig ng mga ibang players na nakiki tsimis sa public show ang boses ng babaeng may yakap yakap na espada ay hindi rin sila nagpahuli at umalis agad, dahil ayaw nilang maipit sa kaguluhan at isa pa ay andyan si Herzy na ayaw na ayaw nilang ma-offend. Pati si Roan ay di nagpahuli, umalis agad siya dahil nag aalala siyang baka maunahan siya ng iba sa natuklasan niyang cave.
"Sana hindi na ako naki viewing sa labanan ng mga high levels, dapat kanina pa ako bumalik sa cave habang busy sila sa dog fight.... " Napahawak si Roan sa kanyang noo, nakalimutan niyang may treasure pa siyang babalikan ngunit nadala siya sa heat of the moment. Pero ganon paman ay hindi siya masyadong nag sisi dahil gusto din niya naman malaman ang battle power ng mga high levels para alam masukat niya ang sariling lakas kumpara sa iba. Syempre, mas maganda kung siya mismo ang participant sa labanan.
"Marami pa akong kakaining bigas. Tsk, kailangan kong makuha ang treasure chest then makapag grind ng EXPs para makahabol sa ibang players" Ito ang nasa isip ni Roan habang Patalon talon siya sa mga puno. Strangely, napansin ni Roan na napakaraming players sa loob ng Forest.
South Suburb ng Doro Village |
"Demn, ano to? Open season ba ngayon?" Di siya makapaniwala, hindi niya mabilang ang mga players na pa gala-gala rito sa forest. Kahit saan siya papunta, saan siya pumatong o saan siya lumingon ay may mga players na may hinahanap sa loob ng forest.
"Di ko akalaing ganito ka lubha ang sitwasyon... Pano nato ngayon, di ako makapunta sa cave ng freely dahil baka mapansin nila at masundan nila ako" Huminto sa isang puno si Roan at pinag masdan ang mga players sa baba. Meron din mga ibang players katulad niya na nasa taas ng puno at ang iba naman ay nasa himpapawid na naghahanap sa baba gamit ang kanilang mga flying mounts.
*Shuuum*
Malakas na hangin na galing sa taas ng himpapawid ang sumagi at dumaan kay Roan na sa mga oras na iyon ay nasa taas ng puno at nag mamasid sa mga players sa baba. Dahil sa naramdamang hangin sa likod ay napalingon si Roan at inalam kung ano at saan galing ang napakalakas na hangin na iyon.
"!!!!"
Halos tumalon palabas ang puso ni Roan ng makita niya kung saan ang source ng hangin. Nakita niya ang isang flying beast mount habang na naka lock ang titig nito sa kanyang posisyon. May mukha itong Agila ngunit ang katawan nito ay sa leon, ngunit ang apat na paa nito ay may mga kuko na kahalintulad ng sa isang uri ng dinosaur na isang Pterodactyl at may malapad na mga pakpak na sampung metro ang haba.
Sky Beak Beast!!
Parang pinako si Roan dahil sa titig na para siyang nilalamon sa void. Namangha at natulala na may halong takot ang makikita sa maputla na mukha ni Roan ngunit naputol lang ito ng may pamilyar na boses ang nagsalita, "Heh, diko akalain na dito kita matatagpuan!"
"Ang tadhana nga naman.... " Bumababa ng lipad ang Sky Beak Beast hanggang sa makita ni Roan na may nakasakay palang player sa likuran nito.
"Du... Durian... balth!?" Dahil sa takot ay napasigaw si Roan at subconsciously ay napaatras siya at malapit siyang mahulog sa sanga ng kanyang kinatatayuan.
"Bastardo sinong durianbalth? Do. ran. balth.. Doranbalth ng Ascension guild!!" Tumubo ang mga ugat sa noo ni Doranbalth ng makita niya ang pathetic na pagmumukha ng kumag na si Roan. Wala pa sinong may lakas na bastusin ang kanyang prideful na pangalan, sino ba ang kumag na ito na hanggang langit ang pagkabastos nito?
"Oh, Doranbalth ba? my bad!" Inosenteng sagot ni Roan.
"Damn you! Damn lahat ng iyong angkan! Boob freak! Kahit kailan hindi ka talaga nauubusan ng kabulastugan!" Naalala ni Doranbalth ang mga pangyayari, ang pag logout ni Roan sa kayang harapan bago pa tumama ang kanyang atake.
"Tignan natin kung hanggat saan ang tapang mo! Guys.. Hulihin ang boob freak nato!"Β Utos ni Doranbalth sa kanyang party members na nasa kanyang likuran.
Walang sinayang na sandali ang apat na miyembro ng party ni doranbalth sa kani-kanilang flying mounts. Kung gusto nilang hulihin at habulin si Roan ay kakailanganin na hindi sila nakasakay sa mga mounts dahil maraming puno rito sa Forage Forest na pwedeng maging disturbo o pagtaguan ni Roan, kaya't mainam at mabilis kung sila mismo ang tutugis sa kanya.
"Oh shit.." Nataranta si Roan at hindi niya alam ang gagawin, naisip niya ang dati'y tricks na ginawa niya sa harapan ni Doranbalth.
"Log out!!!!" Sumigaw si Roan sa kanyang isipan para i command ang logout system. Ngunit laking gulat niya nang hindi siya lumabas sa game.
[ Not on safe area, you cannot logout. ]
"Logout!!!"
[ Not on safe area, you cannot logout. ]
"GM! Sign out!!"
[ Not on safe area, you cannot logout. ]
Ilang beses ring sinubukan ni Roan ngunit walang nangyayari, dahil hindi safe area ang forage forest dahil may mga monster rito unlike sa blade city kung saan naka logout siya ng success. Nang makita niyang papalapit na ang distansya niya sa apat na mga players ay tumigil na siya sa pag command ng system at tumalon pababa para tumakbo at maghanap ng matataguan.
So, gaano ba kalakas ang Ascension guild? Level 50 pataas ang requirements para makapasok sa Guild nila at may dadaanan pang trials bago makapasok at maging official member. May 5000+ members ang registered sa kanilang guild at halos lahat puro high levels, kaya't kahit gaano ka tulin at may extrang stats na dagdag si Roan ay malabo niyang matakasan ang mga elite players na naghahabol sa kanya.
Lahat sila ay level 50+ pataas, kahit ang tanker nila na isang Long Axe user ay hinding hindi napapagod kakahabol sa kanya, may babaeng Magic user na nakasakay sa isang Broom stick na parang nag i-skate board sa hangin. Meron ding Archer na panay tira ng mga arrows sa kanyang likuran habang tumatakbo. Pati Support user nila ng isang Acolyte ay walang kapagod pagod nakasunod habang nag cha-chanelling ng kanyang support buffs na nagpapataas ng speed at stamina sa buong party.
"Ahhhh. Ba't lagi akong minamalas?" Reklamo ni Roan sa kanyang puso ngunit wala siyang magagawa dahil ang kaganapan na ito ay dahil na provoke niya ang isa sa mga bigshot dito sa human continent na si Doranbalth. Ang nagpapahirap nito ay pati ang buong guild ay may hostility sa kanya.
"Damn, damn, damn, shit, shit, shit..... Bakit.... bakit.." Cursing ni Roan.
"Yow, boob freak!! Wag na natin pahirapan ang isa't isa. Ibigay muna ang sarili mo samin, promise hindi ka namin papatayin ng madali!" Sigaw ng isang Tanker na may dalang long axe. Habang tumatakbo ay pinupursige niya si Roan. Kahit may kabagalan man ang takbo nito kaysa sa mga kasamahan niya ay hindi tumataas ang distansiya niya kay Roan. Lahat ng kanyang nadadaan ay nabubuwag, mga malalaking bato, mga malalaking roots ng puno, minsan pati mga puno napuputol sa isang hampas ng kanyang long axe.
"Mr clean, wag ako!!" Sumbat ni Roan sa tanker habang tumatakbo, napaka shiny ng ulo nito na parang si bembol roco.
*Swosh*
Dahil sa tugon ni Roan kay Mr clean ay lumingon pa siya para replyan ito, salamat sa kanyang mataas na perception ay nailagan niya ng bahagya ang biglaang atake ng arrow na tatama sana sa kanyang mukha. Laking gulat niya dahil sa kanyang harapan nanggaling ang arrow na iyon.
"Di nga!?" Nanlaki ang kanyang mga mata na parang mga itlog, dahil nakita niya sa kanyang harapan ang isang Archer na nakatayo sa di kalayuan na naghahanda ng isang arrow para tirahin siya.
Di niya inakala na naunahan siya ng Archer, mataas kumpyansa niya na makakatakas sa kanyang mga pursuer dahil sa kanyang mataas na movement speed. Dahil dito, nag iba siya ng direksyon ngunit nagulat nanaman siya ng makita niya sa kaliwang direksyon ang Mage na nag i-skate board sa hangin gamit ang broom stick, naka ready na ang mga kamay nito na may dalang bolang apoy. Pati sa kanyang kanan ay andun narin ang Support type nila na isang Acolyte. Gamit ang kanyang battle mace sa kanyang kaliwang kamay habang sa kanan naman ang librong nakapatong sa kanyang dibdib.
Lumingon si Roan sa likuran ay ang kakarating lamang na si Mr. Clean at sa taas naman ng himpapawid ay si Doranbalth na puno ng contempt ang bawat titig nito. Sa isang iglap ay napalibutan siya agad ng walang ka hirap hirap. Sabagay, normal lang naman mahabol nila si Roan dahil sa mataas na level gap.
"Oh ano? Kamusta? Papalag ka paba? huh? Boob freak?" Sabi ni Doranbalth sa taas.
"Heh, mga bully, ganyan ba kayo sa Ascension guild? Pinag didiskitahan nyo ang katulad kung lowbie" Sabi ni Roan habang nagpapakita ng inosenteng mukha. Kahit saang angulo ay matatawag itong bully dahil sa level gap nila kaya ito ang ginamit ni Roan na panglaban dahil alam niyang wala na siyang kawala, atleast ipanamukha niya kung gaano ka dirty ang ginagawa nila ngayon sa kanya.
"Bully?" Snort ng babaeng Mage at nag sabing, "Bully my ass! Dapat lang sayo yan! Boob freak na manyak! Dapat sayo ipako sa crux at putulin yang pangatlong paa mo!" Ang tono ng pananalita ng babaeng Mage ay puno ng pandidiri at pagka irita.
"Heh, hindi ko naman sinasadya yun!" Dinepensahan ni Roan ang kanyang sarili ngunit bago pa siya makatapos ay Bigla siyang inatake ng Archer.
Tripple Strife!!
"Whish Swish Swish!*
Tatlong magkasabay na arrow na may halong lightning elements na lumipad at naka target sa mga weak points ni Roan!
Nang mapansin niya ang panganib na paparating ay nag activate siya ng passive skill.
True sight!
Dahil sa option ng True Sight, may -10% motion speed ang lahat ng bagay na mahagilap sa kanyang paningin, sa madaling salita ay - slow motion. Nagkulay green ang kanyang mga pupils at sabay ilag sa tatlong arrow na naka lock sa kanyang weak points, ang ulo, dibdib at ankle. Lahat ng pag ilag niya malapitan lamang, kung nahuli ng ilang miliseconds si Roan ay siguradong GG siya.
"True sight? Archer job din siya?" Tanging ang Archer lamang ang nakapansin sa ginamit na passive skill ni Roan, dahil tulad ni Roan ay may True sight din siya dahil siya ay isang legit archer. Nagtataka siya kung bakit may ganitong Skill si Roan kung hindi naman siya bihasa sa archery. Ayon sa kanyang obserbasyon na kasuotan ni Roan ay malabong isang Archer job si Roan dahil sa equipped niyang normal novice set at halatang wala pa siyang main job class.
Under normal circumstances ay maari lamang ni Roan matutunan ang passive skill na ito kung nasa mataas na siya na level at kung balak niya talaga maging archer. Napakataas ng required dexterity stats para gumamit ng bows at para ma-unlocked ang passive skill na ito.
Unfortunately, hindi normal novice si Roan. Hindi nila alam na may mataas na Dexterity stats siya dahil sa beginners training grounds. Mismo ang mga Top Ranker sa larong ito ay hindi tinapos ang beginners training dahil magsasayang lamang ng oras ang quest na ito.
Sa di kalayuan, napansin ni Roan na naghahanda na i-cast ng mage ang dalang fireball nito, agad ay binunot ni Roan ang kanyang bow at arrow sa loob ng kanyang beginners spatial bag.
"Hellburn Fiery Fire Ball!" Sa utos ng Mage, ang dati'y nasa palad ng mga fireball ay lumutang sa hangin at lumipad papunta kay Roan.
Kasabay ng paglipad ng Fireball na parang raging fire na kakain kay Roan ay parang dadalhin siya nito papuntang impyerno. Then bumuwelo si Roan ng lakas at i-tinira niya ng full force ang hawak na bow. Kumawala ang arrow sa bow na parang bala ng baril!
Umaasa siyang kahit sumakabilang buhay siya ay at least dadalhin niya ang isa sa kanila, at ang target niya ay ang Mage na mahina sa physical defense!
*Swish*
*Gruuuhh*
Hindi na nakailag si Roan dahil nung binalak niya ito ay may kidlat na nakabalot sa kanyang katawan! Paikot ikot ang dilaw na kidlat sa buong katawan na parang mga ahas.
[ Status ailments applied, you have been suffering Shock Effects]
-Unable to take actions
Dahil sa Triple strife ng Archer ay di naka galaw si Roan dahil may Option na pag successfully tumama ito ay may chance na mag take effect ang Shock effect nito.
Nagulat si Roan dahil hindi tumama ang Triple Strife sa kanya ngunit ang hindi niya alam ay ay may area damage ito, kahit literally na hindi tumama sa kanya ay may fragments parin ng lightning elements ang arrow na kahit madaanan lamang siya nito pero pasok sa area damage, ay wala parin siyang kawala.
*Swuuumm*
Hellburn Fiery Fire Ball
[ Status ailments applied, you are suffering Burn Effects]
90% HP remaining
70% HP remaining
30% HP remaining
10% HP remaining
2% HP remaining
Warning!! you are about to die!
Nilamon ng nagbabagang apoy ang buong katawan ni Roan, feeling niya ay nasa impyerno siya at nasusunog sa magma, ngunit madalian lang ang experience niyang ito dahil inalis agad ng Mage ang apoy sa isang galaw lamang ng kanyang mga kamay. Kaya kahit papano ay hindi naging abo si Roan at may natitirang kakarampot na HP sa kanyang avatar.