Chereads / Legendary Slime Tamer (TAGALOG) / Chapter 16 - Team Doranbalth II

Chapter 16 - Team Doranbalth II

'Jafazar the Goblin Lord' ito ang mga nakasulat sa uluhan ng Humanoid Monster na nakatayo at nanggigilait sa harapan ng Party ni Doranbalth. Matangkad ito, kasing taas ni Yao Ming ng NBA at biniyayaan ng matipunong pangangatawan. Kulay green ang balat at napuno ng mga ornaments ang leeg at mga braso nito, ornaments na gawa sa mga buto. Nakalabas ang ang dalawang pangil sa kanyang mga bibig at medyo gulat pa ito sa pagkakaalam na nag fail ang kanyang paunang atake.

Nag hesitate ang Goblin Lord at nilakasan ang kanyang loob dahil alam niya malakas ang kalaban niya. Napakapit siya ng mahigpit sa hawakan ng kanyang dalawang rough battle axe. Umatake itong muli ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na siya sinalubong ng Tanker na si Jovlar, instead, umalis pa nga ito sa kanyang pwesto, tila bang nagsasabing 'Go ahead, hindi ako mag ta-tank sa kanila. Goodluck!'

Nang makita ito ay nairita ang Goblin Lord at punong puno ng fierceness ang kanyang nga mata, 'Hindi ba nila alam na boss ako o naliliitan kayo saakin? Kung ganon ay pagbabayaran niyo ang pag look down sa akin!' Ito ang nasa isipan ng Goblin Lord.

Nag Roar ito ng nakakabingi, sa pagkakataon ito, gagamit siya ng offensive abilities. Pomorma siya ng pa ekis gamit ang kanyang axe, sa pag wave nito ay isang pulang Aura na nag hugis X na puno ng killing intent nu lumipad patungo sa buong party ni Doranbalth. Rumaragasa ito ng walang tigil, lahat ng nadadaanan ay na wawasak at nagigiba.

Nang makita ang Atekeng ito ay napangiti lamang si Doranbalth, "Isa ka ngang Epic Boss, tsk tsk. Too bad, kami ang nakalaban mo!" Sumenyas siya ng 'go signal' sa dalawang damage dealer nila.

Lumuhod ang isang tuhod ni Enton habang naka alalay naman ang isa niyang paa sa sahig. Hinila niya ng full force ang string ng kanyang bow, kung titignan ng mabuti sa tigas ng paghila ay lumabas ang mga ugat na kanyang braso, dahil dito parang mababali ang kanyang Bow ng anumang oras.

Charging Arrow!

Matagal ang casting ng skill nato dahil sa nag iipon ito ng enerhiya kaya kailangan may nakabantay sa kanya para hindi maunahan ng kalaban pero sa sitwasyong ito ay di na kailangan, dahil si Doranbalth ay mag ba-buy ng time para sa kanya.

Tumayo ng matuwid si Doranbalth at binunot ang makinang na espada sa kanyang scabbard. Inilagay niya ang kaliwang kamay sa likod habang ang kanan ay nakahawak sa espada at naka point sa direksyon ng paparating na Atake ng Goblin Lord.

Piercing Strike!

Kaswal na tinusok ni Doranbalth ang ang espada niya sa wave attack ng Goblin Lord. Nang magharap ang mga ito ay biglang nabasag ang unstoppable na pulang wave, naging particles ito at nag dissipate sa hangin. Walang ka effort effort na winalis ni Doranbalth ang nasabing atake. Para lamang itong itlog na hinagis sa matigas na bato.

Shhhhhhhhhhh, kasunod ng pag tunog na parang kwitis ay kumawala na ang arrow na chinarge ni Enton. Napaatras ng bahagya si Enton sa kanyang position dahil sa outburst ng naipon niyang energy sa loob ng katawan ng arrow. Lumipad ito ng mabilis, kasing bilis ng sound, kaya malabong maiiliganย  ng Goblin Lord ang talim nito!

Plok!!

Dahil Strength base ang Goblin Lord wala itong magawa kundi harangin ito gamit lamang ang puro niyang lakas. Ginamit niyang panangga ang dala niyang Battle Axe ngunit bigla itong nabasag, kahit nagkasalubong ang arrow at axe ay nagpatuloy parin ito sa paglipad. Imbes na mabawasan ay mas lalo itong bumilis at dumiretso sa dibdib ng Goblin Lord.

Sa lakas at bilis ng Arrow, pati ang malaki at mabigat na katawan ng Goblin Lord ay na drag, dinala siya ng Arrow na parang papel at ipinako sa pader. Sa lakas ng burst at destructive force ng Charging Arrow ay gumawa ito ng straight line sa grounds at yumanig bahagya ang Cave.

[Jafazar the Goblin Lord: 3% HP Remaining]

Sa lakas ng power damage nato ay muntikan ng mag instant kill ang skill ni Enton, pero hindi siya nasiyahan sa result na ito, sapagkat hindi niya ito napatay ng 1 hit. Kilala si Enton sa buong kingdom bilang 'One shot, one kill' gamit lamang ang charging arrow niya. Isa itong Talent Skill na unique sa isang player, hindi ito nabibili o na ha-hunt sa raid, makukuha lamang ito sa paulit ulit ulit na training at pag level up ng kanyang Bow Mastery.

Sa mga oras na ito, si Roan ay nakatago sa di kalayuan at nasaksihan niya ang labanan ng Team Doranbalth at Goblin Lord. Sa nakita niyang mga aksyon rito ay halos mag skip ng beat ang kanyang puso, hindi niya akalaing na langit at lupa ang pagitan ng lakas niya at lakas ng team ni Doranbalth. Kung si Roan ang tatanungin, hindi ito matatawag na labanan, more like, isa itong one sided massacre!

Tit!

[Warning: Invincibility time remaining is 3:67 minutes.]

Shit!

Kailangan na niyang umaksyon! Balak niyang agawin ang ang last hit ng Boss. Kanina bago mag simula ang labanan ay napag desisyonan niyang kunin ang para sa kanya. Alam niyang napaka shameless ng kanyang binabalak ngunit naiisip niyang siya ang unang naka diskubre ng Cave kaya naturally ay sa kanya ang mga bagay at monster loob nito. Nagkataon naman na ang gagaguhin niya ay masasabingย mortal niyang kalaban, dahil may hidwaan na sila sa isa't isa ay labas na ito sa konsensiya niya.

Napatingin si Roan sa kabilang bahagi ng Cave, dito, tahimik na nagmamasid ang Masked Player. Dahil sa laki ng espasyo ng Boss Room ay malabong makikita ang buong paligid rito dahil sa kakulangan ng ilaw, hindi rin siya napansin ng Team ni Doranbalth dahil naka pokus sila sa Goblin Lord. Hinala ni Roan na isang Assasin Class ang Masked Player ito dahil bihasa ito sa pagtatago at camouflage.

"Assasin pero gumagamit ng Espada? Hmm.." Naala ni Roan ang encounter niya sa Masked Player, sigurado siyang hindi short sword gamit nito kundi isang standard long sword.

******

Lumapit ang buong Team ni Doranbalth, pinagmasdan ang pilit na kumakawala na Goblin Lord. Naka pako ito sa pader at nakatuhog sa Arrow. Pinilit nitong tanggalin ang Arrow na naka tuhog sa kanyang dibdib ngunit nang mahawakan niya ito ay bigla siyang nakuryente at naparalyze. Alam ng Goblin Lord na nasa tight spot siya kaya isa nalang ang paraan.

Roar!! Hinagpis na ungol ng Goblin Lord, nag iba ang kulay ng skin nito, kanina ay kulay green ngayon ay naging pula! Sunod-sunod naman ang paglabas ng buffs notification.

[Rage Mode Activated]

Essence of Life Activated

Attack Damage Increased

Defensive Barier Cast

Damage Immunity for 30 seconds

Dahil sa ginawang damage dealt ng Team ni Doranbalth ay bumababa sa 3% ang HP nito, lahat ng Boss Monster dito sa World Combat Continent Online ay may kakayahang mag self activate ng Rage Mode State sa tuwing bababa ng 10% ang kanilang HP. Isa sa mga effects nito ay regeneration ng HP hanggang 30%, tataas ang base damage, malalagyan ng defensive armor at immunity sa kahit anong Physical at Magic attack kahit mga debuffing skill ay hindi uubra pag pumasok sa ganitong state ang mga Boss.

Sa ganitong sitwasyon ang maaring gawin ay maghintay ng 30 seconds hanggang sa mawala ang buffs nito at saka pa lamang paulanan ng offensive attack hanggang sa mamatay ito. Ngunit hindi lamang ang Rage Mode ang dapat bantayan kundi ang special skills nito na ilalabas bago ito mapatay.

"Jovlar!" Sumenyas si Doranbalth sa Tanker na maghanda. Ilang sandali lang ay maririnig ang mga bitak ng lupa at sinabayan ng pag lindol. Sumunod rito ay ang paglabas ng mga skeleton army galing sa hukay. Isa isa itong nag popup sa buong cave. Ilang segundo lang ay napapalibutan na agad ang buong Team ni Doranbalth ng mga Skeleton Army.

[Special Skill: Call of Dead]

Tinignan ni Roan ang Team ni Doranbalth ngunit laking gulat niya na walang pinag bago sa expression nila, tulad ng dati ay nakangiti parin si Doranbalth kahit wala na silang matatakasan.

"Guys, lets rock!" Excited na sabi ni Doranbalth at sinimulan na nila mag linis ng mga kalat dito sa Cave.

"Stone Tablet of Lauriel" Sigaw ni Yunzu at bumagsak galing sa taas ang isang Stone Tablet na may naka sulat na latin at pumagitna sa buong party. Nag emit ito ng kukay green na ilaw na bumalot sa katawan nila, naramdaman agad ng Team ang pag gaan ng kanilang pakiramdam at regenerate ng HP nila. Isa itong Area of Effect (AoE) continues healing skill!

"Anchor Howl!" Ipinukpok ng Tanker ang kanyang Long axe sa malaki niyang shield at naglabas ito ng enerhiya na humihila sa kalaban para atakihin siya. Ang sinu mang mahagip ng skill na ito ay kailangan umatake sa caster ng skill kung hindi ay magkakaroon sila ng penalty na ang kabayaran ay ang kanilang buhay. Walang magawa, ay nilanggam agad ang Tanker na si Jovlar ng daan-daang Skeleton Army.

"Mana Channelling" Pagkatapos ma i-cast ni Yunchi ang kanyang skill ay hinawakan niya sa balikat si Enton. Naramdaman agad ni Enton ang pag dagsa ng mana na pumapasok sa kanya galing kay Yunchi.

Inilagay ni Enton ang bow sa kanyang likod dahil hindi niya ito kailangan for now. Nag pose siya ng stance na para bang bini-visualise niya na tumitira siya ng arrow sa taas at sinabing, "Raining Arrow, " at yun nga, ay nag form at lumabas ang umiilaw na arrow at bow sa kanyang mga kamay na parang magic.

Swish swish swish kasabay ng tunog na ito, ay walang tigil na tumitira sa itaas si Enton. Dahil gawa sa magic ang arrow at bow, kakailanganin niya ang mataas na Mana Point (MP) at sa tulong ng 'Mana Channelling' ni Yunchi ay unlimited ang naging atake niya. Umulan ng maraming arrow sa buong paligid, kahit random ang pag hulog ng mga arrows, sa dami ba naman ng kalaban ay tinamaan parin ang mga ito. Isang arrow, isang patay, 'One shot, one kill'.

Swing~

As usual, normal swing attack lang

ay nasa sampung Skeletal Army ang nagka watak-watak sa daanan ni Doranbalth. Lahat ng humaharang sa kanyang harapan ay napipitas, para lamang siyang namamasyal sa park.

Bawat step niya ay may buhay ang na kikitil, palapit na palapit na siya sa Goblin Lord na ngayon ay successful na nakatakas galing sa kanyang pagkatuhog sa pader. Ang mga Skeletal Army na ito ay diversion lamang at alam ito ni Doranbalth. Kaya, siya na mismo ang unang lumapit sa Boss ngunit napakaraming Skeletal ang nakapalibot rito at pinoprotektahan ang amo nila.

Habang palapit na ang Finale ng labanan, sa kabilang banda, si Roan ay seryosong pinagmamasdan ang one sided massacre na ito. Ganon din ang Masked Player, naka standby lang ito sa gilid. Habang patapos na ang labanan ay walang tigil ang pagtibok ng puso ni Roan, kinakabahan at parang na tatae dahil patapos na ang effect ng kanyang invisibility, mahigit isang minuto nalang ang natitira.

Jafazar the Goblin Lord: 30% HP Remaining.

Bumagsak ang huling Skeletal Army sa harapan ni Doranbalth at ilang metro nalang ang pagitan nila ng Goblin Lord, "Tapos ka na bang magpahinga? Now, DIE!" Biglang nawala si Doranbalth sa kanyang kinatatayuan. Nang lumabas ito ay nasa harapan na siya ng Goblin Lord na sa mga oras na iyon ay nataranta.

"Moon Slice!"

Swing ng espada ni Doranbalth na hugis half moon na may nakakasilaw na ilaw at puno ng destructive power. Na paralyze at hindi makagalaw ang Goblin Lord sa effect ng ilaw na iyon, nalaman nalamang niya na bumagsak nalamang ang dalawa niyang braso sa sahig.

Roar!

Jafazar the Goblin Lord: 10% HP Remaining

Dumanak ang dugo sa sahig na walang tigil pero hindi rin tumigil sa pag atake si Doranbalth.

Shing~

Nawalan ng pakiramdam sa kanyang mga hita ang Goblin Lord, nalaman nalamang niya na nawalan na siya ng balanse dahil hindi na konektado ang kanyang hita sa kanyang katawan!

Jafazar the Goblin Lord: 1% HP Remaining.

"Now na!" Kumilos na si Roan, alam niya ito na ang chance niya! Ngunit laking gulat niya na gumalaw narin ang Masked Player sa kanyang lugar.

"Pareho pala kami ng binabalak!?"

Warning: Invisibility 30 Seconds Remaining.

Napa clench nalamang si Roan ng kanyang panga at itinuloy parin ang balak niya, ika nga 'now or never'.

Bahala na si Lord!!

Ngunit kahit anong bilis ni Roan ay naiwanan agad siya ng Masked Player. Malabo niyang matatalo sa speed competition ang Masked Player dahilย  sa pagkakaalam niya ay posibleng super Ranker ito, kaya nauna itong dumating sa nag hihingalong Goblin Lord. Nagulat si Doranbalth at hindi agad naka react dahil never ever sa kanyang panaginip na may mag sasabotahe sa kanyang pag aari!

"Sino ka!?" Tanong ni Doranbalth sa naka maskarang player sa kanyang harapan ngunit hindi siya pinansin nito at nagpatuloy sa kanyang binabalak.

Inilabas agad ng Masked Player ang Espada at walang ano-ano ay itinusok sa sa katawan ng Goblin Lord. Isang pitik nalang ay mamatay na ang Boss at kung sino ang last hit nito ay makakatanggap ng 'Personal Belongings' galing sa boss at posibleng Aspect Gear kung suswertihin.

Nang makita ito ay nanlumo si Roan pero nilakasan niya ang kanyang loob. Wala na siyang pake kung makaka offend siya at makakagawa ng kalaban dito sa game. Inilabas niya agad ang limang slime na itinago sa loob ng kanyang katawan at itinapon sa Goblin Lord.

Mimicry!

Nag transform ang limang slime at naging Illumi-Butterfly at nagpakawala ng nakakasilaw na ilaw! Lahat ng paligid ay nagliwanag, lahat ng labanan sa loob ng Cave ay natigil dahil sa matinding liwanag na gawa ng mga Illumi-Butterfly!

Wah!

Tinakpan agad ni Doranbalth ang kanyang mga mata dahil feeling niya mabubulag siya pag lalabanan niya ito, pati narin ang Masked Player ay napatigil sa kanyang atake.

"Huh? Panong.... " Bago na ilawan ng ilaw ang Masked Player ay nakita niya ang isang tao na naka hoody cape na naglabas ng Slime! Ang pinagtataka niya kung bakit ang mga slime na yun ay naging mga Butterfly.

Pagkadating ni Roan sa harapan ng Goblin Lord ay halos sumabog na ang kanyang dibdib sa kaba at takot gayon pama ay binagsakan niya agad ito ng malakas na atake gamit ang kanyang Hammer.

Boom!

~To be continued