Chereads / Legendary Slime Tamer (TAGALOG) / Chapter 21 - Strongest Assassin

Chapter 21 - Strongest Assassin

Authors note: I really sorry guys kung natatagalan ang mga updates, laging busy si ako at walang time magsulat. Ngayon lang ako nakapag free time kaya may update.

Straight from drafts to guys, pasensya na kayo kung may mga mali kayong makikita pati ibang words na di maintindihan dahil bisaya ako at di masyadong magaling magtagalog.

Sa pagpapatuloy..

Habang naglalakbay sa himpapawid, naghanap sina Roan at ang Masked Player ng lugar kung saan pwede nilang pagtaguan sa loob ng dense forest. Sa lawak ba naman ng forest na ito, na halos kasing laki ng isang bansa o higit pa ay malabong malibot nila ito ng ilang araw lang. Kaya't they keep searching and searching habang si Roan ay matiyagang kumapit sa bewang ng Babaeng Masked Player na parang isang tuko.

Hindi sa nagrereklamo ang ating bida, pero parang maiihi si Roan sa takot sa sobrang taas ng nililipad nila! Nakakalula ang tanawin sa baba, ang liit ng mga puno kung titignan galing sa taas. Di natin siya masisisi dahil may Acrophobia si Roan, takot kasi siya sa matataas na lugar at first time niyang makaka experience ng ganito.

Pero gayon pa man, naibisan ng kaunti ang kanyang takot dahil bewildered siya sa nakikita sa harap ng kanyang mga mata.

Di ko akalaing napaka-vast pala ng mundong ito! Sigaw ng pagkamangha na gumuhit sa mukha ni Roan.

"Hey, bantayan mo yang mga kamay mo ha, gumawa ka ng 'di kanais-nais ihuhulog talaga kita. Hmp!," Babala ng Masked Player.

"Tsk! Ganito lang talaga pagmumukha ko, pero, Im a gentleman you know!"

Pero seriously, ever since naglaro ako ng game na'to, lagi nalang ako na mi-misdunderstood.... Talaga bang mukha akong manyakis?

*****

Matapos halos kalahating oras na paglilibot, dumako ang duo sa isang Waterfalls. Hindi lamang ito isang normal na waterfalls, kundi isa itong Floating Waterfalls. Astounded si Roan ng matanaw niya ang kamangha-manghang tanawing ito, dahil ang tubig na nahuhulog sa falls ay nanggaling mismo sa taas ng himpapawid!

Ang waterfalls na ito ay isang mini island na nakalutang sa taas ng forest, gayon paman, ligtas ito sa mga mata ng ibang Players dahil sa nakapalibot rito ang mga higanteng puno na doble ang taas kaysa sa Hyperion Tree na matatagpuan sa California. Ang gigantic tree na ito ay not your typical trees, literal na napaka lalaki nila, siguro nasa dalawang daan ka-tao ang mag ho-holding hands para lang mapalibutan ang buong katawan nito. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit iilan lamang ang nakaka-alam sa location nito.

"Ito naba yung tinutukoy nilang Floating Insula?" Naalala ni Roan na ang mahiwagang isla na puno ng mga treasures ayon sa mga Players na nag post sa Forums. Kung suswertehin, ay isang Epic Job ang makukuha rito upon completion sa raids!

"Yep" Casual na sagot ng Masked Player.

"So, anong pang hinihintay mo. Tara na, habang mainit pa!" Sabay yakap sa bewang ng Masked Player at sumenyas si Roan para magpapahatid sa itaas ng isla.

"Bitawan mo nga ako! Bawal liparin ang isla na yan!" Sabay sipa kay Roan.

Sungit nito... kung kayong mga babae ang hahawak saming mga lalake, nagrereklamo ba kami? Kainis! Hmp! Dabog ni Roan. Syempre 'di niya ito sinabi ng malakas.

"So anong gagawin natin, umakyat sa puno? Aabot ba yan?" Tanong ni Roan habang naghahanap ng punong maakyatan.

"Diyan sa waterfalls, diyan tayo dadaan-"

"Teka!!" Bago pa matapos ang kanyang sasabihin, pinigilan agad ng Masked Player si Roan nang makita niya itong gustong tumalon sa Waterfalls.

"Bakit?" Takang-taka si Roan. Ano ba talaga?

"Gusto mo na talagang mamatay, ano?" Napa facepalm nalang ang Masked Player sa padalos-dalos na si Roan. Di parin siya makapaniwala na ang taong ito ay isa sa mga tinitingala ng marami. Oh baka ito talaga ang tunay na Roan, napaka idiot!

Kumuha ng isang karne ng monster ang Masked Player galing sa kanyang spatial ring at ihinagis ito sa Waterfalls.

Spatial Ring: Super handy tool na nakakapag-store ng items, skill books, meat galing sa monster, potions or kahit ano pa. Sa madaling salita, isa itong super convenient storage device na pinaoangarap ng mga players.

Bago pa mag land sa tubig ng karneng inihagis ay biglang may sumulpot ng isang malaking Monster galing sa ilalim ng Waterfalls at sinalo ito. Pagkalundag nito sa tubig ay halos nagka Mini-Tsunami sa gubat.

Wtf!? Napaatras si Roan at natumba sa kanyang kinatatayuan.

"A-Ano yan? Balyena or Megalodon!?"

"See? Kahit ako, mahihirapan akong patayin yan kaya sumunod kalang saakin ng tahimik. Understood?" Utos ng Masked Player kay Roan.

Pumasok ulit sila sa gubat para mag detour. Dahil restricted ang flight sa isla, not safe rin ang tubig sa waterfalls, may ibang pang ruta para makapasok sa Levitating Insula at ito ang tinungo nila.

"Wait..." Biglang tumigil sa paglalakad ang Masked Player habang nakikiramdam sa paligid.

"Ano nanaman?" Bagot na tanong ni Roan.

"Pwede bang tumihimik ka muna diyan? Sigh." May na de-detect na presensya ang Masked Player sa tabi ng mga Puno. Di niya alam kung ano at iilan ang nasasagap niyang aura, kaya't binunot niya ang kanyang sandata at naghanda incase may mangyayare.

Ambush??

May importanteng mission pa siyang gagawin. Ayaw niyang mag Fail sa kalagitnaan lalo na't nakasalalay dito future niya sa larong ito. Kampo ito ng mga kalaban, kung mapapatay siya rito, mawawalan ng silbi ang mission niya lalo na't nasa Wingkin Continent ang kanyang Revival Save Point.

Kailangan kung ma-complete ang mission kahit kalabanin kopa lahat ng mga High Levels sa Humankin... Resolved ng Masked Player.

Nang biglang gumalaw ang isa sa mga bushes sa kanilang harapan, walang sinayang na segundo, umaksyon agad ang Masked Player at inunahan niya ito.

Tinarget niya ang bushes kung saan nagtatago ang kalaban ng biglang-

Ugeh! Napa tili ang munting creature na nakatago sa bush. Halos lumabas ang kaluluwa nito sa takot nang makita ang papalapit na blade sa kanyang harapan!

"Isang... Slime??" Buti nalang na itinigil on-time ng Masked Player ang kanyang sandata kundi ay dalawang pirasong jelly ang kahinatnan ng naginginig na Slime.

"M-master!" In-ignore ng Slime ang Masked Player at tumakbo ito na patalon-talon  habang umiiyak at kumandong kay Roan.

Sob*

Sob*

"Awit! Umiiyak pala ang mga monster sa game na'to? Galing ng Game Developers huh," Biro ni Roan.

"Master! Cute Slime ako, di immortal!" Pout ng Slime.

Halos maiyak sa kaka-tawa si Roan sa sinabi ng Slime.

"Asan na yung iba? Ba't ikaw lang ang na se-sense ko?"

"Master, iba lakwatsa sa forest. Laro daw sila muna."

"Huh, Laro?" Sinubukang kontakin ni Roan ang iba pang slime ngunit hindi ito nag re-response sa kanya, "Diba ako master niyo? Ba't ayaw nila akong sundin?"

"Mahina pa Master, Low Level pa at wala kwenta pa!"

Wah! Halos madurog ang puso ni Roan ng masampal ng katotohanan. Ang masakit, nanggaling pa talaga sa bibig ng slime kung saan isa ito sa mga pinakamahinang Monster sa game.

Kung ganon, mas mababa pa ako sa mga slime???

"Hey, pwede bang ipagpaliban muna natin ang reunion niyong mag-Master?"  Interruption ng Masked Player sa dalawa.

"So, saan tayo daan?"

"Follow me," Utos ng Masked Player kay Roan.

******

Sa di kalayuan, may isang puting ibon naka dapo sa malaking puno na nagmamasid sa dalawang player na papasok sa gubat. Tanaw nito sila Roan at ang Masked Player, i-isa lamang ang mata ng ibon na ito ngunit kaya nitong magmasid sa layong kilometro. Para itong CCTV sa kagubatan, isa itong Spy Bird na kontrolado ng isang Tamer.

Ang Spy Bird na ito ay pag-aari ng isang advanced team ng isang malaking party para mag scout ahead.

"Glemn, anong nakikita mo?" Tanong ng isang matipunong lalake na nakasakay sa isang Irk Deer. Siya si Jashralph, nagsisilbing team leader sa grupong ito.

"Isang low level Human at isang... High level Elf?" Sagot ni Glemn habang naka monitor parin sa galaw ng dalawang target sa di kalayuan.

"Elf?? S-Sigurado kaba?"

"101% leader"

"Nice! Estimated combat power?"

"I think... di tataas ng 5 Rings"

"Dron, sabihin mo sa Clan Chat na may Elf Spy sa Forest. Need natin ng Backup atleast level 100 pataas" Utos ng Captain sa isa pa nitong kasamahan na si Dron. May dala itong dalawang blade sa likuran at isang fighter, "Yes, boss!"

Habang maghihintay sila sa main force na nag ca-camp sa di kalayuan, ay na i-imagine na nila ang kanilang posibleng rewards.

Hehe... kung sinuswerte nga naman, pang tatlong spy na namin to this week! Another EXPs baby!

Sabay silang nagtatawanang tatlo sa kanilang bagong mga prey.

Eto ang estilo ng pag gra-grinding nila ng EXPs at Items sa game, unorthodox method na galing sa PK (Player Kill). Lagi silang nag hu-hunt ng mga Players na taga ibang continent na mostly mga spies at mga nag que-quest ng continental mission dito sa Humankin Continent. Bountiful ang benefits na makukuha nila sa event na ito dahil sa Special Mechanics ng Game na kung saan 100x ang rewards na makukuha pag naka slain ng ibang lahi. Para sa iba, ito ang easy way na lumakas pero at the same time sobrang mahirap dahil kailangan mo muna maging malakas para pumatay ng ibang Players.

Pero bago pa matapos ang tinype ni Dron sa onscreen clan chat ay bigla nalang naging dalawa ang kanyang paningin.

[You have been killed!]

Bago pa ma realize ni Dron ang pangyayari, nahati na pala ng dalawang piraso ang kanyang katawan at wala na siyang control sa avatar niya dahil patay na siya. Inilabas agad siya ng sytem at nag auto logout dahil sa penalty ng PK (Player Kill).

"Oho.. ang hihina nyo naman mga kenkoy na Human!" Hindi ma identify na boses na nangungutya sa team ni Jashralph.

"S-Sino ka? Magpakita ka!" Horror na sigaw ni Jashralph. Walang siyang ibang nakikita kundi ang item na uwak na sumalakay kay Dron habang ito ay busy sa pag type sa clan chat.

Pati si Glemn na isang Tamer na may kakayahang maka sense ng ibang aura dahil specialty niya ito ay walang na dedetect sa paligid kundi ang isang uwak na lumilipad sa kanilang harapan.

Tamer na may kakayahang sumanib sa tamed monster nila? Impossible! Teorya ni Glemn na ultimo kahit siya ay di pa niya na a-acquire ang ganitong ability unless isa na siyang high level.

"Oh... No need. No need. Wala kayong rights mga kutong lupa na malaman ang pangalan ko. Basta ang alam ko, mamatay kayo mga noobs." Sagot ng misteryosong boses na naka soround sa gubat na mas lalong nagpapahirap ma-identify ang location nito.

"Hah! Takot ka lang isiwalat sarili mo dahil baka resbakan ka ng Clan namin. Ungas!" Lakas loob na rebat ni Jashralph pero sa katunayan ay takot na takot ito.

"Heh.. Ako? Matatakot sa mga Human monggoloids na katulad ng Clan nyo? Comedyante kaba?" Dahil pipityugin lang naman ang clan na ito, napagpasyahan ng Misteryosong Boses na ilahad ang kanyang sarili.

Ang uwak na dating iisa ay biglang nag clone ng napakarami, hanggang sa nag anyo itong isang tao na nakusot ng black suit na may mga beast fur bilang armor nito.

"B-Beastkin continent player?"

Yup, ang player na ito ay isang Beastkin Player, siya si KillyouAll. Siya ang inutusan ni AL-Khan na isang Player Emperor ng Beastkin Continent para mag imbistiga dito sa Human Continent tungkol sa Legendary Class.

Una, Elfkin and now isang Beastkin Player? Talagang ni lu-look down kami nga mga 'to!!

"Glemn, backup-an moko. Di tayo mamatay ng hindi lumalaban. Akala ng mga kupal na'to na pwede nila tayong apak apakan dahil isa tayo sa pinaka mahina na Continent sa buong server!"

"On your command boss!"

Bumababa sa sinasakyang Irk Deer si Jashralph at inilabas ang kanyang Wand of Alactrity. Isang uri ng Espada na ang functionality ay katulad ng sa isang normal Wand. Si Jashralph ay isang Magic Swordman at ito ang kanyang Aspect Gear na nakuha sa napatay na Monsters.

Inilabas agad niya ang kanyang apat na Silver Rings sa likuran. Gagamitin niya itong booster ng kanyang mga base stats.

"Now! Taste my wrath!!" Roar ni Jashralph na unang umatake sa Beastkin Player. Ini-swing niya ang kanyang espada at nagpakawala ito ng limang sword slashes na gawa sa apoy.

Sunod-sunod ang atake niyang ito pero lahat naiilagan ng Beastkin Player ng walang kahirap-hirap, parang sinasayawan niya lamang ang mga apoy na dumadaplis sa kanya. Sa katunayan nag ha-humming pa ito ng kantang MaPa at hindi gumagamit ng Rings!

Dahil dito mas lalong na enraged si Jashralph, tila bang kinakawawa siya ng kupal na'to!

So nag ho-hold back siya?

Dahil hindi effective, ini-stop ni Jashralph ang kanyang pag atake at nag cast ng mga support skill.

Tignan natin kung hanggang saan yang angas mo! Hmp!

[Speed of Wind]

[Armor of Earth]

[Flow of Water]

[Power of Fire]

Sunod-sunod na casting ni Jashralph ng nga support skill na walang kahirap-hirap, on top of that, na ii-stock itong apat bilang buff sa kanyang katawan na siyang dahilan ng kaunting pagka-amaze na makikita sa mga mata ng Beastkin Player.

"Woah.. Not bad!" Compliment ng Beastkin Player kay Jashralph, "Pero not enough parin para gamitin ko ang sampung porsyento ng kapangyarihan ko."

Kahit tumaas ng leap and bounds ang stats ni Jashraph dahil sa stock buffs, hindi niya parin mahuli huli ang Beastkin Player. Masyado itong mailap, parang isda na ang hirap hulihin!

Talaga bang Mage ang kupal na'to? Tanong ni Jashralph sa kanyang sarili matapos ang unbelievable na speed at foot work nito.

Pero patuloy parin sa pag swing si Jashralph hanggang sa makitaan niya ito ng opening. At this very moment, binuhos niya ang lahat ng power of speed sa kanyang mga paa para mailapit ang kanyang sarili sa carefree Beastkin Player. Nabigla ang Beastkin Player sa biglaang pangyayari ito, pero as usual, nailagan parin niya ang desperate attack ni Jashralph ng malapitan.

"Oh.. Yun na yun?" Biro ng Beastkin Player.

Ha... Ha.... Hingal na hingal si Jashrap pero nakangiti ito, "Yup, yun na yun. Then you're a dead guy"

"What!?" Napansin ng Beastkin Player ang isang kumikinang na 'Mark' sa bandang tiyan, "Marking Seal!?"

"Shit!" Kita ni Jashralph ang pagkataranta ng Beastkin Player.

Asan yabang mo ngayon! The cornered rat will bite the cat ika nga!

"Glemn!" Signal ni Jashralph.

Kinontrol agad ni Jashralph ang hangin at pinalibutan niya ang area

ng Beastkin Player gamit ang kanyang [Air Suffocate] skill.

Dahil sa Marking Seal, lahat ng ibabatong Magic Skill ni Jashralph ay hinding-hindi maiiligan. Ngayon naging isang target practice ang Beastkin Player na walang kalaban-laban kahit gaano pa ito kalakas.

"Hmp. Ito napapala mo sa pag look down samin. Pwe! "

Napahawak sa leeg ang Beastkin Player at nanlilisik ang mga mata nito. Nagpupumiglas ito at ipinilit ilabas ang nakatagong Rings para mai-kansela ang Marking ni Jashralph pero sa kasamaang palad huli na ang lahat. Sinubukan din niyang maghahanap ng hangin pero kahit anong gawin nito ay lalo siyang na su-suffocate!

Ini-Stomp ni Jashralph ang ground gamit ang kanyang mga paa at nawasak ang mga lupa. Kinontrol niya ito at ginawang mga bilog na bato, mga isang daan ang kanyang ginawa at pinaulan niya lahat ito sa Beastkin Player.

Habang si Glemn ay kinontrol niya ang kanyang Tamed Monster na isang [Epic Rate] Firebreed Gorilla. Nagbubuga ito HellFire at lulutuin lahat ng madaanan ng Apoy nito.

Hindi pa dito nagtatapos, another casting ng kanyang mga Magic Skills, [Water Bullets], [Fire Slash], [Wind Blades] at [Earth Barrage]. Talagang nag all out si Jashralph! Kaliwa't kanan ang pagsabog na nag mistulang dinaan ng Delubyo ang lugar!

"Kainin mo'to! Ito pa! Tang-ina mo!"

Argggg!!! Tanging hinagpis lang ang maririnig sa Beastkin Player.

Matapos ang ilang minutong walang awang bombardment, itinigil ni Jashralph at Glemn ang kanilang mga atake. Satisfied si Jashralph at feeling proud. Di niya akalain makakatalo siya ng High level Players na tagang ibang Continent.

Nilapitan niya ang naghihingalong Beast Player na nakahilata sa rumbling ng mga wasak na lupa, sunog ang katawan nito at putol-putol ang ibang parte ng katawan, "Serves you right! Now, tatapusin na kita para may EXPs na ako at kung anong items na ibibigay mo saakin" Dinuraan pa niya ito sa mukha.

Itinusok ni Jashralph ang Wand of Alactrity sa dibdib ng Beastkin Player pero bago pa ito managutan ng hininga, nakuha pa nitong sumenyas sa isang direksyon.

Sinundan niya ito ng tingin, na curious siya sa kung anong tinuturo ng Beastkin Player. Nang makita ang direksyon, laki ng kanyang pagka gulantang. Natumba pa nga siya sa kanyang kinatatayuan, tila bang nawalan bigla ng lakas ang kanyang tuhod.

"I-imposible! WHY?????"

Pati si Glemn napaatras at biglang pinagpawisan sa kanyang nasaksihan.

*Clap*

*Clap*

*Clap*

"Magaling, magaling! Napahanga ako sa abilidad niyo, lalo kana Jashralph. Jashralph ba? Correct? Diko akalain sa level nyong yan, may ganyan kayong Mastery ng Skills. That was praise worthy!" Patuloy parin sa pag palakpak ang Beastkin Player habang naka sitting pretty sa isang malaking bato sa di kalayuan.

"Paano?" Puno ng questions ang terrified na mukha ni Jashralph.

"So akala niyo bang Mage ako? Nope! Isa akong Assassin. Oops! Take note. Pinakamalakas na Assasin sa buong Continent ng Beastkin." Boast ng Beastkin Player.

"Pinaglalaruan mo lang kami...."

"Now, now. Times up. Marami pa akong investigation na gagawin, kaya salamat sa kaunting entertainment. Hehe"

Isang flick lamang ng finger ng Beastkin Player, ay biglang naaagnas ang katawan ni Glemn pati ang kanyang Tamed Monster na Firebreed Gorilla ay di nakaligtas.

'Di biro ang sakit na nararamdaman ni Glemn sa mga oras na iyon, kahit may pain reduction ang larong ito ay hindi parin kaaya-aya ang feeling na matutunaw ang buo mong katawan.

Biglang tumayo si Jashralph at sumakay agad sa kanyang Irk Deer. Kailangan niyang makatakas! Natatakot siyang baka mahulog item niya na kanyang pinaka iingatan. Bumarurot ito palayo at pumasok agad sa masukal na gubat.

Pero bago pa siya makalayo ay bigla siyang nahulog sa kanyang sinasakyang Irk Deer. Biglang naputol ang mga paa neto kaya't na out balanced ito na siyang dahilan ng kanyang pagkahulog.

Sa isang iglap ay biglang nasa kanyang harapan ang Beast Player. Walang sound, walang foot steps! Parang nag-teleport ito sa kanyang location!

"Any last word? Ay.. sorry, kakanood ko ng movies nag ala villain tuloy ako. Any request?"

"P-pangalan mo s-sir? P-para kahit papano a-alam ko kung sino pumatay s-sakin," Nagkanda utal utal si Jashralph dahil sa pressure sa kanyang katawan. Balak niya sanang lumuhod at mag mamakaawa kaso di niya magawa dahil sa bigat ng aura ng Beastkin Player.

"Sorry, still not worthy," Sa isang iglap ay nagkapira-piraso ng tiny bits of meat ang katawan ni Jashralph.

"Hays, ang hihina naman ng mga player sa continent na'to, lang kwenta!"

"Pero except sa isa..." Biglang lumalim ang tono ng Beastkin Player. Naalala niya ang dalawang player na pumasok sa gubat na malapit sa Levitating Insula.

Master Rune- No, Runevart...

So, nagbalik ka?

Sabay pagkimkim ng kanyang mga kamao hanggang sa bumaon ito sa kanyang mga palad at dumaloy ang purple na dugo. Sa bawat patak ng kanyang dugo, maraming mga insecto ang nahuhulog at nawawalan ng buhay. Pati mga buhay na halaman sa kanyang paligid ay isa-isang nalalanta pati puno ay di nakaligtas sa bagsik ng kanyang poison blood.

******

Naglakad papasok ng gubat sina Roan at Masked Player, umikot sila para makita ang daan sa hidden passage ng Floating Waterfalls. Laging maingat at mapagmatyag ang Masked Player sa paligid na siya na mang pagkunot ng noo ni Roan.

"Wag mong sabihing..." Biglang na realize ni Roan kung ano at bakit naparito ang isang Elf sa Hostile Continent ng mga Humans.

Pero bago pa maituloy ang kanyang sasabihin ay naunahan na siya ng Masked Player, "Yeah, tama ang hinala mo. Ang lugar na'to... ito ang ginagamit naming warp zone para makapag secret travel dito sa Human Continent."

"So this is it! Ba't mo sinasabi ang lahat ng mga ito sa akin? 'Di kaba natatakot na ibubunyag ko ang location na'to sa ibang Players?"

"Bat naman ako matatakot? Ang pagkakaalam ko, ang Runevart na nakilala ko ay reliable at honest" Sabay tawa ng marahan ng Masked Player

"Master, wag maniwala sa strangers!" Caution ng Slime.

"People changed.. Lalo na pag gipit hehe, alam mo na..." Pabiro ni Roan.

Oh..

Napatigil sa paglalakad ang Masked Player, "Then, I'll have no choice.. Papatayin kita ngayon din. Ora mismo. Pagkatapos ay susunugin ko ang  parteng ito ng gubat para di mapakinabangan ng iba. Easy peasy japanesezy~"

Oh shit.. Napalunok si Roan ng laway pero kalmado lang. Even though na makapangyarihan ang Masked player ay hindi siya natatakot. May tiwala siya sa kanyang bilis sa pagtakbo lalo na't nasa gubat sila na maraming pagtataguan.

Dumistansya agad si Roan sa Masked Player at naghanda sa kung anong mangyayari, "I-isa ka ngang Spy... P-pero kung babayaran mo ako, baka ititkum ko mga bibig ko"

Bumigat ang tensyon sa pagitan ni Roan at ng Masked Player. Biglang tumahimik ang paligid, tanging naririnig ni Roan ay ang kanyang sariling paghinga at pagtibok ng kanyang puso.

Hmm. Kaya pala alam na alam niya ang bawat pasikot-sikot sa forest even though na not fully explored ang malapad na gubat na ito. Thats because may posible hidden base sila dito sa forest na siyang perfect disguise at undetectable ng mga ibang players! Ito conclusions ni Roan.

Napatawa ng malakas ang Masked Player sa narinig, maingiyak-ngiyak ito at nakahawak ang dalawang kamay sa tiyan.

Habang si Roan naman ay takang-taka sa sitwasyon, "May nakakatawa ba akong sinabi?"

Sira pa ata ang sense of humour ng babaeng to?

Matapos ang isang minutong pagtawa ay nahimasmasan na ang Masked Player, "Tulad mo, wala rin akong pera kaya wala akong maibabayad sayo.. At tsaka its ok na ibubulgar mo ang lugar na ito, marami pa namang ibang warp zone nagkalat sa buong Humankin Continent"

What? Kung ganon... marami pa silang mga warp zone? Madali lang nila kami ma-aatake kung may digmaan!

"About sa spy thingy. Yes, isa akong spy pero hindi ako naparito para kumalap ng mga impormasyon. May iba akong mahalagang mission na gagawin dito sa Humankin Continent, and its personal kaya wag kang mag-alala" Casual na sabi ng Masked Player at nag continue sa pag-clear ang mga damo na kasing taas ng tao.

"Ok.. Sabi mo eh"

After sometime, dumating na sila sa kanilang destinasyon, nakita agad nila isang Warp Stone Tablet.

"Ayun! Yan naba ang magdadala sa atin sa Floating Island?"

"Teka... Shhh!" Sumenyas ang Masked Player na wag maingay, sinunod naman agad ni Roan dahil sa grievous look nito.

"Parang may mali?"

"Ang alin?" Takang tanong ni Roan.

"Pansin moba? Walang anumang huni ng ibon, walang ingay galing sa mga insecto at mga hayop. Sobrang tahimik ng gubat!"

"Ou nga noh- arggg!!" Bago pa matapos ni Roan ang kanyang sasabihin ay bigla siyang di makahinga, halos mawalan siya ng malay buti nalang nilagyan siya agad ng protective aura ng Masked Player.

"Ang aura na ito! Killing intent ng isang malakas na assassin! Wag kang umalis sa tingin ko kung ayaw mong ma-deads." Utos ng Masked Player na siyang pag tango ni Roan.

The hell? Ba't andaming ganap sa araw na'to? Why the hell na lahat sila gusto akong saktan? Nasaakin na ata lahat ng kamalasan sa larong ito! Hinagpis at reklamo ni Roan.

"Ahh.. Napaka risky nito! Changed of plans! Kailangan kung makaalis rito ngayon din!" Mabigat man sa kalooban ng Masked Player ay hindi siya magdalawang isip na basagin agad ang Random Teleportation Stone. Napaka pricey ng stone na'to, kaya't napakagat siya sa kanyang labi.

Napansin ni Roan na inilabas ng Masked Player ang isang bato, "Teleportation stone? San punta? Diba pupunta pa tayo sa Levitating Insula?"

Tanaw na ni Roan ang Warp Tablet na papunta sa Floating Island kung saan ang mahiwagang Waterfalls. So close, yet so far!!

"Shut up! Kung hindi ko'to gagawin pareho tayong mamatay rito. May importante pa akong gagawin dito sa Humankin Continent!"

Oh no! Papalapit na siya!? Palapit ng palapit ang assasin dahil randam ng Masked Player na anytime mababasag ang protective aura niya sa bigat ng killing intent!

*Plak!*

No choice, pikit matang binasag ng Masked Player ang Random Teleportation Stone habang hawak ang braso ni Roan. Bigla silang nawala sa kanilang kinatatayuan at dinala sa malayong lugar!

******

Ilang sandali lang, may isang Uwak na dumapo sa kung saan dati nakatayo sila Roan at Masked Player bago sila mag Teleport. Napaka cold ng expression ng player na ito, siya ang Beastkin Player na nakalaban ng grupo ng Jashraph.

"No doubt, si Runevart nga.."

I think kailangan kung bumalik at mag report kay Master AL-Khan personally...

~Itutuloy ang adventure ni Roan/Anvart.

Author's note:

Minsan magtataka kayo dahil may nabago sa past chapter dahil pinapalitan ko ito. Baguhan lang po ako sa pagsusulat kaya maaaring magkaroon ng ilang mga pagbabago tuwing binabasa nyo ang mga chapter. Ine-edit ko ang ilang bahagi nito kung sa tingin ko kailangan talaga palitan.

Your votes and comments matter very much to me, because these will serve as inspiration and motivation to go on. Please continue on supporting this series, and consider this as a reward for spending all my time and effort para lang matapos ito. And if you have suggestions, reactions, etcetera, kindly leave a comment. They will be highly appreciated.