Guys kung may makita kayong mali pasensyahan nyo na. Wala akong time mag proofread. Edit ko nalang to bukas.
Nawasak ng walang kahirap-hirap ni SeoYoon ang bato kung saan si Roan nakatago, sa sobrang bilis ng atakeng iyon, ay halos tumalon palabas ang kanyang puso sa takot.
Luckily, mabilis ang reaksyon ni Roan, kundi ay para lamang siyang isang isda sa chopping board.
Sabay napalingon ang mga Clan Members sa pinanggalingan ng tunog ng pag guho ng mga bato. I pinuwesto agad nila ang kanilang mga armas at naging alerto.
"SeoYoon?" Alarm na tanong ni Herzy.
Eh.. Parang may narinig akong humihinga sa likod ng malaking bato.... Pagtataka ni SeoYoon.
Nang makumpirma na walang kahinahinala sa paligid, ay humarap si SeoYoon kay Herzy at napa shake ng kanyang ulo, "Wala po Clan Leader... Akala ko may monster na nagmamasid, imahinasyon ko lang pala."
Authors note:
Para sa mga old readers, kung nagtataka kayo. May binago ako, ang 'Guild' ay pinalitan ko ng 'Clan' saka yung 'Guild Master' ay naging 'Clan Leader'.
Napa buntong hininga ang mga tensyonadong Clan Members. Akala nila may mga Monster nag aabang sa kanila at naghihintay ng oportunidad na umatake. Maliban kay Clan Leader Herzy at SeoYoon, ang Group Party na ito ay binubuo ng mga low level players. Kaya kung ganon na lamang sila kunt mag react, lalo na't karamihan sa kanila ay mga first timer sa Cave. Isinama lang sila ni Herzy para kukuha ng experience sa Raids at Treasure Huntings. Tanging support lang ang mai-ambag nila, dahil kung labanan ang pag-uusapan, andyan naman si SeoYoon 'The Sword Mage' at ang 'Plant Manipulator' na si Herzy.
Kaya't sumenyas si Herzy, "Tara na.."
***°***
Whew..
Parang humiwalay kaluluwa ko sa biglaang atakeng iyon ah...
Buti nalang ay matagampuy na nailagan ni Roan ang Deadly Attack sa tulong ng kanyang <
Katakot naman ang babaeng yon....
Napa lunok ng laway si Roan. Kung maari, ayaw niyang makalaban ang babaeng may yakap na espada, atleast for now.
Kailangan kung magbanat ng buto sa pag grinding ng EXP's (Experience Points) para makahabol ako sa mga players sa larong ito...
Napagtanto ni Roan na kung gaano siya kahina.
Pero pinangako niya sa sarili na magsusumikap siya.
Tama kailangan kong magsipag!
Ngayon ay nag-sisisi siya kung bakit di siya agad nag laro ng larong ito! Nahuli tuloy siya sa leveling race at isa siya sa mga pinaka mahinang players sa buong server. 'Theres no medicine for regrets' kumbaga.
Dahan dahan siyang sumilip kung naka-alis naba ang ang grupo nila Herzy, ngunit biglang may malakas na pagsabog ang kanyang narinig.
What? May giyera ba?
Ang tunog ay galing sa kinaroonan ng lagusan kung saan pumasok ang grupo nila Herzy.
Boom!
Boom!
Baam!
Nagliliparan ang mga basag na bato at mga abo mula sa lagusan. Dahil sa shockwave, pati si Roan ay tumilapon at nabangga sa may pader ng kuweba. Halos mawalan siya ng malay sa lakas ng impact, at sinabayan pa ng iba't-ibang size na mga bato na tumalsik sa buo niya katawan. Para siyang nakatukim ng umuulan na suntok ni Pacquiao.
[ 9% HP Remaining. ]
Warning Notification na lumabas sa kanyang harapan na siyang ikinabahala niya.
Dahil lamang sa pagsabog at impact ng mga debris ay malapit na akong sumakabilang-buhay? Anong kalokohan 'to!?
Lingid sa kaalaman ni Roan, ang pagsabog na iyon ay hinaluan ng <
Kaya ganon nalang ka-horrified si Roan. Sabi nga nila, mas nakakatakot ang hindi mo nakikita.
Dahan-dahan siyang tumayo para tumakas ngunit bigla siyang may narinig na mga sigaw at hinagpis ng mga tao! Dahil sa nag kalat na mga alikabok na bumalot sa buong cave bunsod ng pagsabog, tanging mga boses ng player ang kanyang naririnig na parang kinakatay na hayop!
Help!!
Noooooo!!
Takbo!!
Arghhhh!!
Blurgg....
"WTF... May ibang Boss pa ba? O di kaya'y, Triggered Event?" Kumunot ang forehead ni Roan. Kung totoong may natitirang Monster Boss pa tulad ng kanyang hinala ay siguradong hindi siya makakaligtas pag mag wawala ito.
Kinakatay isa-isa na parang mga hayop ang high level players sa 'di kalayuan, eh ano pa kaya ako na isang hamak na low level Player...
Kailangan kung makaalis sa war zone na'to!
Sa ilang sandali lang, nag laho na ang mga sigaw at napalitan ng nakakabinging katahimikan sa loob ng cave.
Oh my god.. N-Na-wipeout sila? Shit! Shit! Kailangan kong makaalis rito!
Tatakas na sana si Roan nang biglang may isang bagay na lumipad papunta sa kanyang direksyon. Napaka bilis nito at imposibleng niyang maiwasan, sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi siya nakapaghanda. May bagay na tumilapon sa kanyang harapan at walang magawa kundi ay saluhin ito gamit ang kanyang katawan.
Boooog!
Bumanga sa kanya ang isang player at sabay silang tumilapong dalawa at bumanga sa pader.
Baam!
Dahil sa impact, halos nadaganan ng naglalakihang mga bato si Roan galing sa nawasak na pader. Pati ang Player na dumagan sa kanya ay di rin nakaligtas, puno ito ng galos at nawasak ang suot nitong light armor.
[3% HP remaining.]
Arrg...
Si Roan at ang Player ay parehong nawalan saglit ng malay dahil sa effect ng aura at sa lakas ng collision.
Unang nagkamalay si Roan, ang unang niyang nakita ay ang napakalapit na mukha ng player. Damang-dama niya ang paghinga nito at naamoy ang halimuyak na pabango ng isang babae.
Dahil nakapatong ito sa kanya, ay hindi siya makaalis sa kanyang posisyon. Dumagdag pa ang mga malaking bitak ng mga bato. Pero hindi naman nagrereklamo si Roan, sa katunayan ay gustong gusto niya ang sensation na'to.
Ngunit biglang na stupefy si Roan. Bigla niyang naalala ang familiar na mukhang ito! Siya ang babaeng gumamit ng tubig na latigo para basagin ang batong kung saan siya nakatago. Siya si SeoYoon!
Kyahhhh!
Shriek ni SeoYoon nang makita niya si Roan na nakatitig sa kanyang mukha. Bigla siyang napatalon sa gulat at dumistansya kay Roan. Hawak hawak pa nito ang dibdib na para bang may tinatakpan. Punong puno ng questions ang guhit ng mukha ni SeoYoon.
Sino ang creepy na ito? Tanong ni SeoYoon sa kanyang sarili habang nakatitig kay Roan na puno ng question at may halong pandidiri.
"Uy! FYI, ikaw ang bumangga at pumatong saakin in the first place! Kaya wag mo akong titigan ng ganyan. Diko alam na mag te-take advantage ka sa akin!?" Depensa ni Roan nang mapansin niyang papuntang south ang situasyon. Alam niyang hindi maganda ang mangyayari sa kanya, kaya inunahan na niya ito, lalo na't siya ang biktima!
Assuming! Napa gitil si SeoYoon sa pagiging playing victim ni Roan.
Pero bago pa mag sagupaan ng mga salita sina Roan at SeoYoon ay may bigla nanamang pagsabog ang naganap. This time si Herzy ang tumilapon sa gilid nina Roan at SeoYoon. Nagka punitpunit ang suot nitong damit, ang dating magara at majestic na looks ni Herzy, ngayon ay mukha ng siya isang taong grasa. Pero ganon paman di parin mawala ang kagandahan nito, lalo't nang ma-expose ang ilang skin nito dulot ng punit na damit.
"Leader!" Nataranta si SeoYoon at dali-daling inalalayan patayo si Herzy, "S-sino ang halimaw na iyon!?" Dagdag ni SeoYoon na alalang-alala.
Napaka fierce ng titig ni Herzy sa direksyon kung saan siya nangaling. Inayos niya ang kanyang sarili at uminom ng [Potion].
Leader...
"SeoYoon, kontakin mo ang Main Clan Headquarters. Ipaalam sa Clan Master na may taga ibang Continent ang nangahas na pumasok rito." Solemn na utos ni Herzy. Alam niyang napaka seryoso ng situwasyon sa tuwing mga ibang Continent ang involved. Nasa backstory at flavor text ng laro na magkakalaban ang iba't ibang Race!
So, anong motives ng tresspaser na ito? Mission? Spying? Or assination? Di matukoy ni Herzy kung ano ang balak ng ibang race, ang tanging alam lamang niya ay mag 'buy ng time'. Hintayin niyang dumating ang mga High Officials ng Main Clan at ipaubaya sa kanila ang sitwasyong ito.
Sa katunayan, ang Elementals Clan na under sa liderato ni Herzy ay isa lamang Subsidiary Clan o (Sub Clan) ng isang Main Clan. Ang mga Subsidiary Clans na ito ay nakapwesto sa iba't-ibang lugar ng continent na ang purpose ay mag recruit ng mga members with potentials at kumuha ng mga teritoryo. Sa laki ng mundo ng Virtual World, 'di nakakapagtaka na may libo-libong Sub Clans ang nagkalat sa kahit saang sulok ng mundo.
This time, under sa hurisdiksiyon ni Clan Leader Herzy ay ang southern part ng Human Continent. Tulad ng Elementals Clan, ang Asension Clan kung saan si Doranbalth ay isang miyembro, ay isa ring Subsidiary Clan ng isang Main Clan with same purpose.
Ngayon, tanging hangad lamang ni Master Herzy ay mabigyan ng bountiful [Clan Merits] sa gayon ay umangat ang kanyang posisyon sa clan at makapag transfer sa Main Clan. Kahit siya ang may pinaka-mataas na posisyon sa Sub Clan na ito, wala paring tatalo sa benefits na makukuha sa Main Clan. Kaya't hinding-hindi niya palalampasin ang opportunity na ito.
Sinunod naman agad ni SeoYoon ang utos ni Herzy, alam niyang napaka kritikal ito sa promotion nila sa ranking ng Clan. Binigyan niya muna ng meaningful na titig si Roan na parang tanga sa gilid bago kinontak ang Main Clan HQ.
Here she comes... Bulong ni Herzy sa kanyang sarili.
Sa gitna ng usok na nagkalat sa hangin, may isang anino ang matatanaw na naglalakad ng mahinahon. Gamit ang dalang espada nito, sa isang swing lamang ay biglang nag disperse ang mga alikabok sa paligid. Makikita ang isang player na pinalilibutan ng makinang na ilaw, more like puting aura na sumasayaw at pumapalibot sa kanyang katawan. Nakakabit rin rito ang seven Rings na parang mga Halo sa kanyang likod.
Huh?
Na stun si Roan, hindi dahil sa takot, kundi dahil familiar sa kanya ang kasuotan ng player na ito!
Ang M-mask Player!? Babae pala siya!? Now to think of it, di ko pa pala narinig boses niya...
Nang unang makita ni Roan ang Masked Player sa Cave dahil sa pinagaagawan nilang treasure chest, balot na balot ito ng kapa at nakatakip ang bibig nito ng mask. Pero bago pa ang lahat, di niya makuhang problemahin iyon dahil kitang-kita niya na galit na galit ito base sa expression ng magandang mukha ng Masked Player.
Don't tell me na ako ang dahilan kung bakit di mai-pinta mukha niya? Nanindig ang balahibo ni Roan nang maalala niya ang mga gulat na mata ng Masked Player ng inagaw niya ang last hit ng boss.
Diko naman ninanakaw yun, supposedly, akin naman talaga dapat ang Cave na'to dahil ako ang ang naka discover.
Pero teka.. alam kong pagnanakaw parin yun pero... aargghhh!
Napakamot ng ulo si Roan. Ba't ba siya naipit sa kaguluhang ito? Most importanly, andito sa kanyang harapan ang isang nilalang na mas malala pa sa halimaw!
Basta akin ang cave na'to kaya karapatdapat na akin ang huling boss! Hinagpis ni Roan sa kanyang isipan.
Kailangan kung maghanap ng paraan kung paano ako makakaalis rito ng walang nakaka-alam.
May naisip si Roan ng magandang plano, stealthly siyang tatakas habang mag lalaban laban sila.
Pero bago pa niya ma execute ang kanyang plano ay lumapit sa kanya si SeoYoon, "Wag kang gumalaw ng masama kung ayaw mong mahati sa dalawang piraso ang iyong katawan!"
"Yes ma'am! Understood!"
Shit..
******
Inilapat ni Herzy ang ulo ng kanyang Magic Wooden Staff (Weapon) sa kanyang mga palad. Nagsimula siyang mag chant ng mga magic words hanggang sa mabuo ang isang crystal like Seed ng halaman. Sumasayaw ito na parang isang buhay na bagay sa kanyang mga kamay.
<
"Leader... wag mong sabihing..." Natulala si SeoYeon at the same time napalunok ng laway.
Walang sinayang na oras, inilagay agad ni Herzy ang hawak na Seed of Beastly Aurora sa ground. Kasunod nito ay agad namang nag dive ang seed sa ilalim ng lupa na parang lumalangoy. Sinundan agad ni Herzy ng <
Biglang nag erupt palabas ang mga halaman galing sa ilalim ng lupa. Nagsisi lakihan ang mga ugat ito nito na kasing laki ng braso ng adult male. Walang sign ang pag stop ng pagtubo nito, para itong mga galamay. Walang anu anuman ay inatake agad ang Masked Player!
Attack!
"First form, <
Bawat dulo ng mga galamay ng Aurora Vines ay nag hulmang parang patalim ng isang spear. Walang awang pinag tutusok nito ang bawat parte ng katawan ng Masked Player. Pinaulanan ni Herzy ng kanyang AOE (Area of Effects) Aurora Vines ang bawat sulok ng Cave kung saan kahit pati mga langgam ay di makakaligtas. Buti nalang ang ating bida na si Roan ay katabi si SeoYoon kaya't safe siya sa mga galamay ng halaman.
Sa harap ng panganib, di man lang gumalaw sa kanyang kinatatayuan ang Masked Player. Tinitigan niya lamang ng cold ang mga paparating na halaman sa kanyang harapan at kalmadong sinalo ang mga atakeng ito na parang target board.
Blam! Blam! Blam!
Mahinahon na Ginamit ng Masked player ang kanyang 7 Golden Rings sa kanyang likuran, pumwesto ang mga ito sa kanyang buong katawan at ginawa niya itong isang Shield Wall. Naglabas ng Aura ang bawat Rings na magsilbing panangga sa umuulang galamay ni Herzy.
Tsk!
Kumunot ang noo ni Herzy ng makitang walang epekto ang pa-unang atake niya, which is expected naman dahil isang high level player ang kalaban niyang Masked Player. "Di pa ako tapos!"
"Second form, <
Another casting ng skills ni Herzy.
Namukadkad ng mabilis ang mga dahon at bulaklak sa katawan ng Aurora Vines. Sa bisa ng effect ng Forced Bloom Skill, ay mas lumaki ng sampung beses ang ang katawan ng mga galamay. Dahil sa Chain Skill na ito, hindi ito naging madali dahil nakakalaki ng paggasta ng Mana ng skill na'to. Literal na isa itong Mana Burner Skill tulad ng 'Raining Arrow' ni Enton na isang Archer na kasamahan ni Doranbalth.
Dahil sa Forced Bloom ni Herzy, sa kauna-unahang pagkakataon, makikita sa mga mata ng Masked Player ang pagkabigla.
Parang may mali... Hinala ng Masked Player, kaya't itinaas niya ang kanyang alerto.
Dahil sa sudden reaction ng Masked Player, hindi ito na kaligtaan ni Herzy, napa smirk ang pulang labi nito. Mas nilakasan pa niya ang pag buhos ng Mana sa Aurora Vines para sa final phase ng kanyang Chain Skill. Wala na siyang time na magtitipid pa, kahit ang kapalit nito ay ang pag exhaust ng kanyang buong Mana reserve.
Alam ni Herzy na 0% ang chance niyang manalo sa Masked Player and thats a fact, kaya't iniba niya ang kanyang strategy. Ang Objective niya ay makapag buy ng time at hintayin dumating ang mga matataas na Official Members ng Main Clan. Need ni Herzy ng reinforcement laban sa caliber ng Masked Player.
Sana hindi sila matagalan!
Nakipag struggle ang Masked Player hangga't tuluyang napalibutan siya ng mga
Ngunit ang bulaklak na bagong tubo sa katawan ng mga Vines ay naglabas ng invinsible gas sa hangin na kumalat sa kapaligiran. Hindi ito napansin ng Masked Player dahil occupied ito sa pag dedepensa.
[ Status ailments applied, you are suffering Dazed Effects ]
-Temporarily won't be able to use skill.
[ Status ailments applied, you are suffering Mana Burn Effects ]
-Continues Mana drain.
Huh? Napatulala ang Masked Player sa biglaang paglabas ng system notification sa kanyang harapan.
Dahil dito, nawalan ng effect ang passive skill ng Masked Player na <
Dahil sa bulusok na mga Vines, nag fail ang depensa ng Masked Player. Gayon paman, kahit 'di makakagamit ng skills, isang bihasa na Swordman ang Masked Player. Nilabanan niya parin ang mga galamay ngunit di niya mapigilang ma paatras.
This is bad...
Nagpaikot ikot siya sa buong Cave sa pag ilag ngunit kalaunan ay na-corner na siya't wala ng matatakbuhan pa.
Unang nahuli ang kanyang mga paa ngunit hindi parin siya sumuko at patuloy parin sa pag hiwa ng mga galamay ng halaman.
Randam ni Herzy na walang habas parin sa pag putol ng mga Vines ang Masked Player. Kaya't hindi siya nagdalawang isip na inumin ang ilang bote ng [Normal Mana Potion] at binuhos niyang muli ang buong Mana para rito. Kalaunan ay tuluyang na immobilize na ni Herzy ang Masked Player.
Tuluyang napahinto ng mga Vines ang galaw ng Masked Player. Para itong mga kadena na nakakabit sa kanya. Walang magawa ang Masked Player kundi titigan sa mga mata si Herzy at mapakagat ng kanyang labi. Naiinis siya dahil nalinlang siya ng isang Player na mababa ang level sa kanya.
Arg... Kairita!
Pero hindi pa tapos si Herzy, "Next, ang final form... Bumangon ka! <
Mas lalong humigpit ang lock ng mga galamay sa katawan ng Masked Player. Dahan-dahang itong nag Morph at nilamon ang buo niyang katawan hanggang naging isang malaki at matayog na puno. Hinihigop ng punong ito ang Mana ng Masked Player ng mabilis na rate bilang nutrisyon sa kanyang paglaki.
Ang Tree of The Underworld, ayon sa legends, ang punong ito ay isang common tree na makikita sa Underworld, ang lugar kung saan walang humpay ang patayan. Ito ang separate continent ng mga halimaw kung saan naninirahan at pinamumunuan ng mga Demons. Paborito nitong pagkain ay mga ligaw na kaluluwa na kinukulong nito sa kanyang trunk. Sa madaling salita isa itong Sealing Tree o Sealing Skills na nakuha ni Master Herzy sa mga Dungeons.
Ngayon ay tayong tayo na ang Tree of The Underworld na parang isang bundok na hindi matitinag na kahit ano mang delubyo. May mga pulang dahon ito na kulay dugo, para itong cherry blossoms ngunit kulay pula.
At yun nga, tuluyang nai-seal ni Herzy ang Masked Player.
Napa sigh si Herzy, hindi niya inakala na successful ang skill na'to. Firstime niyang ma katungali ang isang Seven Ring user tulad ng Masked Player.
So, kahit gaano pa ka kalakas ang isang player, as long as may Legend Rank Skill, wala parin makakaligtas.
"Buti nalang na-max ko hanggang intermediate ang Mastery nito! Kundi baka ilang minuto lang ang itatagal ng Sealing Skill ko." Satisfied si Herzy sa Trump card niya.
Kahit tagumpay si Herzy sa pag Seal ng halimaw na Player ay hindi ito naging posible ng walang kabayaran. Dahil sa taas ng probability effect ng skill na ito, maliban sa mataas na Mana consumption, ay kinuha rin nito ang mga naipong EXP's (Experience Points) ni Herzy.
Worth of two Levels ang binayad niya para sa kapalit ng promotion niya, which is acceptable kung titimbangin ng mabuti. Siguro 2-3 weeks sleepless nights sa pag gra-grind ng Monster EXPs (Experience Points) ang babawiin kapalit sa mataas na position sa Clan na kanyang hinahangad.
Authors note:
Grinding - Ang Grind/Grinding ay tumutukoy sa oras ng paglalaro ang ginugol sa paggawa ng paulit-ulit na mga task sa loob ng isang Game upang ma-unlock ang isang item o mag-ipon ng Experience Points para umusad sa next level. Ang Grind/Grinding ay mostly involved sa pagpatay ng parehong Monster o kalaban nang paulit-ulit upang makakuha ng mga EXP points o Coins.
Nang kontrolado na ang sitwasyon, napaluhod si Herzy dahil inatake siya ng fatigue. Nawalan ng lakas ang kanyang tuhod at nanginginig ang kanyang kalamnan. Pinahiran niya ang pawis sa kanyang magandang mukha at nagpahinga para mag regenerate ang kanyang nawalang mana.
Lumapit si SeoYoon kay Herzy, "Leader, ang babae bang iyon ang nag wipeout sa party ni Doranbalth?"
Mm. Tumango si Herzy at nagsabing, "Kung lalabanan natin siya ng normal means ay siguradong kukulangin ang buhay natin kahit unlimited pa ito."
Seryosong sabi ni Herzy. Alam niyang na execute niya lamang ang planong ito dahil sa pagiging kompyansa ng Masked Player sa kanya dahil sa Level gap nila. Kaya't sa looban ng kanyang puso ay may nararamdaman siyang pagka bitter. Kailangan niyang mapromote para lumakas.
"Ngayon, kailangan nalang natin maghintay dumating ang mga miyembro ng Main Clan." Sabi ni Herzy.
Tulala si Roan sa gilid habang pinanood niya ang labanan, "Ganito pala maglaban laban ang mga top tier players?"
Gusto ko ng ganyang sealing technique! Naging mga star ang mga mata ni Roan.
Simple yet beautiful! Ito ang tumatak sa isipan ni Roan sabay paghigpit ng kanyang mga kamao.
*********
Meanwhile..
Natapos na ang [Status Ailments] effects sa katawan ng Masked Player, "Kainis, di parin ako makagalaw!?"
Naka restrict parin ang galaw ng Masked Player habang nakakulong sa loob ng tiyan ng puno.
Napaungol nalamang siya nang dahan-dahang pinipiga ng mga galamay ang buo niyang katawan. Kumapit ito na parang mga tentacles na pumapalibot sa kanyang braso, bewang, dibdib at hita. Hinihigup nito ng mabilis na parang isang Vacuum ang mana na nakatago sa kanyang katawan.
".....Mawawalan ako ng kakayanang gumamit ng skill pag magpapatuloy 'to!"
Diko inakala na may ganito palang sealing skill? Hmmm... Legendary skill? No. No. No.
Siguro Epic Skill? Diko inakala may ibubuga pala ang Human Continent! Mas malakas ang seal na'to kaysa kay Master.. Pero kahit ganon paman isa parin ang Humans sa pinaka mahinang Continent sa buong Server.
Kahit masasabing mahirap i-crack ang sealing skill na na'to ay hindi ibig sabihin ay wala na itong kahinaan. Kaysa maghintay na may sasaklolo sa kanya ay gagawan na lamang ng Masked Player ng paraan gamit ang kanyang sariling secret technique.
Pwes, ipapakita ko sa inyo kung gaano kalaki ang agwat ng Top Continent at ang weakest Continent!!
~Itutuloy ang adventure ni Roan/Anvart.
Author's note:
Minsan magtataka kayo dahil may nabago sa past chapter dahil pinapalitan ko ito. Baguhan lang po ako sa pagsusulat kaya maaaring magkaroon ng ilang mga pagbabago tuwing binabasa nyo ang mga chapter. Ine-edit ko ang ilang bahagi nito kung sa tingin ko kailangan talaga palitan.
Your votes and comments matter very much to me, because these will serve as inspiration and motivation to go on. Please continue on supporting this series, and consider this as a reward for spending all my time and effort para lang matapos ito. And if you have suggestions, reactions, etcetera, kindly leave a comment. They will be highly appreciated.
Thank you!