Chereads / Legendary Slime Tamer (TAGALOG) / Chapter 15 - Team Doranbalth I

Chapter 15 - Team Doranbalth I

| Bone Trove Cave |

"Sa tingin ko kailangan na natin maghihiwalay ng daan... " Sabay turo ng Archer sa tatlong lagusan sa di kalayuan. Siya si Enton na kasamahan ni Doranbalth, siya ang naging Scout ng party dahil wala silang assasin.

"Ano sa tingin mo Master Herzy?" Kaswal na tanong ni Doranbalth.

Sumang-ayon naman ang grupo ni Master Herzy, ayon sa kanilang napagkasunduan ay paghahatian nila ang makukuhang treasures pero kung sino ang maka last hit ng Boss ay sa kanya ang personal belongings ng Boss at aspect beads. Gayunpaman, kailangan rin nilang maghiwalay para makatipid sa oras.

Halos dalawang oras na sila dito sa Cave na nakikipaglaban at marami silang nakuhang mga loots at tsaka Primal Aspect Beads kaso wala itong mga silbi sa mga katulad nilang Ranker dahil puro lamang itong trash rank aspect gear. Ibang usapan naman pag ang aspect gear ay galing mismo sa Cave Boss, dahil newly discovered ang cave nato ay nasa 90% epic gear ang makukuha nila pagnagkataon.

Mataas ang Drop rates sa bagong discovered Cave kaya maliban sa treasures, ang aspect gears ang pinaka popular sa mga treasures seekers lalo na ang mga low level players.

"Sige, dito kami sa kaliwa," pumili agad si Doranbalth at tumitig kay Master Herzy na naka ngiti.

Kumunot ang noo ni Herzy ng makita ang ngiting tagumpay ni Doranbalth, "Kung ganon dito kami sa gitna," Dumiretso agad pumunta ang grupo ni Master Herzy sa gitnang lagusan at hindi na pinansin si Doranbalth.

"Master Herzy, pag kayo ang naka jockpot sa boss make sure na balitaan mo agad ako ahh.. he he" Sigaw ni Doranbalth habang sinusundan niya ng titig ang papasok na grupo ni Master Herzy sa lagusan.

Lumingon si Master Herzy at sinabing, "Sana ay... ganon rin kayo" Medyo cold pero magandang pakinggan na boses ng dyosa, sabay alis at in-ignore si Doranbalth.

Biglang natawa si Doranbalth na parang timang, syempre hindi ito narinig ni Master Herzy dahil sinugarado muna ni Doranbalth na papasukin muna sila.

"Captain, anong nakakatawa? Share mo naman samin?" Sabi ni Jovlar na isang tanker, siya si Mr. Clean na binigyan ng nickname ni Roan.

Lumingon si Doranbalth at tinitigan ang buo niyang Team at sabay grin. Pa suspense niyang ibinuka ang mga kamay at lumutang sa taas ng kanyang palad ang isang Crystal na kulay asul.

"Jargo Crystal! Jusko! Isang uri ng Crystal na nakaka-detect ng mga Boss. Perfect itong gamitin sa mga Dungeon Hunting at Boss Raid! Sa sobrang Rare nito ay napakahirap itong i-obtained dahil nakukuha lamang ito sa Black Laguna Mountain kung saan naka tira ang Jargo Scale Dragon. Balita ko ang crystal na'to ay ang mismong luha ng nasabing dragon!" Napa gasp si Enton sa nakitang item na nasa ibabaw ng kamay ni Doranbalth. Napalunok ng laway ang buong team at nanlalaki ang mga mata ng marinig ang sinabi ng Enton.

"Nung nakaraang buwan ay may isang Guild sa Waterfolk Kingdom ang ni-wipeout ng pinagsanib na lakas ng mga top guild ng dahil lamang sa crystal na yan! Lahat ng teritoryo nila ay nilamas sa loob lamang ng isang araw!" Namutla ang muka ng Acolyte nilang si Yunzu habang tinitigan ang crystal na sumasayaw sa kamay ni Doranbalth.

"Isa nga yang Treasure Class item pero at the same time isa rin yang isinumpang  bagay!" Dagdag ni Enton.

"Well said, tama mga sinabi nyo, gumastos lang naman ako ng 1 million gold para makuha ito. Wag kayong mag alala, may pinsan ako na isa sa mga Guild Master ng Big Three Guilds ng Beastkin Continent kaya malabong may mangahas na i covet ang mga pag-aari ko!" Bulalas ni Doranbalth.

"Nani!? Ikaw na talaga captain!" Lumaki bahagya ang maliit at cute na mga mata ni Yunchi sa mga narinig niya.

"Tignan nyo to," pinuntahan ni Doranbalth ang lagusang napili niya at itinapat ang kanyang kamay sa direksyon nito. Biglang nag vibrate ang dating tahimik na crystal at  paiba-iba ito ng kulay, minsan nagiging kulay pula hanggang babalik sa kulay asul.

"Pag naging pula ay ibig sabihin nito ay nasa malapit lang ang boss. Kaya tara na, bago pa makahalata si Master Herzy he he"

Sa pangunguna ni Doranbalth ay pumasok na sila. May pa sipol sipol pa itong nalalaman habang naglalakad. Napaka-ganda ng mood niya ngayon dahil pag success ang treasure hunting na ito ay makakatanggap siya ng maraming guild points at posibleng rank promotion bilang Major Officer ng Ascension Guild. At that time,  mapapansin na siya ni Sword Empress, Azaliet.

******

Sa isang banda ng kweba kung saan malayo sa ilaw at napapalibutan ng kadiliman ay may dalawang anino na tahimik na nagmamasid.

"Hmmm.. Jargo Crystal daw Meow!" Sabi ng pusang itim sa katabi niyang isang naka Maskara.

'Tse! Isang million para sa hamak na Jargo Crystal? What a waste.....'

******

"Aspect Gear Equipped!"

Sa isang command ay automatic nagamit ni Roan ang bagong Invisibility Cloak. Nagulat siya saglit ng malaman niyang napakagaan nito at napaka napaka comfortable sa pakiramdam.

Pagkatapos niyang ma i-test ang cloak ay pinuntahan niya ang labi ng Arfal Ghost. Tanging ang hoody cape at isang scroll nalamang ang nadatnan ni Roan, umaasa pa naman siyang may iba siya makukuha valuable items ngunit isa tong Ghost Type Monster na walang physical appearance na pwedeng i dismantle.

Itinagi niya ang Cape at inilagay sa beginners bag, then binuksan ang scroll. Nakita niya ang mga kakaibang letrang naka sulat sa scroll ngunit di niya tukoy kung anong lenguwahe ito. Sa kanyang pagsusuri, ipinokus niya ang kanyang mga mata sa kakaibang letra nang biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Nagulat nalamang siya na dahan-dahan niya ng naiintindihan ang content na nakasulat sa scroll.

"Wow.. Automatic Translation?"

[World Quest Accepted]

Class Requirements: Legendary Class

Level required: lv. 1

Description:

Ang pag gising mula sa kadiliman.

Nalalapit na ang paghuhukom, walang ititira na nilalang sa mundong ibabaw. Mayaman, mahirap, Hari o Reyna, lalaki, babae, bata o matanda, lahat ng nabubuhay ay kakainin ng kasakiman.

Mission no. 1: Hanapin ang Ancient Winged Clan. (Chained quest)

Time limit: 6 months (Game Time)

Failure penalties: The Human server will shut down, all human avatar will be deleted.

"Wa wa wait what!?" Sobrang na shook si Roan sa surprise quest na'to.

"Wo..world Quest... No way! Story quest na makaka-apekto sa buong 'world combat continent'. Nakasalalay sa quest na'to ang takbo ng istorya ng laro! Tapos pag nag fail ay ma de-delete lahat ng Human Avatars? Anong kalokohan to!?"

"Isa ba tong fantasy drama at ako ang bida? Shet! Bida my ass! Kung ganon.... Nakasalalay sa akin ang kinabukasan ng mundo... My god!"

"Pag na fail ako tiyak ang laking damage nito! Papatayin ako ng ibang players arghhh!!!" Nanginginig na boses ni Roan.

Teka, pwede pa ata tong i-abort!

May magandang ideya si Roan, Binuksan niya agad ang Quest Log at pinindut ang 'Abort Quest' button.

[Cannot abort this quest]

WTF! Ayaw ko na sa earth!

Habang alalang-alala si Roan sa Quest niya ay dahan-dahan namang nag re-restore mental energy niya. Dahil sa pagbalik nito ay na se-sense niya agad ang mga ginagawa ng mga slimes sa loob ng cave.

"Huh? Ang kulit ng mga to"

Pinuntahan agad ni Roan ang mga alagang makukulit, pagka dating palamang niya ay nakita niya agad ang isang slime na busy sa kanyang kinakain.

"Teka! Stop stop, wag mong lunukin yan!"

Tumigil agad naman ang slime, "Ok, sabi master eh" nag pout ito bago umalis at naghanap muli ng makakain sa ibang lugar.

Kinuha ni Roan ang walang buhay na Golden Skinned Bat at sinuri, "Yes! Andito pa yung Fangs niya!"

Ang fangs nato na galing sa isang Golden skinned ay isa sa mga crafting materials na balak i produce ni Roan at gagawing isang talisman. Pagkatapos ay pinuntahan niya ang patay na mga monster na nagkalat sa lugar.

"Daebak! Dami nito! Hehe matsalam Masked Rider! Pagka uwi sa Blade City ay gagawa agad ako ng mga equipments na pwedeng ibenta sa auctions" Ganda ng mood ni Roan habang nangunguha ng mga tirang items, para lang namimitas ng mga bulaklak sa hardin.

"Reporting master! Human sa loob!"

"Takbo ako baka kain ako!"

"Takot human, lakas takip mukha master!"

Nag iingay na mga slimes sa harapan ni Roan. Alam niya kung sino ang tinutukoy nila.

"Kung ganon, andito pa yung Player na naka masked?"

Nag ligpit ng kagamitan at nag activate ng invisibility si Roan gamit ang bagong kapa na nakuha niya sa Arfal Ghost Servant.

"Wow astig!" Namangha siya dahil pati katawan at kamay niya ay di niya nakikita pero na vi-visualize naman niya ang mga ito kaya hindi naman ganon kahirap.

Swabe nito, invisible! Ano kaya mararamdaman ng mga manyakol na players pag kumalat ang balitang may invisibility equipment sa laro? Haha!

Habang iniisip ito ay napa grin si Roan, naisip niyang, pano kaya kung ibenta niya ito? Paniguradong limpak limpak na salapi ang presyo nito!

Sinipa bigla ni Roan ang isang slime, gusto niyang i test at mag experiment bago ito isabak sa aksyon.

Bluug! Lumipad at bumanda ang katawan ng slime sa pader ng cave, nag bounce lang ito na parang bola at nagpagulong gulong. Di man lang nabawasan ang HP bar! Talagang immune ang slime sa anumang damage pero wala din itong Attack power, tanging alam lang nito ay kumain.

"Master ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ng slime kay Roan.

"Ay sorry na dulas ako hehe"

"Mm?"

Napag alaman niya na ang mga slime ay nakakita sa kanya at hindi epektibo ang invisibility sa mga allies.

******

Pagkarating ni Roan sa dulo ng Cave ay may narinig siyang tumatawa, hindi niya ito makita dahil sa dilim pero, "Teka... Parang pamilyar ang boses na'to...."

Durianbalth! Shet bat andito siya?

Napag-alaman niyang connected pala actually ang Garge Cliff at ang Bone Trove Cave?

Buti nalang ay naka invisible mode si Roan kaya naibsan ng kaunti ang pangamba niya. Sinundan niya ang boses ni Doranbalth na habang tunatagal ay humihina, ngunit may nakita siyang ibang tao bukod sa kanya.

"Woah! pambihira, si Masked Rider ay naka sunod din kay Durianbalth? Anong binabalak ng misteryosong player nato?" Habang nakasunod si Roan kay Doranbalth ay siya rin naman ang Masked Player. Ingat na ingat ito at walang tunog ng kanyang mga foot steps habang vigilant na nakabuntot sa likuran ng grupo ni Doranbalth.

Ilang sandali lang ay dumating na sa final destination ang grupo nina Doranbalth, 100% effective sa Boss hunting ang hawak na Jargo Crystal ni Doranbalth. Nandito ang Cave Boss na naghihintay sa kanila.

"Guys Triangle Formation!" Command ni Doranbalth sa Party members niya, matagal na silang magkakasama kaya alam na agad kung anong gagawin nila.

Pumunta agad sa harapan ang Tanker nilang si Jovlar A.K.A Mr. Clean para kunin ang Aggro ng Boss habang ang Support Class Acolytes nila na si Yunzu ay naka pokus lamang sa tanker at pinapaulanan ng mga buffs.

"Defense Reinforce!"

"Blessed Sanctum!"

"Hand of Sanctuary!"

Nakapwesto naman sa likuran ang dalawang squishy class; na Mage na si Yunchi at ang Archer na si Enton habang naka si Doranbalth ay nagsisilbing guwardiya sa dalawang ito. Sa isang full party, naka pwesto dapat sa likuran ang mga class na mahina ang depensa dahil sila ang mga mga damage dealer ng party na mag didikta ng labanan.

Sa madilim na parte ng kuweba ay may tronong gawa sa mga skull ng iba't-ibang race, may skull ng human, Beastkin, Tideborne, Elves at marami pang iba. Nakaupo rito ang isang malaking Humanoid Creautre na tanging mga mata lang ang naaninagan nila Doranbalth, pulang pula ang mga ito at punong puno ng killing intent.

Pilit itong nagsalita kahit nahihirapan, "H..Hu..mans.." Deep voice ang narinig nila Doranbalth sa madilim na sulok ng cave, puno ito ng galit at gustong gustong pumatay.

Napa sneered si Doranbalth, "Weh, labas diyan at wag kanang pumalag, hayaan mong putulin ko ang iyong ulo ng hindi tayo nagsasayang ng oras!" Gamit ang kanyang espada ay itinuro niya ito sa direksyon ng boses, isa itong aktong pag hahamon.

Kumpyansa si Doranbalth sa kakayahan ng party niya, ang grupo nila ay isang experienced party hindi tulad ng mga second rate party na makikita kung saan saan. Masasabi niyang, iilang minuto lang kakailanganin para matapos ang raid nato.

Dahil isang low level cave lang ito ay natural na low level din ang Boss na naka pwesto rito. Pero huwag masyadong kampante dahil mas malakas ito kaysa sa ibang normal boss, sa kadahilanan na bagong discovered cave ito na may extra rewards sa unang naka tuklas.

Sa tuwing may discovery ng mga bagong cave ay naka set na sa settings ng laro na mas mataas ang difficulty sa unang pasok nito, syempre mataas rin ang Rewards na nakalagay rito. Kaya ganon nalamang na marami ang naghahanap ng mga bagong Caves, Dungeons at mga Tombs. Ang ganitong event ingame ay gagawa ng kaguluhan sa lahat ng mga players, low level cave man ay hindi parin ito palalampasin ng mga High levels players.

"Wahaha grahaha" napatawa ng malakas ang Humanoid monster sa narinig niyang jokes mula sa bibig ni Doranbalth. Kahit nahihirapan man itong magsalita ay nakaka intindi naman ito ng ano mang salita.

Biglang tumayo ang Humanoid monster sa kanyang trono at walang pasabi na inatake ang grupo nila Doranbalth galing sa kadiliman! Kahit malaki ang pangangatawan nito ay yakang-yaka ang pag talon nito ng ilang metro sa himpapawid, sabay atake midair gamit ang kanyang dual battle axes. Kung tatama ito, enough na makaka basag ito ng pader ng isang fortress.

Bang!

Dagundong ng pagsabog sa clashing ng mga metal, tagumapay nasangga ng Tanker na si Jovlar ang unang hagupit ng Humanoid monster. Gamit niyang panangga ang isang malaking metallic shield na kasing taas ng height niya. Para siyang matigas na bato at never ever na matitinag.

"Shield Counter Blade!"

Nag counter attack si Jovlar! Isa-isang nag popout ang maliliit na blade galing sa loob ng shield na parang mga missile na naka target lock sa kalaban. Isa itong passive abilities ng isang Guardian sa tuwing success ang pag nullify ng atake ng kalaban.

Diretsong tumama ang mga 20 blades sa buong katawan ng Humanoid Monster at napilitan itong umatras, hindi kaaya-aya ang expression ng mukha nito.

Napa gasp si Yunchi ng makita ang anyo ng monster, "Goblin Lord!"

Jafazar The Goblin Lord

Lv. 50

Rank: Epic

~To be continued