| Forage Forest |
Nang makita ni Doranbalth na success ang kanilang pag capture kay Roan ay napa kiskis ito ng kanyang ngipin.
Gusto niyang i-torture si Roan hanggang sa mawalan ito ng gana na maglaro ng Virtual game, ngunit may tugon si Azaliet na dapat ihatid ito sa kanya at naghabilin na wag saktan kundi ay siya ang mananagot.
'Che, kung hindi dahil kay miss Azaliet, ay hindi lang minor injuries ang matatangap mo!'
Gustong-gustong tirisin ni Doranbalth ang buong pagkatao ni Roan ngunit wala siyang magagawa kundi pigilan ang kanyang sarili.
Kung papatayin niya ito on the spot ay makakatakas agad si Roan sa kanyang mga kamay. Dahil pagkatapos mag auto force logout ni Roan dulot ng pagkamatay sa PK ay hindi siya makaka login ng 12 hours.
Sa loob ng mga oras na iyon ay malabong maka paghintay si Doranbalth na abangan ang pag login ulit ni Roan ulit sa game after 12 hours time dahil mahigpit ang timeslot niya dahil sa mission niyang dala.
"System Keyboard!"
Sa command ni Doranbalth ay biglang lumabas sa kanyang harapan ang isang hologram virtual keyboard at kasunod nito ang pag report niya sa guild chat.
[Guild] Doranbalth: Miss lawliet, Good news!! Nahuli na namin si Boob Freak :)
[Guild] Density14: Galing talaga ni Senpai! Heart Heart :)
[Guild] Destiny41: Sigh.. ang landi ng isang toh!
[Guild] Eggy: Diba may mission kayo na hanapin ang hidden cave? Bat nanghuli kayo ng talangka?
[Guild] Doranbalth: Well, it happened na nagka tagpo ulit kami ng dugyot na boob freak nato.. Kaya hayun hinuli ko nalang. EZ.
[Guild] Azaliet: Pagkatapos niyong mahanap ang cave, ihatid nyo agad siya rito sa Bamboo Forest.
[Guild] Keiko: Yan na ba yung nang harass kay major Azaliet?
[Guild] SuperbAce: Gwapo ba?
.....
Naging heated discussions agad ang pagkahuli ni Roan sa guild chat ng Ascension Guild. Walang members ng guild ang hindi nakakaalam sa nangyaring insidente sa Blade city, kaya ganon nalang sila nag look forward sa kung anong gagawin ng Major nila na si Azaliet sa nahuling si Boob Freak.
Meanwhile, si Roan ay nakahiga parin at bakas sa mukha nito ang hapdi ng kanyang buong katawan, kahit tumigil na ang apoy ay andyan parin ang mga burn marks na preskong presko pa.
Naghilum lamang ang mga sugat niya at bumalik sa dating anyo nang lumapit ang Acolyte para i heal at tanggalin ang burn effects sa katawan ni Roan.
"Yunchi, hindi ka man lang nag pigil sa pag atake? Novice lang ang kalaban..." Napakunot ng noo Acolyte habang tinitignan ang state ng katawan ni Roan. Hindi niya na gustuhan ang walang awang atake ng Mage na si Yunchi.
"Oniichan, bat ako mag pipigil eh bagay lang sa kanya yan. kung tutuusin ay kulang pa nga yan para ma revenge si sister Liet." Sabi ni Yunchi na halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng kanyang kuya.
"Hoho.. Ang tunay na lalake ay kayang tanggapin ang parusa lalo't na may kasalan siya. Tsk, bilib pa naman ako sa tapang nitong si Boob freak pero ngayon para na siyang sinunug na uling." Lumapit na rin si Mr. Clean at ang Archer para tignan si Roan.
Nang maka lapit ang Archer ay tinignan niya ang dalang bow at arrow ni Roan ngunit natuklasan niya na isa lamang itong normal weapon na walang job restrictions. Ang mga weapon na ito ay kadalasan gamit ng mga novice dahil sa wala itong hinihingi na requirements para gamitin.
Nang makalapit ang mage na si Yunchi ay may napansin ang Archer sa katawan nito at nag tanong, "Yunchi, anong nangyari sa mana shield mo? Kinulang kaba sa mana?"
Natigilan si Yunchi at pinagmasdan ang mana shield na nakabalot sa kanyang katawan. Napansin niyang sa bandang kanan ay may bakas ng cracks ang gumuhit rito. Nabigla siya at tumalikod, laking gulat niya nang makita ang direksyon kung saan siya inatake ni Roan, may nakabaon na isang arrow sa malaking bato.
"Imposible....." Di siya makapaniwala sa nasaksihan, daplis lamang ng arrow ni Roan ay muntik ng mabasag ang kanyang pinag mamalaking Mana Shield. Hindi lamang ito isang normal na defensive skill, isa itong intermediate mastery skill na una niyang sinanay! Isang Intermediate mastery skill na mahirap pataasin at i upgrade.
'Kung tumama sa akin head on ang arrow paniguradong ubos HP ko!'
Napalunok si Yunchi ng laway habang iniisip kung anong nangyari kung sakaling tumama sa kanya arrow ni Roan.
Dilat na dilat ang singkit na mga mata ni Yunchi habang tinititigan ang naka handusay na si Roan, ang dati'y nandidiri ngayon ay nagbigay na ng kaunting respeto kay Roan.
Sa larong ito 'Power is all it matters', kung malakas ka, sikat ka, kung malakas ka, rerespetuin ka. Ika nga 'The strong devours the weak", The winner is the king, the loser is the thief!
Hindi lang si Yunchi, pati narin ang tatlong player ay puno ng admiration kay Roan maliban sa isa na si Doranbalth na napa sneered lang at sinabing, "Che, Naka chamba lang ang dugyot na yan!"
Di parin maalis-alis sa isipan ng Archer ang pinamalas na lakas ni Roan.
'Nailagan niya ang Arrow ko, tapos muntik niyang mapatay si Yunchi...'
Maiintindihan ng Archer kung bakit nasira ang depensa ni Yunchi, kung ang gamit ni Roan ay isang Aspect Gear. Dahil ang ganitong mga weapons ay may mga option at active generated skills, pero kabaliktaran ang nangyari.
'Isang Novice gamit lamang ang normal bow at arrow ay kayang bumutas ng intermediate mastery defensive skills?'
'Kung ganito na siya OP habang novice pa at wala pang job class, pano nalang kung magiging isang legit Archer siya?'
'Pro player o Cheater?'
Hindi na itinuloy ng Archer na mag-isip kung gaano kalakas si Roan sa near future.
'Isa lang masasabi ko, hindi ordinary player ang boob freak na'to.'
*Ding*
Tunog ng alert notifications, nag pop up ang private message sa harapan ni Doranbalth. Dali-dali niya itong binuksan.
[PM] Herzy: Natunton na namin ang ang sinasabing hidden cave, dalian nyo at di ko bet ang maghintay ng matagal.
Biglang nag shine ang mga mata ni Doranbalth nang mabasa niya ang private message ni Master Herzy. Nireplyan niya naman agad ito.
[PM] Doranbalth: Papunta na kami Master Herzy.
"Guys, good news! Natunton ni Master Herzy ang hidden cave, kahit di man tayo ang unang naka discover ay atleast may makukuha parin tayong treasure pag nakipagtulungan tayo sa kanila"
"So anong gagawin natin sa Boob freak nato?"
"May bangin isang kilometer galing rito. Pwede natin siyang ihulog muna dun, pero bago ang lahat lagyan nyo muna ng status ailments para hindi magising"
Nang mapag desisyonan nila kung anong gagawin ay tumungo na agad sila sa bangin ng Garge.
Garge Cliff |
"Deep Sleep!"
Sigaw ng Acolyte habang naka channel ang mana niya sa katawan na walang malay na si Roan.
"Ok, all set. Hindi siya magigising ng ilang oras"
Naging epektibo lamang ang status ailments na ito dahil sa pagiging low level player ni Roan, kung mataas ang level ng target ay siya namang mababa ang sleep time ng spell.
"Ok guys, tara na!"
Umalis agad papuntang Bone trove cave ang grupo nina Doranbalth. Ayaw nilang magsayang ng oras dahil ayaw nila makatikim ng hagupit ni Herzy.
Sa ilang minutong paglalakbay ay natagpuan nila agad ang hidden cave sa tulong ni Master Herzy na nagbigay sa kanila ng exact coordinates.
......
Hah. Nasan ako? Nasa heaven naba ako....
Ito ang unang tanong ng magising si Roan sa isang madilim na silid, chineck niya agad ang buong katawan kung buo paba ito.
Teka, asan na sila Doranbalth?
Naghanap hanap si Roan sa paligid ngunit tanging kadiliman lamang ang kanyang natatanaw.
"Hello, may tao ba rito?"
Walang sumasagot, tanging naririnig niya ang nag e-echo niyang boses.
Pero ilang sandali ay may biglang nagsalita.
"Oh boy, talagang napaka pait ng tadhana?" Isang napaka deep na boses ang narinig ni Roan.
"Waaaaa.. Lord, patawarin nyo ko sa lahat ng aking kasalanan, i promis.."
Bago pa makatapos si Roan sa kanyang pag mamakaawa ay pinutol ito ng misteryosong boses.
"For your info, hindi ako diyos. Sabihin nalang natin na isa akong Legendary Blacksmith at isang Tamer. Kaya wag kang ano diyan. Baka masapak kita diyan eh.."
Di nga!? Kung hindi siya diyos...
"Kung ganon... Kayo ho ba ang guardian angel ko?"
"Masasapak na talaga kita diyan eh... Ehem. Back to the main topic. Anong pangalan mo boy?"
Bat napaka profound naman ng boses ng matandang ito? ohhh shit.. Baka hidden quest to?
Nagmadali sumagot si Roan dahil alam niyang napaka importante nito, kung hidden quest to, ibig sabihin extra rewards, means extra money!
"Roa.. I mean Anvart po. Anvart!"
"Anvart... Hmmm, parang pang bakla na pangalan.. Pero, not that it matters."
"Sino po kayo? at ano po kayo?"
"Isa akong Legendary figures. Take note! hindi lamang sa Human kingdom namayagpag ang aking napaka proud na pangalan kundi pati narin sa ibang Continent.
Matagal na akong naghahanap ng descendant o taga pag mana ng aking abilidad bilang isang kagalang galang na Tamer, sa loob ng 10,000 years ay marami nang nakapasok sa bangin na ito ngunit ni isa sa kanila ay hindi karapat dapat."
"Ku.. Kung ganon... A..Ako naba ang hinahanap mo?" Halos di maka pag salita si Roan sa excitement.
Yess.. Jockpot! Alam koto, Special Class katulad ng nirereport sa TV at pinagkakaguluhan ng karamihan!
"Absolutely no, hindi ka karapat-dapat!"
Huh!?..
"Pero... Anong point ng pag approach mo sakin?"
Kung hindi ako ang kanyang hinahanap eh bat mag sasayang pa siya ng oras para kausapin ako?
"Actually, sa tinagal-tagal ng aking pag hihintay at paglipas ng mahabang panahon ay humina ang aking spiritual consciousness, dahil wala na akong mortal body at matagal na akong patay ay kailangan kong makahanap ng tagapagmana sa madaling panahon kahit hindi pasok sa panglasa ko."
"Dahil ayaw ko mawala sa mukha ng history ang pagka amazing ko. And you leave me no choice.." Medyo humina ang boses ng mysterious na matandang ito, tila bang may malaki siyang pinanghihinayangan.
You leave me no choice my ass!!
Itinuloy ng matanda ang kanyang huling habilin.
"Ang requirements na hinahanap ko ay dapat may 100 STR, 100 DEX at under level 10, dahil diyan pasok ka sa hinahanap ko, however sa ibang requirements ay malabo."
"Ang alin malabo?" Confused na tanong ni Roan.
"Wag kang sumingit, hindi pa ako tapos! Ehem. Wala kang intelligence, pano mo magagamit ang mga rank S ability ko? Well, may paraan naman pataasin ang INT kaya hindi masyadong malaki ang issue nato."
"At ang panghuli.." Medyo nawalan ng gana ang tono ng matanda.
"Kagwapuhan, dapat ay pretty boy ka! Hindi ka katulad ko na habulin ng mga bebes. Kung hindi mo itatanong, ako na ang sasagot. Nung kapanahunan ko ay di mabilang ang mga prinsesa at reyna na mag isang umaakyat sa aking higaan habang hindi ko alam."
Wow, SB19 si tatang? Habulin ng chicks...
Kung tungkol sa INT ay magagawan ko pa ng paraan, andyan ang training ground center. Pero yung kagwapuhan, talagang malabo nga..
Pati si Roan ay aminado sa isinalaysay ng matanda.
"Pero wait.. Ba't pati palambas na anyo kailangan sa requirements nyo? Diba mas importante naman ang ang pang loob at tsaka talent?"
"Tumpak! Kaya nga you leave me no choice dahil nakikita ko sa iyong puso na isa kang mabuting tao, sana nga.. at hinding-hindi mo gagamitin sa masama ang kapangyarihan ko"
Grabe, pati NPC ini insulto ako.
Pagkatpos nun ay biglaang lumabas ang notification window sa harapan ni Roan.
[ Congratulations, you acquired new Legendary Job Class! ]
You are now a Legendary Slime Tamer
[ Congratulations, you acquired new Epic Job Class! ]
You are now a Blacksmith
"Woah... bat dalawang class nakuha ko? Legendary at Epic class? Pero bakit blacksmith lang? Diba dapat upgraded version tulad ng darksmith o di kaya'y white smith?"
"Wag mung bahiran ng kahihiyan ang aking pangalan, hanggang sa muli aking pag-asa..."
"Anong pangalan nyo tatang?"
Pero bago matapos ang katanungan ni Roan ay naglaho na ang consciousness ng misteryosong matanda.
*Shing*
Kasabay nito ang pagbuka ng mga mata ni Roan dahil naaninag niya ang ilaw na tumatama sa kanyang mukha.
Bat parang may malambot na bagay na nakapatong sa aking mukha?
Inabot niya ito para kuhain ngunit laking gulat ni Roan na hindi niya ito nahawakan at dumaplis lang sa kanyang mga kamay.
Feeling ko may nahawakan akong isang malagkit na bagay.
Tumayo agad siya at nakita ang tumatalon talon na cute na bagay sa kanyang harapan.
Slime? Hindi lang isa kundi maraming slime!
Napatakbo si Roan sa sulok at pilit iniiwasan ang mga malambot na bagay na ito! 10 HP nalang ang natitira sa health bar niya at kung sabay sila umatake siguradong mamamatay si Roan kahit mababa ang kanilang damage.
Kahit mga cute ang mga ito ay isa parin itong uri ng monster! Kaya hinding hindi ko ibaba ang depensa ko!
Pero nagulat nalamang si Roan nang lumapit ang isang sa mga slime sa kanyang paanan at tila ba nag lalambing. Tapos sumunod naman ang iba hanggang sa napalibutan na siya nito, nag sisi talon ang mga slime na parang tuwang tuwa.
Huh? Di ako inatake, instead maamo sila saakin? Hehe sabagay, anong harm ng mga jelly nato, diba?
Ngunit bigla niyang naalala ang bagong job class na nakuha niya sa matanda.
Oh.. Kaya pala hindi sila umatake, dahil ni recognized nila ako as a master dahil isa na akong Slime Tamer!
Pero nang maalala ni Roan ang mga imahe ng Slime sa ibang games ay bigla na lamang siya nawalan ng gana. Sa isang iglap ay nag 360 degree turn back ang expectations niya sa class nato.
Slime tamer.. Anong silbi nito sa pakikipaglaban? Tapos legendary job class? What a joke...
"Na scam ako ng matandang babaero!"
Di ako makapaniwala na uto ako ng matandang iyon! Ngayon dalawa na ang Job Class ko, ibig sabihin hindi na ako makakakuha ng astig na Job class dahil may limit lamang ito sa dalawa kada player?
Gustong umiyak ni Roan, "I feel robbed huhu"
Napa upo nalang siya at nag muni-muni at lumapit isa-isa ang mga slime na nakikisimpatya sa kanya.
"Buti pa ang mga slime may puso, pero yung matandang babaero? Napaka itim ng budhi mo! Huhu"
Legendary my foot!
Pagkatapos ng ilang minutong taimtim ay napag pasyahan ni Roan na mag move on na lang.
"Blacksmith naman yung isa kong Class kaya hindi kona pro-problemahin ang Job quest ng matandang lasenggero." Gumaan ang pakiramdam ni Roan ng hindi na niya kakailanganin pa ang Job Quest na ibingay sa kanya.
Tinignan niya ang mga bagong skills sa ability tab para ma confirm ang nilalaman nito.
Tamer Skill: Mutual Understanding lv. 1
Slime Skill: Slime Union lv. 1
Slime Skill: Mimicry lv. 1
Blacksmith Skill:
Perfect Forge Lv. 1
Perfect Appraisal Lv. 1
Perfect Enhanced Lv. 1
Perfect Recreation Lv. 1
Perfect Creation Lv. 1
"!!!!!!"
A/N: Wala nang edit edit pa haha. Paki like nalang if nagustuhan niyo mga idols.