Chereads / Runaway With Me / Chapter 171 - Unity Locale 16

Chapter 171 - Unity Locale 16

~Madaling araw~

"Mahal mo siya diba?"

Tanong ni Jay kay Jervin habang tinitignan na nito ang binata gamit ang kaniyang malulungkot at namumulang mga mata. Tumango na lamang ang binata bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng kaniyang kababata habang hawak ang magkabilang braso nito. Tinignan na ng kababata si Liyan at saka tinanguan ito. Tinanguan na rin pabalik ng dalaga ang kababata ni Yvonne at saka naglakad napapalapit sa binata.

"Meron akong alam na ritual at ang kakailanganin lang sa ritual na un ay ang mga taong nagmamahal sa namatay at ang tinutukoy sa propesiya."

Sabi ni Liyan kay Jervin habang tinitignan na nito ang binata gamit ang kaniyang namumulang mga mata. Inalis na ng binata ang kaniyang pagkakahawak sa magkabilang braso ng kaniyang kababata, hinarap na ang dalaga at saka tinignan na si Yvonne na nakahiga sa talampasan.

"Kahit ano basta mabuhay lang ulit si Yvonne."

Tugon ni Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan si Yvonne na nakahiga sa talampasan at saka seryoso nang tinignan si Liyan. Tumango na lamang ang dalaga, tinignan na ang kaniyang mga kaibigan at saka naglakad na tungo sa kinaroroonan ng kanilang kaibigan na nakahiga sa lupa.

"Hawakan niyo si Yvonne habang inaalala niyo ung mga panahon na kung kelan niyo siya minahal ng sobra."

Pagbibigay ng direksyon ni Liyan sakanilang mga kaibigan nang makalapit na sila sa kinaroroonan ni Yvonne sabay luhod na sa tabi nito at saka hinawakan na ang kamay nito. Lumuhod na rin ang tatlo at saka hinawakan na ang braso at paa ng kanilang kaibigan na nakahiga sa lupa. Si Jay naman ay lumuhod sa bandang ulo ng kanilang kaibigan at saka hinawakan ang ulo nito. Sinamaan siya ng tingin ng dalaga, dahilan upang panlakihan niya ito ng mga mata at saka nagkibit balikat dito.

"Si Jervin dyan."

Simpleng sabi ni Liyan kay Jay habang patuloy pa rin nitong sinasamaan ng tingin ang binata. Sinamaan na rin ng tingin ng binata ang dalaga, tumayo nang muli at saka pumwesto na sa tabi ng dalaga at hinawakan na ang kamay ng kanilang kaibigan na nakahiga sa lupa. Lumuhod na si Jervin sa bandang ulo ng kanilang kaibigan at saka tinignan ito gamit ang kaniyang malulungkot na mga mata.

"Sundan niyo lang ung mga sasabihin ko. Ako ang mauuna tas sa pangalawang sambit ay sabayan niyo na ako. Isang pagkakamali lang sa pagbigkas ay mayroong kapalit saating lahat na gumawa ng ritual na to."

Pagbibigay muli ng direksyon ni Liyan sakanilang mga kaibigan habang palipat-lipat na ang tingin nito sakanila. Tumango lamang sila bilang tugon sa dalaga at saka tinignan na si Yvonne. Tinignan na ng dalaga si Jervin dahilan upang tignan na rin siya nito pabalik.

"Bahala ka kung pano mo gustong iparamdam kay Yvonne ang pagmamahal mo at hindi mo na kailangan pang Sumabay saamin habang nagi-incant kami ng incantation."

Pagbibigay direksyon naman ni Liyan kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Tumango na lamang ang binata bilang tugon nito sa dalaga at saka marahang nang hinawakan ang pisngi ni Yvonne.

"Gnrib ckab hwat ceno swa nego. Gnrib ckab het turesreca sulo nad leha ti thiw velo."

Sambit ni Liyan habang nakapikit na ito at hawak pa rin ang braso ni Yvonne. Pumikit na rin sina Hendric, Anna, Melanie at Jay habang nakahawak pa rin sa braso, paa at kamay ng kanilang kaibigan na nakahiga sa lupa.

"Gnrib ckab hwat ceno swa nego. Gnrib ckab het turesreca sulo nad leha ti thiw velo."

Sabay-sabay na sambit na nila Liyan, Jay, Anna, Hendric at Melanie habang nakapikit pa rin sila at nakahawak pa rin kay Yvonne. Isa-isa nang nagsi labasang muli ang kanilang mga luha habang nakapikit pa rin sila, samantalang si Jervin ay hawak pa rin ang pisngi ng dalaga at tinitignan pa rin ito gamit ang kaniyang malulungkot na mga mata.

"Gnrib ckab hwat ceno swa nego. Gnrib ckab het turesreca sulo nad leha ti thiw velo."

Sabay-sabay na sambit nilang muli habang tuluyan na silang naiyak. Sa pagkakataong ito ay pumikit na si Jervin at saka dahan-dahan nang inilalapit ang kaniyang labi sa labi ng dalaga.

"Gnrib ckab hwat ceno swa nego. Gnrib ckab het turesreca sulo nad leha ti thiw velo."

Sambit muli nila ng sabay-sabay habang patuloy pa rin nilang hinahawakan si Yvonne. Sa mga oras na ito ay tuluyan nang na halikan ni Jervin ang dalaga at tuluyan na ring tumulo ang kaniyang mga luha sakaniyang pisngi at pati na rin sa pisngi ng dalaga.

"Gnrib ckab hwat ceno swa nego. Gnrib ckab het turesreca sulo nad leha ti thiw velo."

Sabay-sabay na sambit muli ng lima habang umiiyak pa rin sila. Ilang saglit pa ay inalis na ni Jervin ang kaniyang labi sa labi ni Yvonne at dahan-dahan nang iminulat ang kaniyang mga mata, umaasa na magbalik nang muli ang dalaga.

"Gnrib ckab hwat ceno swa nego. Gnrib ckab het turesreca sulo nad leha ti thiw velo."

Huling sambit ng lima at dahan-dahan na rin nilang iminulat ang kanilang mga mata. Mabilis nilang tinignan ang mukha ni Yvonne at umaasa rin na mabuhay muli ang dalaga. Makalipas ng dalawang minuto ay nagdikit na ang kilay ni Liyan habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga.

"Bakit hindi pa rin nagi gising si Yvonne? Diba mahal niyo naman ung isa't isa?"

Takang tanong ni Liyan kay Jervin habang tinitignan na nito ang binata nang mayroong pagka gulo sakaniyang mukha. Nagdikit na rin ang kilay ng binata habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang mukha ni Yvonne.

"Yvonne… gumising ka na, Yvonne… bumalik ka na samin, Yvonne… bumalik ka na sakin…"

Tanging nasabi na lamang ni Jervin kay Yvonne sabay dikit na nito ng kanilang noo ng dalaga habang patuloy pa rin siyang umiiyak.

"Yvonne…"

Tawag ni Melanie kay Yvonne habang hawak pa rin nito ang paa ng dalaga at patuloy pa rin sakaniyang pag-iyak nang nakapikit na.

"Ibon… mamimiss kita…"

Sabi naman ni Anna kay Yvonne habang hinihimas na nito ang kamay ng dalaga at patuloy pa ring tinitignan ang dalaga at sakaniyang pag-iyak.

"Bunso… bakit mo kami iniwan ng ganito?"

Tanong naman ni Hendric kay Yvonne habang hawak pa rin nito ang braso ng dalaga at patuloy pa rin sakaniyang pag-iyak nang nakayuko.