Chereads / Runaway With Me / Chapter 172 - La Vie En Rose Hotel 19

Chapter 172 - La Vie En Rose Hotel 19

~Hapon~

"Paano kaya nakakuha ng room dito sila Yvonne at Jervin?"

Takang tanong ni Isabelle sakaniyang sarili habang naka tingala na ito sa harapan ng mataas na gusali na mayroong pinag halong kulay itim at puti sa pader nito, kulay ginto naman ang mga haligi niyon at mayroong mga mapupulang rosas sa bawat bintana. Tinignan na ng babae ang pasukan ng gusali, nagpakawala ng malalim na hininga at saka naglakad na papasok sa gusaling iyon.

"Ih. Woh nac I lehp uyo?"

Salubong ng isang babaeng empleyado ng tuluyan na pinasukan ni Isabelle sakaniya. Agad na napatigil sa paglalakad ang babae at saka pinanlakihan ng mga mata ang babaeng empleyado na nakatayo na sakaniyang harapan habang nginingitian siya nito.

"Nac I og ot Yvonne Tamayo nad Jervin Anonuevo's orom?"

Tanong ni Isabelle sa babaeng empleyado habang nginingitian na rin ito pabalik. Dahan-dahan nang nawala ang ngiti ng babaeng empleyado kay Isabelle sabay tingin na nito sa babae mula ulo hanggang paa.

"Ohw rea uyo?"

Tanong pabalik ng babaeng empleyado kay Isabelle sabay tingin na nito sa mga mata ng babae. Napataas ng parehong kilay ang babae sa babaeng empleyado at saka tumawa ng bahagya.

"Isabelle Anonuevo."

Simpleng sagot ni Isabelle sa tanong sakaniya ng babaeng empleyado at saka nginitian muli ito. Nginitian na pabalik ng babaeng empleyado ang babae, dahilan upang mas lalu pang lumaki ang ngiti nito.

"Flowlo em."

Nakangiting sabi ng babaeng empleyado kay Isabelle sabay lakad na nito. Mabilis na sinundan ng babae ang babaeng empleyado habang iniikot na nito ang kaniyang paningin sa loob ng tuluyan. Nang makarating na sila sa tapat ng pintuan ng room 406 ay binuksan na ng babaeng empleyado ang pintuan, nginitiang muli ang babae at saka iniwan na ito. Dahan-dahan nang binuksan ng babae ang pintuan at saka mabagal rin itong pumasok sa kwarto.

"Ang laki!"

Tanging nasabi na lamang ni Isabelle nang mamangha ito sa laki ng kwarto na mayroong dalawang kama sa magkabilang dulo. Marahang isinara ng babae ang pintuan at saka naglakad na papasok doon.

"Ano nga ulit ung sabi ni Yvonne nun? Ah! Sa kaliwang kama natutulog si Jervin, samantalang siya naman ay sa kanang kama!"

Tanong at sagot ni Isabelle sakaniyang sarili sabay lakad na nito tungo sa lamesa na katabi ng kama na ginamit ni Yvonne, binuksan na ang drawer at nakita ang mga papel na mayroong mga nakasulat na pangalan. Napabuntong hininga na lamang ang babae sabay kuha na ng mga papel mula sa drawer at saka inilagay na sakaniyang shoulder bag.

"Sana walang masamang nangyari kay Yvonne."

Sabi ni Isabelle sakaniyang sarili habang nakatingin na ito sa bintana at hawak na ng mahigpit sakaniyang shoulder bag.

"Ipagpaumanhin ninyo kung ngayon lamang kami nakarating, Aneska."

Paghingi ng tawad ni Hongganda kay Aneska habang nakatayo na ito sa harapan ng Diwata at nakatayo naman sakaniyang tabi sina Ceejay at Angela. Tinignan na ng Diwata ang dalawang dalagang kasama ng matandang babae, napabuntong hininga na lamang at saka hinawakan na ang balikat nito.

"Mabuti na lamang at huli na kayong dumating, kung hindi ay naranasan niyo pang tumalsik sa puno."

Natatawang sabi ni Aneska kay Hongganda habang hinahawakan pa rin nito ang balikat ng matandang babae. Nanlaki ang mga mata nila Ceejay at Angela nang marinig ang sinabi ng Diwata at saka tumingin na sa isa't isa, habang ang matandang babae nama'y nagdikit ang kilay nito at saka takang tinignan na ang Diwata sakaniyang harapan.

"Anong…?"

Bago pa man matapos ni Hongganda ang kaniyang tanong kay Aneska ay iniikot na ng Diwata ang kaniyang tingin sakanilang paligid at saka inalis na ang kaniyang pagkakahawak sa balikat ng matandang babae.

"Nagpakilala na ang tinutukoy sa propesiya sa pamamagitan ng paglabas niya ng malakas na puwersa at nanggaling ito sa talampasan sa itaas na bahagi ng Unity Locale."

Sagot ni Aneska sa tanong ni Hongganda sabay balik na nito ng kaniyang tingin sa matandang babae. Tumango na lamang ang matandang babae bilang tugon nito sa Diwata. Ilang saglit pa ay lumapit na si Dezso sakanilang kinaroroonan at agad siyang sinamaan ng tingin ng matandang babae.

"Bakit ka naririto, Dezso?"

Inis na tanong ni Hongganda kay Dezso habang pinanlilisikan na nito ng tingin ang Diwatang mayroong kulay pulang buhok. Tinaasan ng parehong kilay ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok ang matandang babae at isinabay na rin nito ang pag taas ng kaniyang dalawang kamay sa ere, bilang pagsuko rito.

"Huwag ka agad magalit saakin, Hongganda. Wala akong ginawang masama saiyong pinakamamahal na 'apo'. Itanong mo pa kay Aneska."

Sab ni Dezso kay Hongganda habang nginingisian na nito ang matandang babae at nakataas pa rin ang kaniyang mga kamay sa ere. Ipinagpatuloy lamang ng matandang babae ang kaniyang panlilisik ng tingin sa Diwatang mayroong kulay pulang buhok, habang sina Ceejay at Angela nama'y nagdikit na ang kilay nang mapagtanto ang sinabi ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok sa matandang babae.

"Dezso. Magtigil ka riyan."

Pagsasaway ni Aneska kay Dezso habang seryoso na nitong tinitignan ang kapwa Diwata na mayroong kulay pulang buhok. Tinignan na ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok ang kapwa Diwata na mayroong kulay asul na buhok at saka nag kibit balikat na lamang.

"'Apo'? Akala ko po ba Madam Hong wala kayong asawa at anak?"

Takang tanong ni Ceejay kay Hongganda habang taka na nitong tinitignan ang matandang babae na nakatayo sakaniyang tabihan.

"Ano pong ibig sabihin niya Madam Hong?"

Tanong naman ni Angela kay Hongganda habang taka na rin nitong tinitignan ang matandang babae sakaniyang tabihan. Ilang saglit pa ay natauhan nang muli si Hongganda at saka tinignan na sina Ceejay at ang kaibigan nito.

"Mga hija, mas mabuti pang tulungan niyo na lamang na gamutin ang mga sugatan."

Nakangiting utos ni Aneska kila Angela at Ceejay habang tinitigan na muli ng Diwata ang dalawang dalaga sa tabi ni Hongganda. Tinignan na ng dalawang magkaibigan ang Diwata, nagtinginan na sa isa't isa, tinignang muli ang Diwata, tumango na lamang bilang tugon nila rito at saka naglakad na papalayo sakanilang kinaroroonan. Natawa na lamang si Dezso habang sinusundan na nito ng tingin ang dalawang dalaga.

"Hanggang kailan niyo pa balak itago ang tunay na kasarian ni Hongganda sa mundo?"

Natatawang tanong ni Dezso kila Aneska at Hongganda habang palipat-lipat na ang tingin nito sa kapwa Diwata na mayroong kulay asul na buhok at sa matandang babae na nakatayo sa harapan nito. Napabuntong hininga na lamang ang matandang babae dahil sa tanong ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok, dahilan upang panlisikan na ng tingin ng Diwatang mayroong kulay asul na buhok ang kapwa nitong Diwata.

"Kailan mo naman balak itikom ang iyong madaldal na bunganga, Dezso?"

Related Books

Popular novel hashtag