Chereads / Runaway With Me / Chapter 138 - Sebastian's Residence 3

Chapter 138 - Sebastian's Residence 3

~Hapon~

"Sumunod si Tazara kay Paulina at isinama niya ang kaniyang buong angkan tungo saan? Sa Canada?"

Mahinahong tanong ni Dalis sa maputing lalaki na nakaupo sa sofa sakaniyang harapan habang nakaupo rin ito at tinitignan na ang lalaki.

"Nakita ko siya at ng kaniyang angkan na nagtungo sa ilalim ng tulay na patungo sa Canada."

Simpleng sagot ng maputing lalaki sa tanong sakaniya ni Dalis habang nakatingin ito sa matandang babae nang mayroong ngisi sakaniyang mga labi. Napatango na lamang ang matandang babae habang nakangiti na rin ito.

"Ano sa tingin mo ang dahilan, Edward?"

Nakangising tanong ni Dalis sa maputing lalaki na nagngangalang Edward habang nakatingin pa rin ito rito. Ilang saglit ang lumipas ay hindi pa sinasagot ng maputing lalaki ang tanong sakaniya ng matandang babae hanggang sa mayroon na lamang dumating na dalaga sakanilang kinaroroonan.

"Lola Dalis, ba't may narinig akong 'Canada' galing sa isa sainyo ni Sir Edward?"

Tanong ng dalaga kay Dalis habang papalapit na ito sa matandang babae. Nilingon at nginitian na ng matandang babae ang dalaga at saka hinawakan na ang kamay nito.

"Gusto mo ba magtungo tayo sa Canada, Daisy hija?"

Nakangiting tanong pabalik ni Dalis sakaniyang apo na nagngangalang Daisy habang hawak pa rin ang kamay nito at nakatingin pa rin sakaniya. Biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa itinanong sakaniya ng kaniyang lola at saka dali-daling naupo sa tabi nito.

"Nandun ba si Jay?"

Tanong pabalik naman ni Daisy kay Dalis habang kumikinang-kinang na ang kaniyang mga mata at mayroong ngiti sakaniyang mga labi. Nginitian lamang ng matandang babae ang kaniyang apo at saka tumango bilang tugon sa tanong nito.

"Lola punta na tayo sa Canada! Gusto ko na ulit makita si Jay! Miss ko na siya!"

Sagot ni Daisy sa tanong sakaniya ni Dalis kanina habang kumikinang-kinang pa rin ang mga mata nito at nakangiti. Bahagyang natawa si Edward dahil sa sinabi at inasta ng apo ng matandang babae sakaniyang harapan.

"Mag-ayos ka na ng bagahe mo hija at nang makaluwas na kaagad tayo patungo sa Canada mamayang gabi."

Nakangiting sabi ni Dalis kay Daisy sabay bitaw na nito sa kamay ng dalaga. Dali-dali namang tumayo mula sakaniyang kinauupuan ang dalaga at saka umakyat na sa hagdan. Tuluyan nang natawa si Edward nang makaalis na ang apo ng matandang babae sa salas na kanilang kinaroroonan.

"Mayroon bang nakakatawa, Edward?"

Nakangising tanong ni Dalis kay Edward habang nakatingin na ito sa maputing lalaki na kaniyang kaharap. Unti-unti nang humihinga ang pagtawa ng maputing lalaki hanggang sa tumigil na ito, inayos ang kaniyang sarili at deretso nang tinignan ang matandang babae sa mga mata nito.

"Wala naman… sadyang naalala ko lamang ang ating kabataan. Noong mga panahong gustong-gusto mo pa ako ngunit ayaw ka nilang pahintulutan sapagkat isa akong Bampira at ang nais nila para sayo ay ang isang salamangkero na mayroong mataas na katayuan."

Nakangiting sagot ni Edward sa tanong sakaniya ni Dalis habang tinitignan pa rin nito ang matandang babae sa mga mata nito. Bahagya na ring natawa ang matandang babae dahil sa sinagot ng Bampira sakaniyang tanong at napatingin na sa hagdan na kung saan ay umakyat ang kaniyang apo na si Daisy.

"Naaalala ko pa ang mga panahon na iyon… ngunit hanggang ngayon pa rin nama'y mayroon pa rin akong nararamdaman tungo saiyo."

Nakangiting sabi ni Dalis kay Edward habang nakatingin pa rin ito sa hagdan gamit ang kaniyang naluluha nang mga mata. Napabuntong hininga na lamang ang Bampira dahil sa sinabi ng matandang babae sakaniya habang patuloy pa rin itong tinitignan.

"Fernanda, mayroong ka na bang nalalaman kung saan naroroon ang mga kaibigan ng aking apo?"

Tanong ni Malaya kay Fernanda habang nakatayo ito sa balkonahe ng kanilang bahay at nakatingin sa dwende na nakatayo sa harang sakanilang balkonahe. Tumango ang dwende bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng matandang babae.

"Naroroon sila Yvonne Tamayo at Jervin Anonuevo sa Canada, ngunit hindi ko alam kung saan ang eksakto nilang kinaroroonan ngayon doon."

Sagot ni Fernanda sa tanong sakaniya ni Malaya habang tinitignan na nito ang matandang babae sakaniyang harapan. Napatango na lamang ang matandang babae at saka tumingin na sa kalangitan.

"Narinig ko rin na nagtungo na raw roon sina Paulina de Gracia, Tazara Balderas nitong mga nakaraang araw at magtutungo na rin doon sina Dalis Sebastian mamayang gabi."

Dagdag pa ni Fernanda sakaniyang sinabi kanina kay Malaya, dahilan upang mapatingin na sakaniya ang matandang babae gamit ang mga nanlalaking mga mata nito.

"Saan mo naman narinig iyan?"

Gulat na tanong ni Malaya kay Fernanda habang tinitignan pa rin nito ang dwende gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Sinabi saakin ng mga insekto na aking inutusan na mag espiya sa mansion ng iyong mga kaibigan."

Sagot ni Fernanda sa tanong sakaniya ni Malaya habang hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang tingin sa matandang babae sakaniyang harapan. Nagpakawala ng malalim na hininga ang matandang babae dahil sa gulat nito.

"Madam Malaya, ano ang inyong kinain nitong meriyenda? Bakit amoy bawang ang inyong hininga?"

Tanong ni Fernanda kay Malaya sabay iwas na nito ng kaniyang tingin sa matandang babae habang tinatakpan na ang kaniyang ilong. Napataas ng parehong kilay ang matandang babae at saka mabilis na tinakpan ang kaniyang bibig habang nakatingin na sa dwende na naka takip pa rin ang ilong.

"Ipagpaumanhin mo ang aking hininga Fernanda! Hindi ko sinasadya iyon!"

Paghingi ng tawad ni Malaya kay Fernanda habang tinatakpan pa rin niya ang kaniyang bibig. Muli nang hinarap ng dwende ang matandang babae at saka tinignan na itong muli habang hindi na nito tinatakpan pa ang kaniyang ilong.

"Gayun pa man, nararapat lamang na sumunod kayo upang mahanap niyo na sina Yvonne Tamayo at Jervin Anonuevo bago pa man sila mapunta sa kamay ng iyong mga kaibigan."

Tanging sabi na lamang ni Fernanda kay Malaya habang tinitignan pa rin nito ang matandang babae na tinatakpan pa rin ang bibig nito. Tumango na lamang ang matandang babae bilang pag sang-ayon nito sa sinabi sakaniya ng dwende.

"Salamat saiyong mga impormasyon, Fernanda. Ngunit bago ka bumalik sa inyong tahanan, maaari mo bang sabihan sina Melchor at Melanie na mag impake na sila?"

Sabi ni Malaya kay Fernanda habang tinatakpan pa rin nito ang kaniyang bibig at nakatingin pa rin sa dwende. Tumango lamang ang dwende at akma na sanang maglalakad papalayo sa matandang babae ngunit dahan-dahan siyang tumingin muli rito.

"Anong oras kayo aalis?"

"Ngayong hapon hanggat maaari."