~Madaling araw~
"Lola~ pano niyo po nalaman tong lugar na to~?"
Masayang tanong ni Melanie kay Malaya habang nakahiga na ito sa kama. Hindi kaagad sinagot ng matandang babae ang tanong sakaniya ng kaniyang apo sapagkat naupo muna ito sa kamang hinihigaan nito at saka tinignan ito nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi.
"Alam mo, hija… hindi namin malalaman ng iyong Lolo Melchor ang lugar na ito kung hindi dahil sa Lola ng iyong kaibigan na si Yvonne Tamayo."
Nakangiting sagot ni Malaya sa tanong sakaniya ni Melanie habang tinitignan pa rin nito ang kaniyang apo na nakahiga pa rin. Ilang saglit pa ang lumipas ay bigla nang bumangon mula sakaniyang pagkakahiga ang dalaga at saka tinignan ang kaniyang lola gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.
"Kilala niyo po ung Lola ni Yvonne?"
Gulat na tanong ni Melanie kay Malaya habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang lola gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Tumango na lamang ang matandang babae bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng kaniyang apo. Naupo na rin si Melchor sa tabi ng kaniyang asawa, tinignan ang kanilang apo at saka nginitian ito habang hawak na ang kamay ng kaniyang asawa.
"Matalik na kaibigan ng iyong Lola Malaya ang Lola ng iyong kaibigan. Kasing edad pa lamang nila kayo ay magkaibigan na sila. Kaso mayroong hindi inaasahang pangyayari ang nagbago sa pakikitungo niya saiyong Lola Malaya, dahil ang akala ng lahat ay kami ng iyong Lola ang pumatay sa buong angkan ng mga Alquiza."
Pagkukwento ni Melchor kay Melanie habang nakatingin pa rin ito sakaniyang apo at hawak pa rin ang kamay ni Malaya. Mabilis na nilingon ng matandang babae ang kaniyang asawa at saka umiling ito bilang pagpigil sa pagkukwento nito. Biglang nanlupaypay ang dalaga nang marinig ang kwento ng kaniyang lolo at saka napaiwas na ito ng tingin.
"Un ba ung tinutukoy ni Yvonne na malaking kasalanan nila Lolo't Lola?"
Mahinang tanong ni Melanie sakaniyang sarili habang umiiling-iling na ito. Mabilis na nilingon ng mag-asawa ang kanilang apo at saka tinignan na ito nang mayroong pag-aalala sakanilang mga mata.
"Melanie, hija?"
Tawag ni Malaya kay Melanie habang unti-unti na nitong inaabot ang kamay ng apo. Ngunit bago pa man nito mahawakan ang kamay ng apo ay bigla na nitong inilayo ang kaniyang kamay mula sakaniyang lola at saka naguguluhan itong tinignan.
"Bakit kayong dalawa ni Lolo Melchor ung napagbintangan nila na pumatay sa buong angkan ng mga Alquiza?"
Tanong muli ni Melanie kay Malaya habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang lola at gulong-gulo na ang kaniyang isipan. Iniwas na ng matandang babae ang kaniyang tingin mula sakaniyang apo at akma na sanang tatayo nang biglang hawakan muli ni Melchor ang kaniyang kamay at saka tinignan na siya sa mga mata nito.
"Panahon na Malaya. Lahat ng sikreto ay nabubunyag."
Sabi ni Melchor kay Malaya habang patuloy pa rin nitong hinahawakan ang kamay ng kaniyang asawa at tinitignan ang mga mata nito. Napabuntong hininga na lamang ang matandang babae at saka dahan-dahan nang hinarap ang kanilang apo habang hawak na rin nito ang kamay ng kaniyang asawa.
"Nagpapalipas oras kami nuon ng iyong Lolo Melchor sa isang bangin. Sa ibaba ng bangin na iyon ay mayroong kalsada. Habang nakaupo lamang kami ng iyong Lolo Melchor sa isang bangkuan ay bigla naming nakita si Tazara Balderas."
*FLASHBACK*
"Tazara~!"
Masayang tawag ni Malaya kay Tazara habang nakaupo silang dalawa ni Melchor sa isang bangkuan sa isang bangin habang kinakawayan nito ang kaniyang kaibigan mula sa di kalayuan. Mabilis na nilingon ng matandang babae ang pinanggalingan ng boses na iyon at nasilayan ang kaniyang kaibigan kasama ang asawa nito.
"Malaya~! Kamusta na kayong dalawa ni Melchor?"
Masayang tanong ni Tazara kay Malaya habang naglalakad na ito papalapit sa kinaroroonan ng mag-asawa. Nginitian lamang ni Melchor ang matandang babae habang ang kaniyang asawa nama'y hinawakan na ang kamay ng kaibigan.
"Maayos naman ang aming kalagayan. Ikaw ba?"
Sagot at tanong pabalik ni Malaya kay Tazara habang nakatingin pa rin nito sa kaibigan at hawak pa rin ang kamay nito. Hindi agad sinagot ng kaibigan ang tanong sakaniya ng matandang babae, sapagkat nakatingin ito sa kalsada sa ibaba ng bangin na iyon na tila ba'y parang mayroong inaabangan.
"Ako? Maayos lang din naman tulad ninyong mag-asawa. Anong oras na pala?"
Sagot at tanong pabalik din ni Tazara kay Malaya habang tinitignan na nito ang matandang babae. Tinignan na ni Melchor ang kaniyang orasan sakaniyang pulso at saka tinignan na ang kaibigan ng kaniyang asawa.
"Maga-alas kwatro na. Mayroon ka bang inaabangan, Tazara?"
Sagot at tanong pabalik naman ni Melchor kay Tazara habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae na nakatingin nanamang muli sa kalsada sa ibaba. Biglang nanlaki ang mga mata ng matandang babae nang marinig ang sagot ng matandang lalaki.
"Kailangan ko nang umalis! Mayroon pa akong dapat habulin! Mag-iingat kayong dalawa! Paalam! Hanggang sa susunod muli!"
Pamamaalam ni Tazara sabay alis na nito sa kamay ni Malaya at saka dali-dali nang tumakbo papalayo sa kinaroroonan ng mag-asawa. Takang tinignan lamang ng mag-asawa ang tumatakbong matandang babae papalayo sakanila.
Makalipas ng ilang minuto ay mayroong malakas na tunog ang nanggaling mula sa ibabang bahagi ng bangin na kinaroroonan ng dalawang mag-asawa. Nagtinginan silang dalawa at dali-daling nagtungo sa dulo ng bangin at tumingin na sa kalsada sa ibaba nuon at nasilayan ang dalawang bus na nakatumba na at ang isang van na nakabaliktad na sa gitna ng kalsadang iyon.
"Letivate!"
Sambit ni Malaya sabay lutang na nito sa ere at nagtungo na sa kalsada, sumunod na rin si Melchor sakaniyang asawa habang umuusok na ang isang bus.
"Ayos lang ba kayo?!"
Nag-aalalang tanong ni Malaya sabay lapag na nito sa kalsada at nakaharap na sa pinangyarihan ng aksidente. Tahimik na lumapag si Melchor sa tabi ng kaniyang asawa at nag-abang na kung mayroong sasagot pabalik sakaniyang asawa.
"T-tulong…"
Mahinang sabi ng isang babae mula sa loob ng nakabaliktad na van. Mabilis na nagtinginan ang mag-asawa at dali-daling nagtungo sa nakabaliktad na van upang tignan kung sino iyon. Nang masilayan kung sino iyon ay nanlaki ang mga mata ng mag-asawa.
"Jade Alquiza…"
"Diyan lamang kayo! Tatawagin ko si Aneska upang tulungan tayo!"