Chereads / Runaway With Me / Chapter 140 - Emporium Union 8

Chapter 140 - Emporium Union 8

~Umaga~

"Mayroon ka bang alam na pepwedeng tuluyan dito, Edward?"

Tanong ni Dalis kay Edward habang dumaraan na sila sa malaking pamilihan na iyon sa loob ng isang karwahe. Napangisi ang Bampira sa matandang babae at saka tumingin na ito sa labas ng bintana ng karwaheng kanilang sinasakyan.

"Siguro nama'y alam mo ang La Vie En Rose Hotel."

Tanging sabi ni Edward kay Dalis habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag ngisi at nakatingin pa rin ito sa labas. Biglang nanlaki ang mga mata ni Daisy nang marinig ang sinabi ng Bampira sakaniyang lola kaya't mabilis nitong tinignan ang Bampira at saka tinaasan ito ng parehong kilay.

"Ung 5-star hotel?"

Tanong ni Daisy kay Edward habang pinanlalakihan pa rin nito ng mga mata ang Bampira. Ang ngisi ng Bampira ay napalitan na ng ngiti nang marinig ang tanong ng dalaga sakaniya, habang si Dalis nama'y napatingin na sakaniyang apo gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Alam mo ang hotel na iyon, hija?"

Tanong naman ni Dalis kay Daisy habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang apo gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Nilingon na ng dalaga ang kaniyang lola sakaniyang tabi at saka tumango bilang tugon nito rito.

"Pagmamay-ari iyon ng aking matalik na kaibigan kaya't wala na kayong masyado pang aalalahanin."

Nakangiting sabi ni Edward kay Daisy habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Nilingon na ng matandang babae ang Bampira sakanilang harapan at saka pinanlisikan ito ng tingin.

"Bakit hindi ko alam ang lugar na iyon?"

Tanong ni Dalis kay Edward habang pinanlilisikan pa rin nito ng paningin ang Bampira sakanilang harapan. Sinamaan na ng tingin ni Daisy ang kaniyang lola, hinawakan ang magkabilang pisngi nito at saka iniharap sakaniya ang mukha nito.

"Kasi hindi ka updated pagdating sa mga pagbabago sa mundo natin~"

Sagot ni Daisy sa tanong ni Dalis kay Edward sabay bitaw na nito sa mukha ng kaniyang lola at saka tingin na sa labas ng karwaheng kanilang sinasakyan. Pinanlakihan nang muli ng mga mata ng matandang babae ang kaniyang apo habang patuloy pa rin itong tinitignan, samantalang ang Bampira naman na kanilang kasama'y tahimik lamang na tumatawa habang pinapanuod lamang ang mag-lola sakaniyang harapan.

"Mayroon ka pa bang ibang impormasyon na hindi nasasabi saakin patungkol sa dalagang iyon?"

Tanong ni Dalis kay Edward habang nakatingin nang muli ito sa Bampira sakanilang harapan. Nagpakawala ng malalim na hininga ang Bampira habang nakangiti pa rin ito at saka umayos na ng pagkakaupo.

"Narinig ko sa iba pang mga nilalang ay nagkaroon daw ng kaguluhan sa loob ng Blood Moon Inn nitong nakaraang lunes, at ang dahilan ng kaguluhang iyon ay ang mag-lolang Paulina de Gracia at Patrick de Gracia."

Nakangiting sagot ni Edward sa tanong sakaniya ni Dalis habang nakatingin pa rin ito sa matandang babae. Napataas ng isang kilay ang matandang babae nang marinig ang sagot ng Bampira sakaniyang tanong, habang si Daisy nama'y mabilis na napalingon sa Bampira gamit ang kaniya nanamang nanlalaking mga mata.

"Ano naman daw ang dahilan kung bakit gumawa pa ng kaguluhan ang mag-lola sa lugar na iyon?"

Tanong muli ni Dalis kay Edward habang nakatingin pa rin ito sa Bampira at nakataas pa rin ang isa nitong kilay. Napa nguso na lamang ang Bampira sabay kibit balikat nito bilang tugon sa tanong sakaniya ng matandang babae.

"Bakit nandito rin sila Patrick, Sir Edward?"

Takang tanong ni Daisy kay Edward habang magkadikit na ang kaniyang kilay at nakatingin nang muli sa Bampira sakanilang harapan. Napangisi at napa kibit balikat nanamang muli ang Bampira bilang tugon naman nito sa tanong sakaniya ng dalaga.

"Alam ko na ang dahilan kung bakit ayaw akong pahintulutan ng aking mga magulang na maka tuluyan ka."

Kumento ni Dalis kay Edward sabay tingin na nito sa Bampira mula ulo hanggang paa nito, dahilan upang matawa ng bahagya ang Bampira sa sinabi at inasta ng matandang babae. Nanlaki nanamang muli ang mga mata ni Daisy dahil sakaniyang lola habang tinitignan nanaman ito.

"Gusto ka ni Sir Edward!?"

Gulat na tanong ni Daisy kay Dalis habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang lola gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Natawa nanaman si Edward dahil sa itinanong ng dalaga sakaniyang lola.

"Nagkakamali ka Daisy, hija. Ang iyong Lola ang mayroong pagtingin saakin noong kabataan pa namin."

Natatawang sagot ni Edward sa tanong ni Daisy kay Dalis habang pinupunasan na nito ang kaniyang luha sa mata dahil sa kaka tawa. Mas lalu pang nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa sinabi ng Bampira habang nakatingin na ito rito. Ilang saglit pa ay huminto na ang karwaheng kanilang sinasakyan, dahilan upang maibaling na ng dalaga ang kaniyang atensyon sa lugar na kanilang kinaroroonan.

"Naririto na tayo sa tapat ng La Vie En Rose Hotel."

Sabi ni Edward kila Dalis at Daisy sabay baba na nito sa karwaheng kanilang sinasakyan. Sumunod na ring bumaba ang dalaga mula sa karwahe, at nang akma na sanang bababa ang matandang babae nang mag-isa ay biglang iniabot ng Bampira ang kaniyang kamay sa matandang babae upang alalayan itong bumaba. Tinignan na ng matandang babae ang Bampira, nginitian ito at saka hinawakan na ang kamay nito.

"Yvonne! Jervin! Meron tayong malaking problema!"

Sigaw ni Lyka kila Yvonne at Jervin nang makapasok na ito sa loob ng silid na tinutuluyan ng dalawa sakanilang hotel. Mabilis na inikot ng Bampira ang kaniyang tingin sa loob ng silid at nasilayan ang binata na mahimbing pang natutulog at nakahiga sa kama ng dalaga habang ang dalaga nama'y ginawang unan ang hita ng binata at nakahiga rin sakaniyang kama.

"Gumising kayo! May malaki tayong problema!"

Sigaw muli ni Lyka sa dalawa sabay takbo na nito tungo sa kinaroroonan ng dalawa. Unti-unti nang naupo si Yvonne sakaniyang kama habang kinukusot na nito ang kaniyang mga mata, samantalang si Jervin nama'y nag-unat habang nakahiga pa rin ito.

"Ano un?"

Mahinang tanong ni Yvonne kay Lyka habang nakapikit pa rin ito. Ilang segundo pa ay naupo na rin si Jervin sa kama ni Yvonne at saka tinignan ang Bampira gamit ang kaniyang kaliwang mata habang nakapikit naman ang kaniyang kanang mata.

"Ano bang problema mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa pupunta rito?"

Inis na tanong naman ni Jervin kay Lyka habang kinukusot na nito ang kaniyang mga mata. Napahawak na lamang ang Bampira sakaniyang mga pisngi dahil sakaniyang dalawang kaibigan. Ilang saglit pa ay inalis na niya ang kaniyang pagkakahawak sa sariling pisngi sabay hawak naman sa pisngi ni Yvonne, dahilan upang dumilat na ito at tignan na ang matalik na kaibigan gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Magtse check-in dito mismo sa hotel namin si Dalis Sebastian kasama ang kaniyang apo na si Daisy Sebastian! Ung babaitang ginamit mong dahilan para makipag-break dati kay Jay!"