Chereads / Return: Future to Past / Chapter 3 - RAIN CYRIEL

Chapter 3 - RAIN CYRIEL

Heidi's POV

6/8/19

Laking gulat ko nang tumambad sa harapan ko ang isang lalaki na sa tingin ko ay mga kasing edad ko lang. "Mama" sabi niya

" WAHHHHH PAKAWALAN MO AKO PARANG AWA MO NA MARAMI PA AKONG PANGARAP SA BU-- " tinakpan niya yung bibig ko dahil sa pagkakalakas ng sigaw ko " Ikaw si Heidi Chen diba? " at agad naman niyang inalis yung kamay niya " Oo bakit?! stalker ka ba? " pagpipiglas ko sa pagkahawak niya sakin

" Ma sumama ka sakin " sambit niya at agad agad na kinaladkad sa malapit na park.

" Mama may sasabihin ako sayong imporatnte " banat niya sakin at sapilitan akong pinaupo sa bench tsaka siya umupo din sa tabi ko "Tigilan mo ako sa kaka mama mo, anong mama? may topak ka ba ha? takas mental ka ba?" Angal ko sa kanya "Heidi, maniwala ka man o hindi anak mo ako" mahinhing sabi niya " HAYOP KA, HINDI AKO POKPOK PARA MABUNTIS NG MAAGA!" asar na singhal ko sakanya "ANAK MO AKO GALING SA FUTURE!"

Nasampal ko siya ng medyo malakas😣 sa gulat ko sa mga pinagsasasabi niya, alam ko namang walang katotohanan ang mga lumalabas sa bibig niya pero sa pagkasabi niya ay may iba akong naramdaman, in short may maliit na parte sakin ang naniniwala sa hindi malamang dahilan. Nakita ko naman na medyo nasaktan siya kaya naguilty ako sa gjnawa ko " Sorry hindi ko sinasadya pero hindi ko kayang paniwalaan yang mga pinagsasasabi mo, imposibleng mangyari eh imposibleng imposible talaga " pagpapaliwanag ko sakanya. Ilang segundo din tumahimik at nakatitig lang siya sa akin ng malungkot at parang may gustong sabihin, walang kibo niyang kinuha ang kamay ko at pinahawak ang kanyang pulsuhan niya na agad ko namang ikinagulat nang biglang may lumabas na parang orasan na nagsasaad ng oras at araw. " Ito ang patunay ko sayo, meron lamang akong 31 days dito sa panahon niyo nandito ako upang gampanan ang misyon ko sa iyong buhay. " malumanay na pagpapaliwanag niya sa akin. Teka 31 days? so bali isang buwan lang siya magtatagal dito sa 2019 at ano daw? may kailangan pa siyang gampanan na misyon sa buhay ko?! "Anong pangalan mo?" curious na tanong ko sakanya "Rain Cyriel Cruz" sa pagkasabi niyang iyon ay nagsitayuan ang mga balahibo ko 😧 paano nangyare yun? Rain Cyriel ang gusto kong ipangalan sa magiging lalaking kong anak at Rylie Celestine naman kapag babae, at ang apelyidong Cruz na dala niya? Cruz ang pangalan ng napangasawa ko?

" Cruz ba ang surname ng naging asawa ko? " unti unti ko nang nakikitang naniniwala yung sarili ko sa KAHIBANGAN NA ITO GOSH?! :<<< " Oo mama, Si Josiah Hubert Cruz ang papa ko " NANLAKI yung mga mata ko sa sinabi niya! ano daw kamo? si Josiah?! yung crush kong papi na hindi naman ako pinapansin? 😣 " HAHAHAHHAA sira pano mo nalaman na crush ko yun ha? " biro ko sakanya " Siya ang napangasawa mo talaga, hindi man maganda ang pakikitungo niyo sayo ngayon dahil nahihiya din siya sayo pero nasisiguro ko na ngayong school year nagsimula yung lovestory niyo, taong 2019" pagpapaliwanag niya sa akin. So ibig sabihin nahihiya din sakin si Josiah? may gusto ba siya sa akin? o baka d niya lang ako kilala kaya ganun? tsaka ngayong school year na toh agad agad?! KYAH KINIKILIG AKO AH

"ngayong school year agad agad? hindi nga ako pinapansin nun eh tsaka nahihiya din ako kausapin siya" pag iinarte ko sakanya "yun nga ang misyon ko sa buhay mo, ang tulungan ka na makatuluyan si Josiah"

Madami pa siyang kiniwentos sa akin na kakalabasan ko in the near future HAHAHA syempre curious ako noh tsaka anak ko naman toh kaya okay lang! ;)) May pinagkaparehas din kami ni Rain unang una is yung paglalaro ng TEKKEN HAHAHAHA! mahilig kasi ako mag tekken at minsan ilang oras akong nasa arcade naglalaro lang dun, inis na inis na nga yung ibang gustkng maglaro kasi hindi talaga ako tumatayo except na lang kung bibili na ako ng token ko 😝 "Uso pa ba yung tekken sa panibagong taon sainyo" medyo nagtatakang tanong ko, " Oo naman, patuloy pa din itong lalakas at madedevelop, pati na rin yung arcade shop nandun pa din sa taon ko " pagmamalaki naman niya "teka anong taon ba yung sinasabi mo?" Medyo naguguluhang tanong ko "Ang kaanyuan ko na ito ay 14 yrs old at ang taon na kinabibilangan ko ay 2032" taray ang labo ng math niya ha pero wait lang akala ko ba tutulungan niya ako kay Josiah? "Rain, akala ko ba tutulungan mo ako kay Josiah" umaasang tanong ko, sa wakas baka magkaroon na din ako ng pag asa sakanya at hindi na lang puro pasulyap sulyap sa room nila psh! "Oo nga, pero mayroon lang akong 1 buwan dito kaya kailangan mapagtagumpayan natin yung misyon" ang bilis huhu :((( pano namin magagawa yun?

"Teka pano na yun kapag nawala ka?" nag aalalang tanong ko "Sa pagkakatanda ko sa eksaktong kaarawan mo ay aayain ka niyang lumabas at dun na magsisimula yung pag usbong ng relasyon niyo" KYAHH BDAY KO?! hala thank you lord! sobrang blessed po talaga ako! pero teka? bday ko? tas iilang araw na lang ang nalalabi na oras niya dito? " Rain pano kung hindi niya ako ayain sa bday ko? magagawan pa ba natin ng paraan yun para sa mga nalalabing araw na nandto ka?" agad agad na tanong ko sakanya " Hindi tayo papalpak, hindi pwede" sabi niya habang hawak sa magkabilang balikat ko, kung titignan mo si Rain, para talaga siyang tao, I mean tao naman talaga siya🤣 na tiga ibang panahon, pero yung tindig, pananamit, itsura at lahat lahat ay parang hindi siya naiiba, parang tiga dito din siya sa amin. Hindi ba nag improve ang mundo sa paglipas ng panahon 😕

"Rain pano kung natapos na ang nalalabi mong oras pero hindi talaga kinaya? hindi talaga tayo magtagumpay sa misyon mo?" medyo nag aalalang tanong ko sakanya at tinignan ang mga mata niya na agad naman niyang iniwas 🤨 "Gaya ng sabi ko hindi pwede, hindi tayo pwedeng pumalya sa araw araw na lilipas, gagawin ko ang lahat para magtagumpay tayo" madiin na sabi niya, "Pero nga kung kunyare, kunyare lang na hindi kinaya ano gagawin natin? ano gagawin ko?" nagaalangan na tanong ko "Walang magbabago, kung masawi man tayo ngayon hanggang sa huli ay masasawi ka pa din sa iyong desisyon" sambit niya at bigla na lang siyang nawala na parang bula ...