Chereads / Return: Future to Past / Chapter 5 - JOSIAH!

Chapter 5 - JOSIAH!

Heidi's POV

6/10/19

Alam mo yung feeling na natutulog ka pero hindi talaga? yung natutulog ka pero pinapakiramdaman mo yung oras? tulog ka ba talaga nun o nakapikit ka lang 🤔 Agad agad akong bumangon at tarantang tumingin sa relos nang matanto ko na parang nag oversleep ako, 4:53?! medyo nasilaw pa ako sa liwanag ng phone kaya nagdirediretso na ako sa baba para mag init pa ng tubig kahit mainit naman na talaga sa Pilipinas 😌 takang taka ako kung bakit hindi nag alarm yung phone ko eh 4:00 yun naka set at hindi naman ako malalim matulog kaya kadalasan nagigising ako. Habang inaantay ko na kumulo yung tubig ay binuksan ko muna yung phone ko para mag browse sana nang tignan kong mabuti yung oras, PUSANG GALA ALAS TRES PALANG.

So ayun naligo lang naman ako ng alas tres ng umaga pero pagdating ko sa school ay late padin ako para sa flag raising ceremony namin as always. Naglalakad lang ako sa path walk papunta sa new building nang biglang may humatak sakin sa benches, "Shuta naman" gulat na sambit ko " hindi mo ako shota ma, anak mo ako " Ay tanga si Rain pala. Teka bat nandito toh? hindi allowed ang outsiders sa campus ah? "anong ginagawa mo dito, paano ka nakapasok?" takang tanong ko "Secret, pero may mahalaga akong sasabihin sayo" pabulong na sabi niya "Ano nanamang kagaguhan yan?!" medyo asar na sabi ko "Ngayon ang araw na sisimulan natin yung misyon ko" nanlaki yung mata ko sa sinabi niya "Ano? ngayon na? Agad agad?" atat na tanong ko "Mamaya wag ka na bumaba para sa recess, pumunta ka sa kabilang section na room at magdala ka ng 3 libro hawakan mo lang, eksaktong 9:23 lumabas ka at lumakad nang nakayuko wag ha" PUTSA ANO DAW? "ha? hatdog! mag mumukha akong tanga nun Rain magugutom pa ako" angal ko sakanya "magugutom nga yang tyan mo pero mabubusog naman yung puso mo" Sambit niya at lumakad na paalis hanggang sa mawala na lang siya sa paningin ko.

Atat na atat akong nakaupo sa com lab habang inaantay ang dismissal ng period, 9:18 na at 5 minutes na lang bago yung sinasabi ni Rain na gagawin ko. 9:20 sakto nagpalabas na si sir kaya dali dalian akong lumabas, SUOT SUOT KO pa nga yung shoe rug ko kaya nagkandadulas dulas pa ako paakyat. Agad agad kong nilabas yung libro ko at nag ayos ng konti, pulbo at liptint lang sapat na HAHAHAHA. 9:23 cue ko at mahinhin akong lumabas at pumunta sa kabilang section nang nakayuko nang biglang may nakabangga sakin kaya bumagsak ako pati na rin yung mga librong dala ko, SHIT NAMAN ang sakit ah yung tuhod ko yung unang tumama! pasa pala yung matatamo ko dito GINAGANTIHAN LANG ATA AKO NI RAIN! "miss okay ka lang?" sambit nung nakabangga sa akin "hindi mukha ba akong okay?!" angal ko sabay taas ng ulo ko upang makita kung sino yung bumangga sakin na hinayupa- OMG SI JOSIAH!

"Heidi are you okay?" SHOOT OKAY LANG AKO "Oo im okay" sabay tayo ko at pagpag sa uniform ko, lumuhod si Josiah at pinulot yung mga libro ko na nahulog KURUTIN niyo ako ngayon na! OMG nananaginip ba ako? kalma kalma lang magpakahinhin ka lang Heidi you got this! " Here you go" sabay abot sakin nung mga libro ko "Sorry ulit Heidi, I need to go see you and uhm be careful" sabi niya sabay pat sa head ko at tuluyan nang umalis, KYAHHHH MYGAHD MAH BEATING HEARTTTTT pwede na ata akong mamatay, I feel so fulfilled already HAHAHA.

Natapos na yung period nang magtext sakin si Rain na imeet ko siya dun sa park na malapit samin, kung saan una kaming nagkausap. Dali dali kong nilabas yung payong ko pero WHOOO tumatagos talaga yung init eh, free trial sa impyerno teh? nagmamadali akong naglakad sa grounds para makalabas na nang mapatingin ako sa benches at nakita ko yung mga classmates ni josiah na nakaupo kaya tinignan ko kung nandun ba siya, nahagip nang mata ko yung mata ni JOSIAH! nang ilang segundo kaya iniwas ko na toh at nagdirediretso palabas. HALA halatang halata ba na hinahanap ko siya dun kanina? mygahd baka naman isipin niya na patay na patay na ako sakanya, which is half true pero still dapat kalma lang! kalma lang ng konti self!

"Rain!" sigaw ko sakanya kaya napalingon naman siya sa akin, agad agad kaming umupo sa isang silong doon sa park medyo mahangin naman dito kaya hindi ako gaanong pinagpapawisan. "nagwork diba?" tanong niya sa akin "KYAH OO! salamat!" kilig na sabi ko at napayakap na lang ako bigla sakanya, wala naman siguro issue toh diba since anak ko siya? " Sabi ko sayo eh" medyo matamlay na sabi niya "bakit malungkot ka? nagtagumpay tayo sa unang task natin para sa mission mo" pag cheer up ko sakanya "Alam ko naman talaga na magwowork yun una pa lang, planado ko yun eh" pagpapaliwanag niya sakin "Oo nga nag work nga! sana sinabi mo sa akin na ganun mangyayari, para diba nakapagprepare ako! muntik pa akong mapahiya at masigawan si Josiah" angal ko pa "rereklamo ka pa eh gusto mo din naman" pang aasar niya "masakit kaya! naunang tumama yung tuhod ko kaya nagkapasa" tinignan ko yung tuhod ko at kitang kita dun yung pasa na medyo malaki sa gitna, tinignan din ni Rain yun tsaka binigay sakin yung plastik na dala niya na ICE pala! wow ah prepared talaga! "thank you ha" pagpapasalamat ko "Its fine, alam ko na masasaktan ka talaga pero ganun talaga eh, kailangan mo muna masaktan para magtagumpay sa huli" medyo malungkot na sabi niya .

Habang inaapply ko pa yung ice sa tuhod ko ay bigla kong naisip yung nagyari kanina "Rain pano mo pala na plano yung mga mangyayari?" curious na tanong ko "secret walang clue" nang aasar na sabi niya "parang sobrang detailed kasi nung plan mo kaya nag work eh, napanaginipan mo siguro yun noh?" panghuhula ko sakanya "Secret nga, pero alam mo kahit na alam ko na magtatagumpay ka, may part pa di sa akin na kinakabahan para sayo" sabi niya sabay tingin sa akin "siguro kasi alam ko na masasaktan ka kaya ganun, ayaw kitang nasasaktan pero kailangan" sabi niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko kaya wala akong nagawa kundi ang tumitig lang sakanya "tara celebrate tayo! punta tayo sa quantum laro tayo tekken 1v1! " aya niya sa akin na nagpabuhay naman sa dugo ko "tara " excited na sabi ko. Habang Inaayos ko yung bag ko ay tinake ko na lang yung time na toh para magpasalamat kay Rain "thank you sa care mo Rain, thank you kasi inisip mo yung kapakanan ko at nagdala ka pa talaga ng ice para sa tuhod ko! HAHAHA" sincere na sabi ko "Okay lang, salamat din kasi tinutulugan mo ako sa misyon ko" pagpapasalamat niya "Alam mo ma, akala ko nung una mahihirapan tayo sa misyon na toh dahil kay Josiah, pero nagkamali ako" sambit niya at nauna nang maglakad paalis ng park.