Heidi's POV
6/14/19
Nakatanggap ako ng text kay Rain na pumasok ng 5:45 ng umaga, sakto ha puyat ako ngayon kadalasan kasi past 6 pa ako pumapasok pero sabi nga ng BTS no, not today! hinahalungkat ko yung ID ko sa bag kasi hindi naman ako makakalagpas kay manong guard ng wala iyon badtrip! "anong hinahanap mo?" AY PUTSANG GALA si Josiah! " Ahh hehe yung naiwan ko ata yung ID ko eh" medyo pabebe na sabi ko syempre pa innocent type! "I got you, dito ka sa likod ko itatago kita kay manong guard" sabi niya tsaka kami lumapit sa entrance at sumabay sa iba papasok "kumapit ka sa bag ko and stay close" bulong niya sa akin na agad ko naman ginawa, mygahd feeling ko mag on na kami ano ba toh?! ang haliparot ko jusko. Habang nakakapit sa bag ni Josiah ay hinawakan niya din yung kamay ko para mas lalo akong mapalapit sakanya, MASAYA AKO hindi dahil nakalandi ako kundi dahil naisahan ko si manong guard after so many years dito sa schol HA!
"Josiah thank you talaga sa pagtulong ah" pagpapasalamat ko sakanya "Im glad I could help out, see you" at patuloy na siyang kumawala sa akin, Joke lang pumasok na siya sa room nila kaya napilitan na din ako HAHAHA, saya ko talaga!
Lumipas ang buong period pero hindi pa din nagrerespond si Rain doon sa sinend ko na message sakanya kanina, nagkwento ako syempre at pinuri ko na din siya sa pagtulong niya sa akin. Palabas na ako ng campus ay parang naaninag ko si Rain sa labas pero joke lang si Rain pala talaga yun "Hey anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya pagkalapit ko "Wala nagpapatan ang init eh" sarkastikong sagot niya "Sira lika na nga" syempre tumambay lang ulit kami sa park kasi walang tao dito masyado tsaka mahangin katulad ko! "Ano nangyari kanina?" medyo chismosong tanong ni Rain "ha? hindi bat dapat alam mo kung anong nangyari ikaw nagplano nun diba?" nagtatakang tanong ko "Ay hindi baka yung kambal ko, dali na ano nga" palokong sambit niya "wala lang HAHAHAH" halakhak ko sa mukha niya, masaya ako eh pake niya. So ayun kinwento ko pa din sakanya yung mga kalandian namin ni Josiah, hindi ko alam kung abnormal ba tong si Rain pero hindi naman ata siya nakikinig kasi nakatingin lang siya sa akin na parang may iniisip na iba pero nagpapakwento pa din, POWER TRIPPER AMP! "yoko na nga di ka naman nakikinig" pagmamaktol ko sakanya, tatayo na sana na ako nang hawakan niya yung balikat ko at hilahin ulit ako para umupo, nakatingin lang ako sakanya nang hawiin niya yung dahon na nahulog sa buhok ko, napansin ko lang ah pero gwapo pala si Rain, hindi ko sinasabi yun kasi anak ko siya pero gwapo talaga siya bilang isang lalaki sa aking paningin o baka nga kasi anak ko siya o ano. Pero kung iisipin mo anak daw namin siya ni Josiah pero hindi sila magkamukha, ibang iba mula ulo hanggang paa kasi diba madidistinguish mo kung alike sila pero hindi eh, nagdududa na tuloy ako. Maaaring mana siya sa akin diba? pero hindi din eh, hindi ako ganun kaganda para magka anak ng kasing gwapo niya, o kaya combination naming dalawa ni Josiah? ewan. HINDI KAYA'T ANAK KO SA IBA TOH?
Hapon na kaya hindi na mainit dito sa park,
wala naman magawa kaya medyo napakanta na lang ako ng hindi ko alam "ngumiti kahit na napipilitan, kahit pa sinasadya" Kanta ko sa paborito kong kanta ngayon, yung nobela. "May nakita akong memory" sambit ni Rain "ha? ano?" curious na tanong ko "it doesnt matter" seryosong sabi niya, iniharap ko si Rain sa akin upang tignan sana kung bakit ngunit nakita kong medyo nangingilid yung mga mata niya, "Rain what's wrong?" alalang tanong ko sa kanya, malungkot ba yung nakita niyang alaala kaya ganun? ano yon? hinawakan ako sa balikat ni Rain at tinignan sa mata "Heidi makinig ka sa akin, hindi pwedeng mangyari ulit yung mga nakaraan, kailangan baguhin natin yun bago pa mahuli ang lahat, kahit anong mangyari, kahit anong malaman mo na maaring magtulak sa iyo na magalit sakin, magduda sa akin, hindi na maniwala sa akin, ipangako mo sa akin na hinding hindi ka na magkakamaling ibalik pa ang nakaraan, na hinding hindi ka na magsisisi pa sa huli"