Heidi's POV
6/17/19
TAMBAK kami sa gawain sa school dahil sa mga requirements namin at performance tasks. Kanina pa ako tinatanong ni Rain kung ano kami matatapos mag practice kaso hindi ko din talaga alam, past 4 na pero mukhang madami pa kaming kailangan ifinalize. Nasa pathwalk yung buong section namin kasi sabay sabay kami gumagawa, katabi pa nga namin yung 1a at halata naman na naguguluhan sila samin HAHAHHA! kanina pa ako hanap ng hanap kay Josiah nagbabakasakali na nandun din siya sa session nila pero wala naman. This days hindi ko siya nakikita, everytime na hahanapin ko siya ng pasimple tuwing uwian hindi ko na siya mahagilap, uwing uwi lang?
5:45 pm na nang magpasya kami na bukas na ituloy yung mga gawain kaya agad akong sumakay ng tricycle papuntang village para imeet si Rain at ofc tumambay nanaman ata. "Cyriel" hiyaw ko sakanya pagkababa ko ng tricycle, mukhang good mood siya ngayon unlike nung nakaraan na kung ano ano pinagsasabi sakin, baka stressed na siya sa mission niya? "Hey tagal mo ah, mukhang haggard ka ata? Hahaha" asar niya sa akin, nalipat naman yung atensyon ko sa hawak niya tutal wala naman akong gana pa na makipagtalo after all ng pinagdaanan ko ngayong araw🙄 "ano yan patingin" pilit kong inaagaw yung libro sakanya pero sadyang energetic talaga si Rain ngayon kaya ako naman ang nadradrain sakanya hays. "Gift ko sayo oh" bigay niya sa akin nung umupo na ako at sumuko na, nahalata niya ata na wala ako sa mood makipagasaran sakanya ngayon. Agad kong kinuha yung nakabalot na something tsaka binuksan, LIBRO yung nakalagay sa loob kaya agad naman akong natuwa dahil mahilig akong magbasa! "Hala salamat, para saan toh?" takang tanong ko sakanya habang binabasa yung likod ng libro "suhol ko yan sayo, para galingan mo naman sa misyon mo" pabirong sabi niya sa akin "sorry, busy kasi ako eh tsaka hindi ko nakikita si Josiah these past few days, binabati niya lang ako kapag nag oonline siya pagkauwi" paliwanag ko sakanya, totoo naman na ganun ang asta namin ngayon, babatiin niya lang ako ng goodnight ganun, kumain ka na ba, busy ka ba at kung ano ano pa pero pagdating sa school malimit lang kaming magkita at mag interact baka busy din? "Pumupunta si Josiah sa library tuwing uwian kaya hindi mo siya nakikita" SABI KO NA NGA BA EH dun lang pupunta yon, gusto ko man puntahan pero nahihiya akong maistorbo siya sa mga ginqgawa niya tsaka may ginagawa din naman ako, napahinga na lang ako ng malalim sa kakaisip sakanya. "dahil bad mood ka ngayon pumunta tayo sa arcade" aya sa akin ni Rain "Madami pa akong gagawin" angal ko naman sakanya, kahit gusto ko man pumunta eh hindi talaga pwede😭 "pasa mo sa akin yung iba lika na!" at na aya niya na nga ako, yung mahihirap nga bibigay ko dito HAHAHA "ayusin mo ha" bilin ko at umalis na kami papuntang arcade.
"Bulok mo naman Cruz!" asar ko sakanya, mas magaling ako eh no doubt HAHAHA! "nanalo ako kanina wag ka nga Chen" iritableng sabi niya sa akin. Hindi kami tumayo dun hanggang hindi namin naubos yung binili namin na token na lagpas 100 ata kasi 8 na nung matapos kami eh jusko! "Rain, picture booth tayo dali" aya ko sakanya "Corny mo ha" Asar niya naman sa akin pabalik, Gusto ko magkaroon ng pic kasama siya kasi hindi ko alam kung kailan siya mawawala at makikita ulit, walang sigurado sa mundong ito "Para naman may memory tayo, baka bigla bigla ka na lang mawala eh" paniniguro ko sakanya "Hindi ako mawawala, maaaring sa susunod na makita mo ako ay hindi na kita kilala pero ako pa din yun wag ka mag alala" paliwanag niya sa akin, ano daw? hindi niya na ako kilala? anak ko siya diba?
"Ganto pose ah" pakita ko sakanya nung mga poses na pang dalagang pilipina HAHAHAHA "LASWA ha pero sige, 2 pormal ah tas 3 panget HAHHAA!" pag iinstruct niya sakin, nagpose lang kami nang nag pose tapos sa pormal pictures naman ay maayos at mukhang close na close kami kasi magkaakbay kami talaga, hindi mo mahahalatang mag ina! "akin na yung mga papagawa mo" agad ko namang binigay sakanya LAHAT ng assignments ko, syempre siya na nag offer diba, lubos lubusin na natin toh! "Hoy Ken Drake Castelo, hayop ka!" sigaw nung lalaking nakasalubong namin na dinuro duro pa si Rain na kala mo eh siga amp! mukha naman nataranta si Rain sa di malaman na rason, mukha siyang nabalisa, takot ba siya? hala bakla! "sorry kuya nagkakamali ata kayo, Rain po ang pangalan niya" paliwanag ko kasi mukhang na istatwa na si Rain, back up na lang ako mahirap na! "nako miss, baka na iscam ka niyan, chic boy yan wag kang papadala masyado" malokong sabi nung lalaki "Kuya nagkakamali po talaga kayo, Rain Cruz po ang pangalan niya" Inis na sabi ko sakanya "Ken ano huli ka na, paliwanag ka na lang magaling ka naman dyan eh" pangkukutsa ni kuya kay Rain sabay tinapik pa yung balikat niya, mygahd THE GUTS! "Pre, sige na ako na bahala dito" tugon naman ni Rain na ikinalaki ng mata ko "See you pre, sa bahay nila Roland tayo tomorrow" Pang iinform niya pa saka umalis na sa harapan namin. "Rain? what was that akala ko ba hindi ka taga dito eh bat may kilala ka?" Medyo inis na sabi ko "Hindi ko yun kilala tanga, sinabayan ko lang yung trip niya, i dont even know his name" angak niya sa akin "Kinausap mo nga tas di mo kilala?! sino niloko mo you seemed close pa" Sigaw ko sakanya, nakakairita ha! "Chill, nagpanggap lang ako na ako yung tinutukoy niya kasi baka hindi na siya tumigil at umalis, hindi naman siya naniniwala na hindi ako si Ken" pagpaapliwanag niya, oo nga namans sabagay tama siya, makulit nga naman yung tao na yun kaya tama yung tactic na ginawa niya "remember na napagkamalan din akong si ken sa arcade nung nakaraan?" tanong niya sa akin, Ah oo nga yung kambal niya Hahahaha baka iisa nga lang yun "chicboy pala kambal mo eh" asar ko sakanya "yep, he was but later changed kasi nakilala niya na yung taong bumihag sa puso't pagkatao niya na hindi niya inaakala, it was a latter but then it became magical. Konting panahon na lang sana kaso hindi na ata mangyayari yun baka buong buhay na siyang ganyan hanggang pagtanda" sabi niya ata saka umalis na, GULO HA ANUEDAW?!