Chereads / Return: Future to Past / Chapter 6 - Sagabal

Chapter 6 - Sagabal

Rain's POV

Alam ko naman talaga na magtatagumpay yung plano, syempre ako pa ba?. Nakita ko na kasi yung mga eksena na pinaliwanag ko kay Heidi, nakita ko kung paano nagmamadaling dumaan si Josiah sa direksyon na yun sa unang pagkakataon kaya naisip ko na pwedeng magkabanggaan sila ni Heidi kung kakalkulahin ko yung oras at plaplanuhin na maayos ang lahat. Sa unang pagkaktaon kasi ay inuna talaga ni Heidi ang katakawan niya! actually dumaan din si Heidi dun sa hallway pero nauna si Josiah ng ilang minuto nang lumabas si Heidi para magsalamin at magpulbo at liptint sa restroom! kaya sa pangalawang pagkakataon na pag ulit ng mga pangyayari ay unti unti nang naiba, Yun ang unang pag uusap ni Heidi at Josiah nang harapan ngunit hindi iyon ang una nilang pagkikita. Grade 8 si Heidi noon at sumali siya sa extemporaneous na contest sa english subject at doon niya nakalaban si Josiah, panay ang tingin ni Heidi kay Josiah noon na hindi naman naibalik ni Josiah kasi naka focus siya sa contest. First place si Josiah noon at pangalawa lang si Heidi pero hindi siya nadisappoint, sabay sabay sila bumaba kasama ang ibang contestants at doon unang natipuhan ni Heidi si Josiah dahil sa matinding paghanga sakanya. Pero noon pa man halatang halata naman na may gusto talaga si Heidi kay Josiah, pero kahit ganun hindi na naulit yung ganun na pagkakataon sa pagitan nila. Hindi din sila nag usap pa o nagpansinan pero kahit ganun ay gusto pa din siya ni Heidi hanggang sa mag grade 9 na sila. Sa tulong ko ay namanipula namin ang mga pangyayari sa ikalawang pagkakataon ngunit natuklasan ko din ang mga bagay na hindi dapat kapalit nito. Noon akala ko magiging mahirap ang misyon na ito para sa amin ni Heidi, akala ko kululangin ang oras na nalalabi sa akin upang magtagumpay dahil may involve na na ibang tao sa kwento na ito, akala ko lang pala. Sa una at pangalawang pagkakataon ay kailanman ay hindi siya naging sagabal sa mga pangyayari't pagkakataon na nakaatas, Ako pala ang problema, sarili ko pala sapagkat hindi pa ako handa.