Rain's POV
Nakita ko na siya noon at walang pinagbago ang mukha niya hanggang ngayon. Yung pakiramdam na kasama siya ay nararamdaman ko pa din, lahat ng memorya ay sariwa at kinikimkim ko pa din. Pagkatapos ko ipaliwanag sakanya ang misyon na kailangan naming tugunan ay umalis na ako, natatakot ako na sa tagal ng aming pag uusap ay may masabi akong hindi dapat, sa tagal ng aming pagsasama ay baka may magawa akong labag sa aking kalooban. Madaming maaaring mangyari hangga't nasa tabi ko siya, at yun ang pinakakinatatakutan ko. Sa pagbalik ko sa taon 2019 ay naranasan ko na makitang masaya at okay siya ulit, kaysa sa mga panahon na siya'y nag iisa at umiiyak sa aming silid. Sa pagbalik natin sa nakaraan ay maaari na natin itama ang mga mali, manipulahin ang mga pangyayari at gawin ang dapat gawin. Sa pagkakataong ito ay mababago na ang hinaharap na minsan nang naligaw nang landas, dito hindi na pwedeng maulit pa ang mga nakalipas na, iibahin nating pilit, tayo'y guguhit sa pisi at sisiguraduhin ngayon wala ka nang bahid ng pagsisisi. Sabi nila lahat daw ng katotohanan ay nabubunyag, ibahin mo ang kaso dito. Isa akong dayo sa iyong kasalukuyan, kakayanin ko ito para sa iyo, para sa kinabukasan mo.