Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 121 - Vivian o Dianne?

Chapter 121 - Vivian o Dianne?

"M-Ma... Anong ibig sabihin nito Ma?" nagtatanong ang mga mata ni Jayvee nang harapin si Tita Vivian. Si Tita Vivian ay hindi lang nagsasalita, bagkus ay nagsimula na siyang humikbi at lumuha. "Ma..."

"Tingin ko ito na ang tamang oras..." napalingon kaming lahat nang magsalita si Tito Jaynard. Tila ba may lungkot o takot sa mga mata niya. "Vivian..." aniya pa.

Napatingin sa kanya si Tita Vivian saka ito marahan na tumango.

"S-saka ko na ipapaliwanag, anak..." sagot ni Tita Vivian kay Jayvee. "Sa ngayon, kailangan na muna nating puntahan si Papa Ricardo." dugtong niya, saka humarap kay Mama. Lumuluha pa rin siya at nanginginig pa ang mga kamay nang hinawakan niya sa braso si Mama. "M-myra... sumama ka. Please. Kayo ni Ayra. Mahalagang kasama kayo doon."

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Napatayo ako ng ayos nang marinig ko iyon.

"Vivian, ayoko. Ayokong makita ang mga magulang mo. Alam mo 'yon." sagot ni Mama.

"Please, Myr?" ani ni Tita. "Please? M-mayroon akong mahalagang sasabihin pagkatapos nito."

Matagal na tumitig si Mama sa mga mata ni Tita Vivian, na para bang pinipilit niyang basahin ito, bago siya bumuntong-hininga bilang pagsuko.. "O sige. Para sa 'yo."

Ngumiti ng malungkot si Tita Vivian at saka tumango kay Richard na bilang hudyat na sasama na kami. Sumunod kaming lahat sa kanya papuntang kotse. Sa tabi niya naupo si Tita Vivian, samantalang katabi ko namang naupo si Jayvee sa may likuran, kasama sina Mama, Papa, at Tito Jaynard.

Pinagmasdan ko ang blankong mukha ni Richard sa rearview mirror ngunit hindi man lang siya napapatingin sa akin. Tinignan ko si Tita Vivian sa tabi niya na tingin ko ay nanginginig pa rin sa pag-aalala. Nakalagay ang mga kamay niya sa kanyang bibig na para bang nagdarasal.

Pinagmasdan ko rin si Jayvee sa tabi ko na agad rin namang ngumiti sa akin ng malungkot... siguro para isipin niya na okay lang siya ngayon.

Ngumiti na lang rin ako ng tipid.

"Seatbelt... po." Mula kay Jayvee ay nalipat muli ang tingin ko sa nagsalitang si Richard Lee. Agad akong napatingin sa rear view mirror dahil diretso rin ang tingin niya sa akin. "Tita Vivian. Mag-seatbelt ho kayo." aniya pa.

"Sige, salamat iho."

Doon lamang muling nagtama ang mga mata namin, ngunit umiwas siya ng tingin agad.

Napakagat ako sa labi.

I missed him so bad, ngunit hindi pa yata ito ang tamang oras para intindihin ang tungkol sa aming dalawa, o para ipakita kong miss na miss ko na siya. Nasa kritikal na kalagayan ang Lolo niya, tingin ko mas nangingibabaw ang pag-aalala niya ngayon kaya ganyan ang kilos niya.

Namayani ang awkward na katahimikan habang nagdadrive si Richard. Hindi tuloy ako mapakali. Nilingon ko sina Mama at Papa na nasa likurang part nitong sasakyan ni Richard, tahimik lang rin sila. Ngumiti saglit sa akin si Papa bago niya ulit inakbayan si Mama upang haplusin ang likuran nito. Ngumiti na lang rin ako sa kanila para mas mapagaan pa ang sitwasyon.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay ng Lolo at Lola ni Richard--- 'yung sa mansyon nila 'Ma at 'Pa Ricardo. Dumaloy ang kaba sa dibdib ko nang makababa na kaming lahat at nang makatapak na sa pintuan ng mansyon. Sobrang pamilyar sa pakiramdam, pakiramdam ko sobrang tagal ko nang hindi nakakapunta ulit rito.

Kahit ilang beses ko lang nakasama ang lolo at lola ni Richard ay naging magaan na agad ang loob ko sa kanila... kaya sana naman ay okay lang si Lolo Ricardo.

Napatingin ako kay Richard...

Sana ay okay ka lang rin...

Anu-ano kayang mga pinagdaanan niya habang wala ako? Ilang beses kayang nangyari ang mga ganito? Iniisip ko pa lang, ang sakit na sa dibdib na hindi ko siya kasama sa mga oras na ganito...

Nang makapasok na kami ay bumungad sa amin ang mga maids at iba pang mga tao sa bahay. Napansin kong biglang nanlaki ang kanilang mga mata, lalo na 'yong mga may katandaan na, habang nakatingin kay Tita Vivian, ang iba rin sa kanila ay nagbubulung-bulungan.

"Si Ma'am Dianne...? Paano-"

"Paano nangyari iyon?"

"Patay na si Ma'am Dianne. Iyan ba iyong Vivian na naglayas noong dalagita pa lamang sila?"

Nahagip rin ng paningin ko si Manong na nagma-mop sa Lee Orphanage na siya ring nagsabi sa akin noon na hindi mabuting tao si 'Dianne'. Kunot ang kanyang noo habang titig na titig kay Tita Vivian.

"Shh, okay lang 'yan," narinig kong alo ni Tito Jaynard nang humikbi ito. "Nandito ako... okay?"

"S-salamat... At patawad..." sagot ni Tita Vivian.

"Mahal kita... Minahal kita... kaya hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin..." narinig ko namang aambit ni Tito Jaynard.

Aaluin ko rin sana si Tita Vivian nang tumigil na kami sa paglalakad dahil nagsalita na si Richard.

"Nasa loob ho sina Mama at Papa." aniya, saka kami pinagbuksan ng mga tauhan nila.

Bumungad sa amin ang napakalawak na kwarto, kung saan nandoon ang 3 nurse at isang doctor. Sa higaan ay nakahimlay si Lolo Ricardo, sa tabi ay nakaupo ang lola ni Richard. Magaan na ang ambiance ng paligid nang pumasok kami, pakiramdam ko e lumuwag na ang paghinga ko.

"Thank you, Doc..." ani nito sa doctor na tumango lamang at tingin ko ay nagpapaalam na dahil tapos na ang kanyang trabaho.

Doon na bumuhos ang pigil na hikbi ni Tita Vivian. Natigilan ang lola ni Richard nang mapatingin ito sa direkyon namin.

"Ma..." panimula ni Richard. "Pa... si tita Vivian." aniya na lalong nagpalaglag sa panga ng lola niya.

"R-R-Ricardo... Diyos ko!" nangingilid ang luhang sambit nito habang nakatitig kay Tita Vivian. "R-Ricardo... Ang 'yong anak... Dumating siya."

Nanginginig ang labing naglakad si Tita Vivian palapit sa kanila.

"M-Ma... M-Mama..." aniya, saka sila tuluyang nagyakap na tila ba ilang daang taon silang hindi nagkasama. Tahimik lamang ang buong paligid habang nangingibabaw ang iyakan ng mag-ina.

Tinignan ko si Richard na umiwas ng tingin, si Jayvee na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"Bakit ngayon ka lamang bumalik anak? Bakit? Bakit mo kami iniwan noon?" sabi pa rin ni Lola Helena habang pinagmamasdang mabuti ang mukha ni Tita Vivian.

"S-Sorry Ma..." ani ni Tita Vivian habang humihikbi. "Sorry... Sorry kung ngayon lang ulit ako nagpakita. Sorry... Alam ko pong malaki ang kasalanan ko sa inyo."

"Shhhh.... huwag mo nang alalahanin iyon... Anak ka namin, pinatawad ka na namin. Ni kahit kailan ay hindi kami nagtanim ng galit sa iyo." anito, at muling niyakap si Tita Vivian.

"W-W-Where's.... my.... d-d-daughter?"

Natahimik ang buong paligid nang umalingawngaw ang tinig ni Loli Ricardo. Nanlaki ang mata naming lahat, maging si Richard ay nagulat at napalapit sa kama nito.

"Pa...?" aniya. "Pa... N-nakakapagsalita ka na?" Hindi makapaniwalang dugtong niya.

"Where's my d-daughter?" tanong muli nito na halatang nahihirapan. "Where's D-Dianne..."

Natigil ang tibok ng puso ko nang marinig ko iyon, alam kong hindi ako nagkamali ng rinig dahil maging ang mga magulang ko ay nagulat sa kanilang narinig.

Narinig ko ang paghikbi ni tita Vivian, at ang pag-alo sa kanya ni Tito Jaynard.

"P-pa...Your  daughter Dianne, is dead. My Mom is dead, don't you remember?" pagpapaliwanag ni Richard. "Pero n-nandito na po si T-Tita V-Vivian..."

"Anong nangyari kay Papa?" natigil ang lahat sa pagbukas ng pintuan, at ang iniluwa nito ay walang iba kundi si Alfred Lee. Tuloy-tuloy ang lakad niya patungo sa kama ni Lolo Ricardo upang i-check kung ayos lang ba ito.

"N-N-No...." pilit na itinuturo ni Lolo Ricardo si Tita Vivian, kaya napatingin na rin sa kanya si Alfred Lee. "She's D-Dianne----"

Halata sa kanyang mukha ang  labis na pagkabigla nang magtama ang mata nila ni Tita Vivian.

"D-Dia-- D-Dianne?" anito na habang nanlalaki at namumula ang mga mata dahil sa luhang nagbabadya. "D-Dianne? A-Am I dreaming---"

Lalapit sana ni Alfred Lee kay Tita Vivian ngunit agad siyang hinarangan ni Mama.

"PWEDE BA?!" sigaw ni Mama na nagpagimbal sa lahat. Mas lalo lang lumala ang hagulgol ni Tita Vivian sa likuran ni Mama. Maging si Lola Helena na nagsisimula na ring humikbi. "Stop calling her Dianne DAHIL HINDI SIYA SI DIANNE!! HINDI SIYA SI DIANNE OKAY?! SIYA SI VIVIAN!! SI VIVIAN SIYA! PATAY NA SI DIANNE!" pagkatapos ay saka lumandas ang luha sa pisngi niya.

Napatakip sa bibig si Lola Helena dahil sa hindi siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari.

"I-Ikaw si..."

"OO!" sigaw ni Mama. "Ako si Myra. Ako 'yung anak ng kasambay na pinagbintangan niyong magnanakaw! Ako 'yung anak ng kasambahay niyong pinalayas niyo sa gitna ng ulan habang inaapoy ng lagnat! Ako 'yung anak ng kasambahay niyo na kinayang mabuhay mag-isa dahil pinagkaitan niyo ng ina!" pagpapatuloy niya habang tuloy tuloy na umaagos ang luha.

Lumapit ako kay Mama upang hagurin ang kanyang likod, gan'on rin si Papa.

"Myra... uminahon ka..." Bulong ni Papa pero hindi nagpatinag si Mama.

"Ako 'yon. Ako 'yung anak ni Mira... At hindi kami magnanakaw... Si Dianne... Si Dianne ang naglagay ng alahas niyo sa kwarto namin para mapahamak kami at SI VIVIAN LANG ANG TANGING TUMULONG AT TUNAY NA NAGMALASAKIT SA AMIN SA MANSYON NA 'TO!!!"

"M-Myra..." sambit ni Tita Vivian sa likuran niya.

"HINDI! Huwag niyong sabihing siya si Dianne dahil patay na si Dianne! Patay na ang kakambal ni Vivian!" sigaw ni Mama.

Naramdaman ko na rin ang luhang tumulo sa mga mata ko. Ang sikip sa dibdib... hindi ko na rin alam ang dapat maramdaman. Halos manlambot na ang tuhod ko habang pinapanood silang nagsisigawan.

"Hindi... Hindi... Anong...? kambal? Anong sinasabi mong kakambal?" nangininig ang labing bigkas ni Alfred Lee habang pilit na tinititigang mabuti ang mukha ni Tita Vivian. "M-May kakambal si... si Dianne? Ang asawa ko?" dugtong niya pa. "Ma... Ano 'to? Pa... Anong kambal?" tinignan niya Lolo Ricardo at Lola Helena nang hindi makapaniwala. "A-Anong kalokohan 'to...? Anong kambal? Kailan pa nagkaroon ng kakambal si Dianne--"

"Si Tita Vivian... kakambal siya ni Mommy, Dad." singit ni Richard. "Naalala mo noon na sinabi ko sa'yong buhay pa si Mommy dahil nakita ko siya? Nagkamali ako... dahil si Tita Vivian iyong nakita ko."

Nalaglag lamang ang panga ni Alfred Lee habang naghihintay pa ng mga susunod na magsasalita.

"Patawad... Alfred...." humihikbing sambit ni Lola Helena. "Patawad kung ngayon mo lamang nalaman... Patawad dahil ang dami pa naming hindi sinasabi sa iyo. Patawad... Patawad..." Napahawak sa kayang ulo si Alfred Lee, habang patuloy na nagsasalita si Lola Helena. "But more than everyone else, kami ni Ricardo ang higit na nakakakilala sa kambal naming anak... at... h-hindi si D-Dianne ang napangasawa mo Alfred. Hindi si Dianne ang ina ni Richard... hindi si Dianne ang nama--"

"TAMA NA!" sigaw ni Mama kaya naman agad na hinawakan siya nila Papa at Tito Jaynard. "Huwag kang magsinungaling Helena! Hindi 'yan totoo!"

"Oo..." Natahimik ang lahat nang magsalita si Tita Vivian... Huminga siya ng malalim, pinunasan ang kanyang luha, saka umalis sa likuran ni Mama para harapin kaming lahat.

Sa isang iglap ay biglang nag-iba ang tingin ko kay tita Vivian. Bigla siyang naging matapang... mula sa pagkakakilala ko sa kanyang  pagiging mahinhin.

"Ako si Dianne..." dugtong niya na lalong nagpakilabot sa buong pagkatao ko.