Ayradel's Side
Lumipas ang limang mahahabang buwan. Lumipas ang pasko... Lumipas ang bagong taon... Sariwa pa rin sa isip ko ang huling pagkikita namin ni Richard. Pagkatapos n'ong araw na iyon ay hindi na ulit kami nagkaroon pa ng pagkakataon para magkita, kasi binantayan na naman ako ni Mama sa dorm. Maging ang social media accounts, gadgets at phones ay limitado. Sa bawat galaw ko naman sa school, pakiramdam ko ay palaging nakatingin si Mama. Nakuntento na lang ako sa ganoon dahil wala naman akong magagawa kundi ang maghintay lang.
Kung kailan matatapos 'to.
Kung kailan magiging pwede.
"Saan ka magsa-summer job?"
Napalingon ako kay Jayvee mula sa malalim na pagi-isip. Napalingon rin ako kay Mama na naghuhugas ng pinggan habang kausap si Tita Vivian, habang nasa lamesa naman kami ni Jayvee at kumakain.
"Ha?"
"Spacing out again." aniya at humalakhak ng mahina.
"Sorry, haha." sabi ko lang.
"Saan niyo balak mag-summer job?" tabong niya ulit.
"Sa isang Korean Buffet Restaurant diyan, magse-service crew na lang muna siguro kami."
"Ahhh..."
Tumingin ako kay Mama. Hindi pa rin kami okay pero nagu-usap lang kapag kailangan. Second year college na kami pagpasok sa June. April ngayon at naisipan namin nina besty at Ella na magsummer job. Agad naman kaming pinayagan ng Mama ko. Wala namang problema sa daddy and mommy ni besty, ang Mama naman ni Ella ay wala ring pakialam madalas sa kung ano ang ginagawa niya.
"Sige pwede na kayong mag-umpisa bukas," sabi sa amin n'ong supervisor nung Korean Restaurant.
Naassigned ako na waitress at server. Maganda 'tong buong restaurant at karaniwan ay puro mga Korean at may-kaya ang mga customer. Maging ang uniform naming mga service crew ay korean-styled.
"O, eto 'yong mga basic Korean word na pwedeng ma-encounter niyo sa mga customers natin. Dapat kabisaduhin niyo 'to okay? Para maintindihan niyo sila kahit papaano." sabi ng head ng mga service crew. "Pero karaniwan naman sa kanila ay marurunong mag-english. Kapag hindi naman kadalasan ay nagsa-sign language para lang maintindihan niyo sila. Arasseo?" ngumisi si Ate Ana.
"Nae." sabi naman n'ong mga kasamahan namin.
Nang makarating sa akin ang papel na ipinamigay niya ay agad kong tinignan kung anong meaning n'ong sinabi niya.
Ah, arasseo means 'okay' or 'do you understand'. Okay-- I mean, arasseo. Haha!
Ini-scan ko muna 'yong mga papel para aralin ang mga basic na isasagot namin sa Korean customers. It's a good thing I'm good at memorizing. Nakabisado ko kaagad 'yong iba. Nasa kalahati na ako nang mapansin ang isang word.
Kamsahamnida = Thank you
Napangiti ako. Nakakatawa lang isipin na dati ay buong akala ko Saranghae ang korean term for thank you. Napaka-loko talaga ng Lee-ntik na iyon, ni hindi ko alam na naga-I love you na pala ako sa kanya ng hindi ko nalalaman.
Napapangiti na lang ako habang naaalala iyon. Ang sarap lang bumalik sa nakaraan.
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" napatalon ako sa gulat nang magsalita si Ate Ana. Nakataas na ang kilay niya sa akin. "Magtrabaho ka na." sabay alis.
Naiwan ako doong laglag ang panga.
"Aba'y maldita 'yon ah?" sabi ni besty na biglang lumitaw sa gilid ko.
"Ang sungit nga niya. Sinungitan rin ako kanina niyan e." sabi naman ni Ella.
"Hayaan niyo 'yon," sabi naman ni Abbie, matagal na siyang nagsa-summe job dito, at medyo may katandaan kumpara sa amin. "Mainit talaga dugo n'on sa mga magaganda." sabay halakhak.
"'Di nemen." tumatawang tugon ni Ella.