Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 118 - I Own You

Chapter 118 - I Own You

Ayradel's Side

Ilang weeks makalipas ng unang araw namin sa Korean Restaurant na iyon ay mas nahahalata namin ang pagkainit ng dugo ni Ate Ana sa amin, lalo na sa aming tatlo nina besty, at Ella. Si besty nga madalas ay lumalaban, pero pinipigilan ko na lang para wala ng gulo. Napapansin ko rin naman kasi na masungit rin siya sa iba pang kasamahan namin, siguro ay gan'on lang talaga siya.

"Kyaaa, besty, ang cute mo talaga kapag naka-Korean-styled uniform ka!" sabi ko nang lumabas mula sa CR si besty. Pinasadahan ko siya ng tingin habang nagkukunwaring-modelling siya sa harap ko.

"Of course! Luisa Moya, Philippines!" aniya at nagtawanan lang kami, "Kayo rin kaya ni Ella!"

Napalingon ako kay Ella naΒ  ngayon ay nagpapacute sa salamin. "Hihihi. Baka Koryano na pala ang the one ko hihihi! Tapos 'yong lablayp ko pala mala-Korean drama???"

Ay, sariling mundo't imahinasyon pala ang isang ito.

"Huy wag ka nga dito magimbento ng istorya ng buhay mo!" ani ni Besty.

Tinawanan ko lang sila saka ako mapatingin sa sarili ko. Tingin ko talaga hindi bagay sa akin 'yong ganitong mga style e. Para siyang Korean highschool uniform, at pang-mala-besty lang talaga bagay ang ganito, 'yong matangkad and long-legged na babae. Okay na rin kay Ella hahaha.

"Kahit kailan talaga ay ang tagal niyo kumilos, e no! Hays, mga pabebe." bungad sa amin ni Ate Ana pagkalabas na pagkalabas pa lang namin sa CR. "O siya hala! Dito kayo sa kitchen naka-assign ngayon ha? At hindi kayo sa serving crew, gets niyo?"

Agad namang umalma si Ella.

"Teka, bakit po? Sayang naman po itong damit namin."

Pinasadahan kami ng tingin ni Ate Anna habang nakataas ang kilay, at napansin ko ring may bitbit pala siyang damit na katulad ng suot namin.

"Nandyan ngayon sina Mr. Rodriguez, 'yong anak ng may-ari nitong restaurant na 'to... kasama lang naman ang mga kaibigan niyang BIGTIME rin para i-treat ng lunch. Kaya-----" napigil ang hininga namin nang panglakihan niya kami ng mata with matching pameywang. "----di pwede'ng mga average na mukha lang ang magseserve sa kanila. HUH! Mamaya na kayo magserve kapag umalis na sila. Psh! Makapagbihis na nga!"

Saka niya kami binirahan ng alis. Napapikit-pikit lang kami nina besty dahil sa gulat sa mga sinabi niya.

"Aba't.... hahahahahahaha!" hindi makapaniwalang tumawa si besty, saka napahawak sa sentido niya. "Tayo? Average na mukha? Tayo pa talaga? Eh paano pa 'yung mukha niya?! DIFFICULT?!"

Halos takpan ko ang bibig ni besty sabay hila palayo para hindi kami marinig ni Ate Anna. Hindi rin talaga 'to makapagpigil si besty e.

"Shhh, baka marinig ka!" sabi ko.

"Totoo naman Ayra e, parang Difficult Level 'yung itsura niya, pati ugali niya difficult! Hmp!" sabi ni Ella.

"Hayaan niyo na. Baka naman talaga sa kanya pinaka-bagay 'yong uniform na 'yon..." sabi ko.

"Hmp, tignan natin..." ani Besty. "Average, amp!"

Pumunta na lang kami doon sa kitchen kung saan inihahanda lahat ng pagkain. Kami lang 'yong nago-organize ng mga tissue, kutsara't tinidor, plato, at minsan ay ang naga-abot ng pagkain doon sa service crew na maghahatid sa customers. May sariling chef itong restaurant na siyang nagluluto at nagpe-plating ng mga orders. Mabuti na lang at mababait sila, kadalasan ay kami rin ang nagaabot sa kanila ng mga kailangan nilang gamitin sa pagluluto.

"Gosh, nakita mo ba sina Mr. Amiel Rodriguez! Hihihihi~" kinikilig na sabi ng isa sa kasamahan naming kitchen crew.

"Ang dami niya pang kasamang mga tropa! Ang popogi rin hihihihi~"

"Hindi ba't 'yong pinsan niya 'yong light brown 'yong buhok? 'Yung tahimik? Ano bang pangalan n'on?"

"Ah, si Rain?"

"Oo! Si Rain hihihihi~ pogi niya rin at ang mysterious!"

"Oo nga besty, ang pogi n'ong mga Rodriguez!" napatalon naman ako sa gulat nang kausapin ako ni Ella.

"Nakakagulat ka naman!" sabi ko. "Paano mo naman nakita, aber?"

"Syempre sumilip ako! Hihihi~ Baka isa na sa kanila 'yung da one ko!"

Umiling-iling na lang ako sa pinagsasabi ni Ella. Si besty naman ay sige ang tingin sa cellphone niya kanina pa, hindi ko na lang rin inistorbo.

"Hay! Ang daya lang kasi ni Anna-maldita na yan e! Siya lang 'yong nagseserve pati mga maldita friends niya kapag kumakain dito 'yang mga poging nilalang na 'yan!" na-overheard ko na naman sa usapan ng mga kasamahan namin.

Walang masyadong ginagawa dahil ang kumakain lang naman sa loob ay 'yung Mr. Rodriguez at ang mga kaibigan niya. Naririnig nga namin mula dito sa loob 'yung mga tawanan nila e.

"Oo nga e. Porket ba siya lang ang mas maalam sa Korean? Pero huwag ka, gusto lang rin nila magpapansin. Hmp. Ang selfish nila!"

Natahimik ang mga nagchichismissan noong pumasok sa loob si Ate Anna. Pulang-pula ang mukha niya habang nakangiti, nawala lang ang ngiti niya nang mapadpad ang tingin kay besty na busy sa pagchecheck sa phone niya

"O, ano 'yang ginagawa mo diyan?!" napalingon sa kanya si besty. Mukhang badtrip ang isang 'to ha? Ano kayang meron? "Puro phone ka lang dyan! Hugasan mo 'yung mga baso't kutsara't chopsticks at ilagay mo doon sa lagayan ng utensils sa labas!"

Kinabahan ako dahil baka sumagot si besty, pero hindi, dahil tahimik lang siyang sumunod sa inutos ni Ate Anna. Pumunta siya sa lababo para hugasan 'yong mga kutasara at baso. Si Ate Anna naman ay nagmadali na namang lumabas doon sa customers.

Agad naman naming nilapitan si besty.

"Besty," sabi ko. "Tulungan na kita."

"Huwag na besty, alam ko namang di ka marunong maghugas ng plato." tumawa siya ng mahina.

"Huuuy, marunong ako!" .... marunong naman talaga ako pero very light lang.

"Sus!" aniya pero parang may itinatago.

"Ako na tutulong kay Lui, Ayra, ilagay mo na lang 'yung mga nahugasan doon sa labas." sabi ni Ella.

"Sige." sagot ko. "Pero may problema ka ba besty?"

"Huh? Wala... Ano ka ba? Anong problema?" aniya.

Okay... ibig sabihin ay ayaw niya muna pagusapan. Kung gusto niya naman kasing sabihin, sasabihin niya yan sa akin kapag ready na siya mag-share. Hindi ko na muna pipilitin.

Tumango-tango na lang muna ako habang pinagmamasdan ko silang dalawa sa paguusap at paghuhugas ng mga hugasan. Ilang minuto nang matapos silang maghugas... ipinagbungkos ko 'yong mga malilinis na upang madala doon sa lagayan ng utensils sa labas.

Self-service kasi ang mga utensils rito pero halos lahat naman ay inihahanda na sa harap nila. Mukhang mali pa yata ang pag-labas na ginawa ko dahil parang nabaling ang atensyon ng lahat ng kumakain sa paglalakad ko. E paano kasi, walang tao dito sa restaurant bukod sa kanila, kay Ate Ana, at dalawa pa nitong kaibigan.

Patin 'yong paglabas ko tuloy e, big deal at attention-catcher!

Kainis! Gusto kong lumubog sa lupa dahil sa kahihiyan. Hawak ko pa 'tong tray ng utensils. Na-concious tuloy ako sa suot ko dahil baka sobrang ikli nitong uniform, o di kaya'y hindi bagay sa pagkatao ko.

Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad at pinigilang mapalingon sa kanilang lahat, kahit nakikita ko sa peripheral vision ko na sinusuri nila ako ng tingin. Nakikita ko rin sa peripheral vision ko ang umuusok na tenga ni Ate Ana.

"Sir, you want me to get a chopsticks for you?" kahit medyo malayo ay rinig kong sabi ni Ate Ana sa kung sino.

"No, thanks," aniya ng tinig.

Medyo kinabahan naman ako dahil mukhang dito pa papunta 'yong taong 'yon? Tumalikod agad ako the moment na makarating ako doon sa utensil section. Ibinaba ko saglit 'yong tray na hawak ko para mabilisang mapaghiwa-hiwalay ko 'yong kutsara, tinidor, chopsticks, o kung ano pa.

Hindi ko alam kung bakit tumitibok ng napaka-bilis 'yong dibdib ko.

Ilang sandali ay nakaramdam na ako ng presensya sa aking likod. Halos mag-race ang tibok ng dibdib ko nang makita ang kamay niyang mukhang kukuha ng isang chopsticks mula doon sa inaayos kong lalagyan. Sa sobrang panic ko ay napaatras ako para bigyan siya ng space, pero mali, dahil mas lalo lang akong nabunggo sa malapad nitong dibdib.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabila kong balikat...

"M-mianada---" sasabihin ko sana pero natigilan ako nang magsalita siya ng pabulong.

"You shouldn't be out of here," aniya, pamilyar ang tinig at pamilyar ang pabango niyang malaya kong nalalanghap. "My friends are now interested of you. And I can't even fvcking say that I own you."