Chapter 116 - Run

Ayradel's Side

Everyday became just a routine. Walang kakaiba. Normal lang, katulad ng buhay ko noon. No risks, no sacrifices... I am on my comfort zone, but I am not happy, not complete.

And I know I won't be complete.

"Ayra," naramdaman ko ang marahang kalabit ni Lea. "Si Charles, palapit." aniya sabay tingin sa unahan, kung saan diretsong naglalakad palapit sa amin si Charles.

Ang tagal ko siyang hindi nakasalamuha... ngayon ko lang napansin na he's on clean cut now, though kahit ano naman yatang gupit ay bagay sa kanya.

"Hi," aniya.

"Hi Charles!" bati nina Lea, Rocel at Blesse.

"Hi." sabi ko rin. Napakamot siya sa batok at napatungo dahil yata sa hiya.

"M-may nakaupo ba dito?" tinuro niya 'yong katabi ko sa kanan.

"Wala." sagot ko. He nodded, saka tahimik na umupo sa upuan sa tabi ko. He cleared his throat first bago niya ako nilingon. Napatingin din ako sa kanya. "Ahm, pwede ka bang makausap mamaya? After class? Meron lang akong gustong sabihin."

Napatingin ako kina Rocel, Lea at Blesse saka muling tumingin kay Charles. Maamo ang mukha niya at may tiwala naman na ako sa kanya ngayon. Sa tingin ko ay wala namang masama? Ito na rin yata ang tamang panahon para maging okay kami ni Charles. Naging mabuting kaibigan rin naman siya sa akin noon.

"Sige."

He smiled at me. "Salamat, Ayra."

Naging tahimik lang siya sa tabi ko. Pagkatapos nga ng klase ay niyaya niya na ako sa hardin malapit lang rin sa Main Building ng campus namin. Maraming tao sa paligid, pero hindi naman nila kami kilala kaya hindi nila kami pinapakialaman. Basta naglalakad-lakad lang kaming dalawa ni Charles.

"Anong gusto mong sabihin?" tanong ko.

"Ah," kumamot siya sa batok. "This is not that much. Gusto ko lang sabihin sa iyo na sumusuko na ako..."

Napatingin ako sa kanya ng dahil doon. Marahan siyang humalakhak saka inilagay ang dalawang kamay sa bulsa habang marahan din kaming naglalakad.

"Sa mga buwan na hindi kita  nakakausap, I've realized... totoo ngang wala akong laban sa pinagdaanan niyo ni Richard. Just heading 'yong paghihiwalay niyo noon at paghihiwalay niyo ulit ngayon. Akala ko lang kasi talaga dati, he dumped you. Akala ko sinaktan ka niya... but..." He just shrugged.

Wala akong masabi. Tahimik lang rin ako habang naglalakad.

"But now... Suko na ako. I'll support you two, no matter what." aniya. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Tumigil din ako sa paglalakad. "Friends?"

Napatingin ako sa nakalahad niyang palad. Ngumisi siya dahil doon, kaya naman napangisi rin ako.

"Friends." inabot ko ang kamay niya.

"Friends." aniya pa.

Nakangiting binitawan namin ang kamay ng isa't isa saka muling nagpatuloy sa paglalakad. Ilang sandali pa noong muli siyang nagsalita.

"Ang ganda no?" aniya habang tinitignan ang paligid.

Doon lang ako nagising sa realidad, medyo malayo na pala ang nalalakad namin. Ito na 'yong pinakadulo ng hardin ng UP, kung saan walang masyadong tao at masyado nang liblib dahil mas kumakapal na ang mga puno. Wala ring masyadong dekorasyon sa paligid.

"Napapalayo na pala tayo," sabi ko. "T-Tara na. Balik na tayo doon." tinanaw ko pa ang maliit na pigura ng mga estudyante kanina.

Aalis na sana ako nang hawakan ni Charles ang braso ko. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaibang kaba.

"C-charles..."

"Actually... hindi lang iyon ang pinunta natin dito." aniya. "May gustong makipagkita sa iyo."

"H-huh?" tanong ko pero ngumisi lang siya.

"Ayan siya." nililingon ko kung ano ang tinitignan ni Charles sa likuran ko.

Doon ay halos manghina ang tuhod ko... Lumakas ng sobra ang tibok ng puso ko. Namanhid ang buong katawan ko't umakyat lahat ng tubig ng katawan sa mata ko...

nang makita ko ang isang lalaking nakatayo ngayon sa hindi kalayuan.

He's still the same man I always wanted to see... the man I always wanted to be with.

I stepped closer as he is also making his way to me. Doon ko mas naaninag na siya nga... hindi ako nagkakamali... hindi ako nagiimagine lang...

Namalayan ko na lang na tumatakbo na pala kami pareho patungo sa isa't isa. Umaapaw ang saya sa puso ko, lalo na n'ong niyakap niya ako.

It just felt like a thousand years ago, ghad!

"You missed me?" aniya habang mas hinihigpitan 'yong yakap. A tear came down from my eyes at hinampas ko agad ang likuran niya para huwag itong ipahalata.

"Kainis ka!" I said, almost a crybaby, bu I don't care. "Ba't ngayon ka lang nagpakita?! Sino bang nagsabing seryosohin mo ang gusto ng mama ko?!"

Narinig ko ang marahan niyang halakhak habang mas hinahapit ang katawan ko palapit.

"God, I missed you so damn much!" aniya. Pumikit ako para damahin iyon. Kumalas siya sa yakap upang harapin ako. He hold my waist so tight na para bang ayaw niya akong makawala. "Pagdating sa 'yo lahat seseryosohin ko, makuha lang kita ng totohanan. Ayoko na ng nagtatago, at may takot. And I'm sorry... I said I wouldn't cheat, I promised your Mom 'bout this, pero hindi ko kaya." hinawi niya ang buhok na kumakawala sa aking tainga. "I missed you... so much. Don't tell your Mom that I cheat."

Hinampas ko kaagad ang braso niya, kasabay ng kanyang halakhak.

"Kainis ka! Bakit ko naman gagawin 'yon?!"

"Ehem..." napalingon kaming dalawa kay Charles na nandoon pa nga pala. "Uh, punta lang ako doon. Don't worry, dude, I won't let anyone else know that you've cheated! Haha! Ako ang look out niyo!"

Pula ang pisnging tumango ako kay Charles. "Thank you, Charles."

"Thank you, dude." Richard.

Charles wink at us and gave us a warm smile, bago naglakad palayo. Tinignan ko si Richard na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Pinunasan ko ang basa kong pisngi bago ko siya tinignan ulit. Naramdaman ko ang kamay niyang gumapang sa braso ko. Inilagay niya ang mga iyon sa kanyang leeg, bago mas hinapit ang baywang ko.

"Today is December 14," aniya, while staring at my whole face. "And my birthday..." he smiled.

Napasinghap ako, at na-guilty. Oo nga pala, I never knew his birthday. Noong unang taong nagkakilala kami ay naghiwalay kami bago pa siya magbirthday. Ngayon naman ay nagkalayo na naman kami before his birthday. Hindi ko man lang natanong sa kanya kung kailan noong may pagkakataon.

"H-happy birthday!" sabi ko, habang sobra nang umiinit ang pisngi. Hiyang-hiya ako sa sarili ko! Ni hindi ko na siya magawang tignN ulit sa mata.

"Hmm? 'Yon lang?" aniya sabay halakhak.

"S-sorry, hindi ako prepared. I don't have---" he cut me out by puting his index finger on my lips. He cupped my face gently.

"Shh. Don't worry, you had your gift with you." napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Dahil doon ay napatingin siya dito. Hanggang sa mamalayan ko na lang na naglapat na ang aming mga labi. He gave me a warm and passionate kiss. I close my eyes and hugged him even more. Naramdaman ko rin ang kamay niya sa aking batok para mas palalimin pa ang halik.

"I swear to this world," aniya sa pagitan ng halik. "Magiging akin ka ulit kita in no time. Don't forget that."

Related Books

Popular novel hashtag