Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 106 - Valedictorian

Chapter 106 - Valedictorian

Ayradel's Side

Gulat na gulat pa rin si Niña sa pagkakita kay Richard sa loob ng room namin. Nandito na rin sina Ella at Besty. Nakangiti si Ella samantalang si besty ay naka-cross arms habang hindi mabasa ang reaksyon.

Nakaupo ako sa kama ni Besty, habang si Richard ay nakatayo hindi kalayuan sa akin... pinagmamasdan ang buong unit namin.

"Uhm, pwede niyo po ba iexplain sa akin ang nangyayari? Hehe." singit ni Niña sa namumuong katahimikan. "K-kilala niyo pala si Richard Lee?"

"Ano ka ba! Ex siya ni Ayra!" nakangiting singit ni Ella na ikinalaglag ng panga ni Niña.

"H-hala weh? Eh bakit--"

"Hindi niya ako ex. Hindi naman talaga kami nagbreak kasi mahal naman namin ang isa't isa noon pa." singit ni Richard kaya mas lalong nalaglag ang panga ni Niña. "No one of us fall out of love."

"Yieee ang dami namang alam, Richard Lee." sabi ni Ella.

Napalingon kaming lahat kay Niña na hindi pa rin makapaniwala.

"Sorry Niña, hindi namin sinabi."

uminit naman ang pisngi ko nang tumabi siya sa akin sa pagkakaupo.

"Op! Op! Bawal ka pa tumabi!"

Nagpameywang si besty at hinarap si Richard. "Ikaw ba e, totoo na 'yang mga sinasabi mo? Baka mamaya mang-iwan ka na naman?"

Ano ba 'tong sina besty! Dinaig pa Mama at Papa ko!

"Luisa, ayoko pang mamatay. Hinding-hindi ko gagawin 'yan."

Mas lalo pang namula ang pisngi ko. Gash! Bakit ba ganito magsalita 'tong si Lee-ntik? Hindi ba siya aware na mas nakamamatay ang mga sinasabi niya? Pshhhh!

"Okay... sige... patunayan mo."

Nalaglag ako sa mapanghamong boses ni besty.

"Paano?"

"Sa pamamagitan ng ano... Uh... kasi, nagugutom kami e. Hehehehehehe."

Nagpeace sign siya sa akin at saka tumawa ng pacute kay Richard.

"Anong kami? Nakakahiya, Luisa! Okay lang Richard, hindi kami gutom." singit naman ni Niña na sinimangutan ni besty.

"Ako go lang ako sa foods hehehehehehe---" natigilan si Ella nang samaan ko naman siya ng tingin.

Napatingin ako kay Richard para sabihing huwag niya na lang intindihin 'tong mga 'to nang ngumiti na siya ng malawak habang kumikinang ang mata.

"Yun lang naman pala, sure! Ano bang gusto niyong pagkain? Magpapaorder ako."

Tumalon sa saya 'yong tatlo, kasama rin si Niña. Napafacepalm na lang talaga ako.

Oo nga pala, nakalimutan ko, mayaman ang Lee-ntik na 'to. May sarili pa ngang kompanya. Tsss.

"I'll invite Fern, taga-dyan lang 'yon sa malapit----"

"Wag!"

Napatingin kami sa reaksyon ni Lui. Natigilan naman siya.

"A-ah... I mean, tayo-tayo na lang muna. Tch! Isasama mo pa 'yon!" aniya.

Nagkibit balikat na lang si Richard.

"Stop being hard on him, Luisa. He's just in love with you... baka mamaya tigilan ka na n'on---"

Siniko ko si Richard dahil nahalata kong biglang kumunot ang noo ni besty at lumungkot ang mata. Tumungo siya saka umiwas ng tingin.

"Waeyo?" inosenteng tanong ni Richard noong siniko ko siya.

Hindi ko siya sinagot at pinagmasdan si besty. Lumingon siya sa amin saka ngumisi. "Tss, pake ko d'on."

Lately ay naging busy ako sa sarili ko at sa nararamdaman ko... hindi ko na nakamusta si besty.

Balang araw, malalaman ko rin ang nararamdaman mo, besty.

Kinabukasan, pagbaba ko sa Ground floor ay naghihintay na si agad si Richard sa lobby. Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti habang tinitignan siyang nakadekwatrong upo habang nagcecellphone. Nang makalapit ako sa kanya ay doon lamang siya umangat ng tingin.

"Bakit hindi ka pa nauna?" ngiting-ngiting sabi ko. Tumayo naman siya at hinawakan ang kamay ko, saka kami nagsimulang maglakad.

"E namimiss na kita e."

"Psh, daming alam!"

Nagtungo kami sa log desk upang mag-log out. Ngiting aso naman si kuya guard na saksi sa paghahabulan namin, habang nakatingin sa kamay naming dalawa.

Napapangiti na lang talaga ako habang naglalakad kami papunta sa motor niya. Pagkalipas ng ilang minuto lamang ay nakarating na kami ng school, hindi katulad dati ay hinayaan ko na siyang hawakan ulit ang kamay ko upang maglakad na papunta sa una naming klase.

Katulad ng inaasahan ay nakahakot kami ng atensyon, lalo na n'ong sa dome kami dumaan.

"Tss, dapat pala pinili ko na lang lahat ng schedule na magiging kaklase kita. Tsk, ginawa ko pang dalawa lang." reklamo niya habang naglalakad. "Next sem na lang siguro."

"So dati pa pala talaga alam mo nang dito ako mag-aaral?"

"Mmm..." ngumiti siya. "Pinipigilan ko ang sarili ko, pero gustong gusto kitang makita. Kahit n'ong first day ay nakasunod lang ako sa'yo... sa inyo... Inalam ko kung sinong nakakasama mo. Sinong mga kaklase mo. Kung may naghahatid ba sa 'yo papasok, kung may nagsusundo ba..."

Natigilan ako sa paglalakad. Kaya pala pakiramdam ko may sumusunod noon sa akin. Iyon pala ay sinusundan niya ako noon pa? Ibig sabihin...?

"Naiinis ako kasi si Jayvee ang kasama mo. Naiinis ako kasi si Butiki ang katabi mo."

"B-butiki?"

"Si Lizard-e." ngingisi-ngising sambit niya. "Pero okay lang, basta ba ako pa rin. Sa akin ka pa rin."

Hindi ko na mapigilan ang ngiti ko. Bwisit, kailan ba ako hindi kikiligin sa lalaking ito?

"Okay lang naman na hindi tayo magkaklase palagi. Diba maraming papel na lalakarin para mailipat ka ng sched? Palagi naman tayong magkasama sa... dorm."

Uminit ang pisngi ko dahil iba ang naisip ko.

"Talaga? So... lagi na tayong..."

Hinampas ko na tuloy yung braso niya kaya humalakhak siya ng sobra.

"--magkasama! Aw! Aw! Tama na! Hahahahaha! Ano bang iniisip mo ha? Hahahahaha!"

Namula ako sa inis at sa hiya. Hmppp! Pero hindi ko rin maiwasang ngumiti.

"Okay lang naman kung 'yun yung gusto mo--- Aw! Hahahaha!"

Hinampas ko siya ulit! Ang kulit e!

Nang makarating kami sa tapat ng room ay halos magsiluwaan ang mata ng mga kaklase kong nasa loob na ng classroom. Binitiwan ko tuloy yung kamay niya, saka ko siya itinulak palayo.

"Sige na, pumunta ka nang klase mo."

"Saan kiss ko?" he pouted, sabay turo sa pisngi niya.

"M-mamaya naaa--"

"Sa cheek nga lang e. Bahala ka, hindi ako aalis."

"Aish!"

Umamba siyang papasok sa pinto ng classroom namin.

"O-oo na!" hinila ko siya palayo sa bintana, para walang makakita, saka ko mabilis na hinalikan 'yong pisngi niya.

Ngising-ngisi siya nang kumaway na palayo, samantalang ako naman ay naging tampulan ng kantyaw at interview ng mga kaklase ko. Mabuti na lang at palagi nang nasa tabi ko sina Lea para ilayo ako sa kanila.

Kagabi sa dorm ay naging okay naman na sina besty, Ella, at Niña. Though hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Niña. Sana daw ay sinabi namin sa kanya nang sa gan'on ay nakapaghanda man lang siya.

"Pre, ayun si Ayra o!"

"Sayang nga pre, kay Lee na pala yan"

"Taray mo girl ah, dinaig mo pa celebrity sa sobrang famous mo." komento ni Lea nang makarating kami sa canteen.

"Taray naman kasi ni Fafa Richard!!! Sobrang sweetttt! Gan'on ba talaga siya sis?!"

"May pagkiss pa sa pisngi! Nakita namin yun ha! Kainis ka! Ikaw na swerte!"

Ngayon ang last day ng Entrep Week. Busy pa rin ang mga tao sa buong West Wing. Puno pa rin ng booths ang buong corridors. Pero nagulat na lang kaming lahat nang ipinatawag ni Sheena ang buong klase dahil kakausapin daw kami ng president ng Student Council.

Nagtungo kami sa room namin, katulad ng dati ay masama pa rin ang tingin sa akin ni Sheena. Mabuti na lang at hindi niya pa ako hinaharang para sabunutan or what.

"Ah, BSE 1-1D, let me introduce to you Miss Liana, the head of SFA office. Meron siyang iaannounce sa inyo." sambit ng SC President nang makumpleto kami sa room.

"Hello everyone... I am the head of the Student Financial Assistance office, and ngayong Entrep Week ay nagconduct kami ng surprise quiz bee na para sa matatalinong estudyante ng BSE. Anyone can join syempre, pero kung walang gustong sumali ay required rin na magparticipate ang may magandang performance noong highschool sila. Iyon ang pagbabase-han dahil sa ngayon ay hindi pa kumpleto ang grades niyo for 1st sem."

Sinigaw ng lahat ang pangalan ni Sheena, ang iba ay isinisgaw ang pangalan ko.

"Si Sheena po! Honors n'ong highschool!"

"Si Ayra po! Miss Entrep! Ang galing niya po sumagot!"

Si Sheena ay malawak na napapangisi lang, habang ako naman ay pakiramdam ko sasabog na ang pisngi ko sa hiya.

"Oh, since walang nagvovolunteer ay magtatawag na ako."

Mas lalo na akong kinabahan... bakit ba ang halaga sa school na 'to ang status mo noong highschool?

"A-ako po..." napatingin silang lahat sa pagtaas ko ng kamay. "S-sasali po ako."

"Anong name mo hija?"

Ibinaba ko na ang kamay ko at napalunok. Narinig ko ang pabulong na pagtutol ni Sheena.

"Bida-bida talaga ang isang 'yan."

Napalunok ako, "Ayradel Bicol po."

Parang hinanap ni Miss Liane ang pangalan ko sa papel na hawak niya.

"O! Tamang-tama! Valedictorian ka n'ong highschool right? Thank you for joining! Anyone else?"

Napafacepalm ako.

"What the fudge Ayradel?! Valedictorian ka?!" agad na tanong nina Lea, Blesse, at Rocel.

Related Books

Popular novel hashtag