Ayradel's Side
Napatungo ako habang pinagmamasdan ako nina Lea, Blesse at Rocel... Nasa canteen kami ngayon, at kasalukuyan silang ngumunguya ng boy bawang habang parang nasa hot seat ako.
"Ngayon, Ayradel Bicol... ano pang hindi mo sinasabi sa amin na makakapagpagulat sa amin?" simula ni Lea.
Napalunok naman ako at napanguso.
"Wala na... iyon lang naman. Boyfriend ko si Richard at Valedictorian ako."
Tumango-tango silang tatlo.
"Sure ka?"
"Hmm. Taga-Tirona High ako... at taga Lee University naman si Richard. Kilala ko na rin dati pa si Charles."
Hindi ko mabasa kung nagulat ba sila o tanggap na nila yung fact na 'yon.
"Ano pa?"
"Wala na. Promise!"
"Sure na sure ka na?"
"Mmm!"
"Hay nako Ayra! Ang hilig mong manggulat ah! Hindi mo ba alam sobrang nahihiya na kami sa iyo! Noong una pinagaagawan namin si Richard sa harap mo pa mismo, ngayon naman nagpapatalinuhan kami sa harap mismo ng matalino!"
"Matalino rin kayo. Wala nga kasi sa rank 'yan, kaya ko lang naman hindi sinabi kasi mas nahihiya ako. Ayokong magkaroon ng mataas na expectation dahil lang Valedictorian ako n'ong highschool. Ang alam ko kasi pagdating ko ng college ay back to zero na lahat, 'yon pala mahalaga rin 'yong sa highschool."
Ngumuso na lang ako dahil hindi ko alam ang dapat sabihin, nahihiya rin ako sa pamumuri nila.
"Anyway.... Okay na iyon, basta wala nang sikreto." mabuti na lang at iniba na ni Lea ang usapan. "Busy pa rin ba ang mga basketball players ngayon? Bakit wala si Charles at syempre 'yong bf mo. Hihihi."
"Baka nagelimination na. Sinu-sino kayang isasabak sa Foundation Day no?"
Napabuntong-hininga ako nang tuluyan nang nalihis ang usapan. Buong araw lang kaming nagkwentuhan, pero buong araw na hindi nagpakita si Richard, hanggang sa maguwian na. Palabas na ako ng gate at nakapagpaalam na rin kina Blesse, Rocel at Lea ay hindi pa rin ako nakakareceive ng text o chat mula sa kanya. Kaya naman I chat him first. He's 1 day ago active, wala naman akong load para itext siya.
"Saan ka? Uwi na akong El Pueblo ah? Ingat." then I click send.
"Ayra!"
Napatalon ako sa gulat nang biglang may humawak sa dalawa kong balikat mula sa harapan. Pagangat ko ng tingin ay binalutan ako ng kaba nang tumambad ang nakangiting si Charles.
"U-uy..."
"I missed you..." mas lalo akong nagulat nang niyakap niya ako. Agad kong inilayo ang katawan sa kanya ngunit sinikap ko na hindi ito masiyadong mahahalata.
"Hahaha... k-kasi ano..."
"Uwi ka na? Huwag muna! Diba may promise ka sa akin?" sabi pa rin niya at mukhang excited na excited akong hinihila sa braso.
"Ha?"
"Kainis, kinalimutan mo agad? Magde-date tayo diba? Kasi mataas ang score ko sa History!"
Napakagat ako sa labi nang maalala ko nga iyon. Pero iyon yung oras na hindi pa kami okay ni Richard Lee at sinusubukan kong buksan ang sarili ko sa iba, pero iba na ngayon. Boyfriend ko na siya ulit. Hindi na pwede 'tong pangungulit sa akin ni Charles.
"Ano... kasi Charles, may sasabihin ako."
"Tss, c'mon! Nag-promise ka e!" nagpalungkot pa siya ng mukha. "Okay, may sasabihin rin ako sa 'yo, but can you give this to me please? Be with me at least this time. Please?"
Napatitig ako sa magagandang pares niyang mata na punong-puno ng admiration. Parang naeewan ang puso ko tuwing iniisip ko na posible ko siyang masaktan.
"Sige..." this would be the last time. After nito ay sasabihin ko na sa kanya na kami na ni Richard. Kailangan niyang malaman dahil ayaw ko ring magkaroon na naman ng lamat ang relasyon namin ni Richard.
Hindi ko rin alam kung dapat ko ba 'tong sabihin kay Richard... o huwag na lang dahil matatapos na rin naman ito?
Ilang beses yata akong nagpasulyap sulyap sa cellphone, hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad papuntang SM. Sobrang hyper ni Charles kahit tipid na ngiti lang ang pinapakita ko, at kahit hindi ako nagpapakapit sa kamay at sa balikat. Pero paminsan minsan ay hindi ko siya napipigilan sa kanyang mga galaw.
"Hahahahaha! Ano ba 'yan, 67 points ka lang! Ang layo mo sa 143 points ko!"
"Tss. E MVP ka e." sagot ko.
"Hahaha, tara, saan mo pa gusto?"
"K-kahit saan." Umiwas ako nang ambang aakbayan niya ako. "Uhm, doon na lang!" tinuro ko ang kung anong maturo ko.
Nakita ko ang saglit na pagdaan ng lungkot sa kanyang mata pero agad niyang pinalitan ng ngiti.
"Sige."
Pumunta kaming arcade, naglaro ng basketball, kumain... pero hindi kasing-saya ng tuwing si Richard ang kasama ko. Nagi-guilty ako, dapat pala ay sinabi ko na kanina pa... dapat hindi na ako sumama sa kanya sa ganito. Parang mas lalo ko lang napaparamdam sa kanya ang lahat, parang mas lalo siyang masasaktan.
Hindi rin ako makahanap ng tyempo para kausapin siya.
"Charles,"
"Hmm..."
"Kailangan na nating magusap," sabi ko habang naghihintay na magflash sa screen ang movie. Yes, nakarating na kami rito sa movie house.
"Shh, ayan na 'yong palabas."
I promise, right after this.
Parang naging napakabagal ng 2 hours, pero parang lumipad lang rin ang oras dahil sa haba ng palabas ay wala akong naintindihan. Ni hindi ko alam kung tungkol saan 'yong pinanood namin.
Naglalakad na kami ni Charles palabas ng SM at hanggang ngayon ay lumilipad ang utak ko sa kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Napatalon na lang ako sa gulat nang bigla siyang nagsalita.
"Kamusta yung palabas?" aniya na ngiting-ngiti.
"Ha?" napakagat ako sa labi. "M-maganda... uhm... nakakatawa... h-ahahaha...."
Kinabahan ako nang bigla siyang tumahimik at bumuntong hininga. Nasa may mapunong lugar kami malapit sa SM, naglalakad siya habang nasa bulsa ang dalawa niyang kamay.
"Gan'on mo ba ako ka-ayaw makasama?"
Natigilan ako sa paglalakad kaya natigilan rin siya. Napunit ang puso ko dahil halata na talaga sa ngayon ang lungkot sa magaganda niyang mata.
"Tragic 'yong movie, Ayra..." dugtong niya.
Napapahiyang umiwas ako ng tingin. Namalayan ko na lang na nasa harapan ko na siya at hawak na niya ngayon ang dalawa kong balikat.
"Sa totoo lang, ayokong marinig 'yong sasabihin mo. I like you so much, more than you ever think... ayokong isipin na you're going to end up with that Richard Lee again..."
"Charles..."
"Sinaktan ka niya diba? How can you risk your heart again? Hindi mo alam kung ilang beses kitang sinalba mula sa kanya... ilang beses.ko siyang kinausap... pero bakit... bakit sa kanya ka pa rin nahuhulog?"
Napapikit ako at bahagyang napatungo. "I'm so sorry."
"No," aniya. Kumalabog ang dibdib ko nang nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ang pait sa kanyang mata. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng kamay niya sa pareho kong balikat.
"C-Charles..."
"No. You're not gonna end up with him again."
Kasunod n'on ay ang pagsiil niya ng halik sa aking labi...
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero agad akong kumilos para palayuin siya't sampalin ang kanyang mukha.
Nanginig ang mga kalamnan ko sa takot at sa gulat. Ngunit mas nakaramdam ako ng takot nang tumambad sa gilid namin ang camera, na hawak ng isang pamilyar na tao.
Si Jae Anne.