Ayradel's Side
"Oh my God!" nausal ni Lea pagkaalis na pagkaalis ni Richard.
Doon lang din ako nakahinga.
"Okay ka lang?" sambit agad ni Charles habang nakahawak sa balikat ko. Marahan akong tumango.
Agad naman akong hinila nila Rocel upang dalhin kung saan.
"Wait lang Charles ah, pahiram muna sa kanya!"
Wala nang nagawa pa si Charles.
"What the hell cyst ang swerte mo!!!!" nagtatatalon sa tuwa 'yong tatlo habang naga-appearan pa, nang makalayo kami.
"Ayon siya Ayra! Siya si Richard Lee! Myghad I can't believe na ikaw ang maswerteng nahawakan niya! At sa balikat pa!!! Grabe ang romantic lang ng kanina! Anong naramdaman mo?"
Nakaabang silang lahat sa sasabihin ko.
"W-wala naman?" sagot ko.
"Aaaaaaaahck grabe talaga yung kagwapuhan niya!" Blesse.
"Gwapo si Charles pero iba yung kanya e!" Rocel.
"Wait guys, I will tell some fact about him, okay? Since ako naman talaga ang mas nakakakilala sa kanya kaya makinig kayo!" sabi ni Blesse, at nakinig naman 'yong dalawa.
Ako naman e, pakiramdam ko kailangan ko ng aircon.
"Richard Jaydee Lee... ang full name niya kyaaaaaaah!" panimula ni Blesse. Binatukan naman siya agad ni Lea.
"Kaya ayokong nagku-kwento ka e, una talaga ang landi e!"
Napakamot si Blesse. "O sige ito na. Ayun na nga, anak siya ni Alfred Lee, yung DepEd Secretary. Pero according to my source, kakabalik niya lang ulit galing Korea— pero siya na ang naghahandle ng ilan sa mga business ng daddy niya."
"OMG! Sobrang ideal niya lang!"
"Pagkakaalam ko rin, he is a cheerful guy. Pero from what we saw, bakit kaya ang lungkot niya?"
Lumipas ang oras at mabuti na lang hindi na nangulit pa sina Lea. Umuwi ako sa dorm na tuliro. Kinwento ko rin kina besty at Ella ang nangyari at halos hindi rin sila makapaniwala.
"Akala ko ba sa Korea na siya permanently?" ani besty.
"At bakit sa dami ng university, bakit dito pa siya? At bakit same course mo pa?" Ella.
Hindi ko alam kung bakit natuwa ang puso ko doon pero agad ko ring binawi iyon.
"Best university itong pinasukan natin Ella. A-at saka... sabi nila nagmamanage na siya ng business nila kaya yata ito yung course na kinuha niya."
"Sabagay."
Natigil ang usapan namin nang biglang dumating si Niña. Kilig na kilig siya na ewan noong kausapin niya kami.
"Balita ko Ayra may gwapo raw sa Entrep?"
Nalaglag ang panga naming tatlo. Ganoon na ba katunog si Richard Lee ngayon?
Naging mas mapaglaro pa ang tadhana. The next thing I knew, it was biology class.
I wasn't on my usual self because of distractions. Naramdaman kong tumabi si Charles sa akin.
"You okay?"
"Hmm."
Nakatungo ako noong mga oras na iyon, ngunit agad ring napaangat ng tingin noong umingay ang buong classroom— when someone entered the room.
It wasn't the biology professor though.
Yes, it was Richard Lee.
My Lee-ntik...
Halos malaglag ang bibig ko nang makita ko ang paghakbang niya papasok ng classroom namin. I actually think I'm dreaming— or travelling back in time when I was in Section 6A.
Seryoso lang ang awra niya kahit maraming nagha-hi at namimicture sa kanya.
Agad akong umiwas ng tingin at saka pinakiramdaman ang puso ko. Ni hindi ko hinintay na magtama ang paningin namin. Humugot agad ako ng libro upang magbasa, hanggang sa naramdaman ko siyang umupo sa likuran kong row.
— sa mismong likuran ko.
Tadhana, are you fcking kidding me?!