Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 85 - Unfocus

Chapter 85 - Unfocus

Ayradel's Side

The fate is kidding me.

Kung sino pa talaga ang taong ayaw mong makasalamuha ay siya pang ilalapit sa 'yo.

People, specially, girls are attracted by him. Dinaig niya pa ang artista dahil ang mga babae ay lantaran nang nagpapapansin o namimicture— hindi katulad noong highschool kami na medyo nahihiya pa 'yong iba.

Itinutok ko sa pagsusulat ang ginagawa ko.

"You okay?" bulong naman ni Charles pagkatapos ay pinasadahan ng daliri ang ilang mga buhok na nalalaglag mula sa tainga ko.

"Oo naman, bakit?"

"Hahaha, wala lang. So you are not affected?"

"No." sambit ko. "By who?"

"By the famous behind you." aniya sabay tingin sa likuran namin. Hindi ko na binalak pang lumingon pero agad na naghabulan ang puso ko nang magsalita si Charles.

"Hey, Richard, man!"

"Hmm." narinig kong sagot ni Richard. Labis akong napapapikit.

Seriously Charles. Anong. Gusto. Mong. Mangyari.

"Didn't know na may subject pala na magkakaklase tayo." aniya. "Kaklase rin natin si Ayra."

What the hell.

I inhale all the oxygen I needed, at para hindi magmukhang may issue ay lumingon ako upang magpanggap na wala lang.

Kung para sa kanya wala lang, para sa akin wala lang rin.

"Hello." sabi ko without looking directly at his eyes. What the hell.

"I know." aniya. "Hi."

yun lang ang sinabi niya pagkatapos ay narinig naming humalakhak ng marahan si Charles.

"Nice." anito. "I really do have a place now."

Sinamaan ko ng tingin si Charles pero sinikap ko na hindi gumalaw ang ulo ko para hindi mapansin ni Richard.

Mapanglarong ngisi ang ibinigay niya sa akin.

"What do you want?" I mounted.

Hindi niya naintindihan kaya naman mas inilapit niya pa ang tainga niya sa akin. Naramdaman ko pang inilagay niya yung kamay niya sa likuran ko.

"Hmm?"

Umikot ang mata ko.

"Wala."

Mapaglarong ngisi na naman ang binalik niya sa akin. Kumuha siya ng papel pagkatapos ay may isinulat doon at ibinigay sa akin ng pasimple.

Binasa ko ang nakasulat doon.

Can you atleast smile? Gusto mo bang isipin niyang affected ka sa kanya? :)

Napaangat ako ng tingin sa kanya.

Ngumiti siya at muling tinuro yung sinasabi niya sa note. Tinuro niya pa yung salitang 'smile'.

And yes, I smiled at him.

Pagkatapos ay narinig kong tumikhim si Richard. Napatingin ako sa kanya, pagkatapos ay kay Charles na todo ang ngiti.

Kunot-noong ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.

Naging napakabagal ng oras. Halos hindi ko na alam kung anong sinasabi ng prof namin sa harap. Nasa harapan ang tingin ko pero mas alam ko pa ang nangyayari sa likuran ko.

"Hi, Richard!"

"Richard, ito nga pala number ko."

"Thanks."

"Magkita tayo bukas?"

"Sige."

What the fudge?

"Bicol!"

Natunton ang atensyon ko nang umalingawngaw ang apelyido ko sa buong classroom. Fudge, tinatawag pala ako ng prof namin.

"Are you with us? Kanina ko pa tinatawag ang pangalan mo."

"Y-yes Ma'am, I'm sorry. May iniisip lang po."

"'Yung sagot ba sa tanong ko naisip mo na?"

Tanong?

Tumingin ako kay Charles na hindi rin naman nakikinig kaya malamang hindi niya alam kung ano yung tanong.

"Tignan mo, lutang ka nga. Sabi ko, how does our blood flows through the lungs?!"

Nalaglag ang panga ko dahil hindi ko masiyadong nabasa ang parte na iyan. Besides, hindi pa natatackle- nag-advance reading ako pero kaonti lang.

"Ahm... O-once blood travels through the p-pulmonic valve, it enters the lungs—" sagot ko.

"And?"

"Ma'am?"

Shocks. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Bakit ba ako pinapagalitan ng ganito? Huhu!

"Oh anong tawag sa circulation na 'yon?"

"P-pulmonary circulation...?"

Natigil si Ma'am saglit at tinignan yung libro niya. "Continue."

"Then... ahm, from the pulmonic valve, blood travels to the ahm... pulmonary artery?... to tiny capillary vessels in the lungs..." I bit my lower lip. "I'm sorry Ma'am I don't know what's next."

Napapikit ako dahil hindi ko na alam ang kasunod. Bukod pa doon ay nadidistract ako ng nasa likuran ko, pakiramdam ko pinagtatawanan niya na ako sa isip niya.

Doon ko rin naramdaman na hinawakan ni Charles ang wrist ko na parang sinasabing okay lang 'yon. Medyo kumalma ako ng kaonti.

Tumango lang si Ma'am at sinenyasan na akong umupo.

"Ano ba yan, maganda nga brainless naman." narinig kong sabi ng isang babae sa likuran ko.

Did I just make a negative impression with my new classmates?

"Oo nga, ano ulit name niya?"

"Ayra?"

Patuloy na lang akong napapapikit dahil sa mga naririnig ko.