Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 83 - You Almost Got Hurt

Chapter 83 - You Almost Got Hurt

Ayradel's Side

"Mr. Lee—"

Agad na naghabulan ang tibok ng puso ko habang inaabangan ang salita ni Sir.

Umiling-iling si Sir.

"Ano ba naman 'tong sulat na 'to parang kinahig ng butiki! Hindi ko mabasa!" aniya habang nakatitig sa index card. "Charles—"

"Sir, Lizarde po." ani ng lalaking lumabas mula sa crowd.

Agad akong napahawak sa dibdib ko.

"Tsk, Lizarde pala 'to? Osiya! Umupo ka doon sa sunod na upuan at sa susunod pakiayusan ang sulat!"

Tumawa lang si Charles, at bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko nang dumiretso siya sa direksyon ko.

Tadhana nga naman oo. Kung sino yung iniiwasan mo, iyon pa talaga ang itatabi sa 'yo.

"Omaygad, sayang bes hindi ako katabi ni Charles!" Narinig kong paguusap ng dalawang katabi ko sa kaliwa.

"Oo nga e, atleast malapit siya sa atin."

Agad akong sumubsob sa notebook ko para magdoodle, at para hindi pansinin ang lahat.

"H-Hi, Charles!" Bati ng katabi ko. Hindi ako nag-angat ng tingin. "Ako yung Jasmin na naka-chat mo once habang summer break. Hehe!"

Narinig ko ang tawa ni Charles.

"Ah, ikaw yun! Hello!" anito saka na umupo sa tabi ko. Naramdaman ko ang titig niya sa akin.

"Hi, Miss." aniya kaya naman napatingin na ako.

Pilyong ngiti ang bumungad sa akin. Hindi mapagkakailang gwapo ang isang ito. Brown eyes, brown and curly hair, itim na hikaw sa left ear, mapang.

"Hmm, may magagalit ba ulit kung magpapakilala ako sa 'yo?"

Tumawa siya samantalang tumitig lang ako sa kanya. Naramdaman niya namang hindi ako natutuwa kaya tumikhim siya.

"Oh. I'm sorry. I've just heard what happened to you."

"Okay na ako. Wag na nating pagusapan."

"Great!"

Napatingin ako sa kanya.

"I mean... great! May I introduce myself to you again?"

Inilahad niya ang kamay niya ng may malawak na ngiti.

"I'm Charles Lizarde. And you are?"

"Ayradel Bicol." tinanggap ko yung kamay niya, na sa tingin ko ay maling-mali dahil namalayan ko na lang na tinitignan na kami ng lahat.

Agad kong hinila ang kamay ko.

"You are much prettier when blushing." bulong niya.

Umismid lang ako at hindi na sumagot, na siyang ikinatawa niya.

Pagkadismiss ng 5pm ay nauna na akong tumayo at lumabas ng classroom. Hindi rin naman nagtagal ay nahabol ako nina Rocel, Blesse at Lea.

"Bakla ka!!!!" anila sabay hablot sa braso ko.

"Ano 'yung nakita naming paghahawak niyo ng kamay ni Fafa Charles?!" Lea

"Oo nga! Magpaliwanag ka sa amin!!!" Blesse

"Ahhhhh! Di ko kaya! Nabihag mo siya agad!" Rocel.

"Baliw." sabi ko. "N-nagpakilala lang yung tao."

Ayoko sabihing nanggaling kami sa iisang lugar, ang Buenavista, dahil sigurado akong mapupunta ang lahat sa tanong kung kakilala ko ba yung ibang mga pogi doon sa Lee University.

"Sigurado ka wala nang ibang dahilan?"

"Wala no!"

"Ayra!" napalingon kaming lahat kay Charles na papunta ngayon sa direksyon namin. Gusto kong kainin na lang ako ng lupa.

"Omaygad, si Fafa palapit naaaaa!" ani ni Lea.

Tumalikod na ako para sana mauna na, pero hawak ako ng tatlo.

"Hi, Charles!" ani ni Blesse.

"Hi, girls!" ani ni Charles. "Sabay na ako sa inyo palabas ng campus. Wala akong kasabay e."

"Ah, o-oo naman Fafa-- este, Charles!" ani ni Lea.

"Wow, friend ang nipis mo diyan!" komento ni Blesse.

"Shh!" sabi ni Lea sabay ngiti ulit.

Naglakad na nga kami. Nakakulong ako sa braso ni Rocel, samantalang sina Bless at Lea naman ang kumakausap kay Charles habang bumababa kami sa dome. Hindi ko na pinakinggan pa kung anong mga pinaguusapan nila, dahil may iba akong pakiramdam.

Feeling ko may tumitingin sa amin mula sa kung saan. Hindi kasi ako mapakali e. Marami pang tao dahil maaga pa naman, pero pakiramdam ko may nakatingin sa amin.

Umiling-iling ako, at namalayang nakababa na kami sa 1st Floor.

Humarap sa amin ang lalaking naka-bonet. Diretso ang tingin niya sa amin pati na sa bagong lalaking kasama namin.

"Ayra." aniya.

Ngumiti ako.

"OMG! Isa pang pogi!" bulong ni Rocel sa akin.

"Pre!" tumango si Jayvee kay Charles, and they made a fist bump.

Tumingin sila sa akin, at bago ko pa matanong ay sinagot na nila ang nasa isip ko.

"Sa pool party." ani ni Jayvee.

Ibig sabihin sa pool party rin sila nagkakilala ni Charles?

"Dito ka rin pala." sambit ni Charles.

"Hmm." sagot ni Jayvee. Rinig na rinig ko na naman ang bulungan nung tatlo. "1-1D ka?" kunot ang noo ni Jayvee.

Ngumisi si Charles. "Oo."

"That's... not nice." Jayvee chuckles.

"Woah, don't tell me dude. Pagbabawalan mo rin ako?"

Silang dalawa na lang talaga nagkaintindihan.

"Kung balak mo, bawal talaga."

"Nawala nga yung isa, pumalit ka naman." ani ni Charles.

"Wala akong pinalitan."

"Pero kahit ikaw, hindi mo ako mapipigilan." casual lang na sagot ni Jayvee.

Hindi naman sila mukhang nagaaway pero hindi ko rin alam kung ano yung pinaguusapan nila. Sa isang iglap na lang ay naglakad na palayo sa amin si Charles.

He even waved, and wink at us.

Napatingin naman ako kay Jayvee na wala pa ring pinagbago ang itsura.

"Hi Jayvee Gamboa! Hihi!" ani Rocel at gusto ko na yatang pasakan ng tape ang bibig niya.

Napatingin naman sa akin si Jayvee na halatang alam na, na ako ang may kagagawan ng pagkalat ng pangalan niya.

Naglakad na kami papuntang gate ng eskwelahan.

"O sige, alis na kami Ayra, Sheyvi. Ahe." Natawa ako sa arte ng pagkakasabi ni Lea sa pangalan ni Jayvee.

"Saan ka nga pala nakatira Ayra?" tanong ni Blesse.

"Sa El Pueblo."

"Wow, big time." komento ni Rocel. Kumunot naman ang noo ko dahil mura lang naman ang binayaran namin doon.

"Sige na, uwian kaming tatlo e. Sa Pasig pa ako, Marikina si Rocel, at Parañaque si Baks Blesse." ani Lea.

Tumango naman ako at saka na sila umalis.

Hinatid ako ni Jayvee sa El Pueblo dahil walking distance lang naman ito mula sa campus, at bukod doon ay nakatira siya sa boy's dorm malapit sa building ng El Pueblo.

...

Lumipas ang isang linggong adjustment period ay doon lamang naging regular ang klase. May nakapilang mga seminars na ang kailangan naming attend-an at tulungan ang seniors sa pago-organize.

"Ano ba naman 'to bakit tayo ang tumatrabaho ng prod na 'to!" reklamo ni Rocel habang ginugupit ang mga letterings.

Napangiti naman ako dahil naaalala ko lang yung mga ganitong scenes noong highschool ako.

"Hay nako baks, kapag tayo ang naging 4th year, gantuhin rin natin mga freshies natin. Kaloka!" si Lea ang nagbubuhat ng mga paints.

"Alam mo Leonardo, baks ka pero ang ganda ng biceps mo bakla!" sabi ni Rocel.

"Hoy lason wag mo akong pagkainteresan ah! Dukutin ko yang mata niyo ni Gela e!"

Nagtawanan lang kami.

"OMAYGAAAAD MGA BAKLA!" natuon ang atensyon namin kay Blesse na humahangos papunta ngayon sa amin.

"O, sinong multo ang nakita mo?"

Nagpunas muna ng pawis si Blesse at nagpaypay ng oarang init na init. Bukas sara ang bibig niya, pagkatapos ay titili na parang ewan.

"Tignan mo 'tong baklang 'to, tili talaga ang inuuna bago salita e." sabi ni Lea.

"Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko!!!"

"Talagang hindi! Pasuspense ka pang bruha ka e!" sagot ni Rocel.

"Naalala niyo yung poging hindi ko pinapaalam yung pangalan dahil akin lang siya?!"

"O? Alam mo na pangalan?" Lea.

"KYAAAAAAAAAAA!!!!" Blesse.

"Nabaliw na." sabi ni Rocel.

"DITO SIYA NAGAARAL AT KA-COURSE NATIN SIYAAAAAAAAA!" tumalon at tumili siya na parang wala nang bukas. Napailing-iling na lang ako.

"Talaga?! Nasaan siya?!"

"N-NASA— NORTH WING!" tinuro pa ni Bless yung kaharap na wing nitong West Wing.

"OMAYGAD, PUNTAHAN NATIN AT NANG MAKASILIP!" sabi ni Rocel na kinikilig na rin.

"AYYY TARA TARA MGA BAKS!" inagaw sa akin ni Lea ang hawak ko pagkatapos ay inilapag. "Mamaya na yan baks! Tara't miryenda muna! Hahahahaha!"

"Ayoko kayo na lang—"

"Dalian mo na! Ikaw na lang pambato namin o! Baka mapatingin sayo yung fafa na yon tapos mapalingon sa akin ayieeeeeeeee!!!!"

"Asa ka! Nauna ako sa kanya!" reklamo ni Blesse.

"Paunahan na lang kung sino unang mapapansin sa atin!" Rocel.

Tumawa ako.

"Bahala kayo, basta dito lang ako. Balitaan niyo na lang ako." sabi ko.

"Sige hayaan na natin si Ayra, may Jayvee at Charles naman na yan e, baka agawin niya pa sa atin pati si Richard Lee!"

Agad akong napalingon kay Blesse dahil sa sinabi niya.

"Ano ulit?" tanong ko. Nilingon ako ni Blesse.

"Yung alin? May Jayvee at Charles ka na?"

"H-hindi yung pangalan—"

"Ah. Richard Lee?"

Agad na tumigil ang tibok ng puso ko.

"S-sama ako." sabi ko't tumayo na mula sa pagkakaupo sa lapag.

Kumunot ang noo nila pero hindi na sila umangal pa't tumakbo na lang papuntang North Wing.

Habang papalapit ay mas lalong kumakabog ang dibdib ko.

Posible kayang...? Pero sabi ni Suho...

Tama. Baka kapangalan lang.

"M-Mauna na kayo." sabi ko sa kanila't tumigil ako sa pagtakbo. Umoo lang sila pagkatapos ay nauna na silang tumakbo.

Huminga ako ng napakalalim. Pagkaliko ay puro kababaihan ang nakita ko. Ang ilan sa kanila ay may hawak na picture at sige lang ang pagclick dito.

Pakiramdam ko lumalambot ang tuhod ko habang naglalakad palapit. Dumungaw ako sa pagitan ng ilang mga babae, at halos hindi makapaniwala ang mga mata ko sa nakita ko.

He is on his black plain shirt, and pants pero ang kagwapuhan niya ay talagang nangingibabaw. Agad akong tumakbo patungo sa pinakamalapit na pader upang sumandal at pakiramdaman ang sarili ko.

I shouldn't be like this.

I should be okay.

Ilang buwan na rin ang lumipas na hindi ko siya nakita at okay naman na ako pero bakit ngayong nakita ko ulit siya ay bumalik na naman ang lahat ng naramdaman ko noon?

"So I guess it'll end here? See you somewhere in the future."

Umiling-iling ako upang ibalik ang dati kong postura. Naglakad na ako pabalik sa West Wing hallway, at kinalimutan ang aking nakita. Nagsimula na akong maggupit ulit ng mga karton.

Ako lang yata ang nandito at ilan sa mga lalaki naming kaklase. Kailangan din naming lagyan ng design ang hallway na ito para sa darating na Entrep Week.

"So I guess it'll end here? See you somewhere in the future."

Napaismid ako sa aking sarili.

Is it the future he is talking to? Ang bilis naman yata. Ilang buwan pa lang ang nakalipas, hindi pa niya pinatagal muna.

"Hi Ayra!" dumating na si Charles habang bitbit ang bag niya. Halatang kakapasok lang.

"Aga natin ah?" pangaasar ko, at nilimot ma ulit ang lahat.

"Kaya nga e. Aga kong nagising. Tulungan na kita diyan?"

"Hindi na. Kailangan ko na lang 'tong idikit sa ceiling nitong hallway."

"Ah, kunin ko yung hagdan doon sa South Wing?" suhestiyon niya na tinanguan ko lang. "Masusunod!" aniya na inilapag ang bag niya sa tabi ko.

Napangisi ako sa pagtakbo niya. Sa isang linggong naging magkatabi kami ni Charles ay medyo nakilala ko na siya. Hindi naman pala siya mayabang kagaya ng iniisip ko, mukha lang siyang mahangin pero kasing bait niya lang rin si Suho at Jayvee.

Ilang minuto ang lumipas at dumating na si Charles habang buhat yung hagdanan. Nahiya naman ako bigla dahil malaki pala yung hagdan na sinasabi niya, at mukhang mabigat dahil bakal.

"Dapat sinabi mong mabigat pala 'yan, tinulungan kita." sabi ko pagkalapag niya ng hagdan.

"Tss. Hahayaan ko ba yon? Syempre hindi." aniya. "Ano bang gagawin? Ako na aakyat."

"Hindi, ako na! Mahirap iexplain e."

Nagsimula na akong umakyat sa hagdan, habang hawak niya yung hagdanan. Ito yung hagdanan na pa-triangle na pwede talagang akyatan ng hindi natutumba. Hindi naman masiyadong mataas ang ceiling kaya hanggang apat na baitang lang.

"Pakuha naman 'yung eroplano na yon." sabi ko kay Charles nung nasa ikalawang baitang pa lang ako. "Yung may tali."

Kinuha niya naman.

"Pano mo yan ididikit diyan?"

"Ahhh, ite-tape?" sagot ko sabay tawa. Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko.

Natawa lang din ako pagkatapos ay umakyat pa.

"BAKLAAAAAAA!"

Natigil ako sa pagdidikit ko ng mga eroplano sa itaas nang makita naming tumatakbo papunta sa direksyon namin yung tatlo.

"Bakla ka! Akala namin nawala ka na!" sabi ni Blesse na hinihingal.

"O-Oh, hello Charles! Hehehehe!" Bati ni Lea. "Ang dami namang blessing ngayon, woooo!" aniya habang nagpapaypay.

Ngumisi lang si Charles.

"Ano? Tawag mo ba ako?" sabi ni Blesse.

"Ay jusko, lason ka kaya! Pano ka magiging blessing aber?!"

"Hoy baklang Ayradel, bakit bumalik ka agad dito?" singit ni Rocel.

"Ang daming tao e." sabi ko habang nang-ngangatngat ng tape.

"Sayang hindi mo nasilayan ang tanawin." bulong ni Lea na kinikilig.

"N-nakita ko." bulong ko naman.

"Talaga?" lumapit si Blesse. "Anong masasabi mo? Ang pogi ng future husband ko no?"

Napalingon ako kay Charles na tatawa-tawa lang.

"Hindi."

"Omaygad!!! Sino nagsabing hindi pogi?" napakapit ako ng mahigpit sa hagdanan dahil sa kalikutan nila.

"Omaygad papunta siya sa atin!"

Automatic na napalingon ako sa taong tinutukoy nila, at doon nga ay nakita ko siyang naglalakad. Palapit. Sa amin.

You've got magic inside your finger tips

It's leakin' out all over my skin

Everytime that I am close to you

You're making me weak with the way you look into my eyes

Parang naging napakabagal ng oras para sa akin. Gusto kong umiwas ng tingin pero huli na dahil sa akin na rin siya nakatingin ngayon.

Para akong naghihina. Hindi ako makagalaw. Hanggang sa namalayan ko na lang na nabangga nila Blesse ang hagdanan na kinatatayuan ko, dahilan upang mawalan ako ng balanse at makabitaw sa hinahawakan ko.

Napapikit ako't pagkadilat ay hawak na niya na ako.

"Tss. Next time mag-iingat ka." Aniya habang nakatitig sa akin. "You almost got hurt... me."

Saka niya ako binitawan at nagpatuloy na ulit sa paglalakad na parang wala lang.

Na parang hindi niya ako kilala.