Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 74 - Bakit Nga Ba?

Chapter 74 - Bakit Nga Ba?

Ayradel's Side

Agad akong umiwas ng tingin, saka ko napagpasyahang mauna na sa paglalakad.

"Ayra," aniya sa likod ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Ayra, sorry," dugtong pa niya. Hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog ang dibdib ko. Parang kinurot na ewan. "Sorry... sorry at nadamay ka pa sa gulo ko. Sorry dahil ginamit ko ang pagkakaibigan natin—"

Bago pa niya mapagpatuloy ang sinasabi niya ay mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"A-ayra— saglit lang naman—"

"Pwede ba, ayoko pang kausapin ka!" sambit ko, at sa isang iglap ay hawak niya na ako sa braso. Nanlilisik ang matang umangat ako ng tingin sa kanya.

Sa tuwing nakikita ko siya ay hindi ko maiwasang magalit. Naaalala ko lang yung mga narinig ko sa paguusap nila ni Jae Anne— pagkatapos ay dumagdag pa ang pagkainis ko kay Tita Vivian, pati na rin kay Mama. Naghahalo-halo na.

"Please? Kahit pakinggan mo lang ako."

Mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa braso ko kaya hindi na ako nagpumilit pa. Tiim bagang na tumingin ako sa gilid para pakinggan siya.

"H-hindi ko sinasadya... nadala lang rin ako ng inis ko kay Richard. Oo totoo lahat ng narinig mo sa paguusap namin ni Jae Anne na ginamit kita para protektahan siya... pero nagsisisi na ako d'on. Nagsisisi na ako na—"

"Na pinaglaruan mo ako?! Na sinabi mong gusto mo ako kahit hindi?!"

Gulat man ay malungkot siyang tumango pagkatapos.

"Pero... aaminin kong nagustuhan talaga kita Ayra."

Bahagyang nalaglag ang panga ko nang tignan ko siya.

"Kaya kami nagaway ni Jae Anne n'ong oras na iyon ay dahil ipinagtapat ko sa kanyang unti-unti na kitang nagugustuhan. H-hindi ko napigilan Ayra. Kaya naman pagkatapos kong sabihing gusto kita ay sobra akong naguilty— lalo na n'ong napansin kong sobra nang nagugulo ang buhay mo. Unti-unti akong lumayo para ibalik ulit kay Jae Anne ang feelings ko, pero..."

"Tama na, Jayvee..." tinabig ko ang braso niya.

"Pero—"

"Sa tingin mo paniniwalaan pa kita?"

"Ayra, look," Aniya. "You like me too right? You like me first! Gusto mo ako bago pa dumating ang Richard na yan—"

"Shut up!" sambit ko habang tinatabig ang kamay niyang humahawak sa akin.

"Ako rin ang gusto ng Mama mo para sa iyo, why don't we work for us?"

"Shut up Jayvee! Ano bang pinagsasabi mo?!"

Tinulak ko siya at dahil doon ay bahagya siyang natigilan. Nagtinginan muna kami ng ilang segundo bago ako natauhan.

"Balikan mo si Jae Anne! Balikan mo yung babaeng mas nasasaktan ngayon nang dahil sa 'yo!"

Bago ko siya tinalikuran.

"IKAW NA ANG GUSTO KO AYRA!" sigaw niya... kasabay noon ay pag-angat ko ng tingin sa direksyon na nilalakaran ko.

Agad akong natigilan nang makita ang isang lalaking suot ang  isang blue  uniform, habang nakatayo hindi kalayuan sa amin ni Jayvee.

Kumalabog ng napakalakas ang dibdib ko. Agad akong kumurap, pero totoo talagang si Richard iyon.

Diretso lang ang tingin niya sa amin. Naramdaman ko ring natigilan si Jayvee dahil sa kanya. Lumapit sa akin si Jayvee at kinuha ang supot ng papel na hawak ko. Wala sa sariling ibinigay ko lamang iyon, dahil masiyadong nakatutok sa lalaking nasa harapan ko ang mata ko— na titig na titig rin sa amin ngayon.

"Please, Ayra, magusap tayo... Sa Plaza malapit sa inyo. Bukas, after class."

Pagkatapos ay naglakad na siya sa direksiyon na hindi niya makakasalubong si Richard.

Muling bumalik kay Richard ang paningin ko. Hindi ako makagalaw. Unti-unting natunaw ang galit sa dibdib ko, pati lahat ng inis. Ang buhok niyang dating messy ay naging mas maayos ngayon, mas bumagay rin sa kanya ang private school uniform, kaysa sa uniform ng TH dati na black and white lang.

Bumaba ang tingin ko sa palad niyang naka-kuyom.

Mas lalo lang akong natuod nang magsimula na siyang lumapit sa akin, tumigil siya nang maging magkaharap kami. Ilang segundo niya pang pinag-aralan ang mukha ko, bago siya nagsalita.

"Kamusta."

Hindi ko alam kung bakit parang kinurot ang dibdib ko sa tono ng pananalita niya. Sobrang lamig, na hindi naman mukhang nangangamusta talaga. Napalunok ako at nangapa ng sasabihin. Bakit parang naging ganito na ang pakiramdam ko sa kanya?

"O-okay lang... I-ikaw?" gusto kong kumurap at umiwas ng tingin, pero hindi ko kaya dahil anytime ay parang babagsak ang luha ko.

"Mukhang okay ka nga," aniya na mas ikinakabog ng dibdib ko. "Okay lang  rin naman ako. Ikaw, okay lang bang pumunta ako rito? Or balik na lang akong L.U?"

Kumunot ang noo ko sa sinasabi niya.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Do you still need me here?"

"May problema ba tayo, Richard?"

"Hindi ko alam. Meron ba?"

Naramdaman kong biglang lumipad ang palad ko sa mukha niya.

"Tatlong araw kang hindi nagparamdam! Pagkatapos pupuntahan mo ako dito na parang ako pa ang may kasalanan sa 'yo?! Tatlong araw—"

"—kaya may oras ka na kay Jayvee? Ganoon ba?"

Mas lalong lumaglag ang panga ko. Ilang sandali akong nangapa ng sasabihin dahil sa pagkabigla ko sa mga salitang sinasabi niya.

"Nagselos ka ba sa nakita mo kanina? Kung tingin mo ay nagkakamabutihan kami, hindi! Sinabi niya lang sa akin na magusap kami bukas ng after class! Wala akong—"

Parang napagod ako sa pageexplain kung kaya napapikit na lang ako at humawak sa aking noo.

"Bakit mo sa akin sinasabi 'yan ngayon?" aniya. Punong-puno ng lamig at galit.

Dahil boyfriend kita for pete's sake! — sigaw ng utak ko pero hindi na kaya pang sabihin ng bibig ko. Sobrang lamig ng tono niya na sa tingin ko ay magpapaiyak na sa akin. Ang sakit na ng lalamunan ko, para pigilan iyon. Saglit akong natanga sa tanong niya, saglit ko siyang tinitigan at matigas kong sinambit ang tanging salitang tingin ko ay ang pinaka-kaya kong sabihin sa oras na 'to.

"Bakit nga ba?"

Saka ko siya tinalikuran. Doon na lumabas sa mata ko ang luha dahil sa pagkainis.

Anong nangyari? Bakit ka naging ganyan?

Bakit tayo nagka-kaganito?