Chapter 75 - Slap

Parang napagod ako sa pageexplain kung kaya napapikit na lang ako at humawak sa aking noo.

"Bakit mo sa akin sinasabi 'yan ngayon?" aniya. Punong-puno ng lamig at galit.

Dahil boyfriend kita for pete's sake! — sigaw ng utak ko pero hindi na kaya pang sabihin ng bibig ko. Sobrang lamig ng tono niya na sa tingin ko ay magpapaiyak na sa akin. Ang sakit na ng lalamunan ko, para pigilan iyon. Saglit akong natanga sa tanong niya, saglit ko siyang tinitigan at matigas kong sinambit ang tanging salitang tingin ko ay ang pinaka-kaya kong sabihin sa oras na 'to.

"Bakit nga ba?"

Saka ko siya tinalikuran. Doon na lumabas sa mata ko ang luha dahil sa pagkainis.

Isa,

pangalawang hakbang,

Hinintay ko na tawagin niya ako ulit.

Tatlo...

Parang tinusok ng tinik ang dibdib ko. Parang may kung anong bigat ang pasan ko at nagkahalo-halo na ang emosyon mula pagkabigo at pagkalito.

Halos matahak ko na ang daan paliko nang maramdaman ko ang biglang pagyakap ng kung sino sa likuran ko.

Agad akong napahawak sa braso niyang nasa leeg ko.

"Sorry..."

Narinig ko ang hikbi niya sa tainga ko.

"Hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang magalit sayo o magalit ka sa akin."

"Bakit?" sambit ko kasabay ng pagharap niya sa akin.

"I've been receiving a lot of news about you and Jayvee. Minsan mula sa kung sino, pero madalas mula sa mama mo."

Bahagyang nalaglag ang panga ko.

"And I thought, you're really fine without me."

Sinuntok ko yung dibdib niya.

"Baliw ka ba!?" para akong batang naiiyak. "Sa tingin mo bakit ako magiging okay?! Ilang araw ka na namang hindi nagparamdam! Hindi ko alam kung anong gagawin! Kung kailan girlfriend mo na ako ngayon ka pa mas napapalayo sa akin! Bakit mo ako hinahayaan kay Jayvee?! Bakit ka naniniwala sa mama ko! Bakit—"

Tumigil lang ako nang yakapin niya ako ulit ako.

"Sorry. Hindi na mauulit." aniya na nagpakalma sa akin. "Pangako, kung may bagay man akong bibitawan, hindi ikaw iyon. Hindi tayo iyon."

Tumango ako habang nasa balikat niya.

"Pangako mo rin ba?"

"Pangako." sagot ko.

Kung mayroon man tayong isusuko, hindi 'yung tayo na meron tayo.

Hindi kami nakapagsama ng matagal dahil inaalala niya si mama na bantay sarado sa akin ngayon mula pagpasok hanggang sa time ng pag-uwi.

Kahit mabigat pa rin sa pakiramdam, medyo gumaan-gaan na ng kaonti. At least nakita at nakausap ko na ulit si Richard. Kahit siguro masundan pa iyon ng tatlong araw bago ulit mangyari yon, hindi na ako magrereklamo.

Basta makita ko siya, okay na.

Napangiti ako ng bahagya habang naglalakad na papunta sa bahay namin.

"Ma, pa, nandito na po a—"

Bago ko pa matapos ang pananalita ay dumapo na sa mukha ko ang palad ng kung sino. Napahawak ako sa kaliwang pisngi dahil pakiramdam ko bumakat ng sobra ang palad nito sa akin.

"Walang hiya ka." si Mama, may diin at galit ang bawat salita.

Napaatras ako dahil sa nagaapoy niyang galit.

"M-mama..."