Chapter 71 - Mommy

Ayradel's Side

He was my first.

Unang nanggulo sa tahimik kong buhay.

Unang dahilan ng pagka-cutting ko.

Unang taong nakapagpa-inis sa akin ng todo.

Unang taong sinuntok ko.

I just can't remember how much I hated him since the first day.

Pero nang dahil rin sa kanya, ay first time kong na-enjoy ang ulan. First time kong maramdaman ang saya na wala nang iniisip pang iba. First time kong maging malaya sa nararamdaman ko.

At higit sa lahat... Siya rin ang first kiss ko.

Sana nga ay siya na.

Hindi ko mapigilang ngumiti habang nakahiga kami sa damuhan at nakatingin lang ako sa mukha niya. Hindi ko na itatago pa itong nararamdaman ko sa kanya. I let my hand rest on his chest, habang nakaunan ang ulo ko sa braso niya.

Kitang-kita ko sa pwesto ko ang katangusan ng ilong niya, ang pagkaperpekto ng panga niya, ang magaganda niyang pilikmata.

Hindi ko pa rin maimagine na magkakagusto sa akin ang katulad niya. Sa akin na pinakaboring na taong makakasama mo.

"Why?" aniya na nilingon ako kaya naman ang lapit na naman ng mukha namin sa isa't isa. "Have you realized na mas gwapo ako sa lalaking nasa wallpaper mo?"

I chuckled, dahil alam ko kung sinong tinutukoy niya.

"Hindi." pinipigilan kong tumawa nang bahagya nang nagbago ang mukha niya. "Parang... mas gwapo pa rin pala talaga ang nasa wallpaper ko."

"YA!" suway niya  gamit na naman ang lenggawe niyang alien. "Tama ba 'yang sinasabi mo sa akin ha, Baichi?! Ako ang boyfriend mo tapos para sa'yo si Jayvee ang mas gwapo?!"

"Wow, sinong may sabi sa'yong girlfriend mo na ako?"

Bahagyang kumitid ang mata niya habang patuloy ko pa ring pinipigilang matawa. Inunan niya ang braso niya sa damuhan, saka tumagilid para harapin ako.

"Bakit, Miss Ayradel Bicol?" aniya na parang nanghahamon. "Hindi pa ba sapat na ebidensiya 'to?"

Nagulat na lang ako nang muli na namang magdampi ang labi naming dalawa. Na sa sobrang bilis ay aaminin kong gusto ko pa.

Naramdaman ko ang pisngi kong nag-init dahil sa mga iniisip ko.

"M-magnanakaw ka!" reklamo ko sabay hampas sa balikat niya na ikinatawa niya lang.

Inextend niya 'yong braso niya upang yakapin ako.

"O sige na, ibabalik ko na yung ninakaw ko."

Saka niya na naman ako hinalikan ng marahan sa labi. Nang maghiwalay, ay hindi ko na napigilan pa ang mapangiti.

"Nakakarami ka na ah," sabi ko pero nag-ngitian lang kami na parang timang.

"Love," aniya sa mga mata ko. "Will you be mine?"

Mas lalo lang lumawak ang ngiti ko at hindi ko na naisipan ang magpabebe pa.

"Hmm." sagot ko sabay tango.

Mas lalo ring lumawak ang ngiti niya't parang batang isiniksik ang sarili niya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko na ngayon ang higpit ng yakap niya, pati na rin ang kalamigan ng paligid at ng kadamuhan.

"So... tayo na? Girlfriend na kita?" aniya. Napangiti ako sa kilig.

Maygad. Masasabi kong mahal na mahal ko ang lalaking ito.

Nakangiti ko ring ipinulupot ang braso ko sa kanya.

"Oo." sagot ko.

Ramdam kong pareho lang kaming nakangiti habang tahimik.

"Totoo ba 'to?" aniya pagkatapos ng katahimikan. Ramdam ko na ang hininga niya sa aking leeg.

"Hmm?"

"Hindi pa ako nagkakagirlfriend dati. Ikaw lang." dugtong niya pa.

"Kahit naging girlfriend mo si Jully?" sabi ko.

"Tsk, sabi nang hindi e. 'Yon lang yung pinagkalat niya."

I smiled. "So you think you are cool?"

Mas humigpit lang ang yakap niya at mas natatawa lang ako kapag iniimagine kong nakapout na siya ngayon.

"Sabi mo cool 'yung gan'on?"

"Hindi na pala cool tingin ko doon."

"Tss. Ano ba talaga?"

I chuckled.

"Nakakainlove. Hindi ka cool kasi nakakainlove ka."

Sandaling katahimikan ang namayani.

"Ya, Baichi, neoneun naleul usgehaessda." aniya sa tonong parang nagpapabebe.

[translation: pinapakilig mo naman ako e]

"Ano na naman ibig sabihin niyan?" humalakhak ako.

naramdaman ko ang paggalaw niya, upang makaharap niya ako. Siya na ngayon ang humahawi sa buhok ko habang diretso ang tingin sa mga mata ko.

"Saranghae..." kumalabog ang dibdib ko habang nakatitig pa rin siya sa mga mata ko.

"B-bakit ka na naman nagte-thank you?" sagot ko na ikinangiti niya lang.

"Neoneun naleul usgehaessda."

[trans: pinapakilig mo ako]

Tumawa lang siya nang tinitigan ko siya ng masama. Napadpad naman bigla ang mata niya sa tenga ko kung saan suot-suot ko na yung regalo niyang hikaw. Mas niyakap niya pa ako ng mahigpit. Nagitla ako nang inilapit niya sa tenga ko yung bibig niya.

"Uulit-ulitin ko sayo..." halos magsi-tindigan ang balahibo ko nang marinig ko siyang kumanta. Naglakbay ang ganda ng boses niya mula tenga hanggang buong sistema ko.

"...ang nadarama ng aking puso.

Ang damdamin ko'y para lang sayo."

Inilayo niya yung bibig niya sa tenga ko upang harapin ako.

"Kahit kailanma'y di magbabago,

Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabi't araw..."

Ngumiti siya kasabay ng pagngiti ko. Marahan ko siyang hinampas sa braso.

"Nakakainis, pinapakilig mo naman ako e!" sabi ko.

"Tss, ako nga yung kanina pa kinikilig dito e."

Sinundot ko lang yung tagiliran niya.

"Ya!" saway niya, kaya tumawa lang ako. Tumawa lang rin siya.

"Ngayon, alam mo na kung bakit Microphone yung design ng hikaw na binigay ko?"

Kumunot ang noo ko.

"Bakit?"

"Para sa tenga mo na lang ako kakanta."

Automatic na namang lumawak ang ngiti ko. I extended my arms to hug him tight. Ganoon rin siya, ganoon lang kami, at sobrang saya ko na. Ayoko nang matapos pa ang oras na 'to kung pwede lang.

He was my first boyfriend too. Napapangiti ako sa isip.

"Alam mo ba?" out of the blue na sambit niya, habang magkayakap kami. "I hate my dad... I hate him so much."

Sandali akong nanahimik.

"Bakit?"

"Dala-dala ko 'to mula bata ako. Kasi... nagsinungaling siya sa akin... about my Mom."

Idinikit ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"Tell me." sambit ko. Rinig na rinig ko na ngayon ang lakas ng tibok ng puso niya.

"He told me, that my mother died because of a car accident."

"Car accident?" kumunot ang noo ko.

"Hmm." sagot niya. "But I know that it was a lie... Dahil buhay pa si Mommy."

Mas lalo lang nagulo ang utak ko sa kung ano ba ang totoo.

Naaalala kong sinabi ni Sister Lily na namatay si Dianne dahil sa panganganak kay Richard. Ngayon naman ay sinasabi ni Alfred Lee na namatay ito dahil sa  car accident, pagkatapos ay buhay pala ito para kay Richard.

Alin sa tatlo ang totoo?

"P-paano nangyari 'yon?" iniwasan kong magtunog na may iba akong impormasyong alam. "Paano mo nasabing buhay siya? N-nakita mo na ba siya?"

Hindi ako huminga para abangan ang isasagit niya.

"Yes."

Natigilan ako sa sagot niya.

"S-saan?"

"Madalas ko siyang makita."

Hindi ko alam kung bakit kumakalabog ang dibdib ko at kung bakit ako kinikilabutan.

"Sino?"

"Actually... you know her." aniya.

Gulat akong napaangat ng tingin sa kanya.

"Talaga?" laglag pangang tanong ko.

"Hmm," tango niya. "Bago pa ako nagkaisip, matapos daw mamatay ni Mom, itinago na ni Dad lahat ng pictures niya. Simula sa picture frames, photo album, online pictures... I didn't see any. I  don't know who she is, what's her traits, her face, even her name."

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya habang nagkukwento siya. Ganoon rin ang naaalala kong sinabi ni Sister Lily, mananatiling blanko ang mga picture frames doon sa Orphanage habang masakit pa rin para kay Alfred Lee ang pagkamatay ng asawa niya.

"Pinaniwalaan ko yung sinabi ni Dad na... she's already dead, and she died because of a car accident noong bata pa ako." pagpapatuloy niya. "But when I became 7 years old, nakuha ko ang wallet ni Dad. Pagkatapos..."

May dinukot siya sa coat niya, pagtingin ko ay isang wallet. May kinuha siya mula doon.

"I saw my Dad... and Mom's picture together..."

Halos lumuwa ang mata ko nang nakita ko kung sino yung nasa picture. Tinitigan ko pa itong mabuti dahil hindi talaga ako makapaniwala.

"P-p-p-paanong—"

Tinitigan ko ulit mabuti yung picture. Totoo talaga e. Siyang-siya 'to.

Binasa ko yung pangalang nakasulat sa ibabang parte ng picture. Dianne Marcaida— na kasama si Alfred Lee.

"That's the first time that I knew her name. It's Dianne. Totoo ang iniisip mo. Magkapatid kami ni Jayvee, at si Vivian na mama niya at si Dianne na Mommy ko ay iisa. I don't know why did she change her name."

Mas lalo lang nalaglag ang panga ko dahil sa mga naririnig ko. Hindi na ako makapagsalita.

"A-alam ba 'to ni Jayvee?"

"No." sagot niya. "Hindi niya alam. Maging si Mommy— I mean, Vivian siguro, hindi niya alam, at wala rin akong balak na ipaalam."

"Bakit? Paano? Saan? Kailan mo nalaman?"

Ngumiti siya.

"Pagkatapos kong makita ang hitsura niya, hindi ko na siya kinalimutan. Hanggang sa isang araw sa Elementary School na pinapasukan ko... nakita ko siya. Alam kong si Mommy 'yon dahil alam ko na ang mukha niya. Nakita ko siya na hinatid yung isang bata na kaklase ko pala. Sobrang hindi ko alam yung gagawin ko. Oo bata pa ako no'on pero may utak na ako. Alam kong... yung Mommy ko na inakala kong patay na, ay buhay pa pala, at ngayon ay may ibang anak nang inaalagaan."

Pinahid ko yung maliit na luhang tumulo sa pisngi niya.

"Sinabi ko kay Dad ang nakita ko pero nagalit lang siya dahil imposible raw ang sinasabi ko. Nagalit ako simula noon. Kay Dad, kay Mommy, pati roon sa anak ni Mommy na si Jayvee. Sa buong taon namin sa Elementary School, lahat ginawa ko para talunin siya kasi naiinggit ako sa kanya. She's with my Mom, and I can't even do anything. Madalas ko rin siyang awayin, bully-hin."

"Until malaman ni Dad ang ginagawa ko. Pinadala niya ako sa Korea para magdusa. Para mag-isa. Hanggang sa pinangako kong ititigil ko na ang kahibangan ko para ibalik niya na ako dito sa Pilipinas."

Nanatili lang akong nakikinig sa kanya.

"Hanggang sa may nakilala akong babae sa Arcade..."

Napalunok ako nang matunugan kong ako ang tinutukoy niya.

"I got interested on her, kaya through connections ay sinundan ko siya. Nalaman kong sa Tirona High siya nag-aaral..."

Lumawak ang ngiti niya nang makita niyang bahagyang lumaki ang mata ko sa gulat.

"Pero sa Tirona High  ko rin ulit nakita ang taong pinakaaayawan ko. Si Jayvee, and worst ay ang Mama niya na Mama ko rin. Akala ko wala na akong pakialam sa kanila. Pero hindi pala, dahil galit pa rin ako. Galit na galit."

Pumikit siya at hinarap ang langit. Lumapit ako para yakapin siya sa dibdib. Ramdam na ramdam ko ang galit niya, at ang kalungkutan niya na ngayon niya lang inilabas.

Kaya pala magkamukha sila ni Jayvee kasi magkapatid sila sa ina. Kamukha rin nilang pareho si Tita Vivian. At kaya pala ganoon ang reaksiyon ni Mama nang makita si Richard noon, dahil siguro nakikita niya rito ang bestfriend niya. Kaya pala ganoon rin ang reaksiyon ni Tita Vivian nang makita niya si Richard... I wonder kung alam ba niyang anak niya si Richard Lee?

At kung alam man niya, bakit hindi man lang siya nagpapakilala? Bakit pinalitan niya ang pangalan niya?

Related Books

Popular novel hashtag