Chapter 72 - Undas

Ayradel's Side

Days passed, pero nananatiling sikreto pa rin ang relasyon namin ni Richard. Patuloy rin ang pagdalaw nila Tita Vivian at Jayvee sa bahay namin. Hindi ko pinapakita ang galit ko, pero hindi rin naman ako kumikibo kapag nandiyan sila.

"Nak, lagyan mo naman ng pagkain ang plato ni Ayra." ani ni Tita Vivian, isang araw habang naghahapunan kami sa bahay namin. Ngiting-ngiti sila ni Mama.

Sinunod lang ni Jayvee ang gusto nila, pero ramdam ko ang pagkailang niya sa akin. Pagkatapos n'on ay kumain na ako ng tahimik. Nanunuod naman ng teleserye sina Mama habang pinagpapatuloy ang pagkain.

"Ang sama naman ng nanay sa palabas na 'yan," narinig kong komento ni Tita Vivian sa pinapalabas  sa TV. "Ibinigay ang anak dahil lang sa hirap ng buhay?"

Palihim na kumuyom ang panga ko.

"Kasi gusto niya ang magandang buhay para sa anak niya." sagot ko. "Oo masama ang ipamigay ang anak, pero maiintindihan natin dahil gusto niyang mabuhay ang anak niyang may malubhang sakit. Para sa akin, mas masama ang ina na walang pakialam sa anak niya."

Naghabulan ang tibok ng puso ko. Gusto kong malaman niya ang gusto kong iparating tungkol kay Richard, pero nanatili lang na laglag ang panga niya, na para bang nagtataka siya sa sinabi ko.

"H-hahaha!" ilang na tumawa si Mama. "I-ito talagang anak ko oh! Sobrang seryoso kapag ganyang usapin e!"

Ipinikit ko na lang ang mata ko, at nagpakawala ng buntong-hininga. Tumahimik na lang ulit ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Nararamdaman ko  rin habang kumakain ang titig sa akin ni Jayvee, pero si Tita Vivian ay parang walang napansin at nagpatuloy lang sa pagtawa kasama si Mama.

"Saan kayo magu-Undas?" ani ni Mama. Tapos na kaming kumain at nakaupo na sa sofa habang nanonood ng TV. Magkatabi pa rin kami ni Jayvee pero kahit kailan hindi ko siya inimik, kahit kinakausap niya ako minsan. "Kasi diba—"

"Huwag nating pagusapan dito, Myr." nakangiti na lang na sagot ni Tita Vivian. Tumahimik na lang si Mama.

"Naisip ko kasi... Sumama kayo sa amin ni Ayra sa pagdalaw sa puntod ni Nanay,"

Hindi ko alam kung bakit natigilan lang si Tita Vivian.

Ang Nanay ni Mama ay ang lola ko na si Lola Mira. Hindi ko na siya nakilala. Ang kwento ni Mama ay namatay si Lola bago pa man nagkakilala sina Mama at Papa.

"Sigurado akong matutuwa si Nanay sa kabilang buhay kapag dinalaw mo siya," dugtong pa ni Mama. "Alam mo naman, ikaw ang favorite niyang alaga noon."

Napatingin si Tita Vivian sa akin, pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Mama.

"A-ah hahaha, oo naman! Titignan ko!" aniya na tumatawa.

"Salamat! Viv!"

Related Books

Popular novel hashtag