Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 70 - Earrings

Chapter 70 - Earrings

Ayradel's Side

Oo, alam kong sobrang nakakaawa na ang hitsura ko para sa kanya ngayon pero wala akong pakialam. Alam kong mahal ako ni Richard. Ramdam na ramdam ko iyon kanina lang.

"Look, young lady," aniya pa. "Layuan mo na ang anak ko. Alam kong alam mong hindi kayo bagay, and one thing is kung ako ang tatanungin... I don't like you for my son."

Para akong sinaksak ng sampung beses. Ayokong intindihin siya, ayokong maniwala, pero talagang masakit lang talaga. Mas masakit pa ay 'yong hindi man lang bumababa sa sasakyan si Richard, kahit alam kong posibleng alam niyang nandito ako.

Napatingin ulit ako sa sasakyan, habang pinipigilan na mapaiyak.

"I don't like you as my father, either."

Napalingon ang lahat sa likuran ko kung saan nanggaling ang boses.

Muling nabuhayan ang loob ko. Kasabay n'on ay ang paglukot ng mukha ni Alfred Lee.

"Richard. I'm warning you." tiim ang bagang na sambit nito.

Bago siya magsalita ay lumapit siya't inagaw ang braso ko sa mga tauhan ng ama niya. "Alam niyong ayokong may ibang humahawak sa kanya bukod sa akin."

Saglit na nagtama ang mga mata namin, pero agad niya akong itinago sa likuran niya saka siya humarap sa kanyang ama.

Akmang lalapitan sana kami ng mga tauhan nito, ngunit si Alfred Lee na mismo ang umawat. Napapikit ito na tila ba pinipigilan ang inis.

"Kailan mo ba ako rerespetuhin bilang tatay mo?!" sambit nito sa napakababang tono.

"Kapag natutunan mo na ring magpakatatay."

"At sa tingin mo hindi ako nagpapaka-tatay?!" Napapikit ako sa biglaang pagsigaw nito. "I want your life to be better! Pero ikaw itong sumisira! Ikaw itong matigas ang ulo! Ikaw itong lumalayo at ikaw itong hindi nagpapaka-anak!"

"DAHIL HINDI KO RAMDAM NA TATAY KITA!" kuyom na ang bagang ni Alfred Lee habang parang nangingilid na ang matang nakatingin sa anak niya. "Sa tingin mo nagpaka-tatay ka na sa inannounce mo sa harap kanina?! Fuck it! Ginagawan mo na ng kwento ang lahat Dad! Lahat na lang ba Dad?! Lahat na lang ba gagawan mo ng kwento?! AKALA MO BA HINDI KO ALAM NA GAWA-GAWA MO LANG YUNG KWENTONG PATAY NA ANG MOMMY KO?!?"

Natahimik ang lahat sa huling binanggit ni Richard. Maging ang mga tauhan nila at pati na rin ako. Mabuti na lang at walang masiyadong tao sa lugar na ito dahil busy ang lahat sa Alumni Hall.

"What the hell are you talking about-----"

"Yes, dad! Nagulat ka ba?! Alam kong buhay pa si Mommy! Kaya sino 'yong dinadalaw mo sa puntod?" nagpigil ng hininga ang lahat. "Semento?! Sementong walang laman?! Dahil ang totoo buhay pa naman talaga si Mommy diba?!"

Matalim ang titig ni Alfred Lee kay Richard at sa isang iglap lang ay nakita ko na lang na lumapat ang likuran ng palad ni Alfred Lee sa mukha ni Richard.

Halos mapatalon ako sa gulat habang tinititigan ang mukha ni Richard Lee na ngayon ay nasa gilid na. Nakita ko pa ang bahagyang pagngisi niya habang matalim na titig pa rin ang ipinupukol ni Alfred Lee sa kanya.

"Wala kang galang! Hindi mo na ako nirespeto pati ba naman ang nanay mo?!"

Muli ko pang narinig ang sunod na pag-ngisi ni Richard Lee, kasunod ang tiim-bagang na paglingon niya sa tatay niya.

"Tanga na lang ang maniniwala sa kwento mo. SIR."

"Richard! RICHARD!"

Yon ang huli niyang binitawang salita, pagkatapos ay naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa pulso ko at ang paghila niya sa akin papunta sa direksyon ng Science Garden. Hindi na siya lumingon muli.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa pulso ko't naramdaman ko ang hapdi pero hinayaan ko na lang dahil naiintindihan ko naman nang dahil lang iyon sa galit at tindi ng pagsasagutan nila ng tatay niya kanina.

Nagpatianod na lang ako sa panghihila niya. Hanggang sa makarating kami sa paborito naming spot ng Science Garden, sa ilalim ng malaking puno malapit sa mga rosas.

Binitawan niya ang pulso ko.

"P-pahangin lang ako d-doon," aniya nang di ako nililingon, saka mabagal na lumayo sa akin patungo sa pangalawang puno.

Hindi ako nagsalita at pinagmasdan lang ang likuran niya.

Pinagmasdan ko rin kung paano siya nagpameywang.

Pinagmasdan ko kung paano siyang nahihirapang humugot ng hininga. Pinagmasdan ko kung paanong nagtaas-baba ang balikat niya.

Malungkot akong ngumiti ng malungkot. Dahan-dahang naglakad palapit sa kanya. Nang makalapit ako sa likuran niya ay niyakap ko siya mula sa dito. Naramdaman kong natigilan siya saglit, ngunit mas hinigpitan ko pa ang pagyakap.

"Hindi mo kailangang sarilinin ang sakit. Nandito lang ako."

"A-Ayra----"

"Shhh. Okay lang yan..."

Pagkasabi ko'y mas lalong nagtaas-baba ang balikat niya at doon ko lang narinig ang mga hikbi niya. Naramdaman ko na lang rin na tumutulo na pala ang luha ko.

Nakakawasak lang ng pusong pagmasdan kung paanong umiyak ang kagaya niyang halos araw-araw nakangiti, isang taong napaka-positibo sa buhay. Na ang katulad niyang napakagaang kasama ay may mabigat na dinadala sa dibdib niya.

Ilang segundo pa kami sa ganoong posisyon nang mapagpasyahan niyang humarap.

Halos mabasag ang puso ko nang makita ang basa niyang pisngi at ang namumula niyang mata. Para siyang batang umiiyak at humihikbi.

Ngumiti ako at marahang tumawa para mapagaan ang loob niya. Pinunasan ko rin yung luha sa pisngi niya.

"Pfft--- ang cute mo naman umiyak..."

Lumaki ang mata niya't pinunasan ang pisngi. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig. Haaay! Richard Lee! Why are you so adorable?

"S-sorry," aniya na sumisinghot pa, saka niya ipinulupot yung braso niya sa akin.

Kumalabog ang puso ko.

"Sorry saan?"

"Kasi nakita mo akong ganito."

"Pfft, na iyakin ka pala?"

Ngumuso siya na parang naaasar. "Ngayon lang 'to. Hindi lagi!"

Bahagya akong humalakhak, at hinihpitan pa ang pagyakap sa kanya. Napatingin tuloy siya sa akin at bahagyang napalunok.

"When you are being like this, gusto ko na nasa tabi mo ako." sambit ko. "Gamitin mo ako. Simula ngayon, sasabihin mo na sa akin yung mga nararamdaman mong hindi mo masabi sa iba. Pagkatapos, sabay nating kakalimutan 'yon, at sabay ding magiging masaya."

Tinitigan niya lang ako saka siya parang batang tumango.

Ngumiti ako. "Tara, upo tayo doon."

Pagkatapos ay sabay kaming umupo sa damuhan sa ilalim ng puno. Sumandal kaming dalawa sa puno, ngunit nabigla na lang ako nang humilig siya para sumandal sa balikat ko. Naramdaman ko rin ang kamay niya na hinawakan ang kamay ko, saka niya iyon ipinagsiklop.

Ilang sandali kaming tahimik.

"Tumakas ako saglit kay Dad para puntahan ka sa upuan niyo," panimula niya matapos ang katahimikan. "Pero wala ka doon. Sabi ni Luisa sinundan mo raw ako kasama si Dad, kasi akala mo raw aalis talaga ako."

Ngumiti lang ako.

"Aalis ka na ba talaga?" hindi ko maiwasang malungkot, kahit na gusto ko pang palabasin sa kanya na okay lang- na hindi niya kailangang mamili sa pagitan ko at ng daddy niya.

"Hindi," sagot niya pagkatapos ay hinarap na ako. "Sabi ko naman sa'yo, sa ayaw at sa gusto mo, kahit nasaan ka pa ay nandoon din ako. Pero..."

Sandali siyang natigilan.

"Pero?"

"Pero ngayon..." umupo siya ng mas maayos. Naging magkaharap na kami lalo. "Parang gusto kong malaman na gusto mo lang ako dito. Na 'wag akong umalis. Na mahal mo ako. Na-"

Bago pa siya matapos ay kinulong ko na ang mukha niya ng palad ko, saka ako lumapit at siniil ng saglit na halik ang labi niya.

Pagdilat ko ng mata ay doon ko lang narealize ang ginawa ko. Natulala siya mukha ko habang nakakulong pa rin ang mukha niya sa mga palad ko.

"Mahal kita..." sambit ko, na sobrang nagpainit sa pisngi ko. "Kaya please, dito ka lang. Huwag kang pupunta ng Korea-"

...and he kissed me back.

Napapikit na lang ako habang ninanamnam ang mga paru-paru sa tiyan ko. Ilang sandaling nanatiling magkadampi lang ang mga labi namin hanggang sa maramdaman ko ang bahagyang paggalaw nito. Noong una ay hindi ako makasunod, ngunit agad rin akong nakasunod sa pamamagitan niya. Mas lalong humigpit ang kamay niya sa baywang ko, nang mawalan kami ng hininga ay doon lamang kami naghiwalay.

"Mahal... na mahal din kita." aniya sa pagitan ng paghinga.