Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 69 - Don't Like You Either

Chapter 69 - Don't Like You Either

Ayradel's Side

Nilibot naming dalawa ni Richard Lee ang lahat ng Telescopes. Halos wala na akong pakialam sa paligid, ang mahalaga ay masaya ako sa ganito.

Buong oras niyang hawak ang mga kamay at baywang ko. Buong oras din siyang nakangiti, at pakiramdam ko ay sobrang okay na ako sa gan'on.

Lumipas pa ang mga oras at nagutom kami, kung kaya namang napagpasyahan naming lumapit sa mga nakapaligid na tinadahan ng mga pagkain sa field.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya. Natawa naman ako kasi mukha kaming tipikal na mag-boyfriend na nagdedate.

"Doughnut na lang." sagot ko. At binili nga niya. Pagkatapos ay umupo kami sa isang bench, habang nakatingin sa iba pang mga estudyanteng hindi pa tapos itry iyong mga telescopes.

Inabot niya sa akin yung plastic ng donut, at isang milkshake.

Nginitian ko siya.

"Saranghae." sambit ko. Medyo natigilan na naman siya, pero kalaunan ay napalitan din ng mapaglarong ngiti. Hindi niya pa kasi alam na nabuking ko na 'yong kalokohan niya.

"Nado Saranghae. Neoleul neomu saranghae." nakangiti niyang sambit. Kumunot naman ang noo ko.

"Ano namang ibig sabihin n'ong sumunod?"

"Wala," nakangiti niyang sagot. "Ibig sabihin n'on... Mahal kita, sobra."

Pagkatapos ay ngiting-ngiti na naman siyang tumingin sa mga dumadaang mga estudyante, samantalang ako naman ay halos mamatay na sa kilig.

Kahit kailan ka talaga, Richard Lee!

Maya-maya ay umalis na kami doon upang bumalik sa Alumni Hall dahil muling pinapatawag ang lahat para sa closing ceremony. It's already 8:30pm at halos 2 oras din ang tinagal ng program. Kasama ko na rin sa hanay ng upuan sina besty at Suho, samantalang si Richard Lee naman ay nagpaalam na may pupuntahan.

Nagsiayos lamang ng upo ang lahat nang magsipuntahan na sa stage ang mga guro, principal, at ilan sa mga bisita ng event na ito.

Halos magulantang ang buong Alumni  Hall nang makita naming isa sa mga umakyat sa stage ay si Richard Lee— suot ang isang mukhang mamahaling brown suit. Pagkatapos ay kasunod niyang umakyat sa stage ay walang iba kundi ang kanyang ama na si Mr. Alfred Lee, and DepEd Secretary.

Halos lindolin ang buong sistema ko, makita ko pa lamang ang klase ng ngisi nito. Iyon rin ang eksaktong ngising nakikita ko kay Richard Lee at ang ngisi na ipinakita niya sa akin noong una kaming magkita.

Isang ngising nagpapakitang laro lang ang lahat para sa kanya. Ang pinagkaiba nga lang sa ngisi ni Alfred Lee ay may halo itong nakakatakot na aura, na sa unang tingin ay nakakanginig.

"Okay, before we start our closing ceremony," ani ng Emcee ngunit hindi maalis ang titig ko kay Alfred Lee na wagas ang pagkakangiti ngayon. "Let me introduce to you our Telescopes Sponsor, the DepEd Secretary, Mr. Alfred Lee!!!"

Napuno ng ingay ng palakpakan ang buong Alumni Hall, at siya namang pagtayo ni Mr. Alfred Lee patungong mic. Nagsipagtahimikan ang lahat upang makinig sa kanya.

"Well..." panimula niya. "I honestly don't deserve such kind of applause, because I should be the one thanking this school for handling my son for three months."

Napatingin lang ako kay Richard na nakatayo na rin ngayon sa bandang likuran ng stage. Nakayuko lang siya kaya naman hindi ko mabasa ang mukha niya.

"Ngayon, nakakalungkot man ngunit kailangan kong sabihing next grading ay muling babalik sa Korea ng aking anak, dahil doon na niya gustong ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral."

Parang sinaksak ng isang daang kutsilyo ang puso ko nang marinig iyon. Umingay dahil sa panghihinayang ang buong lugar, ngunit napako lamang ang titig ko kay Richard Lee na nananatili pa ring nakatungo sa mga oras na iyon. Para akong binugbugbog, dahil para bang kinu-kompirma na niyang totoo ang sinasabi ng ama niya dahil sa aksyon niyang iyon.

Naramdaman ko ang paghaplos ni besty sa likod ko.

"Hindi 'yan, Ayra. Hindi ka iiwan ni RJ." narinig kong sambit ni Suho sa gilid ko.

Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang anumang babagsak mula sa mata ko.

"Gayunpaman, ay lugod akong nagpapasalamat, sa mga guro, at estudyanteng naging malapit sa aking anak. Itong gabing ito ay munting regalo lamang mula sa akin para sa inyo."

Pagkatapos no'n ay ibinalik na niya ang microphone sa emcee. Agad akong nataranta nang makita kong isinama na niya sa pagpunta sa backstage si Richard. Tumayo ako't agad na tumakbo papunta sa kanila.

"Besty! Saan ka pupuntaaa?!"

Natatakot akong baka hindi ko na sila maabutan. Natatakot ako sa posibilidad na baka iyon na ang huli naming pagkikita... Na baka hindi na niya ako puntahan. Na baka totoo lahat ang sinabi ng ama niya, na baka hindi totoo yung sinabi niyang kung nasaan ako kahit ayaw ko pa ay nandoon din siya...

Unti-unti nang lumalabo ang paningin ko.

Sa bandang likuran ng field ko naabutan ang sasakyan nila na nakaparada. Doon ay nakita ko rin si Mr. Alfred Lee na pasakay na, ay pinalilibutan ng halos sampung mga Men In Black.

"S-sandali lang po!"

Agad na natigilan sa pagpasok si Mr. Alfred Lee. Agad ring hinanap ng mata ko si Richard Lee ngunit ang nakita ko lamang na nakatayo noong mga oras na iyon ay si Kuya Maximo.

"Oh, binibini."

Hingal na hingal na napatingin ako kay Alfred Lee. Katulad ng dati ay agad na nanginig ang tuhod ko sa kaba, bahagya rin akong napaatras nang makita kong medyo lumalapit siya.

"May kailangan ka pa ba sa anak ko?"

Agad akong napalunok dahil hindi ko pa rin makita ng mga sandaling iyon si Richard Lee.

"Nandoon siya," nadako ang paningin ko sa tinted na kotse ni Richard na madalas niyang ginagamit. May nakita nga akong pigura ng tao sa loob nito ngunit hindi ko makumpirma kung siya nga ba iyon. "Hindi ba halatang ayaw ka niyang makita? Kung gugustuhin niya ay lalabas siya. Pero ayan—"

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga pinagsasabi niya at tumakbo na lang ako agad papunta roon sa kotse, ngunit agad lang akong hinawakan ng mga Men In Black. Wala akong nagawa kundi ang magpumiglas.

Lumapit muli sa harapan ko si Alfred Lee upang ipamukha sa akin ang ngisi niya.

"Nakakaawa ka naman. Halatang mahal na mahal mo ang anak ko ngunit mukhang hindi kayo pareho ng nararamdaman."

"H-hindi po iyan totoo." sambit ko na halos maluha-luha na.

Oo, alam kong sobrang nakakaawa na ang hitsura ko para sa kanya ngayon pero wala akong pakialam. Alam kong mahal ako ni Richard. Ramdam na ramdam ko iyon kanina lang.

"Look, young lady," aniya pa. "Layuan mo na ang anak ko. Alam kong alam mong hindi kayo bagay, and one thing is kung ako ang tatanungin... I. Don't. Like. You. For. My. Son."

"And I don't like you as my father, either."

Napalingon kaming lahat sa likuran ko kung saan nanggaling ang boses.