Nagaayos kami ngayon ng mga gamit, ang mga pinaglumaan ay inilalagay namin sa isang kahon upang maipadala sa mga bahay ampunan na mas kakailanganin nila, narito din si Leonor bumisita, wala si Fai Lu dahil abala sa pagaayos ng mga papeles ng mga ikakalakal namin sa Amerika. Madilim na ang buong paligid nababalot nan g dilim, hawak hawak ko naman si Carlos ngayon habang tumutulong.
"ESPERANZA!" nagulat kaming lahat dahil sa sigaw ng lalaki mula sa labas
"ESPERANZA LUMABAS KA DIYAN KAUSAPIN MO AKO!" dali dali kaming sumilip sa bintana at laking gulat naming dahil si Ginoong Patrick pala ang lalaking sumisigaw sa aking ngalan, may hawak siyang bote ng cerveza at lasing na lasing na siya
"ESPERANZA KAUSAPIN MO AKO DITO! LUMABAS KA DIYAN!" pagkatapos namin siya makita sa labas na binabalibag ang puertahan ay pinahawak ko kay Leonor, dali dali akong lumabas ng casa kasama si Rosalinda at ilang Guardia personal, ng makita ako ni Patrick ay tinigil niya ang pagwawala at ng buksan ko ang puertahan at agad niya akong niyakap pinilit naman siyang alisin ng mga guardia personal mula sa pagkakayap saakin
"BITAWAN NIYO AKO! E-Esperanza why? Why can't you love me? WHY?!" pinilit niyang makaalis mula sa pagkakakapit ng mga guardia dahil mas malakas siya sa mga guardia ay agad siyang nabitawan nila at agad lumapit si Patrick saakin at hinawakan ako sa braso
"Esperanza WHY? Bakit si Ethan? Bakit hindi nalang ako Esperanza? Why?" nagulat ako dahil nalaman na niya na kami na ni Ethan hindi ko alam kung papaano niya nalaman pero hindi ako makasagot kaagad sakaniya dahil sa pagkabigla, umiiyak siya kanina pa at lasing na lasing na talaga siya
"Gi-Ginoo lasing lamang po kayo bukas na lamang po tayo magusap pag bumalik na kayo sa wisyo"
"NO! NO! Ngayon tayo magusap Esperanza, mahal kita Esperanza, ako nalang huwag na si Ethan ako nalang, please, please" dahan dahan siyang lumuhod sa harap ko na lalo kong ikinagulat, lumuhod siya sa harapan ko at nagsusumamo habang patuloy na umiiyak, inilagay niya ang mukha niya sa mga paa ko habang umiiyak, pilit ko siyang itinayo pero masyado siyang mabigat
"Gi-ginoo tumayo po kayo diyaan"
"Please Esperanza please, ako nalang huwag na si Ethan, mahal na mahal kita Esperanza, hindi ko kayang mawala ka saakin" pinilit ko pa ding itayo siya, nakaluhod pa din siya habang nakatingala at nakayap sa mga binti ko
"Esperanza please tell me why you can't love me? Please"
"Kaibigan lang ang tingin ko saiyo Ginoo, isang mabuting kaibigan ko, mahal kita bilang kaibigan ko hindi bilang iniirog ko, mahal ko si Ethan Ginoo sana ay maintindihan mo iyon" napatigil siya at dahan dahang tumayo, pinunasan niya ang kaniyang mga mata at tinignan ako sa mga mata
"Alam mo ba Esperanza, akala ko noon ay hindi kita kayang mahalin, akala ko noon ay is aka lang din sa mga babaeng kaya kong paibigin, Yes Eperanza I'm a playboy but when I met you nagbago ako bigla, hindi ko akalain na magbabago ako ng ganito at I'm crazy now because nandito ako ngayon nagsusumamo saiyo, binalak ko lang dati na paglaruan ka pero ngayon mahal na kita, mahal na mahal kita. Eperanza please be with me please ako nalang huwag na si Ethan"
"Lo siento Ginoo, sa totoo lamang po ay hindi ko po alam ang sasabihin ko saiyo pero mahal ko po si Ethan kung ano man po ang narinig niyo patungkol saaming dalawa, totoo po na kami na, pasensya na po Ginoo, salamat po sa pag ibig na ibinibigay niyo saakin, salamat dahil nariyan ka po para saakin, sa nararamdaman mo, mahal po kita ginoo bilang aking mabuting kaibigan, pasensya na po talaga" tumulo muli ang mga luha ni Patrick at dahan dahang kinuha ang aking kamay at hinalikan
"Kung gayon, if your happiness is with him, wala na akong magagawa, masaya ako para saiyo, mahal kita Esperanza hindi kita masisisi kung hindi mo ako kayang mahalin, pasensya na sa abala" dahan dahan niyang binitawan ang kamay ko at naglakad palayo saakin, tumigil siya saglit at muli akong tinignan at saka tuluyan na siyang naglaho sa dilim. Sa totoo lang ay naaawa ako sakaniya, ayoko talaga siyang saktan pero kung ito lang ang paraan para palayain ko na siya sa pagmamahal niya saakin ay gagawin ko para mahanap niya ang tunay na makapagpapasaya sakaniya, paalam ginoong Patrick patawad. Pumasok kami sa casa at nagpatuloy sa aming gawain, hindi na ako tinanong ni Leonor at ni mama kung ano ang nangyari dahil alam nilang ayaw ko munang ikwento ang nangyari sa labas. Habang abala ay lumapit saamin si Rosalinda na hingal na hingal
"Se-Señora Teodora mayroon pong tao sa labas hinahanap po kayo"
"Sino daw sila? Ano ang kailangan nila saakin?"
"Señora mga nakasuot pangsundalo po ang mga nasa labas" agad tumayo ang aking ina para puntahan ang sinasabing panauhin ni Rosalinda, nagmamadaling tumayo at pumunta papalabas ng bahay si ina, hinarap niya ang mga guardia na sinasabi ni Rosalinda, pinahawak ko muna kay Rosalinda si Carlos at sinamahan namin ni Leonor si ina papalabas ng Casa
"Doña Teodora Gonzales?"s
"Ako nga po, maaari ko po bang malaman kung bakit niyo po ako hinahanap at bakit po kayo pumunta dito saaming casa?" pagtatakang tanong ni ina sa mga guardia na nasa harapan niya ngayon
"Ikaw ay inaakusahan na sumapi sa mga guerillang sumasalungat sa pamahalaang amerikano at ikaw din ay inaakusahan na pagliban sa pagbabayad ng buwis"
"Su-sumapi? Pa-paano pong ako'y sumapi sa mga rebelde at papaano pong lumiban ako sa pagbabayad ng buwis?"
"Sa Korte ka na magpaliwanag Señora, dakpin niyo na siya"
"Sa-sandali hindi" pagpupumumiglas ni ina sa mga guardia na nakahawak sa mga braso niya ng mahigpit, nagulat kami sa sinabi ng punong guardia na may hawak na kasulatan, sinibukan naming pigilan ang mga guardia na nakakapit sa aming ina.
"Sandali lamang po mga ginoo, sandal lamang po" pagsusumamo ko sa mga guardia na nakakapit saaming ina
"Mga ginoo huwag niyo pong saktan ang aming ina, sandali lamang po, mga ginoo" pagsusumamo ni Leonor, umiiyak na kaming tatlo dahil sa mga nangyayari. Kinaladkad ng guardia papasok ng kalesa si Ina, pinilit naming pigilan ang mga guardia, masyado silang malakas, tinulak nila si Leonor at pati na din ako, nahimatay ako sa mga pangyayari. Tinalian nila ang dalawang kamay niya at pilit pinasok sa loob ng kalesa, ipinatakbo nila ang kalesa, tumayo si Leonor at pilit hinabol ang kalesa ngunit nahirapan siya at nadapa lamang, kaya bumalik siya saakin para alalayan ako, lumapit na din ang mga ayudante na nakatingin lamang saamin kanina, inalalayan nila ako at si Leonor at pinasok sa loob ng casa. Dahan dahan nila akong iniupo sa sala, nagmadali ang mga ayudante ang iba ay ginamot ang sugat na natamo ni Leonor kanina mula sa pagkakadapa, ang iba naman ay binigyan ako ng maligamgam na tubig at nagmadali ang iba na puntahan ang doctor para matignan ang aking kalagayan. Ilang minuto lamang ay dumating si Doktor Gustavo, tinignan niya ang aking kalagayan.
"Kumusta na po ang aking kapatid doctor?" pagaalala ni Leonor
"Ayos na ang lagay niya, wala namang nangyaring masama sakaniya, pagpahingahin mo nalamang ang iyong kapatid, hayaan mo muna siyang matulog sakanyang cuarto, mamaya ay ipainom mo sakanya ito mainam ito para sakanya"
"Maraming salamat po doctor, kunin niyo po ito bilang kabayaran" inaabot ni Leonora ang bente pesos para pambayad sa doktor
"Huwag na señora, ayos lang señora itago mo nalamang iyan para pagkailangan ay magagamit niyo"
"Muchas gracias señor (thank you very much sir) pagpalain ka nawa ng dios"
"Salamat din Señora, tawagin mo nalamang ulit ako sa susunod kung kinakailangan" umalis na si Doktor Gustavo, natutulog si Esperanza, nakaupo si Leonor sa Silyeta (maliit na upuan), alas nuebe na ng gabi, tahimik na ang buong paligid, habang pinupunasan naman ni Leonor ang kanyang ate Esperanza, nagising naman si Esperanza sa ginawang pagpunas ni Leonor
"Leonor matulog ka na, di mo naman kailangang alagaan ako ng ganito"
"Hindi ate ayos lamang po ako, mas maganda na nandito ako saiyong tabi upang kahit papaano ay makita ko kung maayos na ang iyong kalagayan, nakakaramdam ka pa po ba ng pagkahilo?"
"Hindi na Leonor, maayos na aking pakiramdam, maraming salamat" umupo ako mula sa pagkakahiga at niyakap si Leonor"
"Hindi ko pa din maintindihan hanggang sa ngayon ate kung bakit nila inaakusahan ang ating ina sa salang hindi naman niya ginawa"
"Ako din Leonor, nikailanman ay hindi nasangkot ang ina sa mga kahit anong gawain at nikailanman ay wala siyang sinalihan na ano mang samahan ng mga rebelde at wala din naman siyang kinausap na pinuno ng mga iyon, at tayo ay nagbabayad ng tama sa buwis na nakapataw satin, kaya nakakapagtaka na aakusahan si Ina nang ganoon nalamang"
"Tama ka ate, hindi ko mawari ang nangyari kanina at kung sino ang nagaakusa sakanya, napakasama niyang tao" parehas kami ni Leonor na nalungkot sa nangyari, nagdasal kami na bigyang kaliwanagan ang nangyayari saaming pamilya.
"Huwag kang magalala Leonor bukas na bukas ay tutungo tayo sa Corte de San Francisco upang malaman natin ang katotohanan" nabigla naman kami ni Leonor dahil bumukas ang pintuan ng cuarto at dumating si Ethan, agad niya akong niyakap
"How are you? Maayos ka na ba? Ibinalita saakin ni Rosalinda ang nangyari, hindi ko din maisip na bakit nila kayo inaakusahan"
"Maayos na ang aking lagay, nahilo lamang ako kaya ako nahimatay kanina, maraming salamat at naparito ko aking mahal"
"I will punish whoever did this to you, bukas na bukas din ay pupunta tayo sa korte para makausap si Judge"
"Maraming salamat po Señor, naniniwala ako na makakalaya kaagad si mama dahil ang katotohanan ang magpapalaya sakanya" pagsingit ni Leonor,natahimik kami ng biglang kumatok ang ayudante sa pinto na nakabukas
"Pa-paumanhin po pero mayroon pong masamang balita" hingal na sabi ni Rosalinda saamin
"Ma-masamang balita?" tugon ko sakanya
"S-si Fai Lu po ay nasa labas at nagmamadali po siyang sabihin na ipagbigay alam ko daw po sainyo na ang bodega na pinaglalagyan ng mga kalakal ay na-nasusunog po"nagulat kami sa masamang balitang hatid ni Rosalinda. Napahawak si Leonor saakin at ganoon din naman ako, nanlaki ang mga mata namin at napatayo, nagmadali kaming bumaba, inalalayan naman ako ni Ethan at tumungo sa kalesa, isinama namin si Fai Lu at Rosalinda at nagmadali kaming tumungo sa Bodega. Tama nga ang tinuran ni Rosalinda at ni Fai Lu, nandito kami ngayon nakikita ang bodega na nilalamon na ng malaking apoy, napaupo nalang ako sa sobrang pagkagulat at dismaya sa nanyari, nawala lahat ang pinaghirapan namin nila mama, isang iglap lang naglaho lahat umiiyak si Leonor habang nakatingin sa bodegang nasusunog, umupo siya at niyakap niya ako, umupo din si Fai Lu at hinawakan sa braso si Leonor, ganoon din si Ethan. Lahat kami ay walang nagawa kung hindi panuorin nalamang lamunin ng apoy ang bodega, dumadami na ang taong nakikiusyoso, habang kami ay nakaupo nakatitig sa nasusunog na bodega at umiiyak. Sinamahan kami ni Fai Lu at Ethan pauwi ng Casa, doon na muna sila nakitulog, kinabukasan ay nagayos na kami kasama si Fai Lu, naunang umalis si Ethan at tumungo sa munisipyo para malaman ang detalye ng kaso, maaga kaming umalis para pumunta muna sa selda ng aming ina bago dumiretso sa korte para sa audicion o pagdinig sa kaso, pagkarating na pagkarating naming sa selda ng aming ina ay naluha kaagad kami dahil sa sitwasyon niya sa loob, naaawa ako sakanya dahil ang dumi ng loob ng selda at bakas sa kanyang mukha at katawan ang mga pasa dahil pinilit daw siyang paaminin na kung sino ang pinuno ng mga rebelde at saan sila matatagpuan dahil nga walang maisagot si ina ay mas lalo siyang pinahirapan, napunit na ang baro't saya ni ina at wala na din ang paeneta niya sa buhok, umiyak si ina ng makita kami ni Leonor, pilit niyang inilabas ang mga kamay niya sa espasyo ng tranca ng selda at hinawakan kami ni Leonor, ipinasok din namin ang aming mga kamay at pilit niyakap siya, umiiyak na kaming tatlo, ikinwento namin sakanya ang nangyari sa bodega, agad siyang napaghinaan ng loob dahil doon, ibinigay namin sakanya ang dala naming Pan o tinapay na kami mismo ang gumawa.
"Mahal na mahal ko kayong tatlo, huwag na huwag niyong papabayaan ang mga sarili niyo ha, pati na din ang mga magiging apo ko at si Carlos" mas lalo kaming naluha sa mga sinasabi ni ina "makakalaya din ako dito, maayos din ang lahat, lalabas ang katotohanan at iyon ang magpapalaya saakin" pinunasan ni ina ang kaniyang mata at ngumiti ng bahagya
"Ipaglalaban ka namin ina, hanggat nandito pa kami hahanapin namin ang katotohanan, papalayain ka namin" sabi ni Leonor habang patuloy sa pag iyak
"Huwag na kayong umiyak, maging matapang at malakas kayo, alam kong minsan ang pag iyak ay nagpapakita din ng katapangan pero sa mga ganitong sitwasyon kailangan nating tumindig at lumaban para sa katotohanan"
"Tama si Ina Leonor, kakayanin natin ang pagsubok na ito, makakalaya si Ina babalik sa dati ang lahat" pinunasan ko ang luha ko at ngumiti para gumaan ang loob ni Leonor
"Fai Lu, iingatan mo ang aking anak ha, ikaw na ang magaalaga kay Leonor, maging mabuti kang asawa't ama sakanya at sa mga magiging anak niyo, ipinagkakatiwala ko si Leonor saiyo, mangako ka saakin"
"Opo señola hinding hindi ko po saktan ang anak niyo at mamahalin ko po siya hanggang sa huling hininga ko po" maya maya ay dumating na ang guardia sa cuartel at pinalabas na kami, wala kaming nagawa kung hindi umiyak at pilit na niyakap si ina, at paulit ulit naming sinabi na mahal na mahal namin siya at makakalaya siya, ganoon din siya paulit ulit niya ding sinabi na mahal na mahal niya kami, hinila na kami papalabas ng guardia at pinunasan na namin ang aming luha dahil pupunta na kami sa Corte. Laking tuwa naming dahil hinihintay na pala kami ni Samuel sa labas ng Korte, agad kaming yumakap sakaniya.
"Samuel, kumusta? Nangulila kami ng lubos saiyo, buti at nakarating ka, kailangan na kailangan ka namin ngayon Samuel"
"Huwag kayong magalala kinausap ko na ang kilala kong abugado siya ang hahawak sa kaso ni Ina, nararamdaman kong malakas ang panalo natin sa laban na ito, ito si Don Timoteo, siya ang abugado na hahawak sa kaso ni mama"
"Buenos dias (Good morning) Don Timoteo, maraming salamat at may isang kagaya mo na ipinadala ng dios" niginitian kami ni Don Timoteo
"Buenos dias din mga Señora, ipinapangako ko po na gagawin ko po ang lahat para sa inyong ina"
Pumasok na kami sa loob ng korte nasa kanang bahagi kami ng Korte at nasa kaliwa ang puesto ang umaakusa sakaniya pero hanggang nayon ay wala pa din sila kaya hindi pa din namin kilala kung sino sila, naroon naman na ang kanilang abugado, isang amerikano. Habang naghihintay ay natahimik ang lahat ng may pumasok na lalaki sa loob ng korte, at ang lalaking iyon ay walang iba kung hindi si Ethan. Tumayo ang lahat at nakatingin sakanya at kinamayan siya ng mga taong malapit sa kinatatayuan niya at yung iba ay kinakausap siya. Napatingin siya sa direksyon namin at nakita ako, nagkatinginan kami at nginitian niya ako na parang gusto niyang sabihin na kaya mo yan, malalagpasan niyo din ito. Umupo siya sa may likod na bahagi ng Korte, sunod na pumasok ay si Patrick nagkatinginan din kami pero iniwas niya saakin ang tingin niya at umupo siya sa puesto ng mga umaakusa saamin, umupo na ang lahat at nagsimula ulit umingay ang paligid habang naghihintay, maya maya pa ay dumating na ang nagaakusa saaming ina, dahan dahan silang pumapasok sa loob ng korte, ikinagulat namin na sila ang umakusa saaming ina, napakapit ako kay Leonor at bakas sa mukha ni Leonor ang pagkasuklam sa kanila, tumingin sila saaming direksyon at nginitian kami ng bahagya, pumuesto sila sa kaliwang bahagi at umupo doon. Mga ilang saglit pa lamang ay dumating na ang juez o hukom, isang amerikano ang punong hukom o juez sa aming kaso, matanda na siya pero nakatindig pa din ng tuwid na animo'y kakagatin ka pag di ka tumino. Nagumpisa na ang pagdinig sa kaso, unang nagsalita ang mga nagaakusa saamin, naging mahaba ang salaysayin sa kaso pero ang huling hatol ay panig sa amin kaya laking dismaya ng umaakusa saamin, natapos ang kaso sa korte at paglabas ng korte ay nagkasalubong kami nila Don Rafael
"Aún no hemos terminado (Hindi pa tayo tapos) magkikita muli tayo Korte Suprema at sisiguradihin kong doon ay babagsak kayo sa mga kamay ko" nanlilisik ang mga mata ni Don Rafael na animo'y sasakalin kami, sumakay sila ng kalesa, kasama niya si Doña Victoria at bago tuluyang umalis ay tinitigan muna kami ng masama at tuluyan na silang umalis, hindi ko lubos maisip na malaki pa din ang galit ng mga Del Olmo saamin, akala ko ay tapos na ang sigalot simula noong ikinasal kami ni Carlos hindi pa pala, naiuwi namin si Ina sa Casa, ginamot ang mga sugat niya, narito ngayon sila Fai Lu at Ethan sa casa upang samahan kami, magkakasama naman kami ngayon dito sa salas nila Samuel, Leonor at ina
"Kumusta ka na Samuel aking anak?" mahinang pagkakasabi ni ina na halatang pagod na pagod siya
"Ayos lamang po ang aking lagay mama, sa katunayan ay hinirang na akong heneral kaya ako bumalik dito para ipamalita sainyo ang mabuting balita ngunit iba pala ang dadatnan at mababalitaan ko" Tuluyan nang tumulo ang luha ni Samuel
"Huwag kang umiyak aking anak, maayos naman na ang aking lagay" nakangiting tugon ni ina kay Samuel
"Hindi ko po lubos maisip na sasaktan nila kayo ng ganito at aakusahan tayo ng hindi naman natin pagkakasala"
"Huwag kang mag alala aking anak, matatapos din ang lahat ng ito, katotohanan, tanging katotohanan ang magpapalaya saating lahat" patuloy sa pagiyak si Samuel pati na din kami ni Leonor ay naluha na din, kinabukasan ay nakatanggap kami ng liham na iiniimbita na pumunta sa korte suprema sa maynila upang dinggin muli ang kaso, kaya nagbihis kami at bumiyahe pa maynila kasama si Ethan, Fai Lu, at Rosalinda ay nagtungo kami sa Korte Suprema. Muling dininig ang kaso ni ina. Dumatig ang juez at inumpisahan ang pagdinig sa kaso. Naging mahaba ang salaysayin ng bawat panig, ang bawat panig ay ayaw magpatalo, kami ni Leonor ay patuloy sa pagdadasal habang nakikinig sa pagdinig ng kaso, naglabas ng mga ebidensiya ang kabilang panig laking gulat namin dahil mayroon silang mga papeles na may lagda ng aking ama na pagpapakita na kasali siya sa grupo ng mga guerillang lumalaban sa gobyerno amerikano, nakasaad doon na si papa ang nagpopondo sa mga guerrilla, mula sa mga kagamitan at iba pang armas. Sunod nilang inilabas ang ebidensiyang hindi nagbabayad ng buwis an gaming pamilya, nakasaad doon na milyon na ang pagkakautang namin sa gobyerno at sa San Francisco, hindi ko lubos maisip na may ilalabas silang mga ganoong papeles na wala namang katotohanan
"HINDI TOTOO YAN!" sigaw ko sakabilang panig, agad akong hinawakan ni Leonor at pinigilan, natahimik ang lahat at nagsalita ang juez ng ingles. Napaupo ako at nagpatuloy ang pagdinig sa kaso
"Based upon these findings it is the order of the Court that the acussed is guilty beyond reasonable doubt be, and she hereby is, sentence to death by hanging, such sentence to begin today. It is furthered ordered that the acussed and her remaining family is ordered to pay for the unpaid tax by serving to the former general of Saint Francis and all their wealth wll be in the government Adjourned." Nagulat ang lahat sa naging desisyon ng korte, napaluha kami ni Leonor at halos magwala si Samuel, lumapit sila Ethan saamin at niyakap, niyakap namin si Ina na umiiyak na din.
"Huwag kayong magalala anak, magiging maayos din ang lahat, alagaan niyo ang mga sarili niyo ha, magkikita na kami ng papa niyo" nakayakap siya saamin at pinilit siyang kunin ng mga guardia
"HINDI! INA! HINDI!" patuloy kami sa pagtangis at hindi makapaniwala sa naging desisyon ng korte, umuwi kami ng San Francisco dala ang poot at galit sa aming dibdib, dinala na din si ina dito upang doon sa plaza ibitay, inayos naming at dinala namin ang susuotin ni ina para sa bitay niya mamaya, huling pagkikita na namin ito ina, hindi ko lubos maisip pero ito na ang katotohanan. Dinala namin sa selda ni ina ang baro't saya na susuotin niya, ito ang pinakapaborito niyang suotin, inayusan na din namin siya dahil ito ang gusto niya ang maging pinakamagandang babae bago mawala sa mundo, pagkatapos ayusan ay niyakap muli naming siya at tuluyang umiyak. Pumasok na din si Samuel at yumakap saamin
"Aalagaan ninyo ang inyong mga sarili ha, mahal na mahal na mahal ko kayo, huwag na huwag niyong papabayaan ang isa't isa, ayokong magpaalam sainyo dahil hindi ito ang huli nating pagkikita, hindi dito natatapos ang lahat, lalabas at lalabas din ang katotohanan, isipin niyo na lang ay nasa tabi niyo pa rin ako kasama ang inyong papa, hindi ko kailangang tumangis, hindi ako natatakot mamatay sapagkat alam ko ang katotohanan at alam kong wala akong kasalanan. Mahal ko kayo lagi niyo iyang iisipin, magkikita pang muli tayo pero sa ngayon mabuhay kayo para saakin, para sainyong pamilya" mas lalo kaming umiyak sa mga binibitiwang salita ni ina, ayaw namin siya mawala, nakayakap pa din kami sakaniya
"Mahal na mahal ka namin ina, pangako hahanapin namin ang katotohanan" patuloy kami sa pagiyak at paghalik sakaniya, hindi umiiyak si ina bagkus ay nakangiti siya saamin habang nakayakap, inilabas na kami ng mga guardia at kinuha nila si mama, pinalakad sa buong bayan ng San Francisco dahil gusto nilang ipakita ang mangyayari kung aanib sa mga gerilyang tumataliwas sa gobierno ng amerikano, pagkadating sa plaza ay hindi namin napigilan ni Leonor na pilit lumapit kay ina pero pinigilan kami ng mga guardia, narito kami ngayon at nakaharap si ina saamin ayaw man naming makita siyang bitayin pero ito ang hiling niya saamin ang makita kami sa huli niyang hininga. Inumpisahan na ang bitay, inilagay sa leeg ni ina ang lubid, nakangiti siya saamin, sa huling pagkakataon ay makikita namin ang ngiti ni ina, biglang bumukas ang kahoy na tinatapakan niya at iyon ang nagdulot ng pagkapatay sakaniya, nahimatay si Leonor, nasalo siya ni Samuel at ni Fai Lu na patuloy ang pagiyak, niyakap ako ni Ethan at hindi ko mapigilan ang pagluha. Pagkatapos bitayin si ina ay hiningi namin ang katawan niya upang iburol sa casa, ibinigay naman ito saamin. Dinala namin si ina sa casa at inayos ang kaniyang burol.
Pagkatapos ng libing ni ina ay hindi pa rin namin lubos maisip ang nangyari sakaniya, narito kami ngayon sa mesa at hindi umiimik sa isa't isa, nagpaalam na ang iba naming ayudante at trabahador. Maya maya pa ay nagulat kami ng bigla kaming pinasok ng mga nakapansuot ng sundalo at pilit kaming pinalabas ng casa, wala kaming nagawa kung hindi umiyak at sumunod, hindi ko lubos maisip na ang casa na pinaghirapan nila ina ay mawawala nalang ng basta basta. Pinagpasiyahan naming pumunta kami sa bahay nila Leonor para doon muna tumira pansamantala kaso hinarang kami ng mga sundalo at pinilit kaming dalhin. Dinala nila kami sa Casa Del Olmo at pinapasok sa loob, kasama ko si Leonor at Samuel, wala si Ethan dahil kailangan niyang pumunta ng Las Piñas pero nangako siyang babalik, si Fai Lu naman ay inaayos ang kanilang bahay para sa paglipat namin, nauna na sila Rosalinda at ang anak ko doon sa bahay nila. Hinarap kami ni Doña Victoria ng nakangiti at bakas sa mukha niya ang saya
"Sabi ko naman sainyo, babagsak din kayo, ngayon dahil utos ng korte na maninilbihan ang natirang kapamilya ni Teodora saamin ay wala na kayong magagawa kung hindi sumunod"
"Mas nanaisin ko pang magalaga ng kabayo kaysa ang manilbihan sainyo" sagot ni Leonor kay Doña Victoria at dahil hindi nagustuhan ni Doña Victoria ang pagsagot ni Leonor ay agad niya itong sinampal, ikinagulat ko iyon at niyakap si Leonor
"ANG KAPAL NG MUKHA MONG SUMAGOT SAGOT, ABA WALA KA NA SA MATAAS NA ANTAS LEONOR KAYA WALA KA NANG MAGAGAWA PA!"
"Doña Victoria wala po kayong karapatan saktan ang kapatid ko!" sagot ko kay Doña Victoria na lalong nagpagalit sakaniya
"ISA KA PA!" akmang sasampalin niya na ako ng bigla siyang tinigil ni Lago, nagulat naman ako dahil narito na pala si Lagos a San Francisco
"Tama na mama, hindi mo dapat sinasaktan sila, kung maninilbihan man sila dito ay hindi mo dapat sila tinatrato ng ganiyan"
"Anak nandiyan ka pala, uhm pasensya na kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko paano kasi masasakit na salita ang sinasabi nila saakin at saating pamilya"
"Sige na po ina umakyat na po kayo sa cuarto niyo"
"Sandali lamang, o ano na? uupo nalang kayo diyaan ha!" pasigaw na sabi ni Doña Victoria saamin ni Leonor
"Ako nalang po ang maninilbihan, hayaan niyo na po si Leonor" sagot ko kay Doña Victoria
"Hindi puede, ang gusto ko kayong dalawa, isama niyo pa si Samuel"
"INA TAMA NA SABI!" pasigaw na sabi ni Lag okay Doña Victoria
"Hayaan mo na sila kung ano ang gusto nila, kung gusto ni Esperanza na siya lang ang manilbihan, siya nalang" natahimik naman si Doña Victoria at napatango, ibinaling niyang muli ang tingin saamin at tinitigan kami ng masama na para bang gusto niyang sabihin na humanda kami sakaniya, at tuluyan na siyang umalis
"Sa-salamat Lago" nginitian lang kami ni Lago at umalis na din siya, niyakap ko si Leonor at sinabihang umalis na siya at huwag ipapaalam kay Ethan na narito ako kila Doña Victoria at maninilbihan sakanila dahil siguradong magagalit iyon at aalisin ako dito, nangako siya saakin at tuluyan nang umalis. Naiwan ako dito sa Casa Del Olmo, kinakabahan ako dahil ngayon lamang ako maninilbihan sa ibang casa at saka hindi ko alam ang magiging takbo ng buhay ko dito, hindi ko alam kung anong mangyayari saakin pero kung ito ang paraan para tigilan na kami nila Doña Victoria ay gagawin ko para sa pamilya namin.