Chereads / Until We Meet Again Book I: 1903 / Chapter 23 - KABANATA XXII

Chapter 23 - KABANATA XXII

"LABHAN MO ITO!" ibinato saakin ni Dolores ang kanilang mga saya at nasalo ko naman ito, sinunod ko ang utos niya dahil iyon na ang aking trabaho ngayon, labag man sa kalooban ko wala na akong magawa kung hindi sumunod. Naglakad akong papuntang ilog para maglaba, inilapag ko ang mga labahin at nagumpisang maglaba, maya maya pa ay nakarinig ako ng putok ng baril mula sa malayo kaya ikinagulat ko iyon, iniwan ko sandali ang mga labahan para tignan kung saan nagmula ang putok ng baril, nakita ko ang tatlong lalaking nakaluhod, nakapiring at nakatali ang mga kamay.

"Maawa na po kayo" pagmamakaawa ng lalaki sa isang guardia, agad akong nagtago sa likod ng matandang puno ng marinig ko iyon at sinilip kung ano ang nangyayari

"Maawa po kayo, may pamilya pa po akong naghihintay saakin, bagong panganak palang po ang aking asawa, maawa na po-" isang putok muli ng baril ang umalingawngaw, binaril nila ang lalaking nagmamakaawa sa ulo at agad itong tumumba, lalo akong kinakabahan sa nangyayari, sa mga nakikita ko. Hindi ko maintindihan bakit ganito ang nangyayari

"Maawa na po kayo, hindi ko po talaga alam ang ibinibintang ninyo saakin" pagmamakaawa ng isa pang lalaki sa mga guardia, isang putok muli ng baril ang umalingangaw sa buong paligid. Sa ulo din pinatamaan ang lalaking nagmamakaawa. Naiiyak na ako sa mga nakikita ko hindi ko na maintindihan kung ano ang nangyayari

"KAHIT PILITIN NIYO PA AKO KAHIT PATAYIN NIYO PA AKO, WALA AKONG ALAM SA SINASABI NIYO AT SA BINIBINTANG NIYO, KAYA HINDI AKO MAGMAMAKAAWA SAINYO!" pagmamatigas ng huling lalaking nakapiring. Ikinasa na ng guardia ang kaniyang baril at tinutok iyon sa ulo ng lalaki. Hindi ko na kinakaya ang mga nakikita ko, napaurong ako at hindi sinadayang makatapak ng kahoy na marupok na nakagawa ng ingay, natigil ang mga guardia at lumingon sa pinanggalingan ng tunog, nagmadali akong nagtago upang hindi nila makita, naglakad dahan dahan ang guardia sa puesto ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko, tumutulo ang pawis sa mukha ko, nagdadasal ako na sana ay hindi nila ako mahuli dito. Nasa tapat na ng punong pinagtataguan ko ang guardia, kaya mas lalo akong kinabahan, parang gusto ng kumawala ang puso ko mula sa dibdib ko dahil sa kaba. Natigil ang guardia sa paglalakad ng sumigaw ang kasama niya

"TUMATAKAS ANG BIHAG!" agad bumalik ang guardia at hinabol ang tumatakas na bihag nila, mga putok ng baril ang maririnig sa paligid dahil sa paghabol nila sa tulisan. Para akong binunutan ng tinik sa lalamunan ng mawala ang guardiang lumalapit saakin, nawala ang kaba sa dibdib ko at ang takot na nadarama, agad akong tumakbo pabalik ng ilog. Natapos ang aking labahin at bumalik sa Casa Del Olmo.

"BAKIT ANG TAGAL MO!" pagbungad saakin ni Dolores, agad naman akong yumuko upang galangin siya

"Pa-pasenya na Dolores kung ako'y natagalan-"

"ANONG DOLORES? SEÑORA DOLORES! Wala kang galang sa amo mo!" sinampal ako ni Dolores at ikinagulat ko iyon, hindi ko akalaing gagawin niya saakin iyon

"Lo siento, Se-Señora Dolores, patawarin niyo po ako sa pagiging mangahas at pagiging wa-walang galang ko po sainyo"

"Puñeta! Mierda! Magluto ka doon!" agad kong sinunod ang inutos saakin ni Dolores, hindi ko lubos maisip na ganito na ang magiging lagay ko, hindi ko maisip na sa Del Olmo babagsak kaming mga Gonzales, walang tumutulong o kahit lumapit man lang saakin na mga katulong dito sa Casa Del Olmo dahil pinagsabihan sila nila Doña Victoria na kapag may tutulong, kakausap o lalapit saakin ay papatawan ng mabigat na parusa. Kaya lahat sila ay takot lumapit saakin. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung nangyari kaninang umaga, sino kaya sila? Bakit ganon? Ano ang kasalanan ng mga lalaking iyon? Patuloy na bumabagabag sa isip ko ang mga nangyari.

Kinabukasan ay inutusan akong pumunta ng palengke, habang naglalakad ako papuntang palengke ay napansin kong may mga karatola na nakapaskil sa mga puno kaya nilapitan ko iyon para basahin

"Wa-Wanted? Sino kaya ito?" bigla kong naalala yung lalaki kahapon na dapat ay babarilin na pero nakatakbo "Siya nga! Ito yung lalaki kahapon na muntik na ding mapatay, pero bakit siya hinahanap? Ano kaya ang kasalanan niya sa mga Amerikano?" nagpatuloy ako sa paglalakad papunta ng palengke nang bigla kong mapansin na may papalapit na kalesa saakin, tumigil ito saaking harapan

"Ate!"

"Le-Leonor?" bumaba si Leonor sa kalesa at niyakap ako

"Ba-bakit ka narito Leonor? Kumusta na?"

"Ayos naman ang lagay ko ate, ikaw? Kumusta? Nagaalala ako saiyo, matapos kitang iwan sa Casa Del Olmo ay halos hindi na ako makatulog, maayos ba ang trato nila saiyo?"

"Uhm maayos naman, marami lang ginagawa pero kaya ko naman" nginitian ko na lamang si Leonor upang hindi siya magalala saakin.

"Saan ka patungo ate?"

"Sa palengke may pinapabili saakin sila Dolores"

"Ah ganoon ba? Ihahatid ka na naming doon para masigurado kong ligtas ka" pumayag ako sa paanyaya ni Leonor, sumakay ako ng kalesa at ipinatakbo na iyon

"Pasensya na talaga ate, gumagawa naman ako ng paraan para maabsuelto na tayo sa kasalanang ibinibintang nila saatin"

"Ayos lamang Leonor, at isa pa mas gusto kong maging maayos ang buhay mo, hayaan mo nalamang ako, kumusta na pala si Carlos? Labis akong nangungulila saaking anak, hindi ko man lang siya mahagkan o mahalikan." Napabuntong hininga na lamang ako habang kinakausap si Leonor

"Maayos naman ang kaniyang lagay ate, inaalagaan namin siya ni Fai Lu ng mabuti, huwag kang magalala ate pag natapos itong problema na ito, makikita mo na muli si Carlos, o kaya dumaan ka muna sa bahay saglit?"

"Naku Leonor, hindi na, mahigpit na ipinagbabawal nila Doña Victoria ang makipagkita ako sainyo at ayokong suwayin iyon, nagawa niyang tanggalin ang lahat saatin kaya hindi ding malabong pati kayo ni Fai Lu ay mawalan din ng pinagkakabuhayan"

"Siya nga pala ate, nagpalit na ako ng pangalan pati si Fai Lu"

"Na-nagpalit ng pangalan?"

"Opo ate, upang hindi na muna kami gambalain ng mga Del Olmo napagpasiyahan namin na magpalit muna ng ngalan"

"Kung gayon, ayos lang para din naman sa kaligtasan niyo, ano na ang bagong ngalan mo?"

"Isabela Liu na ang bago kong ngalan at Chao Liu naman si Fai Lu, mahirap dahil hindi ako sanay pero upang hindi na muna kami gambalain ng kung ano anong mga kuro kuro ay binago na namin ang ngalan namin"

"Mabuti kung gayon, siya nga pala kumusta na si Ethan?"

"Ay oo nga pala, nakalimutan ko sabihin saiyo ngunit matindi ang hinaharap ni Heneral Ethan ngayon, kaya ako patungo ng Casa Del Olmo ay para kausapin ka patungkol kay Heneral Ethan"

"Ba-bakit? Anong nangyari sakaniya?"

"Huwag kang mabibigla ate, pero inaakusahan si Heneral Ethan na kasabwat ng mga rebelde dahil sa koneksyon niya saating ating pamilya, inaakusahan din siyang nangungurakot at ninanakaw ang kaban ng San Francisco at ang pamilya Del Olmo muli ang umaakusa sakaniya"

"A-ano? Dios mio! Hi-hindi pa ba sapat na wala na tinanggal niya lahat sa pamilya natin? Hindi pa ba sapat iyon?"

"Hindi ko din sila maintindihan ate, lahat ng mlalapit saatin noon ay unti unti nang lumalayo at ikinakailang kilala nila tayo at ang pamilya natin, kahit ang mga kamag anak natin ay unti unti na ding nagbabago ng mga apilyido at ngalan dahil takot sila na madamay, para tayong may mga nakakahawang sakit na pag nilapitan ay mahahawa ka din"

"Hindi maaari ito, kailangan nating magisip ng paraan upang malinis ang ating pamilya mula sa mga pagkakasalang hindi naman natin talaga ginawa" hindi na namin napigilan ni Leonor ang umiyak sa mga nangyayari saaming pamilya

"Bukas na ate ang paglilitis sa tribunal para sa pagaalis sa kapangyarihan ni Heneral Ethan"

"BUKAS NA?! hindi maaari ito, kailangan nating kumilos Leonor, kailangan nating tulungan si Ethan"

"Pero paano ate? Hindi tayo basta basta makakakilos dahil kung may mali tayong magagawa ay siguradong buhay natin ang kapalit noon"

"Magiisip ako ng paraan Leonor, kailangan nating matulungan si Ethan" Naihatid ako ni Leonor sa palengke, nagpaalam na kami sa isa't isa, nagumpisa akong mamili ng mga pinapamili nila Dolores saakin, habang nasa mag tindahan ako ng gulay ay nabangga ko ang isang lalaki, nagkatinginan kami, balot na balot siya na para bang nagtatago pero dahil nasagi ko siya hindi sinasadyang natanggal ang takip niya sa mukha, nakita ko ang kakaunti ng parte ng mukha niya kaya dali dali siyang nagtakip ulit at naglakad ng mabilis, bigla kong naalala ang karatolang nakita ko kanina habang naglalakad. Tama! Ang lalaking nasagi ko ay ang lalaki sa karatola, dali dali ko siyang hinabol para masundan kung saan siya tutungo, napansin naman niyang sinusundan ko siya kaya nagmadali siyang maglakad patungo sa mga mataong lugar pero hindi ako nagpatinag sinundan ko pa din siya kahit mahirap dahil ang daming tao, umabot kami hanggang sa labas ng palengke hanggang maya maya ay nawala na siya sa paningin ko, pero sinubukan ko pa din siyang hanapin nang biglang may humila saakin sa may gilid na agad na ikinagulat ko, ang lalaking sinusundan ko, ang lalaking nasa karatola at ang lalaking nakita ko noon sa kakahuyan ay narito na sa harapan ko, isinandal niya ako sa pader, tinanggal niya ang kaniyang takip sa mukha. Laking gulat ko na ang lalaking iyon ay walang iba kung hindi si

"Doktor Gustavo?" napayuko si Doktor Gustavo, bakas ang lungkot at pighati sakaniyang mukha

"Pero bakit ganoon? Bakit ikaw? Papanong, hindi ko maintindihan" tumulo ang luha sa mga mata ni Doktor Gustavo, inilabas ko ang karatola na nakatago sa bulsa ko, hindi iyon si Doktor Gustavo, hindi niya kamukha ang nasa karatola pero kung hindi siya ang nasa karatola, sino ito?

"Se-Señora Esperanza, hindi ko din po alam pero ang tanging ipinipilit nila ay kasapi daw ako ng mga rebelde dahil sa koneksyon ko sa pamilya niyo"

"A-Ano? Pati ikaw ay nadamay? Hi-hindi ko na mataim ang mga nagaganap"

"Dinakip nila ako sa aking bahay noong isang araw at idinala sa isang bahay, nakita kong mayroon pa silang ibang dinala bago ako piringan, binugbog at pinahirapan nila ako ng lubos at ipinipilit sabihin kung ano ang koneksyon ko sainyo at sa mga rebelde, at pinipilit nilang umamin daw ako kung nasaan nagtatago ang mga kasapi ko daw, inilahad ko sakanila na doktot ang propesyon ko, na ang tanging koneksyon ko sainyo ay ang paggagamot at sinabi ko ding wala akong koneksyon sa mga rebelde pero hindi nila ako pinaniwalaan, bagkus ay pinahirapan at binugbog pa nila ako, kahapon ng umaga ay napagpasiyahan nilang kitilan na ang buhay naming tatlo, muntik na nila akong patayin Señora, kahapon na sana ang wakas ng buhay ko pero may biglang kumaluskos sa hindi ko alam na lugar at iyon ang naging tiempo ko para tumakas sakanila at hindi naman ako nabigo"Laking gulat ko sa mga nilalahad na kwento ni Doktor Gustavo saakin, hindi ko lubos akalain na dahil lang sa paggagamot niya saamin ay madadamay din siya sa sigalot ng aming pamilya

"A-Ako ang nakagawa ng ingay kahapon sa kakahuyan"

"I-ikaw po Señora? Pero papaano po?"

"Naglalaba ako sa may tabing ilog ng marinig ko ang putok ng baril kaya pumunta ako sa lugar ng pinangyarihan upang makita kung ano ang nangyayari, dahil hindi ko kinaya ang mga nakita ko ay napaatras ako at natapakan ko ang kahoy na bulok sa aking likuran at iyon ang nakagawa ng ingay"

"Kung gayon utang ko pala saiyo ang aking buhay Señora, muchas gracias señora, kung wala ka kahapon ay siguradong patay na ako ngayon at itinapon nila kung saan man"

"Pasensya na Doktor Gustavo kung pati ikaw ay nadamay pa saaming pamilya, pasensya na doktor Gustavo"

"Huwag ka pong manghingi ng tawad Señora dahil wala po kayong kasalanan sa nangyayari" nakita ni Doktor Gustavo ang hawak kong karatola

"Pinaghahanap na pala nila si tinoy"

"S-si Tinoy?"

"Iyang hawak niyo pong karatola ay si Tinoy, anak po iyan ni Mang Berto, isa po sa mga pinatay kahapon"

"Ano ang nagawa niya upang hanapin siya ng gobyerno?"

"Binombahan niya po at ng mga ilan niya pang kasama ang Plaza San Francisco kagabi"

"Bi-binombahan? Wala akong nabalitaan na ganoon"

"Iyon po ang paghihiganti niya sa mga kumuha sa kaniyang ama kahapon, marami po ang nasugatan sa pagbobomba ng mga grupo niya sa plaza kagabi"

"Nakakalungkot isipin ng dahil sa kasamaan ng iba ay nagawang magbago ng mga tao upang maghiganti, wala akong nabalitaan marahil ay malayo ang casa del olmo sa plaza at tahimik masyado ang loob ng casa"

"Ca-casa Del Olmo? Sa Casa Del Olmo po kayo nakatira?"

"Opo Doktor, at doon ako naninilbihan, sa mga Del Olmo, dahil iyon ang pinataw na kaparusahan saaming pamilya, nawala na lahat sa amin Doktor Gustavo kaya pumayag na din akong magpaalila sa mga Del Olmo upang matahimik na ang lahat pero akala ko ay tapos na ang dapat matapos iyon pala ay hindi pa"

"Pasensya po kung ganoon Señora, ang sasama talaga ng mga Del Olmo, kailangan ko nang umalis Señora baka may makakita pa po saatin dito at mas lalong manganib ang iyong buhay"

"Saan ka na tutungo Doktor?"

"Susubukan kong pumuslit sa barko patungong Europa at doon na muna ako maninirahan sa aking kapatid na naroon"

"Mag-iingat ka Doktor, gabayan ka nawa ng Dios, ipagdadasal ko ang kaligtasan mo"

"Maraming salamat po Señora hanggang sa muli po nating pagkikita" nagtakip muli ng mukha si Doktor Gustavo at naglakad papalayo, hindi ko pa din lubos maisip na pati siya ay nadamay sa sigalot saaming pamilya, akala ko ay tapos na ang lahat, sino pa ang isusunod nila? Hindi pa ba sapat na wala na ang lahat saamin, hindi ko na mataim pa ang mga nangyayari. Nagmadali akong umuwi sa Casa Del Olmo at hinintay ang pagbabalik ni Don Rafael, hindi naman ako nabigo dahil umuwi siya sa Casa

"Do-Don Rafel, maaari po ba kitang makausap?" Nilingon ako ni Don Rafael at hindi siya ngumiti o ano man

"Ano ang paguuspan natin?" mariin niyang tugon saakin

"Uhm ano po Señor"

"Kung wala ka din namang sasabihin, mas mabuting hindi mo na ako kausapin" tinalikuran niya ako at naglakad

"BAKIT PO?!" napatigil siya ng bigla akong nagtanong, dahan dahan siyang humarap saakin

"Bakit niyo nagawa iyon sa pamilya namin? Bakit?" hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili ko dahil gusto ko talaga malaman ang katotohanan, ngumiti siya saakin at nilapitan ako

"Simple lang naman, kung ikaw ba ay mayroong inaalagaang halaman, at ang halamang iyoon ay sinisira ng isang peste, ano ang gagawin mo? Wala saakin ang kasagutan, nasa saiyo at alam kong ganoon din ang gagawin mo" nginitian niya ulit ako at tuluyan nang umalis, natigil ako sa puesto ko, ganoon ba ang tingin niya sa pamilya naming? Isang peste? Isang pesteng sumisira sa halamang inaalagaan niya? Ang posisyon at kapangyarihan? Hindi ko maintindihan si Señor Rafael kung bakit ganoon na lamang ang tingin niya sa pamilya namin. Dahan dahang tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa mga nasabi ni Señor Rafael ay mas lalo akong nabagabag at tanging katarungan ang gustong isigaw ng aking puso't isipan, kailangan naming mag isip ng paraan kung paano namin maibabalik sa dati ang lahat.