Chereads / Until We Meet Again Book I: 1903 / Chapter 24 - KABANATA XXIII

Chapter 24 - KABANATA XXIII

Ito na ang unang araw ng paglilitis. Hindi ko alam paano ko matutulungan si Ethan at hindi ko din alam paano ako makakaalis dito sa Casa Del Olmo para makadalo sa paghuhukom, narito ako ngayon sa may kusina, pinaghahanda ng makakain sila Don Rafael dahil dadalo sila sa paglilitis, kung puede lamang na sumama sakanila ay gagawin ko para lamang makapunta ako sa paglilitis. Habang nagluluto ay nagulat ako dahil may biglang may tumakip sa aking mga mata, isang lalaki iyon dahil sa malapad at mabigat nitong mga kamay, maya maya ay naramdaman ko ang init ng hangin mula sakaniyang ilong dahil malapit siya saaking tainga, nagsalita siya at nakilala ko kaagad kung sino ang lalaking tumatakip ng mata ko ngayon.

"Gi-ginoong Patrick?" agad niyang tinanggal ang mga kamay niya ng nagsalita ako

"Nice, ang galing mo manghula, how did you do that? I mean that paano mo nahulaan?" ngiti niyang tugon saakin

"Kilala ko na po kayo Ginoo, kaya hindi po mahirap na hulaan po kayo lalo na pamilar saakin ang tono at boses mo"

"Ahh okay, by the way kumusta?"

"Maayos naman po ang lagay ko, mahirap lamang ngunit nasasanay na din akong manilbihan dito sa Casa Del Olmo"

"Really? Pero parang sa nakikita ko ay nahihirapan ka na" nawala ang ngiti niya sa mga labi at dahan dahan siyang lumapit pa saakin, napaatras ako pero lumapit pa siya ng maigi, hinawakan niya ako sa bewang, at tinapat niya ang mukha niya sa mukha ko

"I can get out from this place, kaya kitang palayain mula sa mga kamay at pagpapahirap saiyo ng pamilya Del Olmo"

"Ta-talaga po ba? Pe-pero paano po?" sa sagot ko ay para akong desperada na gustong gusto kumawala sa mga amo, binitawan niya ang kamay niya sa bewang ko at tinanggal ang pagkakalapit ng mukha niya sa mukha ko

"It's easy, I know you can do this, pero isa lang naman ang gusto ko, iyon ay ang mahalin mo ako" natahimik ako sa sinabi ni Patrick at napapikit ng ilang Segundo

"Just love me Esperanza, mahalin mo lang ako at papalayain kita dito sa impiyerno na ito, hinding hindi ka na maghihirap pa Esperanza, iyon lamang ang kahilingan ko saiyo, ako nalang Esperanza ang mahalin mo, ako nalang" hinawakan niya ang mga kamay ko, hindi ko alam kung ano ang itutugon ko sakaniya pero kailangan ko siyang sagutin ng pawing katotohanan lamang

"Hindi kita kayang mahalin Ginoo, patawarin mo po ako"

"NO! NO! Esperanza, I know you can love me too, natututunan naman ang pag-ibig at kaya mo din iyong matututunan, time can teach you everything, papatunayan ko saiyo na ako, tanging ako lang ang karapatdapat sa pagmamahal mo" binitawan niya ang pagkakahawak sa kamay ko

"Pa-pasensya na Ginoo pero mas pipiliin ko na lamang po manilbihan kaysa pilitin pong mahalin ka, kaya naman po kitang mahalin pero bilang isang kaibigan o kapatid saakin, hindi pa po ba sapat iyon Ginoo?"

"NO! Hindi sapat iyon Esperanza, ang gusto ko ay mahalin mo ako hindi bilang kaibigan o kapatid mo lamang, ang gusto ko ay mahalin mo ako bilan nobyo mo, at ako lang ang dapat mong mahalin wala nang iba"

"Pero Ginoo kahit pilitin ko mang mahalin ka ay hindi ko magagawa dahil tanging isang tao lamang ang kaya kong mahalin"

"ETHAN? Why Esperanza why? Dahil bas a pera ha!? Dahil sa posisyon!? O sa karangyaan?! Esperanza, mawawala na si Ethan sa posisyon, mawawalan na siya ng kwenta, lahat ay malapit nang mawala na sakaniya kaya para saan pa kung mahalin mo-" natigil sa pagsasalita si Patrick dahil nasampal ko siya

"HINDI KAYAMANAN O KARANGYAAN ANG HABOL KO SAKANYA! Mahal ko si Ethan at tanging siya lang ang mamahalin ko, sumosobra ka na Ginoo, kung wala din namang patutunguhan ang pag uusap na ito ay mas mabuti nang umalis ka na Ginoo" tumulo na ang luha ko dahil sa mga sinabi ni Patrick saakin

"Pe-pero" pahabol niya

"Tama na po Ginoo, umalis nalamang po kayo"

"I Love you Esperanza, I really do" nalungkot at napayuko si Patrick bago siya tuluyang umalis, di naman ako natigil sa kakaiyak. Pagkatapos ko magluto ay inihain ko na ang mga niluto ko, sa totoo lamang ay nagugutom na din ako pero dahil bawal magkasabay kaming mga katulong nila at sila ay titiisin ko nalang itong gutom na ito, nakatayo kami dito sa may gilid ng lamesa upang hintayin kung may ipaguutos pa sila habang kumakain, umupo na sila Don Rafael at Doña Victoria tinawag na din sila Dolores.

"BIlisan niyong kumain at mag-ayos kailangan nating pumunta sa korte" panimula ni Don Rafael

"Si, papa pero papa matanong ko lang hindi po ba natin isasama si binibining Esperanza?" tanong ni Felipe kay Don Rafael, natahimik si Don Rafael

"Hindi natin puede isama si Esperanza, felipe at mayroon tayong ibang muchacha na kasama, hindi na natin kailangang idagdag pa ang walang kwentang iyan" pagsingit ni Dolores sa usapan, pinaparinggan niya ako na wala akong kwenta pero hindi ko iyon ininda dahil mas alam ko namang mas may kwenta pa ako kaysa sakaniya, natahimik naman si Felipe dahil sa sinabi ni Dolores

"Tama ang ate mo Felipe, hindi na natin kailangan pa magdagdag ng alipin sa pagpunta sa korte" sagot ni Don Rafael, hindi ko alam kung bakit pero tumatagos sa puso ko pag si Don Rafael ang nagsabi na isa na lamang akong alipin ng pamilya nila, pagkatapos nila kumain ay ako lang ang pinagligpit nila ng kinainan nila dahil ang iba daw na katulong ay may kaniya kaniya nang gagawin, sinunod ko nalamang ang gusto nila. Iniisip ko ngayon kung paano ko matutulungan si Ethan kung narito lang ako sa Casa Del Olmo nakakulong. Pagkatapos maglinis ay pumunta ako sa cuarto na tinutuluyan ko, kasama ko dito ang ilan pang katulong nila Don Rafael, kumuha ako ng papel at panulat.

Ginoong Patrick

Buenas dias! Maaari ko po ba kayong makausap bukas? Mayroon po akong sasabihin saiyo

-Esperanza

Sana tama itong gagawin kong desisyon, ito na lamang ang tanging paraan ang alam ko, ito lang din ang alam kong makakatulong ng lubos kay Ethan, sana ay hindi ako magsisi sa desisyon kong ito. Nakisuyo ako sa isang ayudante sa casa dahil mamamalengke siya sa Mercado ay maaari niyang idaan ang sulat ko sandali sa bahay ni Patrick, tinanggap naman niya iyon at nangako na dadalhin iyon. Nag aalala ako ng lubos kay Ethan ngayon, kaya pala hindi niya ako hinanap dahil inililitis na siya, sana ay pumanig ang katotohanan sakaniya, sana siya ang manalo sa paghuhukom na iyon. Kinahapunan, dumating sila Don Rafael na galit na galit, pinaghahagis niya ang mga kagamitan sa may salas.

"SIN VERGUENZA! (Walanghiya!) PAANONG NANALO SA KASO SI ETHAN?! PAANO?!" pilit siyang pinapakalma ni Doña Victoria

"Kumalma ka mi amor, unang pagdinig pa lang, mayroon pang ilang pagdinig at doon ay sisiguraduhin nating hindi na mananalo si Ethan!" napakalma naman niya si Don Rafael na nakaupo na sa salas ngayon, dali dali naman kaming lumapit sakanila at inayos ang mga inihagis at binasag ni Don Rafael. Hindi ko alam pero ng marinig ko na nanalo si Ethan sa unang pagdinig ay nagagalak ng lubos ang aking puso, sana ay magtuloy tuloy na iyon. Nagulat ako ng biglang ibato ni Don Rafael ang unan sa salas saakin.

"UMALIS KA NGA DITO! Naasiwa ako pagnakikita kita, naalala ko ang mukha ng papa mo saiyo kaya UMALIS KA DITO!" agad akong tumayo mula sa pagpupulot ng mga basag na porcelana, agad akong umalis doon at pumunta sa cuarto ng mga ayudante, hindi ko napigilang umiyak. Naniniwala akong matatapos din ang lahat ng ito, matatapos din ang paghihirap ko dito sa Casa Del Olmo. Kinabukasan ay dumating si Patrick sa Casa Del Olmo, pinagpaalam niya ako kila Doña Victoria, pinayagan naman siya nito. Sumakay kami ng kalesa at pumunta kami sa may tapat ng simbahan ng San Francisco.

"Ano ang nais mong sabihin saakin Esperanza?"

"Uhm pu-pumapayag na ako sa gusto mo"

"REALLY? Thank you, thank you very much!" bakas sa mukha ni Patrick ang tuwa at galak

"Pero"

"Pero? What?"

"Mayroon akong kondisyon, papayag lamang ako kung tutulungan mo si Ethan sa kaso sakaniya"

"I will going to help Ethan?! Oh, No!, I will not help my former friend"

"Kung ganoon ay, ay hindi ako papayag sa nais mo" biglang lumungkot ang mukha ni Patrick at napatingin sa malayo, alam kong si Patrick lang ang tanging sagot at makakatulong kay Ethan, dahil marami siang koneksyon ay sigurado akong kakayanin niyang mapawalang sala o maabsuelto si Ethan mula sa kaso

"Wala na bang ibang kondisyon? Gagawin ko ang lahat maliban lang sa gusto mo" pagmamakaawa ni Patrick saakin

"Pa-pasensya na pero kung hindi mo kayang ibigay ang kondisyon ko ay mas mabuting ibalik mo na ako sa Casa-"

"Sige pumapayag ako pero ano ang kapalit?"

"Pumapayag ako sa gusto mo"

"Kung ganoon ay pagiisipan ko, papadalhan kita bukas ng sulat at doon nakapaloob ang aking desisyon" Inihatid ako ni pabalik ng Casa Del Olmo ni Patrick at nagpaalam saakin dala niya nag mga ngiti sakaniyang labi, ramdam ko ang galak sa kaniyang puso pero ako ito kirot ang nadarama, sakit at kalungkutan, masakit itong gagawin kong desisyon pero para saiyo Ethan, para sa ikaliligtas mo sa kaso ay gagawin ko lahat, sana ay maintindihan mo ako. Ipapaliwanag ko din ang lahat sa tamang panahon pero sa ngayon kaligtasan mo ang uunahin ko dahil mahal kita Ethan, mahal na mahal kita.

Kinabukasan ay dumating ang liham mula kay Ginoong Patrick, nakapaloob doon na pumapayag siya ngunit sa isang kondisyon din daw, hindi maaaring malaman nila Don Rafael na si Patrick ang tutulong kay Ethan, kung ano mang dahilan ay hindi niya na ito dinetalye pa, nakaramdam ako ng magkahalong tuwa at lungkot, tuwa sapagkat mayroon nang tutulong kay Ethan sa kaso, lungkot dahil isasakripisyo ko ang pagmamahalan naming dalawa ni Ethan para lang maabsuelto siya, ayaw ko man pero kailangan. Bukas daw ay susunduin na niya ako dito, ipagpapaalam niya ako kila Don Rafael, sigurado naman akong papayagan siya nila sapagkat sobrang lapit ng pamilya Del Olmo sakaniya, hindi ko alam kung bakit pero kung ano man ang dahilan ay paniguradong patungkol lamang iyon sa negosyo. Isang masamang balita ang narinig ko mula sa mga ayudante sa Casa Del Olmo, natalo daw sa kaso si Ethan ngayong araw dahil sa kakulangan ng dokumento at paglakas ng kaso laban sakaniya ng kabilang panig. Kinakabahan ako dahil mas dumarami ang gustong paalisin siya sa puesto, paano kung hindi na gumana ang tulong mula kay Ginoong Patrick? Narinig ko ding pinapamadali na nila ang pagdinig sa kaso dahil usap usapan na si Don Rafael na muli ang mamumuno sa buong San Francisco. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaiba, parang mali na maupo muli sa puesto bilang heneral ng San Francisco si Don Rafael. Nararamdaman kong pakana niya lahat kung bakit inakusahan ng ganoon na lamang s Ethan, kagaya ng pagpapabitay niya kay ina, pero paano ko mapapatunayan na siya ang puno't dulo ng lahat? Masamang mambintang pero sa pagkakataon na ito nararamdaman kong nasa tama ang hinala ko.