Chereads / Until We Meet Again Book I: 1903 / Chapter 25 - KABANATA XXIV

Chapter 25 - KABANATA XXIV

Patuloy ang pagdinig sa pagpapaalis sa puesto kay Ethan, nagpapadala siya ng mga sulat saakin, natatanggap ko naman iyon at sinasagot lahat ng liham niya saakin, narito na sa casa Del Olmo si Ginoong Patrick, sinundo na niya ako pumayag naman sila Don Rafael kahit na noong una ay parang nagaalangan pa sila at tanging si Dolores lamang ang pumipigil sa pagalis ko pero dahil pumayag na sila Don Rafael ay wala na siyang magawa. Sumakay kami ng kalesa na nakaparada sa may tapat ng Casa, nanghingi ako ng pabor kay Ginoong Patrick na idaan muna sa bahay nila Leonor sa lugar nang mga tsino para mabisita ko ang aking anak, pumayag naman siya sa hiningi kong pabor, dumaan kami sa bahay nila Leonor, huminto ang kalesa sa tapat ng bahay nila Fai Lu at bumaba ako sa kalesa kumatok ako sa pintuan ng bahay nila ngunit walang sumagot saakin, nakailang beses akong kumatok at tumawag pero wala pa ding sumasagot, maya maya pa lamang ay may lumapit saaking isang babaeng tsino, ngumiti siya saakin at sinabing wala nang nakatira sa bahay na kinakatukan ko pero bigla siyang bumulong saakin, natuwa naman ako sa sinabi niya at sinabi kong dadaan na lamang ako sa ibang araw, iniabot ko sakaniya ang sulat na ginawa ko para kila Leonor at saaking anak at nangako naman siyang ibibigay iyon kila Leonor. Bumalik ako sa kalesa at kinamusta naman ako ni Patrick na naghintay saakin sa loob ng kalesa.

"Kumusta? Did you see your sister? I saw that there's a Chinese woman that come near to you, anong sinabi niya?"

"Ah eh, wala, wala naman naapadaan lamang siya" nginitian ko na lamang si Ginoong Patrick at nagpatuloy na kami sa aming lakad papunta sa bahay niya. Nakarating kami sa bahay niya, naging magarbo ang pag salubong saakin, naroon ang mga katulong niya sa labas ng bahay at nakangiting sinalubong ako, maraming nakahain na putahe sa mesa at mayroong naggigitara sa may bandang gilid, nakakatuwang isipin na ganito kagalak si Ginoong Patrick na salubungin ako, hindi niya alintana na ginagawa ko ito dahil kailangan kong tulungan si Ethan, ayaw ko mang lokohin siya pero ito nalang ang natitirang dahilan para sa ikabubuti ni Ethan.

"Come, I will going to show you your room, I hope that you will find it good" sinama ako ni Ginoong Patrick sa cuarto sa may itaas, nakakamangha ang ganda ng pagkakadisenyo ng cuarto at napakalinis nito halo makita mo na ang sarili mo sa piso (sahig) dahil sa kintab ng pagkakabunot dito. Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Patrick ang aking bewang at inilapit ang kaniyang mukha sa may tainga ko, dama ko ang init ng hininga niya.

"Let's start a new life" malalim na pagkakabigkas niya saakin

"Now I have you, I promise that I will not let you go, no matter what happens, no matter what the circumstances are" patuloy niya, damang dama ko bawat sinasabi niya, ngunit si Ethan ang naalala ko sa bawat bigkas niya ng mga salitang ingles. Niyakap niya ako habang nakatalikod ako sakaniya kaya mas lalo ko itong ikinagulat, sinubukan kong tanggalin ang pagkakayakap niya saakin pero masyado itong mahigpit, wala akong nagawa kung hindi pabayaan na lamang siya. Naging maayos naman ang buong gabi ko dito sa bahay ni Ginoong Patrick, masaya ang salu salo dahil kahit ang mga ayudante niya dito ay kasabay naming kumain pati na din ang mga inimbita niyang mangangawit at banda ay nakisalo rin, masaya ang lahat, halakhakan, tuwa at puno ng kuwentong masasaya ang gabing iyon. Kinabukasan maagang umalis si Patrick sa bahay, nagiwan siya ng isang sulat saaking mesa sa cuarto.

Good morning my love, how's your sleep? I have already prepared your breakfast, eat well. I Love You, see you later

Hindi ko alam pero si Ethan pa din ang nasa isip ko habang binabasa ko ang liham mula kay Patrick, iba ang nararamdaman ko parang gusto ko nang itigil ang lahat ng ito, nararamdaman kong hindi maganda ang kahihinatnan ng pagkukunyari kong ito, ayaw kong paasahin pa si Patrick, ayaw kong mahalin niya ako dahil hindi ko kayang suklian ang pag ibig na iniaalay niya saakin. Alam kong kasalanan ko lahat ng ito, alam kong naging manhid ako para sa nararamdaman niya, hindi ko naman masisisi ang aking sarili sapagkat para kay Ethan gagawin ko kahit ano. Bumaba ako ng cuarto, sinalubong ako ng isang ayudante nila

"Good morning Señora" ngiting bati niya saakin habang nakaabang sa may hagdanan

"Buenos dias din, tila marunong kang magsalita ng lenguaheng ingles?" sagot ko naman sakaniya

"Hindi po gaano Señora, kakaunti lamang po ang aking nalalaman, kagaya na lamang ng pagbati, pasasalamat, pagpapakilala at pagbibilang sa wikang ingles" tugon naman niya saaking katanungan

"Muy bien, kung gayon ay napakatalino mo dahil naaral mo ang mga iyon, cual es tu nombre? (What's your name?)"

"Mi llamo es Perla, Señora (My name is Perla, my lady)" natuwa ako sapagkat marunong din siya sa lenguaheng kastila

"Hablar español? Muy bien!"

"Si, Señora, mi Señor antes es peninsulares entonces tenemos que aprender español (Yes, my lady, my lord before is a peninsular so we need to learn Spanish)" mas lalo akong namangha dahil mabilis siyang tumugon sa wikang kastila

"Napakahusay mo, ika'y matalinong tunay, kaya mong magaral ng mga lenguahe ng mabilisan, nawa'y mayroon din akong ganiyang talento" napangiti at napayuko si Perla saaking pagpupuri sakaniya

"Uhm Señora tayo na po at baka bahaw na ang inihain sainyo ni Sir Patrick" ngumiti ako at sinundan si Perla papunta sa comedador, umupo ako sa silya at pinaghandaan ako ng mga ayudante, tinawag ko si Perla at pinaupo saaking tabi

"Perla, Cuantos años ka nang naninilbihan kay Ginoong Patrick?"

"Mahigit tres años na din po Señora, kaya kahit papaano ay may alam na din ako sa wikang ingles, kayo nga din po Señora napakahusay niyo na din po sa wikang Ingles sapagkat naiintindihan niyo nap o si Sir Patrick"

"Naku! Kung alam mo lamang ay dugo't pawis ang pinuhunan ko matutuhan ko lamang ang lenguaheng ingles, mahirap sapagkat iba ang karamihan sakanilang palabras kumpara sa español pero paunti unti ay natutunan ko din kung paano intindihin ang lenguahe nila at siempre sa tulong na din ng nagiisang mahal ko"

"Si Sir Patrick po ba?" tanong ni Perla saakin, napatahimik na lamang ako at itinuloy ang pagsubo ng pagkain

"Nararamdaman ko pong hindi niyo po talaga gusto si Sir, nararamdaman ko pong napipilitan lamang kayo" napatingin ako sakaniya habang binibigkas niya ang mga salitang iyan

"Pa-paano mo nalaman?" gulat na tanong ko sakaniya

"Nakikita ko po sainyong mga mata na mayroon ka pong ibang tunay na minamahal at hindi po iyon si Ginoong Patrick" mas lalo akong namangha kay Perla dahil hindi lamang siya magaling sa pag aaral ng mga lenguahe pati na din ang pagbabasa ng damdamin ng kausap niya ay gamay niya din, kaya mas lalong gumaan ang loob ko sakaniya.

"Napakagaling mo talaga Perla, pinapamangha mo ako ng sobra, naalala ko bigla sila Rosalinda at Amelia, matagal na ding hindi ko nakita si Rosalinda simula noong palayasin kami saaming Casa ay hindi ko na muli siyang nakita pa"

"Salamat po Señora, ngayon lamang po ako napuri ng isang mataas na antas kagaya niyo po"

"Huwag mong iisipin na mas mataas ako kaysa saiyo, pantay pantay lamang tayo dito, pare parehas tayong kumakain, natutulog, nalulungkot, nahihiya at iba pa, kaya huwag mong isipin na iba ako sainyo"

"Maraming salamat po talaga Señora hindi ko po lubos akalain na napakabuti niyo po pala" nginitian ko siya at bakas naman sakaniya ang tuwa at pagkakagalak, patuloy an gaming pagkukwentuhan sa mga bagay at buhay, masaya siyang kausap, madaling makagaanan ng loob si Perla para din siyang si Rosalinda, kaya mas lalo akong nananabik na makitang muli si Rosalinda. Dumating si Patrick sa bahay at sinalubong naman siya ng mga ayudante niya, ganoon din ako na inabangan siya upang malaman ang ulat sa pagdinig ng kaso. Hapong hapo si Patrick at halatang pagod siya mula sa buong araw sa negosyo, nginitian at binati niya ako at hinalikan sa kamay, pagkatapos ay dumiretso siya sa itaas at tumungo sa cuarto. Sumunod ako patungo sa cuarto, nakasarado ang pintuan ng cuarto niya kaya kinatok koi yon ngunit hindi siya sumasagot.

"Gi-Ginoo, nariyan po ba kayo?" wala pa ding sumasagot kaya minabuti ko nang buksan ang pintuan ng cuarto, naabutan ko siyang may isinusulat sa papel sa may mesa

"Mayroon po pala kayong ginagawa, sige po-"

"Come in, sorry" tugon niya saakin, pumasok naman ako at naupo sa may silya sa tabi ng kama, lumapit siya saakin at hinawakan ang aking mga kamay

"What can I do for you?" nakangiti niyang sabi, bakas sa mukha niya ang pagod pero nakukuha niya pa ding ngumiti sa harap ko

"May katanungan lamang po ako, maaari ko po bang malaman kung kumusta na po ang pagdinig sa kaso ni Ethan?" bigla siyang sumimangot, binatawan niya ang kamay ko, napatalikod siya at napabuntong hininga.

"WHAT THE!" nagulat ako dahil biglang lumakas ang boses ni Patrick, bigla niyang tinulak ang lampara sa may gilid ng lamesa

"ALL THIS TIME ESPERANZA YOU'RE STILL WORRIED TO ETHAN??! How about me?! Huh?! I'm tired all day, and I feel sick right now then you're still worried about Ethan!, WHAT THE FUCK!" bigla akong napayuko at mabilis na kabog sa dibdib ko ang nararamdaman ko dahil sa kaba at takot

"Pa-pasensya, gusto ko lang naman malamann kung-"

"MY GOD! Esperanza how can you love me?! HA?! WHY ETHAN?! WHY ALWAYS HIM?! WHY?!" mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, hindi ko na alam ang nangyayari pero natatakot ako kay Patrick ngayon, dali dali siyang lumapit saakin at hinawakan ako sa braso

"A-anong ginagawa mo Gi-Ginoo? Bitawan mo ako" pinilit kong magpumiglas pero hindi ko kinakaya ang lakas ni Patrick

"WHY HIM? DOES HE GOOD AT THIS HUH?" Bigla niya akong hinalikan at pinilit kong pumiglas, wala akong magawa dahil mas malakas siya kaysa saakin, maya maya pa ay inihiga niya ako sa kama at pinunit ang aking baro, mas lalo siyang nagiging madahas at mas lalo akong nagpupumiglas, maya maya pa ay hindi ko na napigilang umiyak at napatigil nalang ako dahil wala na akong magawa

"ITO BA ANG GUSTO MO HA PATRICK! SIGE! GAWIN MO NA! GAWIN MO NA!" sambit ko sakaniya habang nakahiga at umiiyak at nasa itaas ko siya, biglang tumigil si Patrick at natauhan, umalis siya saakin at napaupo siya sa sahig habang umiiyak

"So-sorry Esperanza, I'm really sorry" umiiyak siya habang nakayakap saaking binti, napaupo naman ako mula sa pagkakahiga, hindi ako natigil sa pagiyak, iniayos ko ang aking sarili at dahan dahang tumayo, hindi inialis ni Patrick ang pagkakayakap niya saaking binti at patuloy pa din siya sa paghingi ng tawad habang umiiyak. Hindi ko siya matignan dahil nasusuklam ako sakaniya, nakatingin lamang ako sa malayo habang patuloy sa pagpatak ang aking mga luha

"I'm really sorry Esperanza, patawarin mo ako" pagsusumamo niya saakin, tinanggal ko mula sa pagkakayakap niya saaking mga binti si Patrick at naglakad ako palabas ng cuarto, naiwan siyang nakaluhod sa sahig habang umiiyak, nasa may ibaba naman ang mga katulong na biglang nagkalasan ng makita akong lumabas ng cuarto, muli kong nilingon si Patrick mula sa labas ng cuarto bago tuluyang pumunta sa silid ko at kinandado ko ang pintuan at nagtungo sa kama at patuloy sa pag iyak, hindi ko lubos maisip na gagawin ni Patrick saakin iyon, hindi ko alam kung ano pa ang kaya niyang gawin saakin, nasusuklam ako sakaniya.

Kinabukasan ay kumatok saaking silid si Patrick, dahil buong araw akong nagkulong sa cuarto at hindi ko ninais makita siyang muli, hindi ako kumain ng agahan at tanghalian dahil ayaw kong makita siya at maramdaman muli ang kasuklamsuklam na ginawa niya saakin

"E-Esperanza, I know that you're still mad at me but please eat some foods it is not good for you, please Esperanza kahit hindi mo ako patawarin kumain ka lang Esperanza" pagsusumamo niya saakin, hindi ko siya sinagot at pinabayaan ko siyang kumatok sa pinto ng cuarto

"I'm really sorry Esperanza, I really do, punish me if you want, punch me, kick me or whatever goes into your mind, please Esperanza" patuloy niyang pagsusumamo, sa totoo lamang ay handa akong patawarin siya ngunit hindi pa sa ngayon dahil dama ko pa din ang sakit na dulot ng muntik nang paggagahasa niya saakin, ayaw kong maalala ang sugat ng kahapon kaya sa ngayon ay ayaw ko muna siyang makita.

"Iwan mo na ako Ginoo, ayaw ko munang makita ka o makipagusap saiyo!" sagot ko sakaniya, tumigil siya sa pagkatok sa pintuan

"If that is what you want I will let you but please do eat your food, I will go somewhere so that you will not see me, I will tell to Perla where I will be so that if you are ready to forgive me just go there or give me a letter, I'm really sorry Esperanza, I just love you, I really love you" pagkatapos niyang magsalita ay tuluyan na siyang umalis, takbo ng kalesa ang narinig ko mula sa labas hudyat iyon na umalis na siya ng bahay pero kahit umalis siya ng bahay ay gusto ko pa ding manatili sa cuarto at magkulong, maya maya pa ay kinatok ni Perla ang pintuan ng cuarto at niyayaya akong kumain, pinagbuksan ko si Perla at sabay niyakap

"Kumusta Señora? Alam kong hindi naging maganda ang gabi mo, ngunit Señora sigurado akong kahit papaano ay magagalak ka sa ibibigay ko saiyo" agad naman akong kumalas mula sa pagkakayakap ko sakaniya at tinignan siya na nagtataka, iniabot niya saakin ang isang sobre, agad ko namang tinignan ang nakalagay sa may likuran nito, laking tuwa ko nang makita kong ang sobre ay mula kay Ethan, dali dali koi tong binuksan at binasa

My Dearest Esperanza,

I'm reall sorry, I know that I have a lot of debt nor time that needed to be filled but I promise that after this I will spent my whole time with you, just remember that I will always love you and I promise you that I will be forever yours. Hope to see you soon, from the bottom of my heart, I love you very much my soon to be Mrs Williams.

Love from your soon to be husband,

Ethan Matt Williams

Biglang napawi ang lungkot at takot saaking puso't isip ng mabasa ko ang liham mula kay Ethan, bigla akong napalingon kay Perla na nakangiting nakatingin saakin, agad kong tinupi ang liham at binulsa iyon at nginitian si Perla.

"Bakas sa iyong mukha ang pagkagalak binibini, hindi ko na tatanungin pa kung bakit pero alam kong importanteng tao ang nagbigay saiyo ng liham na iyan, tara na binibini at ipaghahain na kita ng makakain. Sa hapag kainan ay nakakwentuhan kong muli si Perla na nakagaan sa aking loob, tinanong ko siya kung saan panandaliang naglagi si Patrick, agad naman niya itong tinugon, hindi ko alam kung handa na akong patawarin siya pero ito lamang ang iniwang kataga saakin ni Perla

"Alam ko po Señora na mahirap magpatawad lalo na't mabigat ang kasalanang nagawa sainyo ng Ginoo pero Señora ito lamang po ang tanging masasabi ko, ang pagpapatawad po ang magpapalaya sa pusong nakakulong at nakagapos mula sa pagkakalumo sa dilim, kapatawaran din po ang susi sa kinabukasang magpapatuloy sa ating buhay na nakatali sa kahapong nahihimlay" hindi ko alam ngunit malalim ang pinanghuhugutan ng mga katagang sinabi niya saakin, marahil ay may karanasan din siyang mas malala pa saakin, hindi ko man alam ngunit batid ko na napatawad na ni Perla ang nakagawa ng matinding kasalanan sakaniya. Pinandalhan ko si Patrick ng liham na pinapatawad ko na siya, si Perla ang nagdala nito tungo sa lugar na pinaglalagian niya, laman ng liham na iyon ang lahat ng hinanakit ko sakaniya at pati na din ang pagpapaliwanag ko ukol sa problema patungkol kay Ethan. Nawa'y maintindihan ako ng Ginoo at nawa'y hindi siya malumbay sa mga isinambulat ko.