Isang masamang balita ang bumungad saakin, hindi ko lubos maisip na ganito ang kahihinatnan ng pagsasakripisyo ko, hindi nanalo si Ethan sa kaso, ngayon ay ang araw ng pagpapataw ng parusa sakaniya, hindi ko maisip na matatalo si Ethan ng ganoon na lamang pero gusto ko siyang makita ngayong araw pero hindi ko alam kung paano ako makakaalis dito sa bahay ni Patrick, kung magpapaalam ako sakaniya ay siguradong hindi niya ako papayagan, pagtumakas naman ako ay siguradong matindi ang magiging galit saakin ni Patrick. Paano ba? Paano ko makikita si Ethan?
Biglang may kumatok saaking cuarto habang ako ay matinding nagiisip patungkol sa kung paano ko makikita si Ethan ngayong araw.
"Esperanza, can we talk?" si Patrick ang kumakatok sa pintuan ng cuarto, agad ko siyang pinagbuksan, nasa labas siya bakas sa mukha niya ang lungkot at pagkakadalamhati niya, kaya agad ko siyang pinapasok sa cuarto.
"Gi-ginoo mayroon po bang problema?" tanong ko sakaniya
"I know Esperanza, gusto mo na umalis saakin" sagot niya saakin na mas lalong nagpalungkot sakaniya
"Gi-ginoo? Pero"
"I know Esperanza, nabasa ko ang sulat mo saakin at I feel that you really love Ethan and whatever I do in order for you to love me too still I can't get your love. I will now set you free Esperanza, malaya ka na" nagulat ako sa mga sinabi saakin ni Patrick, naramdaman ko ang lungkot na taglay niya ngayon, hinawakan ko siya sa braso at tinignan sa mga mata
"Ginoo, patawad, sa totoo lamang ay hindi ko alam ang sasabihin ko, patawad kung hindi ko maibigay ang pagmamahal na ninanais mo, kung hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na iniaalay mo saakin, kung nanatili akong manhid sa pagibig mo saakin pero Ginoo mahal kita hindi bilang isang kasintahan kung hindi bilang isang mabuting kaibigan, mananatili ka dito sa puso ko Ginoo, hinding hindi ka malilimutan nito, baling araw ay makikita mo din ang nararapat para saiyo, makakasama mo din ang taong magpapasaya at susuklian lahat ng pagibig mo, hindi man ako iyon ginoo pero salamat sa lahat, salamat sa nararamdaman mo para saakin" bumuhos na ang luha sa mga mata ni Ginoong Patrick, kinuha niya ang aking kamay at hinalikan iyon
"Ginawa ko lahat Esperanza pero alam ko na hindi talaga ako ang mahal mo, papalayain na kita, patawad, maaari ba akong makahingi ng huling hiling saiyo? Maaari ba kitang mayakap?" Patuloy pa din sa pagluha si Patrick, pinunasan ko ang luha niya at ngumiti ako sakaniya, nagpasalamat ako sakaniya, niyakap siya at ganoon din siya
"Alam kong gusto mong makita si Ethan ngayon, kaya sige na, you're free to go, kung nasakaniya ang kasiyahan mo, masaya na din ako para saiyo, paalam aking mahal, hanggang sa muli" bulong niya saakin, habang patuloy siya sa pagiyak, alam kong masakit para sakaniya ang pagpapalaya saakin pero kung ang kalayaan din naman ang magiging solusyon para sa ikasasaya ng lahat, mas mabuti na sigurong maging malaya nalang. Bago ako umalis ay muli akong nagpaalam sakaniya, naiwan siya sa cuarto na patuloy ang pagtangis, inihatid ako naman ako ni Perla patungong korte. Umabot kami ni Perla sa huling pagdinig ng kaso, narinig ko lahat ng ipapataw na parusa kay Ethan, ipinababalik na siya ng Amerika dahil daw sa kasalanang ginawa niya sa aming bayan, isang mes o buwan na lamang siya maaaring mamalagi dito sa bansa, bawal din siyang magsama ng kahit ano o sino pabalik ng sarili niyang bansa, tinanggalan na din siya ng kapangyarihan bilang heneral at tinanggal na din ang karapatan niyang mamuno hindi lamang dito sa bansa kung hindi pati na din sa bansa nila. Marami ang umalma dahil kaaramihan ng narito ay sumusuporta sakaniya pero dahil ito ang hatol ng korte, walang magawa ang lahat kung hindi sumunod sa kaparusahan at ang huli ay hindi na siya puedeng bumalik dito sa bansa. Agad humina ang tuhod ko sa mga nangyayari hindi ko mataim na natalo sa kaso si Ethan, itinayo akong muli ni Perla at nang mapansin naming na papalabas na sila ng korte ay agad agad namin siya nilapitan at tinawag.
"Ethan! Ethan! Narito ako Ethan!" sigaw ko habang hinaharangan kami ng mga guardia patungo sakaniya, hindi naman ako nabigo dahil narinig niya ako, nagtama ang aming mga mata at nginitian niya ako, hindi sila tumigil da paglalakad palabas ng korte, ilang saglit lang kaming nagkatitigan at tuluyan na siyang nakalabas ng korte kasama ang mga guardia na nakabantay sakaniya. Hindi ko mapigilang maluha sa mga nangyayari, muli ko siyang nakita pagkatapos ng ilang linggong hindi namin pagkikita pero ito pa, ito pa ang madadatnan ko, ito pa ang pagkikitang magaganap saaming dalawa. Niyakap ako ni Perla at ganoon din naman ako, maya maya pa lamang ay mayroong papalabas din at iyon ay ang mga Del Olmo, hindi ako napansin nila Señor Rafael at Doña Victoria pero ang nahuling naglalakad na kasapi ng pamilya nila ang nakapansin saakin, iyon ay si Dolores. Huminto siya panandalian para titigan ako, ngumiti siya ng pagkalaki laki, nginitian niya ako ng ngiting nagtagumpay sa laban, hindi ako mapakali kaya balak ko na sana siyang sugudin ngunit pinigilan ako ni Perla. Pagkatapos niya akong nginitian ay agad na din siyang sumunod sakaniyang pamilya pero bago pa siya makalabas ng korte ay muli niya akong tinignan. Biglang may kumalabit saakin sa may likuran at ikinatuwa ko ng makita kong si Leonor at si Fai lu ang nasa aking likuran kasama din nila ang aking anak na si Carlos, si Padre Azul at si Rosalinda na narito ngayon, agad ko siyang niyakap ng mahigpit pati na din si Rosalinda, nagdadalang tao na si Leonor ngayon at bakas sakaniyang mukha ang tuwa ganoon din naman kay Fai Lu, parehas silang balot na balot dahil nga matindi pa din ang kaganapan sa paligid ay minabuti nilang hindi muna makilala ng mga tao. Nagagalak din ako na kasama nila si Padre Azul na bakas din ang tuwa sakaniyang mukha ng makita ako. Agad ko kinuha ang aking anak at hinalikan siya, natutuwa ako ng lubos dahil muli kong nahagkan ang aking anak, muli ko siyang nakasama, matagal akong nangulila sakaniya at ngayon ay narito na siya saakin, ayaw kong mawala siya saakin pero alam kong hindi puedeng magtagal ang aming pagkikita. Pagkatapos naming magkumustahan ay isinama nila ako papunta sa bahay nila Fai lu at Leonor, nagpaalam naman na saakin si Perla at nangakong hindi niya sasabihin kay Ginoong Patrick kung nasaan ako at sino ang kasama ko, mapagkakatiwalaan si Perla at alam kong pag sinabi niya ay gagawin niya. Narito ako sa bahay nila Fai lu ngayon ang bahay nila ay hindi gaanong kalakihan hindi kagaya ng aming casa noon at ng bahay nila noon sa ciudad ng mga chino, malayong malayo na ang pamumuhay ni Leonor at ako ngayon sa kinagisnang buhay namin noon. Naupo ako sa may salas nila at pinaghain ako nila Rosalinda ng makakain, muli akong niyakap ni Rosalinda bago siya muli tumungo sa kusina. Nasa taas naman si Leonor para magbihis, yakap yakap ko pa din ang aking anak dahil alam kong matatagalan muli ang aming pagkikitang dalawa.
"Kumusta ka na Esperanza?" tanong saakin ni Padre Azul na narito ngayon sa tapat ko, parehas kaming nasa salas at umiinom naman siya ng kape.
"Maayos naman ang aking lagay Padre, pansamatalang nakatira po ako kay Ginoong Patrick siya po ang nagalis saakin sa poder ng mga Del Olmo"
"Ah ganoon ba? Muy bien! Natutuwa akong naalis ka na sa poder ng mga Del Olmo, hindi magandang tumagal ka sakanila, pasensya nga pala Esperanza at hindi ako nakatulong sa kaso ng iyong nobyo"
"Huwag po kayong manghingi ng tawad padre, kung ganoon po talaga ang mangyayari ay ganoon po talaga, balang araw naman po ay mananaig ang katotohanan, malalaman ng lahat na inosente si Ethan"
"Tama ka diyaan Esperanza, balang araw, ipagdadasal ko n asana ay makamit ang katotohanan"
"Maraming salamat po padre, ang pagkakaalam ko po Padre ay naroon po ang tulong na ibinigay ni Ginoong Patrick ngunit hindi ko po alam kung bakit hindi ko siya napansin kanina"
"A-ayuda? Wala akong narinig na may ibibigay na ayuda o tulong si Señor Patrick kay Ethan, kung mayroon nga ay dapat pala din akong magpasalamat sakaniya kahit papaano ay naging mabuting heneral si Ethan, na kahit papaano ay naging malapit din kami sa isa't isa at siya ang nobyo mo kaya sa lahat ng mga tumutulong sakaniya ay ipagdadasal ko at papasalamatan ko"
"Maraming salamat po Padre, pero bakit ganoon po, wala po kayo talagang nabalitaan patungkol sa ayudang binigay ni Ginoong Patrick?" pagtataka kong tanong kay Padre Azul
"Wala, wala talaga akong nadinig patungkol sa ayuda, pagbaba ni Leonor ay subukan natin siyang tanungin patungkol doon, siya kasi ang palaging nakakausap ni Ethan"
"Ah ganoon po ba, maraming salamat po Padre" maya maya lamang ay bumaba si Leonor pagkatapos niyang magbihis, inalalayan siya ni Fai lu pababa ng hagdan, pinahawak ko saglit si Carlos kay Padre Azul.
"Ate Esperanza" niyakap niya ako at ganoon din naman ako sakaniya
"Kumusta na ang aking ate? Nangulila ako ng lubos saiyo ate, kay tagal din nating hindi nagkita"
"Binisita kita sa luma niyong bahay, sa may lugar ng mga chino"
"Matagal na kaming umalis doon ate upang makaiwas sa sigalot mabuti na lamang ay may nabili kaagad na bahay si Fai kung hindi ay siguradong mahihirapan kaming maghanap ng titirahan, iniwan na kami ng iba pang ayudante, at tanging si Rosalinda nalang ang naiwan at tumulong saamin"
"Mabuti na lamang kung gayon at masaya ako na kahit papaano ay sumama pa rin si Rosalinda sainyo, siyang tunay na matapat na kaibigan natin, siya nga pala Leonor, mayroon akong katanungan"
"Ano iyon ate?"
"Alam mo ba yung patungkol sa tulong na ibinigay ni Ginoong Patrick kay Ethan upang makatulong sa pagabsuelto sa kaso?"
"Hindi po ate, wala akong nadinig na mayroong ayuda na ibinigay si Señor Patrick kay Ginoong Ethan, maski po isang salita ay walang naikwento saakin si Ginoong Ethan na mayroong tumulong po sakaniya" Napabuntong hininga ako ng madinig ko ang sinabi ni Leonor, hindi ko lubos maisip na niloko ako ni Patrick, na wala siyang ibinigay na ayuda kay Ethan, hindi ko lubos maintindihan lahat, hindi ko akalain na magagawa niya akong lokohin. Nginitian ko na lamang si Leonor, maya maya pa lamang ay laking tuwa ko ng muli kong makita si Samuel
"Samuel!" agad ko siyang niyakap
"Ate Esperanza, kumusta na?" hapong hapo si Samuel
"Maayos naman ang aking lagay, ikaw kumusta? Saan ka galing? Mabuti na lamang ay nagkita tayong muli, nabuo muli tayong tatlo" masaya at nakangiti kong tugon sakaniya
"Maayos naman ang aking kalagayan ate, ito kakagaling ko lamang sa palengke, nagtatrabaho ako doon ngayon bilang kargador at ayudante ni Aling Thelma kung narito lamang si mama ay mas masaya sana" nalungkot ako bigla na ganoon na ang naging trabaho ni Samuel mula sa pagiging sundalo niya, inabot ako ng hapon sa bahay nila Leonor, ayaw ko nang umalis kahit sila Leonor ay sinabihan ako na dumito muna sakanila pero may umuudyok saakin na kailangan kong bumalik sa bahay ni Patrick. Nagpaalam ako kila Leonor na aalis na at pupunta ako kila Patrick, inihatid ako ni Samuel papunta sa bahay ni Patrick, nagpaalam din siya kaagad. Agad agad akong kumatok sa bahay ni Patrick, pinagbuksan ako ng pintuan ng ayudante nila, dali dali akong umakyat at kumatok patungo sa cuarto ni Patrick, pinagbuksan niya ako at halatang gulat na gulat siya na makita ako dito sa bahay niya. Sinampal ko siya.
"W-why?" gulat na tanong niya saakin
"Niloko mo ako! Naniwala ako saiyo na bibigyan mo ng tulong si Ethan kapalit ng pagsama ko saiyo pero ano? NILOKO MO AKO!" natahimik si Patrick, hindi siya umiimik at napayuko na lamang siya
"So-sorry Esperanza, please let me explain" pagsusumamo niya
"Hindi! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! NILOKO MO AKO PATRICK, NILOKO MO AKO!" hindi ko na napigilan ang luha ko, sinabayan ng galit ang pagtangis ko
"Sorry Esperanza, I'm really sorry" tumatangis na din si Patrick, pinilit niya akong yakapin pero pinigilan ko siya, tinulak ko siya at saka tuluyan akong umalis ng bahay ni Patrick
"Wait Esperanza! Let me explain! I'm sorry" iyan ang mga huling salitang narinig ko sakaniya bago ako tuluyang umalis sakanila, hindi ko mataim na niloko ako ng pinagkatiwalaan ko. Masakit sobra para saakin, masakit dahil isinakripisyo ko ang pagmamahalan naming ni Ethan para lamang sa pangakong tulong na ibibigay saakin ni Patrick, niloko niya ako, hindi ko siya maintindihan, bakit ganoon? Bakit Patrick? Bakit?