Chereads / Until We Meet Again Book I: 1903 / Chapter 28 - KABANATA XXVII

Chapter 28 - KABANATA XXVII

Maaga kaming umalis sa tinitirhan ni Ethan, ayaw ko man pero kailangan ang sabi naman saakin ay babalik din ulit kami. Huminto bigla ang sinasakyan naming kalesa sa gitna ng kalsada, nagsalita ang aming kutsero kaya napasilip kami sa labas.

"Pasensya na po Padre pero marami pong taong nakaharang sa ating dadaanan" sabi ng aming kutsero

"Ano kaya ang mayroon sa labas at bakit ganyan kadami ang tao, sandali lamang Esperanza akin munang titignan para mapakiusapan ang mga tao na dadaan muna tayo saglit"

"Ayos lamang po Padre, sige po, hihintayin ko na lamang po kayo dito" ngiti kong tugon sakaniya, similip din ako mula sa loob ng kalesa, pinilit kong aninagin ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Laking gulat ko ng bigla saaking nakita, isang lalaki ang nakahilata sa gitna ng kalsada, patay at duguan. Maya maya pa lamang ay bigla kong nakita si Padre Azul na papalapit sa aming kalesa.

"A-ano po ang nangyari Padre?" kinakabahang tugon ko sakaniya

"M-may isang lalaki ang pinatay, may tama siya ng baril sa katawan at sa sentido" tugon niya saakin

"Kilala niyo po ba kung sino ang walang awang pinaslang?" hindi ako sinagot ni Padre Azul, tumingin lamang siya ng diretso at inutusan ang kutsero na dumaan na lamang sa ibang kalye. Ngayong araw ang inagurasyon ng pagupo sa puesto ni Don Rafael. Hindi ko akalain na mababalik muli sa puesto si Don Rafael, matagal pa noong nakalaban niya si papa sa puesto pero ngayon siya muli ang uupo sa puesto, hindi ako mapalagay, hindi ako matahimik, iba ang pakiramdam ko sa pagupo sa puesto ni Don Rafael.

"Kumusta na si Señor Ethan?" tanong saakin ni Leonor, habang hawak hawak ko naman si Carlos

"Maayos naman ang kaniyang lagay, hindi kasing rangya ng dati niyang pamumuhay pero kahit papaano ay nabubuhay naman siya ng payapa"

"Ilang araw na lamang at ipapabalik na siya sa bansang kinalakihan niya" tugon ni Leonor saakin, napabuntong hininga ako at nakaramdam ng matinding pagkalungkot, niyakap ko ng mahigpit si Carlos at hinalikan. Hindi ko alam kung paano ako kung aalis na si Ethan, paano na ang pag iibigan naming kung hindi na siya papayagan pang bumalik dito sa San Francisco at sa Pilipinas, paano na ako? Paano na? bumalik ang ulirat ko ng kinalabit ako ni Leonor

"Ate! Anong nangyayari saiyo? Bakit bigla ka nalamang umiiyak diyaan?"

"Ah eh, wala, ayos lamang ako, huwag mo na lamang ako intindihin" Nginitian ko na lamang siya para hindi siya magaalala pero sa totoo lamang ay gusto kong umiyak ng umiyak dahil naiisip kong iiwan na ako ni Ethan. Dapithapon ng dumating si Padre Azul sa bahay nila Leonor, sinundo niyang muli ako, babalik kami kay Ethan, nanabik akong makita at mayakap siyang muli, kaya dali dali akong nagayos at sumama kay Padre Azul. Kung nagtataka kayo kung bakit si Padre Azul lamang ang kasama ko ay sa kadahilanang ang mga pari, madre, sundalo at mga opisyal lamang ang pinapayagang pumunta doon sa lugar na iyon, at kung paano kami ni Ginoong Patrick nakapunta noon doon ay dahil kakilala niya ang nagbabantay doon kaya madali kaming nakapasok doon.

"I miss you" sabay yakap saakin ni Ethan, napangiti ako at niyakap din siya ng mahigpit

"Ganoon din ako, aking mahal" hinalikan ako sa noo ni Ethan at muling niyakap sabay sabay kaming naghapunan kasama si Padre Azul, iniayos na ni Ethan ang aming tutulugan, magkayakap kami ni Ethan ngayon, nakapatong ang aking ulo sakaniyang dibdib, nakadikit ang aking tainga, kaya rinig na rinig ko ang pagtibok ng kaniyang puso.

"I Love You, Esperanza" niyakap niya ako at inulit muli ang salitang "I love you"

"Mahal din kita Ethan, Te amo" niyakap ko din siya ng mahigpit.

"Esperanza, let's go outside" nagulat ako ng bigla niya akong niyayang lumabas

"B-bakit? Saan naman tayo pupunta?" nginitian niya lamang ako at itinayo dahan dahan

"Let's go" malaking ngiti lamang ang isinukli niya saakin at hinawakan ang aking kamay at isinama ako palabas ng kubo

"Saan naman tayo pupunta?" hawak hawak niya pa din ang aking kamay

"Just walk, basta, I promise maganda ang place na pupuntahan natin" nginitian niya akong muli at nagpatuloy kami sa paglalakad habang magkahawak ang aming kamay, siya ang nauunang maglakad, patungo kami ngayon sa gubat at hawak niya lamang ay ang isang gasera na nagsisilbing ilaw saaming nilalakaran, maraming puno, damo at masukal ang aming dinadaanan pero hindi siya natinag at patuloy pa din siya sa paglalakad. Maya maya pa lamang ay dahan dahan na siyang nag lakad, hinarap niya ako at malaki at matamis na ngiti ang ibinigay niya saakin, tinakpan niya ang aking mga mata at ginabayan ako sa paglalakad

"S-saan tayo pupunta?"

"Just walk, maniwala ka saakin, magugustuhan mo ang lugar na pupuntahan natin" nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad, maya maya pa lamang ay dahan dahan niyang inalis ang kamay niya saaking mga mata, hindi ako makapag salita dahil sa ganda ng nakikita ko ngayon, isang lawa, napakagandang lawa, napupuno ng bulaklak ang buong paligid at mas lalo itong gumanda dahil sa kabilugan ng buwan, buong buo ang buwan ngayon. Tumatama ang liwanag ng buwan sa tubig ng lawa na lalong nagpatingkad dito, parang may mga diamante sa ibabaw na bahagi ng lawa, maliwanag ang buong paligid dahil sa liwanag ng buwan.

"Do you like it?" pag singit ni Ethan, napaharap ako sakaniya, ngumiti at tumango ako sakaniya. Hinwakan niya ako sa aking kamay, dahan dahan namang iniangat ng kanang kamay niya ang aking mukha, nakatingin siya sa aking mga mata, kitang kita ko ang kaniyang mukha dahil sa liwanag ng buwan, ngumiti siya saakin at ganoon din ako.

"I love you Esperanza, saksi ang buwan saating pagmamahalan, saksi ang buwan sa pagibig ko sa iyo, at saksi ang buwan na mananatili akong tapat sa iyo." Inilabas niya ang singsing na ibinigay saamin ni Padre Azul. Lumuhod siya sa harap ko, nagulat ako, hindi ako makapaniwala, hindi ko namalayan na dahan dahan nang tumutulo ang luha saaking mga mata, ang luha ng kasiyahan at galak, luha ng pag ibig na nasaksihan ng buwan.

"Esperanza, under the moonlight, I promise that I will love you no matter what happens, I will love you with all my hearts, and I will love you and I will never let you go. Esperanza, will you marry me?" Patuloy na tumulo ang luha saaking mga mata, halos hindi ako makapagsalita dahil sa tuwa at sayang nadarama ko ngayon.

"S-si, Oo Ethan, papakasalan kita" napalundag sa tuwa si Ethan, damang dama ko ang saya sa kaniyang mga mukha, halos yakapin niya ang mga puno't halaman saaming paligid, isinuot niya saakin ang singsing, niyakap niya ako ng mahigpit, hindi namin namalayang dalawa pero parang umilaw ang singsing ng ito'y isinuot niya saakin, na para bang mas lalong lumiwanag ang buong paligid at iba ang nararamdaman ko ng pagsuot saakin ng singsing.

"Thank you Esperanza, I love you" dahan dahan niyang inilapit ang kaniyang labi sa aking mga labi. Naging saksi ang buwan sa pagmamahalan naming dalawa. Lubos akong natutuwa, hindi ko maintindihan pero ang lakas ng tibok ng puso ko na para bang gusto niyang kumawala. Sa ilalim ng buwan ay ininyayahan akong pakasalan ng aking pinakamamahal, sa ilalim ng buwan ay ipinamalas niya ang lubos na pag mamahal niya saakin, at sa ilalim ng buwan ay hinalikan niya ako sa mga labi, dama ko ang pagmamahal niya at pagkalinga niya saakin. Ayaw ko nang mawala pa ang pakiramdam na ito, ang saya, tuwa at pananabik, para bang ayaw ko nang mag umaga pa, para bang gusto ko nalang na nandito kami sa ilalim ng liwanag ng buwan at dinadama ang ganda ng buong paligid. Ilang oras din kaming nagtagal doon, nakaupo kami sa mga damo, nakasandal ako sakaniya at nakayakap naman ang buong brase niya saakin at magkahawak ang aming mga kamay, dama namin ang simoy ng hangin ang liwanag ng buwan at ang ganda ng buong paligid, parehas kaming nakapikit at dinadama ng lubos ang bawat sandaling narito kami, dinadama ang pagmamahalan naming dalawa at init ng yakap ng bawat isa, ayaw na namin pang umalis dahil alam naming hindi din magtatagal ito dahil sa mga nakaambang sigalot pero hindi muna namin iyon inisip, bagkus ay inisip namin ang kung anong mayroon saamin ngayon.

Kinabukasan ay ibinalita ko kay Padre Azul ang naganap, natuwa siya ng lubos at ipinangakong siya ang magkakasal saamin bago umalis si Ethan ng bansa, nagayos at naghanda na kaming muli dahil babalik na muna kami ulit sa bahay nila Leonor dahil hindi naman kami pupuedeng magtagal dito. Yakap at halik ang iniwan namin ni Ethan sa isa't isa at ang pangakong babalik kami ni Padre Azul. Sumakay na ako ng kalesa, inalalayan ako ni Ethan, halos ayaw kong umalis at bumitaw sakaniya pero dahil kailangan ay wala akong magawa, bago kami tuluyang umalis ay halik at yakap muli ang pabaon saakin ni Ethan at ganoon din ako sakaniya, tuluyang umalis ang kalesa habang ako'y nakadungaw sa labas ng bintana at kumakaway saakin irog.

Kahit Saan

By: Jose Corazon de Jesus

Kung sa mga daang nilalakaran mo,

may puting bulaklak ang nagyukong damo

na nang dumaan ka ay biglang tumungo

tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .

Irog, iya'y ako!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim,

nilalapitan ka at titingin-tingin,

kung sa iyong silid masok na magiliw

at ika'y awitan sa gabing malalim. . .

Ako iyan, Giliw!

Kung tumingala ka sa gabing payapa

at sa langit nama'y may ulilang tala

na sinasabugan ikaw sa bintana

ng kanyang malungkot na sinag ng luha

Iya'y ako, Mutya!

Kung ikaw'y magising sa dapit-umaga,

isang paruparo ang iyong nakita

na sa masetas mong didiligin sana

ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .

Iya'y ako, Sinta!

Kung nagdarasal ka't sa matang luhaan

ng Kristo'y may isang luhang nakasungaw,

kundi mo mapahid sa panghihinayang

at nalulungkot ka sa kapighatian. . .

Yao'y ako, Hirang!

Ngunit kung ibig mong makita pa ako,

akong totohanang nagmahal sa iyo;

hindi kalayuan, ikaw ay tumungo

sa lumang libinga't doon, asahan mong. . .

magkikita tayo!