Chereads / Until We Meet Again Book I: 1903 / Chapter 31 - KABANATA XXX

Chapter 31 - KABANATA XXX

SABADO

Ito na ang araw ng kasal, ang araw na pinakahihintay naming lahat. Nananabik at kinakabahan na ako pero ang saya saakin ay hindi ko halos masukat. Narito ako ngayon naghahanda, si Leonor at si Rosalinda ang tumulong saakin ng husto, abalang abala ang lahat, sila Samuel naman ay papunta nang simbahan kasama niya si Fai Lu, ang aking anak at ang ilan pang mga kakilala namin, at si Padre Azul ang magkakasal saamin ni Ethan.

"Señora mayroon po kayong panauhin" Pagsingit ni Rosalinda, galing siya sa baba dahil may pinakuha si Leonor sakaniya

"Sino daw ang aming panauhin ng ganitong oras?" Tanong ni Leonor kay Rosalinda

"Señora Adela po ang kaniyang ngalan" Napangiti kaming dalawa ni Leonor, nagulat kami sapagkat narito ngayon si Tia Adela, agad siyang bumaba ng hagdan, sasama sana ako kaso ay pinigilan niya ako dahil hindi pa daw ako tapos ayusan, papaakyatin na lamang daw niya si Tia Adela dito sa cuarto

"Rosalinda" Pagtawag ko kay Rosalinda, nginitian ko siya at hinawakan sa kamay

"Bakit po Señora?" Tugon niya saakin

"Mayroon lamang akong pakiusap, maaari bang huwag mo na akong tawaging Señora?" Hindi maipinta ang mukha ni Rosalinda

"P-pero po" Utal niyang sabi saakin

"Walang ng pero pero, Rosalinda, matagal ka nang naninilbihan saamin, hanggang ngayon ay narito ka pa rin kahit hindi na kami ganoon kayaman at iniwan na kami ng lahat, nariyan ka pa rin, nananatiling matapat saamin, kaya Rosalinda, por favor, huwag mo na akong tatawaging Señora para na kitang kapatid" Napayuko si Rosalinda at napaluha

"M-maraming salamat po Seño-este Esperanza, maraming salamat" Niyakap niya ako at ganoon rin naman ako, napatigil lamang kami ng biglang nagbukas ang pintuan at nakita ko si Tia Adela, dali dali akong tumayo sa kinauupuan ko at niyakap si Tia Adela ng mahigpit.

"Tia Adela, maraming salamat po at pinaunlakan mo po ang paanyaya ko" Malaking ngiti na puno ng galak ang pinakita ko sakaniya

"Walang anuman Esperanza, ngayon na lamang ulit ako nakabisita sa San Francisco, ang laki na pala ng pinagbago nito at nakakalungkot lamang ay wala na kayo sa orihinal na casa na itinayo pa ng mga antepasado (ancestors)" Napasimangot kami ng panandalian ni Leonor pero dahil araw ito ng kasal ko ay ayaw kong mabahiran ng kalungkutan ito

"Pasensya na po Tia Adela kung hindi po namin naipaglaban ang casa, hanggang ngayon po ay hawak pa rin ito ng gobierno at hanggang ngayon po ay wala pa rin ang hustisya saamin pero kahit ganoon pa man po ay ito pinilit naming lumaban at tumayo mula sa pagkakadapa at alam po naming darating ang araw, mababawi namin ang lahat ng nawala po saamin" Nginitian ako ni Tia Adela at hinawi ang buhok ko

"Naniniwala ako sainyo at sa kakayahan ninyo, narito lamang ako tutulungan ko kayo, huwag kayong magalala, Bueno, tara na't tutulong ako sa pagaayos" Niyakap kong muli si Tia Adela bago nagpatuloy sa paghahanda.

"Kinakabahan ka ba hija?" Tanong saakin ni Tia Adela habang inaayusan

"Medyo po Tia, hindi ko po alam pero may iba din po akong pakiramdam sa araw na ito" Tinapik ako ni Tia ng marahan

"Masyado ka lang sigurong nagaalala dahil siguro sa hindi magandang nangyari noong kasal ninyo ni Carlos" Nginitian ako ni Tia Adela at niyakap ulit

"Siguro nga po, maraming salamat ulit Tia na narito ka, hindi ko po lubos maisip na makakarating ka po ngayong araw pero dahil narito ka po lubos po akong nagagalak, sino nga po pala ang kasama ninyo ngayon?" Nginitian ako ni Tia Adela

"Sigurado akong matutuwa ka sa kasama ko ngayong araw, Rosalinda pakitawag naman ang aking kasama" Nagtataka ako kung bakit hindi na lamang sabihin ni Tia ang nombre ng kasama niya ngayon, nagulat ako pagpasok ng panauhing kasama niya

"A-amelia?!" Lubos akong natutuwa dahil nakita kong muli si Amelia, kung inyong matatandaan, si Amelia ay ang ayudante ni Tia Adela na sumama saamin sa paglibot sa mga lawa ng San Pablo, Laguna.

"Amelia, kumusta ka na? kay tagal na nating hindi nagkita, masaya ako't kasama ka ni Tia Adela dito at makakadalo ka sa kasal ko ngayong araw" Niyakap ko si Amelia ng mahigpit at ganoon din siya

"Masaya po akong makita kang ikakasal ngayong araw Señora, ipapanalangin ko ang magandang buhay magasawa po ninyo" Nginitian ko siya at ganoon din siya, pagkatapos naming magayos ay sumakay na kami ng kalesa, nasa kabilang kalesa sila Tia Adela at Amelia, kasama ko naman si Rosalinda at Leonor dito sa loob, nginitian ako ni Leonor at hinawakan sa kamay

"Ikakasal ka nang muli ate, lagi mong tatandaan ate na narito lang kami para saiyo, mahal na mahal ka namin ate" Nginitian ko siya at hinawakan din ang kamay niya

"Mahal na mahal ko din kayo, huwag kayong mag alala, sisiguraduhin kong magkakaroon pa rin tayo ng oras para sa isa't isa" Nagtawanan nalang kami sa loob, dumungaw ako sa labas ng Kalesa at pinagmasdan ang mga nadadaanan naming mga bahay at damuhan.

"Ginoo, maaari po ba muna tayong dumaan saaming casa, medyo maaga pa naman po" Nagulat sila Leonor sa sinabi ko sa Kutsero

"S-sige po binibini" Tugon saakin ng kutsero, nag-iba kami ng daan dahil tutungo kami sa aming casa. Mga ilang minuto din ay nakarating kami sa aming casa, hindi pa din ito nagbabago, kung paano namin ito iniwan noon ay ganoon pa rin siya, maliban lamang sa aming hardin, puno na ito ng mga damong ligaw at mga baging, hindi na ito naalagaan hindi kagaya noong narito pa kami, gusto ko sanang bumaba ng kalesa upang makiusap sa mga guardia na nagbabantay na kung maaari kaming papasukin sa loob ng casa kaso lamang ay pinigilan ako ni Leonor at siya ang bumaba sa kalesa, nakipagusap siya sa mga guardia at sa kabutihang palad ay pinayagan kami ngunit binigyan kami ng palugit na ilang minute lamang kami maaaring mamalagi sa loob pag lumagpas ng nasabing minuto ay mapipilitan daw silang paalisin kami at kaladkarin palabas, sinangayunan namin ang nasabing patakaran. Pumasok kami sa loob dala ang kalesa, hindi ako basta basta pinapaba ni Leonor dahil baka daw madumihan ang suot ko. Pagpasok sa loob ay inalalayan ako nila Leonor at Rosalinda, iniangat ni Rosalinda ang suot kong belo at sa palda naman ay si Leonor. Pumasok kami sa loob ng casa at namangha dahil hindi ito nagalaw, walang kahit anong bahid ng sira sa loob, madumi nga lang dahil wala nang naglilinis at nagaayos dito pero ito kung paano namin siya iniwan noon ay ganoon pa rin siya ngayon, naglakad kami papunta sa may pinintang retrato naming pamilya, pinagmasdan namin iyon ni Leonor habang magkahawak kamay.

"Kay tagal na din pala nating hindi nakapasok dito, nakakalungkot lang dahil hindi na natin ito maayos at malinis pero laking pasasalamat ko dahil hindi nila sinira o ginalaw ang mga kagamitan dito sa loob ng casa"

"Oo nga ate, mabuti na lamang, pero bakit ganoon ate, nacuculpabe ako (naguguilty) dahil hindi natin naibalik sa atin ang sarili nating pamamahay, ang casang pinaghirapan ng ating mga ninuno, ang casang nagbuo saating pagkatao."

"Mama y papa, narito kami ngayon, patawarin niyo po kami kung hindi namin nabawi ang casa pero susubukan po naming mabawi muli ito, gagawin po namin ang lahat sa abot n gaming makakaya ni Leonor, mama y papa, sayang lamang ay wala kayo dito para makita at makasama sa mismong araw ng kasal ko pero ayos lamang dahil alam kong narito lang kayo saaming tabi at alam namin ni Leonor na hindi ninyo kami papabayaan" Napangiti kaming dalawa ni Leonor at pinagmasdan muli ang retrato sa harap namin. Natahimik kaming dalawa ni Leonor at napagpasiyahang mag alay ng dasal.

"Tapos na ang oras, maaari na kayong umalis" Pagsingit ng guardia, napalingon kami sakaniya at tumango, sinabayan niya kami palabas ng casa, dahan dahan kaming lumabas dahil ninamnam namin ang bawat sandaling narito kami sa casa, parang may kung anong mabigat sa pakiramdam ko ang humihila saakin na manatili na lamang ako dito sa casa pero dahil anong oras na din ay kailangan na naming umalis ng casa at dumiretso sa kasal. Pagpasok sa loob ng kalesa ay hinawakan kong muli ang kamay ni Leonor

"Bakit ate? Mayroon bang bumabagabag sa iyong isip?" Ngintian ko siya at hinawakan kong mahigpit ang kamay niya

"Leonor, ipangako mo saakin na kahit anong mangyari ay gagawin mo ang lahat upang mabawi ang casa natin" Nginitian niya ako at hinawakan sa kamay

"Huwag kang magalala ate, pinapangako ko na kahit anong mangyari ay gagawin ko ang lahat para mabawi ang casa natin" Nginitian ko siya at niyakap

"Sa totoo lang ay lubos akong nagpapasalamat na ikaw ang kapatid ko Leonor" Tinapik niya ako at niyakap ng mahigpit

"Ako rin ate, lubos din akong nagpapasalamat sa Dios na ikaw ang naging ate ko" Nagtawanan kaming dalawa ni Leonor

"Sa totoo lamang ay naluluha ako Leonor" Napaalis si Leonor mula sa pagkakayakap saakin

"Eh? Huwag! Huwag kang luluha at mabubura ang kolorete mo sa mukha" Saway niya saakin, natatawa ako sakaniya ngayon dahil sobra siya kung magsaway saakin, puno ng kwentuhan at tawanan ang loob ng kalesa, pati si Rosalinda ay sinasali din namin sa usapan dahil nararamdaman naming kanina pa siya tahimik.

Iglesia de San Francisco

Ito na. Narito na kami sa tapat ng simbahan. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, kaba, tuwa at halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Bago ako magumpisang maglakad ay lumapit muna saakin si Tia Adela at tinanong kung saan kami nagtungo dahil bigla daw kaming nawala sa likuran, sinabi ko naman sakaniya ang dahilan, absuelto naman ako kaagad sakaniya. Hindi ko alam pero bakit ganito, parang may iba akong nararamdaman ngayong araw, siguro dala na rin ng kaba dahil dahan dahan na akong naglalakad. Isang hakbang, pangalawa, pangatlo. Ito na, nasa tapat na ako ng puerta ng Iglesia de San Francisco. Dahan dahang bumukas ang pintuan ng simbahan, nakatingin silang lahat saakin, hinihintay ako ni Samuel, nakangiti siya saakin. Siya ang maghahatid saakin sa altar dahil wala na si papa. Natatanaw ko na si Padre Azul sa gitna kasama ang ilang sacristan, nasa may altar na din si Ethan at ang mga padrino. Naguumpisa nang maglakad ang mga dama de honor (bridesmaid) kasama ang mga pares nila, ang madrina de honor (matron of honor) naman ang sumunod, sunod naman ay ang portador del anillo, napakaguapong bata dala niya ang singsing namin, suot at ginamit pa rin namin ang sing sing na ibinigay ni Padre Azul, iba ang dala niyang singsing dahil iyon ang binili ni Ethan para sa kasal pero hindi namin tinanggal ni Ethan ang singsing na ibinigay ni Padre Azel saaming mga daliri. Sumunod naman ang mga niña de las flores, na nagsaboy ng mga bulaklak sa pasarela ng simbahan. Sunod naman kaming dalawa ni Samuel, nasa kaliwa nakaposisyon si Samuel at nakakapit ako sa kanang braso niya alinsunod na din sa puesto dapat ng papa kung narito siya ngayon.

"Ikakasal ka na ulit ate, lubos akong natutuwa at nahanap mong muli ang magpapasaya saiyo" Bulong saakin ni Samuel, nginitian ko naman siya

"Salamat Samuel, maraming salamat bunso namin, lagi niyong tatandaan ni Leonor na mahal na mahal ko kayong dalawa" Napangiti naman si Samuel at tumingin ng diretso. Napatingin ako kay Ethan na kanina pa nakatingin saakin, bakas sakaniyang mukha at mga mata ang galak, nagulat ako ng biglang may luhang tumulo sa mga mata ni Ethan habang papalapit na kami ni Samuel sakaniya, patuloy na pumapatak ang luha sa mga mata ni Ethan habang pilit niya itong pinupunasan at nginingitian niya ako, napangiti naman ako at mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Nang makarating kami sa may altar ay ipapasa na ako ni Samuel kay Ethan pero bago iyon ay niyakap ko muna si Samuel, ngumiti naman siya at tinapik ako at saka pinasa kay Ethan

"Mahalin mo ang ate ko" Pagsingit niya bago niya ako tuluyang ibigay kay Ethan, napangiti naman si Ethan at tumango.

"You're beautiful, I love you" Bulong niya saakin, napangiti naman ako, humarap na kami kay Padre Azul na nakangiti habang nakatingin saaming dalawa. Napatahimik kaming lahat ng biglang bumukas ang pintuan ng simbahan, napalingon kaming lahat sa may pintuan. Nakakabinging ingay ang maririnig sa buong simbahan, isang putok ng baril ang gumawa ng ingay. Nagulat at napasigaw ang lahat ng biglang tumumba si Ethan, nanlaki ang mga mata ko at biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko, natigil ako sa puesto ko at hindi ako makakilos. Mas lalong nagkagulo ang lahat ng isang putok ulit ng baril ang gumawa ng ingay sa loob ng simbahan. Nanginig ang buong katawan ko at nagulat ko ng mayroong dugong lumalabas sa may braso ko, napaluhod ako at nanginginig ang buong katawan ko, nilapitan ko si Ethan na nakahiga sa sahig. Nagsisitakbuhan palabas ng simbahan ang mga taong dumalo. Hinawakan ko sa mukha si Ethan, pinipilit niyang mag salita kaya nilapit ko ang sarili ko sakaniya.

"I-I love you Esperanza" Dali daling tumulo ang luha sa mga mata ko na nagpabalik sa ulirat ko

"E-ethan! Hindi! Ethan!" Hinawakan ni Ethan ang kamay ko ng mahigpit at inulit niya muli ang sinabi niya

"I-I love you, u-until we meet again" Dahan dahang nagsara ang mga mata ni Ethan na mas lalong nagpaluha saakin, gustong kumawala ng puso ko, gusto kong magwala pero bigla akong nahinto sa puesto ko ng makita kong dahan dahang bumitaw mula sa pagkakakapit ng mga kamay ko si Ethan. Isang putok muli ng baril ang dumagundong sa buong simbahan, ito ang dahilan na tuluyan akong bumagsak sa sahig ng simbahan pero bago ako bumagsak ay nakita ko kung sino ang bumaril saamin, hindi ko lubos maisip na magagawa niya ito saamin, hindi ko lubos maisip. "B-bakit?" Iyan na lamang ang nasabi ko. Kaya mas lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata, nakita kong pinilit agawin ni Samuel ang baril sakaniya, tinulungan siya ng ilan pang kalalakihan. Pinilit kong mas lumapit pa kay Ethan, hinawi ko ang buhok niya.

"M-mahal na mahal kita E-ethan, u-until w-we meet again" humiga ako sa dibdib niya at hinawakan ang kaniyang kamay, napansin kong may kakaiba sa singsing na ibinigay saamin ni Padre Azul, lumiliwanag ito. Dahan dahan na ding lumalabo ang paningin ko, narinig ko na lamang na tinatawag nila Leonor ang aking pangalan

"Ate Esperanza! Ate Esperanza! Ate!"

"Esperanza! Esperanza!"

"Esperanza!"

YEAR 2018

"Ate Esperanza, Ate"

"Esperanza! Esperanza!"

"H-hindi, h-hindi, hindi, Hindi!" Biglang nagising si Elyca, hingal na hingal siya. Tinignan niya ang alarm clock sa gilid ng kama niya

"It's 3 o'clock in the morning, OMG! a nightmare but why? I don't get it, E-esperanza? Who is she and what kind of name is that?" Humiga ulit si Elyca at nagtaklob ng kumot at sinubukang matulog muli pero hindi siya basta basta makatulog dahil sa napanaginipan niya, kaya ilang oras din siyang nagpaikot ikot sa kama.

"Ma'am gising na po, late na po kayo, Ma'am"

"Hmm, ano ba"

"Ma'am gising na po, late na po kayo ma'am"

"Ano ba?!" Napaurong ang katulong nila Elyca ng sinigawan siya nito

"M-ma'am late na po kayo, kanina pa po kayo ginigising ng mama niyo po pero hindi po kayo gumising kaya dumiretso na po sila ng opisina"

"What?! OMG! Yaya! Bakit naman hindi mo ako ginising ng mas maaga, ano ba yan, tumabi ka nga diyan! Nakakainis ka naman eh!" Tumabi sa may gilid ang katulong ni Elyca at napayuko lang siya. Nagmadaling pumunta sa C.R si Elyca . . . . . . . . . . . ITUTULOY

And take, take her to the moon for me

Take her like you promised me

Say you love her every time like how you told me the last time

Someday I know we'll meet again

In heaven by the rainbow's end

And I only wish you happiness

Until we meet again~

Take her to the moon for me

By Moira Dela Torre