Chereads / Your Eyes. / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 9: Manliligaw Sana

Kailan ba ako huling nag grocery? Walang laman yung fridge at yung cabinet ko dito sa condo. Puro asin, paminta, at betsin ang laman ng bahay ko.

"Mom? Pumunta ba kayo dito 2 months ago? Walang pagkain sa condo ko." I called.

"No, Mag grocery ka nalang. Sige na kausap namin yung doctor ng kapatid mo."

"Fine, Love you, Bye!" I ended the call.

I changed my office attire to a casual one. I wore my black leggings, white cropped top, and my white sneakers. Bagets pumorma diba?

I drove to the nearest grocery store in my neighborhood. I parked my car and carried the eco bags that I brought today.

I grabbed half kilo of chicken thighs, vegetables, and eggs. Tinanong ko dun sa isang lalaki kung saan ang mga inumin. Tinuro niya ang #10. Kumuha ako ng powdered juices, can of soft drinks, and alcohol. Beer, specifically.

I was about to go to the section where chips are but I bumped a man. Nabasag ko yung itlog niya!!

"Miss, Can you watch out where you're going?" The man shouted.

"Sorry po, Hindi ko sinasadya."

"What's happening here?" Singit ng babaeng kasama niya.

"I didn't see him coming, I'm sorry." I added.

"Binasag mo yung itlog ng boyfriend ko!!" Sigaw niya na ikinatawag ng pansin ng mga tao sa paligid.

"Look, I really didn't mean it, but if you'll excuse me. I have no time to have an argument with you."

Wala talaga akong oras sa mga taong tulad niya noh, scandalosang bruha. Lagi nalang ba akong mapapahamak dahil may nababangga ako? O baka talagang hindi sila nag iingat?

Nagbayad na ako at ginamit ang credit card ko. Nagmadali na akong umalis dahil bibili pa ako ng dinner.

"Table for how many ma'am?" Tanong ng waitress.

"Mag t-take out lang."

"One glass of white wine please." I ordered while waiting.

Then while drinking, A man asked if he could sit down. Na-realize ko si Lewis pala yun. Nag beso ako sa kanya. Pinaupo ko naman siya.

"I saw you came in at the door so I decided to chat with you."

"I know it's been months since the last time we went out together." I remarked.

"How are you though?" He asked.

"I'm good, Work is so stressful these days. How about you?"

"Okay lang, eto medyo busy kasi Resident Doctor na, Tsaka mas marami ng pasyente compared dati."

Dumating na yung order ko habang nag-uusap kami ni Lewis, pero nagpaalam na rin ako dahil pagod din ako kanina.

"I think I have to go, may dala rin kasi akong grocery." Paalam ko.

"Oh okay, Ingat ka. See you soon!"

Kinuha ko na ang paper bag na naglalaman ng dala kong pagkain.

Dalawang putahe lang ang binili ko dahil hindi ko rin naman mauubos lahat ito.

Mabilis akong nakabalik sa condo dahil walang traffic. Umakyat ako sa unit ko at inunang inayos ang grocery na binili ko kanina.

Excited na ako kumain. While eating I turned the tv on and watched my favorite nighttime shows. Kumuha na rin ako ng isang can ng beer. Who said beer doesn't match dinner? No one so no one can stop meeee.

After eating, I immediately washed the dishes, took a bath, and wore my pajamas.

Humiga na ako sa higaan ko at nagpatuloy sa panonood ng tv. My phone rang "tut-turunun"

Unknown Number:

You sleep well, alright? I hope to meet you one day. Goodnight :)

Sino kaya tong nag tetext na to? Ilang bese na to nagtetext sakin eh. Hindi ko ata nabanggit sa inyo na hindi lang iyon ang unang beses na nagtext ang number na yun.

Oh well! I need my time off dahil may pasok uli tomorrow. Sana ma-grant na ni Mr. Singleton ang request ko for other shift, balak ko sana mag on-call nalang, Para pag may misyon lang ako pupunta kasi wala din naman pinapagawa sa akin sa office.

Dinalaw na ako ng antok, boom bagsak na ang lola niyo. Ang sarap sarap na ng tulog ko, lalo na yung poging nasa panaginip ko. Eh nagising ako ng di oras dahil sa tumatawag sa cellphone ko.

"Hello?" Inis kong sagot.

"Babe." Sagot niya.

"Hoy! Lintik ka kung sino ka man wag na wag kang papakita sa akin kung ayaw mo na balatan kita gamit ang nail cutter. Istorbo ka sa taong natutulog at nananahimik! Buwisit!!" Sigaw ko at ibinababa agad ang tawag.

Lokong yun! Malaman ko lang talaga kung sino yung nanloloko na yon sa akin. Matitikman niya ang bagsik ni Serenity Williams.

Napatingin tuloy ako sa orasan, 2:39 am na! Nasayang ang ilang minuto ko sa tao na yun.

Ipinikit ko agad ang mga mata ko at mabilis na bumalik sa pagtulog.

I have 5 hours to sleep, but I was woken up by my alarm once again.

I opened my eyes slowly and yawned loudly. I stood up and wore my slippers and went to the kitchen to cook my breakfast.

I made cheese omelette and fried rice for my breakfast. I also made my own coffee with my coffee maker and called my mom.

"Hi Mom, Good Morning. How's Andrew doing? Makakauwi na ba kayo?" I asked Mom.

"Hi Baby, He's okay now tsaka mas masigla na siya compared nung Monday. How about you? Nakapag ayos ka na ba for work?"

"Yes mom, Kumakain ako ngayon ng breakfast. Tawag nalang po ako uli mamaya, Bye Mommy! Love you" Paalam ko.

Tinapos ko na ang kinakain at hinugasan ang mga pinagkainan ko at nagsimula na mag-ayos.

Ginanahan ako mag makeup ngayong araw kaya naglagay ako ng foundation, powder, blush on, mascara, at lipstick. Hindi lang talaga ako marunong mag kilay.

Naglakad na ako patungo sa elevator para makababa. I called Samantha while on the way down.

"Sabay tayo pumasok?" Pag-aaya ko sa kanya.

"Sorry, Serena, Pinadala ako ni Mr. Singleton sa misyon. May pinapahanap siyang tao sa akin, kasama ko nga si Rico at Paolo"

"Ahhh, Sige sige, Mag iingat kayo diyan ah."

"Hi, Serena!" Dinig ko sa kabilang linya.

"Hoy! Dalawang lalaki dyan behave kayo at gawin niyo ng maayos yan. Ingatan niyo si Samantha" Paalala ko.

"Narinig niyo yon? Ha? Ingatan niyo daw ako gets mo??" Dinig kong sigaw ni Samantha.

"Nako! Sige na mauuna na ako. Mag dadrive na ako. Bye!"

Binuhay ko ang sasakyan ko para makaalis na ako at sinimulan na pa-andarin ang sasakyan ko.

Habang nasa stoplight, Nakuha ang atensyon ko ng mga batang nagbebenta ng sampaguita at nanlilimos sa kalsada. Nalulungkot ako sa tuwing nakikita ko silang nabababad sa initan.

Kumatok ang isang bata at pinagbuksan ko ito, binigay ko ang dala kong biscuit sa kanya.

Nagpatuloy na ako sa pagmamaneho at binuksan ang radyo. Hindi ko namalayan na nasa opisina na pala ako at nag park.

Pagbaba ko ng sasakyan ay nakabangga ko ang isang lalaki. Ayan na naman tayo, May nababangga na naman ako. Agad akong nag sorry at nakita ko na si Adam pala.

"Uy! Mag-iingat ka nga ha, Napapa-away ka pag may nababangga eh." Paalala niya.

"Oo, Sorry." Pasensya ko.

"Sabay na tayo? Kaso bibili pa ako ng coffee dyan sa cafe."

"Ah sige, Sama nalang ako. Bibili din ako ng coffee at sandwich." Kain ako ng kain, Baka tumaba na ako neto.

Sabay kami lumabas ng parking at pumunta sa cafe na malapit sa opisina.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at pina-una akong pumasok sa loob. Inilagay ko na muna ang bag ko sa isang table at nag-order na. Wala pang tao sa loob kaya mukhang kaka-bukas palang nila.

"Good Morning, Ma'am! May I have your order?" Tanong ng babae sa cashier.

"Hi, I'll get one Caramel Macchiato Venti and One Clubhouse Sandwich, No onions." Order ko.

"Sabay mo na yung sayo." Sabi ko sakanya.

"Miss, One Caramel Macchiato and Tuna Sandwich." He smiled.

"Would that be all?" The cashier asked.

"Yes" I responded.

"That would be 424 pesos. What name by the way?"

I was about to give my credit card but he gave his card first.

"My treat." He smiled.

Umupo na kami at naghintay sa order namin.

"Oo nga pala, May gagawin ka ba mamaya?" Tanong niya.

"Dadaanan ko lang yung kapatid ko tapos wala na. Why?"

"Dinner tayo." Nahihiya niyang pag-sambit.

"Sure, Samahan mo muna ako sa ospital bago tayo umalis."

"Okay, Gusto ko rin makita yung kapatid mo. Naaalala ko rin kasi yung kapatid ko sa kanya, Kaya nag-aalala din ako."

"Ahh, Sige. Tsaka iuuwi ko yung sasakyan ko."

Tinawag na ang pangalan ni Adam at siya na ang kumuha ng order namin. Naglakad na rin kami pabalik sa office at kinain ang mga dala namin habang naglalakad.

"About what happened in Mexico, I didn't mean to kiss you when I fell down." Finally! Na open-up ko na yung issue na yun.

"Ako nga dapat ang mag sorry because I kissed you back. I know medyo nakaka offend yun."

"Let's forget it na lang" I laughed.

Nauna na ako sa office at na-print ko na ang report ko regarding my last mission, Ipapasa ko na rin ito maya maya.

"Good Morning, Sir!" Bati ko.

"Oh, Come in, Ms. Williams."

"Sir, Eto na po yung report ko."

Inabot ko sa kanya ang isang folder na naglalaman ng mga isinulat ko.

"Good, Ms. Williams. I have good news for you."

Ano kaya yun? Buti alaws bad news, noh? Sana good talaga.

"Ano po yun?"

"Regarding your request on changing your shift, I will grant it to you today."

Uy! Seryoso ba? Finally! Magiging on-call nalang ako.

"Thank You, Sir."

"That's because nakuha natin ang license to work for the Mexican Government and You were promoted. Isa ka na sa mga most-valued agents in our company."

"Thank You, Sir."

"You may now go for today, You don't have to finish this day."

Nagpaalam na ako at lumabas na abot-tainga ang ngiti. Kinikilig ako ng di ko alam ang dahilan. Finally matututukan ko na ang iba kong pinagkaka-abalahan.

Bumalik na ako sa opisina ko at inayos na ang table ko. Tinawagan ko agad sila Mommy at Daddy para ihatid ang balita.

Nung lumabas na ako ng opisina ay tinanong ng mga kasama ko kung saan ako pupunta, Ang sabi ko lang ay on-call na ako pero babalik din ako tuwing kailangan nila ng tulong ko. I'll miss this office, Kala mo naman nag resign HAHAHAHA.

Adam went to me and asked about the dinner later. I told him that i'll wait for him at my condo because I still have to run some errands. He told me that he still wants to visit my brother and I said that after he pick me up at the condo, we'll go straight to the hospital.

I went back to my condo and immediately called my assistant, Ate Vera. She's in charge of our charity activities. Kapag wala akong ginagawa sumasama sa isang NGO na pumupunta sa mga malalayong probinsya at mountains na hindi na naaabot ng kuryente.

I also help in Health-Related Works, dahil natapos ako ng General Medicine so kapag walang trabaho, eto ang ginagawa ko. Nobody knows that I've been doing this because this is something that I want to keep and also being an agent.

"Ate Vera, Can you text me kung saan ang next Charity Works natin? Kasi mas may time na ako for this."

"Sige text ko sayo or email ko nalang yung Calendar of Activities natin for this month."

I also cooked my lunch and I made my own version of burger patty. It's always fun to make your own food. My mom usually cooks this one when I was still living in our house.

I ate alone while watching my favorite noontime shows and finished my lunch. I was washing the dishes when Samantha called me. She asked about my day and I also shared that i'm no longer office-based. She also wanted to go to a bar with me once she gets home.

Unknown Number:

Hello, Ms. Williams. I'll pick you up at 6:00 pm. See you!

Oh well! Akala ko yung lintik na pangbasag araw na naman yung nag text buti nalang hindi. Napagdesisyunan ko na matulog nalang buong hapon para makapag beauty rest ako.

Nagising ako ng 5pm at nagsimula na mag-ayos. Kinuha ko ang aking Little Black Dress at ang kulay puti ko na heels pero mababa lang ito mga 4 inch lang. Nag blower ako ng buhok at finally yung binigay sa akin ni Zia na pang-kulot ng buhok ay nagamit ko na. Nanonood ako ng video habang nagkukulot.

Nag-makeup din ako at surprise! Nag red lipstick ang lola mo! Pero di naman ako mukhang pukpukin sa itsura ko kasi yung pula ng labi ko hindi naman putok na putok, Parang reddish coral lang yung shade.

Sana naman maganda ako sa itsura ko ngayon kasi naghanda talaga ako para dito. Tsaka ayaw ko naman mapahiya kay Adam na mukha akong haggard.

Nag video call kami ni Samantha at kinuwento na lalabas kaming dalawa ni Adam. Tulad ng inaasahan niyo, Oo rinig na rinig ko na naman ang matinig niyang boses at ayun kinikilig ang bruha.

"Huy! Kalma ka lang at baka atakihin ka dyan HAHAHA."

"Balitaan mo ako, Babaita. Tsaka ang ganda ng ayos mo ha. Hindi ka mukhang problemado ngayon at in fact, Blooming ka. Baka mamaya si Adam na pala ang matagal mo ng hinahanap. Tatlong buwan na rin kayong magkatrabaho."

"Nako! I'm not hoping, mahirap umasa at mag expect. Hayaan mo darating din yun."

Binaba ko na ang tawag at inayos ko na ang kwarto ko at naghintay sa salas ng condo ko. Nag text si Adam na nasa baba na siya at dali-dali ko kinandado ang buong unit. Mahirap na baka pasukin ako eh!

Pinuri ako ng mga nakakasalubong ko at nakakatuwa yun. Ibig sabihin, maganda talaga ang ayos ko. Pagkababa ko ng elevator ay naka-abang na agad si Adam sa pintuan ng lobby.

Lumapit na ako sa kanya dahil nahihiya akong pinaghintay ko siya dito sa baba. He is wearing his denim long sleeves shirt, washed jeans, and brown top sider shoes.

"You look beautiful, Ms. Williams." Puri niya sa akin.

I admit he is handsome with his pompadour haircut. Nakatingin ang mga tao sa aming dalawa. Medyo naiilang ako dahil ngayon lang ako tinignan ng mga tao ng ganto. Sana wala akong dumi sa mukha.

"Thank You, Ikaw din, You look handsome."

"Shall we go?" I nodded yes and went to his car pero iba ang dala niya ngayon. It has two doors as well but different brand and color.

He opened the car door for me and sat down in the passenger seat.

Sumakay na rin siya sasakyan at nagulat ako dahil bigla siyang lumapit ng bahagya sa akin. Shit! Hahalikan niya ata ako, Pinikit ko ang mga mata ko dahil kinabahan bigla ako pero dinilat ko ito at nakitang inayos niya ang seat belt ko. Myghad! Nakakahiya wooooooh!

"Let's visit your brother first at the hospital."

Tahimik namin binaybay ang daan patungo sa ospital. Nang nakarating na kami sa ospital ay sinabihan niya akong antayin siya dahil sabay daw kaming aakyat.

Hindi naman ako ganun katagal naghintay dahil bumalik din siya agad.

"Let's go?" He asked.

Habang naglalakad kami papunta sa kwarto ng kapatid ko ay pinag-titinginan kami ng mga tao sa paligid. Kumakalabog ang dibdib ko kahit wala ako nun pero hoy! Meron naman actually.

Pagkapasok namin sa kwarto ay halatang gulat na gulat sila Mommy at Daddy sa itsura namin.

"Oh? Saan ang party?" Pabirong tanong ni Daddy.

"Dad, Walang party. Dumaan muna kami dito bago kami mag dinner ni Adam."

"Ang ganda naman ng anak kong babae. You look just like your mom when we first dated" Dad complimented.

"Anak, Ang ganda ganda mo. And this man beside you, Ano mo ba talaga siya?" Tanong ni Mommy.

"Ah, Kaibig—" Putol ni Adam.

"Manliligaw po sana ako." Singit niya.

Pota! Nawindang ako sa sinabi niya, Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko eh. Kikiligin, magugulat, matatakot, o kakabahan hindi ko alam! Nabasa ko ang mukha nila Mommy at Daddy na halatang gulat rin sa sinabi niya.

"Ate? May kuya na ako?" Tanong ni Andrew.

"Yes, Kung papayag ang Mommy at Daddy mo and especially your Ate." Adam answered instead of me.

"Seryoso ka ba sa anak ko?" Seryoso na tanong ni Daddy.

"Yes Sir, I can prove it in a way you want me to, if you want." He answered.

"Yes, I want you to prove it to me. Are you free tomorrow?" Tanong ni Daddy.

"Yes Sir, I am." Sagot ni Adam.

"Good, This is my calling card. Text me your phone number. I want to talk to you in person tomorrow."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang tatlong nag-uusap. Gusto niya ako ligawan? I'm so freaking thrilled for that. Wala pang nagkakamali este nagkaka lakas ng loob manligaw sa akin.

Nilapitan ko nalang ang kapatid ko at tinanong kung kamusta na siya.

"I'm going home tomorrow, Ate. I miss you, Kailan ba tayo pupunta sa Pizza Plaza uli?"

"Aww, I miss you too baby. Soon, once na nakita ko na okay ka na and you're makulit again."

Tinawag ako ni Mommy at sinabing kailangan na namin tumuloy ni Adam sa lakad namin. I'm excited.

"Mag-iingat kayong dalawa. Be careful in driving, Mr. Richardson. Have fun tonight!"

"Enjoy, Baby! Take care of our daughter, Adam." Pakiusap ni Mommy.

Hinalikan ko sila Mommy, Daddy, and Andrew sa pisngi bago umalis at si Adam naman ay nakipag-kamay kila Mommy at Daddy, Nag-apir naman siya kay Andrew.

"Ano yun? Seryoso ka ba? Ha?" Agad kong tanong paglabas.

"May seryoso ba na hindi nagpapakilala sa magulang ng nililigawan nila?" Pilosopong sagot niya.

"So, Seryoso ka nga?" Tanong ko uli.

"Ang kulit mo buti nalang maganda ka. Yes, I like you."

Kinikilig ako inside out pati ung laman loob ko kinikilig. Yung paru-paro sa tiyan ko hindi mapakali pati na rin yung alaga kong sawa sa sikmura na dahilan ng pagiging matakaw ko. This is the first time na kinilig ako ng ganito and kay Adam pa.

Inantay ko siyang muli sa lobby. Sana may mangyari sa akin na magpapatunay na hindi ako nananaginip. Sana totoo ang lahat ng ito, Sana ito na talaga yun.

Lumabas na ako ng pintuan pero pinag-buksan ko muna ang isang matanda pero nabagsak yung pintuan, Naipit yung kamay ko!!!

"Ouch, Shit ang sakit!!" Daing ko.

"Okay ka lang? Do you need help?" Adam asked.

"It's okay, Kaya ko naman." Kahit nakakaiyak ang sakit go lang.

Sumakay na ako sa sasakyan at tinanong kung saan kami pupunta. He only smiled and I trusted him.

This is one of the nights that i'll never forget. One of the nights that made my heart completely hopeful again. A night that I hope will never end. A night that I will spend with this man beside me.

I opened the stereo and the song Photograph by Ed Sheeran. Kumakanta siya pero kahit mahina ay naririnig ko pa rin ang boses niya. Habang kumakanta siya ay tumingin siya sa akin. His light blue eyes and attractive lips caught my shining eyes. He is perfect.