Chereads / Your Eyes. / Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 9 - Chapter 8

Buhay Walang Jowa

"Ano ba kasi nangyari kagabi?"

Pambungad na salita ni Samantha.

Para siyang Principal, Tuwing nagpapaalala siya sa akin. May pambungad na pananalita tuwing may program? Joke. Labs ko yan.

"24 ka na po, Ate. Turuan kita mag-ayos ng maayos sa sarili ah. Kaya ka walang jowa teh!" Ani Samantha.

"Di ko kailangan ng jowa, TEH."

Oo, Emphasis sa T-E-H! Maganda naman ako kahit lipstick lang eh.

"Oo na, Alam ko, Maganda ka kahit walang makeup. Pero, Ayaw mo ba ng bago? Malay mo pag nag ayos ka, Dumating na si Mr. Gwapong Maginoo Pero Medyo Bastos"

Sa bagay, May point siya. Pero paano ko sisimulan? Ang drop-like-a-hot-potato makeover?

"Tutulungan kita at sisimulan natin yan ngayong umaga."

"Sam, Alam mo ba anong oras palang? 6:00 palang at may isang oras pa ako para matulog. 8:30 pa pasok natin sa opisina. Please? Patulugin mo muna ako. 1:30 na ako ng umaga nakatulog."

Pakiusap ko kay Samantha.

"Sige, Patulog nalang din ako or Kain nalang ako sa baba ah" Paalam niya.

"Sige lang, Feel at home." Sabay balik sa tulog.

Hindi nagtagal nagising na rin ako dahil sa ingay, Hindi galing sa alarm ah! Pero galing sa bibig ng kaibigan ko na si Sam.

Nang nagising ako sa ikalawang beses, Na-realize ko na babalik na ako sa dating gawi.

Magigising ako, Kakain ng almusal, Maliligo, Magbibihis, Mag-aayos, at Papasok sa trabaho.

"Nandito ka pa rin?" Agad kong tanong kay Samantha.

"Yes! Of course! Nandito pa rin ako noh!" She answered.

Naka-bihis na ako ng pang-opisina. I'm back and wearing my black skinny trousers and tucked in my white button-down shirt.

"Let's go? Bili nalang ako ng breakfast sa cafe malapit sa office."

Tawag ko kay Sam na nanonood pa ng tv.

Binigyan ko ng buhay ang sasakyan kong nanahimik ng tatlong buwan dahil hindi naman ako umalis dahil baldado ako ng dalawang buwan.

"Bet na bet ko talaga itong sasakyan mo, Maalaga ka talaga."

Puri niya sa sasakyan ko.

"Hindi ako bumili nito, Bigay lang sakin nila Mommy at Daddy nung natapos ako mag MedSchool. Naalala ko naman yung mga tinuro sa akin bago nangyari yung aksidente eh. Hindi ko lang talaga alam kung ano ba talagang nangyari." Kwento ko.

"Hmm, Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin.

"Oo naman, Ako pa ba?" Biro kong sagot.

Pero sa totoo lang, Nakakapagtaka na wala man lang akong maalala tungkol sa lovelife ko at kung paano nangyari ang aksidente.

"Nakapagpa follow-up check up ka na ba uli sa doctor mo?" Tanong niya.

"This week na, Wednesday daw sabi ni Mommy." Sagot ko.

Nakarating na rin kami sa favorite cafe namin ni Sam. Nag order ako ng Venti na Cafe Latte at Ham and Cheese Sandwich.

"Ikaw? Ano gusto mo?" Tanong ko sakanya.

"Libre mo?"   niyang sagot.

"Oo, Lagi naman, Sabihin mo na anong gusto mo HAHAHA."

Pagkatapos noon ay sa sasakyan na kami kumain habang papunta sa opisina. Binuksan ko ang radyo para magising kami lalo.

"Balita ko nag bar ka daw kagabi ah?

"Ah, Oo. Kasama ko mga College Friends ko."

"Paano mo nalaman?" Pagtataka kong tanong.

"Nakita ko sa FB mo, Naka tag ka. Sino pala yung lalaking naka blue na long sleeves?"

Inalala ko muna kung sino ang naka suot ng blue na long sleeves kagabi. Ah! Naalala ko na.

"Si Lewis yun, Bakit?" Tanong ko uli.

"W-Wala" Mahinhinh sagot niya.

"Hmm, Okay. Nandito na tayo, Gusto mo na ba mauna sa taas? Magpapark pa kasi ako."

"Sabay nalang tayo." Ngiti niya.

Pagkatapos ko magpark kinuha ko ang balot ng sandwich na kinain ko kanina at tinapon ito sa basurahan.

Ayaw ko kaya mag littering!

We took the elevator para mas mabilis maka akyat. Baka pag inakyat namin ang 15th Floor, Akalain nilang pauwi na ang mga fes namin!

Binuksan ni Samantha ang pintuan at laking gulat ko nang sumigaw sila ng "Welcome Back, Ms. Serena". Wow! Bonggacious ang pa-welcome ni Mayor! Charot.

"Uy! Salamat sa inyong lahat! Namiss ko kayo." Pasasalamat ko.

Kinamusta nila hanggang sa makarating ako sa opisina ko. Nang nakaupo na ako ay inubos ko na ang kape na binili ko kanina.

Tinapos ko na rin ang mga trabaho ko na naiwan two months ago.

"Good Morning, Ms. Williams. Pinapatawag po kayo ni Mr. Singleton" Katok ng sekretarya.

"Okay, I'll be there in few."

Inayos ko ang damit ko at kumatok na sa pintuan ng kataas-taasang boss namin at pumasok ng bahagya.

"Good Morning po, Sir!" I greeted with a smile.

"Welcome back, Ms. Williams. Now that you're back, I will be needing your report regarding your last mission. I'm giving you two days."

"Okay sir, Right away."

Pagkatapos non ay lumabas na ako ng kwarto at habang naglalakad ako papunta ng opisina ko ay inikot ko ang mata ko sa paligid ko. Bakit kaya wala pa si Adam?

Hmm, Baka may hangover pa o kaya puyat. Sakto pipihitin ko palang ang hawakan ng pinto narinig ko ang pangalan ko na tinatawag.

"Ms. Williams! Kamusta ka na?"

Pangangamusta ni Adam.

"O-Okay naman ako, Ikaw? Nakapagpahinga ka ba?" Tanong ko.

"Oo, Nakatulog naman ako. Pero medyo na-late lang ako. Kasi napasarap ata ako ng tulog."

"Okay lang yun, Ako nalang bahala sayo mamayang lunch, libre ko dahil hinatid mo ako kagabi. Antayin mo ko sa lobby ah."

"Sabi mo yan ah! Sige na punta muna ako sa area ko." Paalam niya.

Bumalik na rin ako sa opisina ko at ginawa na ang report. It consists of 5 pages of long bond paper lang naman tsaka nga pala back to back. Daig pa sa parusa ng mga high school teacher mo kapag late ka sa klase.

Mula alas-nueve hanggang alas-onse ng umaga, yun lang ang ginawa ko. Wala na kong masabi. Pajulet-julet nalang ata mga pinagsasabi ko. Bahala na mema pasa nalang nang matapos na.

Tinignan ko ang orasan at lunch break na. Kinuha ko na ang bag ko at ang susi ng sasakyan ko. Nauna na akong bumaba para kunin ang sasakyan ko.

Bumusina ako nung nakita ko si Adam sa lobby at binuksan ko ang

bintana para makita niya ako.

"Big time, huh?" Biro niya.

"Hindi rin, Bigay lang to." Sagot ko.

"So saan tayo?" Tanong niya.

"Ikaw? San mo ba gusto?"

"Turo ko sayo yung daan."

"Hoy Lalaki! Baka naman kung san mo ako dalhin ha? Ako mismo sasapak at bubugbog sayo!" Biro ko.

"No way! Basta ikaliwa mo dyan. Tapos diretso lang then kanan ka." Turo niya.

"Saan na ba to?"

"Ayan! Dyan dyan! Park ka na dyan!" Turo niya sa isang parking area.

Nag park ako sa may parteng may puno para hindi mainitan ang sasakyan, Arte ba? Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Simple lang yung lugar ng restaurant, hindi siya magara pero malinis ang paligid at mukhang matagal na itong nandito dahil sa dami ng kumakain.

Binasa ko ang pangalan ng restaurant.

"Rene's Kambingan at Ihawan"

"Okay lang ba sayo kung dito tayo kakain? Baka may gusto kang iba?" Agad niyang tinanong nung nakaupo na kami.

"Oo naman, Libre ko kaya order ka lang."

Tinignan ko ang menu, Puro pala

Putok-Batok ang pagkain dito. Pero okay lang, nandito yung paborito kong pagkain.

"Boss, Isang order ng Adobong Kambing, Isang pork sisig, at Isang plain rice. Ikaw, Serena?"

"Ahh, Ako isang order ng lechon kawali, dalawang stick ng isaw ng baboy, isang garlic rice"

"Yun lang po ba?" Tanong ng waiter.

"Samahan mo na ng isang Coke In Can, Ikaw Adam?"

"Sige isang Coke in Can din."

"Okay ma'am, 10-15 minutes po waiting time. Salamat po."

Halatang gulat na naman yung lalaki na to sa akin. May mali ba sa order ko? Onti ba yun masyado?

Nag check muna ako ng phone kung may text messages or missed calls na naman ako.

Daddy:

Serenity dalawin mo yung kapatid mo mamaya dito sa ospital ah pag-uwi mo. Tsaka mag usap tayo mamaya. Aalis muna ako kasi may meeting sa opisina. Mommy mo lang at si Manang Tina ang nandun.

Ang haba ah, Ganyan talaga si Daddy mag text. Kala mo talaga mauubusan ng load kaya pinagsisiksikan ang messages sa isang text lang. Naka postpaid naman. Nakakaloka.

Ayan na! Ihhhhhh! Dumating na ang foods and it does look good.

"Salamat kuya, Ay! Wait! Pahingi naman ako ng sarsa tsaka sili." Pakiusap ko sa waiter.

Bumalik din ito agad at sinimulan ko na ang labanan. Gutom na ako at excited na lumamon.

Ang sarap ng kain ko sa lechon kawali pati nung isaw, ilang taon na rin nung huli akong nakakain neto eh, Pinagbawalan kasi ako nila Mommy. Lam mo na! Healthy eating daw sila.

"Hey! Take it slow, Hindi ka mauubusan. May 30 minutes pa bago matapos ang breaktime natin." Paalala ni Adam.

"May mali ba? Kanina ka pa nakatingin sakin eh."

"Eh kasi naman, Mas marami ka pa kumain sa akin. Lalo na nung nasa Mexico tayo. Yung pisngi mo puputok na oh."

"Hoy! Kahit lumamon ako dito ng sampung plato ng crispy pata, Hindi ako tataba. Nababawi yan ng pag exercise at diet noh!"

"Diet? Nag da-diet ka pa sa lagay na yan?"

"Gugu ka ba? Ikaw magbayad nito ah!" Asar ko pa.

"Oh, oh. Joke lang yon, Dalian mo na para makabalik tayo agad sa opisina."

Tinapos ko na ang pagkain at nagpaalam na pumunta ng banyo. Shet! Puputok na ung pantalon ko sa akin. Tinanggal ko na ung belt ko nang makahinga na ako ng maluwag. Ang sakit shockers!

Nag-suklay ako kasi you know, napasarap ang kain ko. Nag toothbrush din ako. Naglagay ng pulbo at lipgloss. Paglabas ko nandun na si Adam sa sasakyan.

"May 15 minutes pa tayo bago matapos yung breaktime. San tayo?" Tanong ko habang nagmamaneho.

"Lakad tayo. Dyan oh, may park malapit sa office. Gusto mo?"

"Tara, Park lang ako tapos lakad nalang tayo papunta dun."

Sakto lang naman ang bilis ng pagpapatakbo ko sa sasakyan eh nakakainis yung nasa harapan namin, ang kupad.

"Hey hey hey hey! Dahan dahan ka nga magmaneho. Serenity, Watch out!" Kabadong pagkasabi ni Adam.

"Calm down, Hindi tayo mababangga at nag overtake lang ako, parang paggong kasi yung nasa harapan natin eh."

"May balak ka bang mangarera?"

"Wala naman, Bakit?"

"Ang bilis mo magpatakbo eh. Daig mo pa ata mga lalaki magmaneho eh."

"Tulad moooooo?"

"Hmm?" Tumaas ang kilay niya.

I chuckled a bit and focused my eye on the road. Until we arrived at the parking area near our office.

"Wait for me here."

Matapos ko mag park ay naglakad na ako papunta sa pinag-iwanan ko kay Adam. Hinanap ko siya sa paligid pero wala siya eh. San kaya nagpunta yung lokong yun?

"Ms. Williams!"

Nakita ko ang mokong na yun na may dalang dalawang cups ng kape.

"Here, for you." Inabot niya ang isa.

"Thanks, dito nalang tayo sa lobby. Mainit kasi masyado sa labas." I suggested.

"Sure, Dun nalang tayo sa cafe."

He pulled the chair for me and let me sit down. I grabbed my cup of coffee and took a sip.

"Mas gusto ko yung mga coffee na matatapang, In fact tuwing mag oorder ako ng coffee, I always request to add another shot of espresso. What's the point of drinking coffee if you can't even taste it?" I remarked.

"Well that's true but don't you think that sometimes we need a little sugar or sweetness in our life?" He responded.

"You should try the Caramel Macchiato or just the Cold Brewed Coffee." I suggested.

"We should go back to the office." He added.

Sumakay na kami ng elevator para mapabilis ang akyat namin. This guy beside me is seriously cheesy.

Mas babae pa siya sakin but hindi naman siya bakla. Believe me, Mga bes! Habang papa-akyat ang elevator tumunog yung phone ko, Si Samantha nag text.

Samantha:

Psst! Asan kang bruha ka? Bakit mo ako iniwan dito? Akala ko ba ako lang? Ako lang ang kasama mo mag lunch?

Hindi talaga mabubuo ang buhay mo at ang araw mo kapag wala kang kaibigan tulad neto. Baliw pero nakakatuwa, Kahit na para siyang rifle o paputok na ang tunog ay "ratatatatatatat", masaya ako na naging kaibigan ko ang bruhang babaeng ito.

"Hiramin ko muna yung kaibigan ko saglit ah." Agad na bungad ni Samantha pagkabalik ko ng opisina.

Tinanong niya ko kung bakit daw kami magkasama ni Adam ngayon, Bakit ko siya kailangan ilibre, Bakit ko siya kasama kagabi. Simple lang naman ang sagot ko.

"Habang nag- aabang ako ng taxi, napadaan siya, eh wala akong masakyan edi sumabay ako."

Walang buhay kong sagot.

"Ah okay. Balik na tayo sa trabaho." She replied.

Okay back to work! Work, work, work! Kailangan matapos yung report na ito in 2 days and I couldn't think of any words to say.

Sana pinadala nalang uli ako sa misyon ayoko sa lahat yung mag rereport. Puro sulat sulat wala namang masulat.

Tulalang tulala na ako sa papel na to. Isang oras na ang nakalipas pero ang nadagdag lang sa nagawa ko ay ang ikatlong pahina.

"Pumasok kami sa loob ng bahay tapos sa basement kami dumaan. Nakita ko yung katawan ng isang patay, sako ng droga, at kung ano-anong armas."

"Nahuli kami paglabas ng basement tapos nahiwalay kami ng partner ko."

"Nandun siya sa isang kwarto ako naman nasa isang kwarto din"

"Sinapak ko yung isa, sinapak niya ko, nag-sapakan kami."

Wala ng laman ang utak ko. Ay shet! Meron bang utak? Charing! Dahil nga nakakabobo ang gantong trabaho, mas gugustuhin ko ang makipagsapakan kaysa magsulat.

At last, The work is over. Makakauwi na ako.

"Serena, Sama ka? May Dinner kami ngayon." Pag-aaya sa akin ng isang workmate ko.

"Maybe next time, Kailangan ko pa kasi puntahan brother ko sa hospital."

"Tut-turunun!" Sabi ng phone.

Unknown number:

Ingat ka pag uwi ah. Mamahalin pa kasi kita eh.

Sira! Wrong send lang tong ugok na to. O kaya nang-ttrip lang yung taong to. Bakit ako pa napagtripan neto? Wag kang papakita sa akin.

Sana may mag text sa akin ng ganto pero sana manliligaw ko na. Kahit sabihin mo na masaya ka kahit mag-isa ka, May parte pa rin sa buhay mo na parang may kulang. At yung tao lang na yun ang makakapuna. Holding hands everywhere, Fine kisses around, and sweet lovers out there.

Nakakalungkot maging single.