Chereads / Your Eyes. / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

I miss you.

Nagulat ako sa ingay na gumising sakin, Ingay na pinasaya ang araw ko kahit kasisimula pa lang.

"Oy! Gising na! Nandito na ang Serena and Friends." Gising sa akin ng kaibigan kong si Kelsey.

"Oo na, Eto na oh" Tawa ko.

Pagtayo ko ay nakaramdam ako ng yakap mula sa likod ko. Tinignan ko ang mukhang nakapatong sa kaliwang balikat ko.

"Hey! Si Lewis lang pala! Hahaha."

Kinamusta nila akong lima, Naalala ko dalawang buwan na rin pala ang nakalipas simula noong nakabalik ako mula Mexico.

Walang tigil yung tanong nila sa akin daig pa ata nila si Tito Boy Abunda sa pag interview nila sakin.

"Gaano ka ba katagal dun?" Tanong ni Camryn.

"6 days lang ako nagtagal dun, diba nabaril ako?" Sagot ko.

"Oo nga pero, Okay ka na? Yung binti mo?" Singit ni Zia.

"Oo nga! Ang kulit! Gusto niyo labas tayo mamayang gabi? Bukas kasi babalik na ako sa trabaho. Para naman makapag-bonding tayo, ilang buwan na rin ah."

Pag-aaya ko sakanila.

Pumayag sila at niyaya ko na sila sa baba pero pinauna ko na sila para makapag-ayos naman ako.

Sinuklay ko ang buhok kong buhol-buhol at nag-toothbrush. Sinabay ko na rin ang paghilamos dahil sa muta sa mata ko.

"Oh, Dito ka na sa tabi namin ni Nico" Tawag sakin ni Zia.

Oo nga pala, Si Zia at si Nico ay mag-jowa. Mag-jowa at naglolokohan na ng 2 taon, Yun ang sabi nila ah pero maliban sa naglolokohan.

Kinain namin ang dinala nilang mga pagkain tapos nagkwentuhan kasama sila Mommy at Daddy pero umalis din sila agad kaya naiwan ako at ang mga kaibigan ko.

"Serena, Di na kami magtatagal ah, Magkita nalang tayo mamayang gabi. 9pm sa Crimson Lounge ah"

Paalala ni Kelsey.

"Yes! Sige kita-kits nalang mamaya ah. Ingat kayo pauwi!" Paalam ko.

Alas-onse na kaya naligo na ako, amoy nananakit na siguro ako.

Matapos ko maligo, humilata ako sa kama. Sabi ko sa sarili ko na huling araw na para mag-relax ako. Bukas babalik na ako sa realidad, sa trabaho ko. Binuksan ko na yung tv at nanood ng kung ano-anong cartoons nang biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Ma'am, Nandyan po si Andrew sa baba.. Hinahanap po kayo"

Anong ginagawa ng kapatid ko ng tanghaling tapat eh dapat nasa school siya ngayon eh.

Pagbaba ko ay agad kong nilapitan si Andrew. "Huy! Paano ka nakauwi? May pasok ka diba?" Alalang tanong ko sakanya.

"Eh, Ma'am, Hinatid po ng school bus niya, Nilalagnat daw po." Sagot ng maid namin.

Hinipo ko ang leeg at noo ng kapatid ko, Ang init nga niya. Dinala ko agad siya sa kwarto niya at binuksan ang aircon. Ganun kasi ang ginagawa sa akin ni mommy.

"Manang, Paki kuha mo naman ako ng palanggana at sponge para mapunasan ko siya." Utos ko sa maid namin.

"Ate, Dito ka lang muna please."

Pakiusap sa akin ni Andrew.

"Oo, dito lang ako. Pero kailangan muna kita punasan tsaka palitan ng damit ah. Para pagkatapos kakain ka at iinom ng gamot, Okay?" Bilin ko sakanya.

Tumango naman ito at ginawa ko na ang dapat kong gawin sa kapatid ko. Ni-check ko ung temperature niya at pagkatapos ng dalawang minuto. Hala! 38.4

Pagkatapos niya uminom ng gamot pinahiga ko na siya para makapagpahinga. Binantayan ko siya pero nainggit ako sa himbing ng tulog niya kaya sinabayan ko na.

Ang sarap kaya ng tulog ko pero biglang may gumising sa akin, Si Mommy.

"Nak, 7:45 na. Diba may lakad kayo ng mga kaibigan mo?"

"Ay! Oo nga pala. Sige po mag-aayos na ako, Kayo na po bahala kay Andrew." Bilin ko kay Mommy.

Pumunta agad ako sa kwarto ko para maligo at mag-ayos. Namili ako ng susuotin ko kasi naalala ko minsan mapang-husga ang mga tao sa bar kaya kailangan pa ng bonggacious na damit.

Kinuha ko ang kulay maroon ko na bistida. Naka strapless akong bra, Kasi off shoulder yung dress ko. Magugulat sila pag nakita nila akong nagsuot ng dress dahil nasanay na ata sila sa akin na nakasuot lang ng pantalon at t-shirt.

Nag-ayos naman ako ng aking pagmumukha, Naglagay ako ng makeup pero medyo kinapalan ko na para di na uli ako maglagay mamaya. Foundation, lipstick na nude, kilay, at blush on.

Pumili na din ako ng bag, Ang naalala kong sabi nila Zia sa akin dati, Pag mga bar ang pupuntahan mo dapat ang bag mo hindi bulky so pinili ko ung kulay gold ko na shoulder bag.

Yung sapatos ko naman, Ang gagamitin ko ay ang bigay sa akin ni Mommy na White Pumps.

Oh ayan na! Tinignan ko ung itsura ko sa salamin. Hindi kaya ako mukhang tanga sa suot ko? Psh, Bahala na nga.

"Ma, Pa, Alis na po ako" Paalam ko.

"Wow! My 24-year old daughter is wearing a dress and heels? You look so lovely, Serenity" Mom complimented.

"Thanks, Mom." I replied with a smile.

"Pag may nanligaw sayo, Anak, Hmp! Dadaan muna sila sa unang lalaking minahal mo. Ako yun!" Banta ni Daddy.

"Nako sige na po, 8:30 na, Baka ma-traffic po ako papunta."

"Pahatid ka na sa driver, Delikado mag drive pag gabi na" Dad suggested.

Pumayag ako at nagpaalam na pumunta na sa labas para antayin yung driver. Pero hinalikan ko muna sila Mommy at Daddy sa pisngi bago umalis.

"Ma'am, San po tayo?" Tanong ni Mang Pio.

"Sa Crimson Lounge po, Mang Pio"

Mga 30 minutes nakarating na kami dahil medyo traffic ng gantong oras at bumili pa ako ng regalo para kay Nico kasi nabalitaan ko sa FB na tanggap siya sa isang malaking kumpanya sa Singapore, Isa pala siyang Arkitekto.

"Mang Pio, Mag isa nalang po ako uuwi mamaya o kaya text nalang po kita kung magpapasundo ako"

"Sige po, Ma'am Serena"

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 9:15 pm na pala. Pinapasok naman agad ako dahil kilala si Lewis dito, Tito kasi niya ang may-ari ng club na ito.

Nang makapasok ako ng club, Malalakas na tugtugin ang bumungad sa tainga ko at Makukulay na ilaw na gumagalaw ang nakita ng mga mata ko. Hinanap ko ang mga kaibigan ko at agad ko naman sila nakita dahil hindi pa gaanong matao.

"Sorry late ako, Medyo traffic kasi kanina nung umalis ako."

"Okay lang, Kararating lang din naman namin pero nag-order na kami kanina pa. Tawagin ko yung waiter para maka-order ka na rin"

Sagot ni Kelsey.

"Isang glass ng Cosmopolitan at French Fries" Order ko sa waiter.

Huling dumating si Lewis dahil galing pa siya ng meeting kanina.

Agad niya akong niyakap pati na rin ang iba pa naming kaibigan.

Unti-unti na rin dumadami ang tao sa club kaya umiingay na lalo.

Nang dumating na ang mga inumin namin, Nag cheers kami.

Nag-aya si Camryn sumayaw at pumayag naman kami. Lahat kami ay sabay-sabay pumunta sa dance floor dala ang aming mga sari-sariling sayaw, Kahit mukhang tanga kami, Masaya.

Mga 11pm na at marami na rin nainom sila Camryn at Nico. Nakaka tatlong baso na ata ako ng cocktail at isang shot ng tequila.

Medyo naging hype na rin kami dahil mas marami na kaming nainom. Nagpaalam muna ako pumunta sa bathroom dahil medyo nahihilo na ako sa ilaw at sa nainom ko.

"Aray!" Sambit ko nang may bumangga sa akin.

"Sorry, Miss. Okay ka lang ba?"

Tanong ng lalaki.

"Okay lang, Wait. A-Adam?"

Pagtataka ko.

"Serenity? Uy! Ikaw nga! Kamusta ka na?" Bati sakin.

"Eto, Okay na naman. Babalik na ako bukas, Ikaw? Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko.

"Ah, Birthday kasi ng kaibigan ko, Naimbitahan lang ako. Ikaw?" Pabalik na tanong niya.

"Nagkita lang kami magkakaibigan kasi bukas balik na rin ako sa trabaho, Kaya napag-isipan ko na magsaya"

"You look good, Ms. Williams."

"Weh? Di ka lang sanay makita akong naka bistida. HAHAHA"

"No, Seriously, You look really good tonight" He complimented.

"Thank You! By the way, I'll see you tomorrow at work."

Tumango ito at umalis na rin at ako naman pumasok na ako sa bathroom. Inayos ko yung buhok at biglang tumawag si Mang Pio.

Paglabas ko ng banyo, Binalikan ko uli sila Zia na nakaupo.

"Pagod na? Teka, Asan sila Kelsey at Camryn?" Pagtataka ko.

Tinuro niya sakin si Kelsey na may kasayaw na matangkad na lalaki.

Pati si Camryn, Sumasayaw kasama yung lalaking mukhang ugok.

"Can we dance?" Gulat ko nang may lumapit sa akin na lalaki.

"No, Thanks." Matabang kong sagot.

Hinatak niya ako sa dance floor, Masyadong malakas ang pwersa niya kaya hindi ko matanggal ang kamay niya. Sinubukan ako hatakin ni Zia pero hindi rin niya kaya.

"Let me go! Leave me alone, You freaking jerk!!" I shouted.

Hindi siya nagpatinag at nagsimulang hawakan ako sa baywang at sumayaw siya. Mukhang tanga siya dahil ang sabog niyang tignan.

"Sumayaw ka na kasi!" Pilit niya.

Nang nakahanap ako ng tyempo, Tumakbo ako at hinatak parin niya ako. Hindi ko na napigilang sipain siya sa pinaka-iniingatang yaman niya. Binigyan ko siya ng suntok sa kaliwang pisngi niya.

Nakatingin na ang mga tao sa akin, Agad naman lumapit ang mga bouncer pati sina Nico at Lewis.

"Serena, Ano nangyari dito?" Lewis asked confusingly.

"Binastos ako ng g*gong yan eh!!"

"What? Get him out of here." Utos niya sa mga bouncer.

"Sorry, Serena, Hindi ka namin napagtanggol, Galing kasi kami sa sasakyan may kinuha lang" Pasensya ni Nico.

"Hindi, Okay lang. Kaya ko naman protektahan sarili ko." Ngumiti ako sa kanilang dalawa.

Pagbalik namin sa upuan namin ay nagsimula mag-talak si Zia.

"Hoy! Lalaki! San ka galing? Nagkakagulo na kaming lahat dito kanina tapos binastos pa yung kaibigan natin tapos wala ka?! San ka ba galing ha?" Binunganga ni Zia.

"Babe, Galing lang ako sa sasakyan, May kinuha tsaka napalabas na yung lalaki na yon"

Sagot ni Nico.

Halos tawanan namin sila palagi tuwing nag-aaway dahil si Nico pag nagsasalita si Zia para siyang batang napagalitan ng nanay.

Nakita kong umilaw yung phone ko, May nagtext.

Mommy:

Nak, Si Andrew dinala namin sa ospital. Hindi bumababa yung lagnat niya.

Shit! No! Kailangan ko na umuwi. Pero paano ako uuwi kung kasama nila si Mang Pio? Nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na ako.

Naghintay ako ng taxi sa labas pero walang dumadaan. Shocks! Pano ko makakuwi nito? Mga 10 minutes na rin ako nag-hihintay na may taxi na dumaan. May dumaan pero may sakay naman, Yung iba namimili ng pasahero.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpapara ng taxi nang may tumigil na Jaguar na sasakyan na kulay gray at bagong bago.

"Need a ride?" Tanong sakin ng lalaki pagbukas ng bintana.

Namukhaan ko agad yung lalaki na si Mr. Adam Richardson. Yayamanin ang peg ng lalaking ito.

Pero agad akong sumakay sa sasakyan niya nang malaman ko na siya iyon.

"So, Saan tayo?" Tanong niya.

Tinawagan ko si Mommy at sabi niya nasa ospital along Fairview. Isa lang ang ospital na malapit sa amin, Kaya agad kong tinuro kay Adam ang daan.

"What happened?" He asked while driving.

"Si Andrew, Yung bunso namin. Inaapoy ng lagnat, Hindi daw bumababa kaya tinakbo sa ospital." Nag-aalalang sagot ko.

"Okay, Eto na ata yun."

Turo niya sa building sa harapan namin.

Walang traffic kaya mabilis kami nakarating sa Fairview.

Lalabas na sana ako ng sasakyan pero tinawag ni Adam ang pangngalan ko.

"Teka, I'll go with you."

Inantay ko siya at agad naman siya bumalik dahil nag park siya. Tumakbo kami papunta sa nurse station. Wala na akong pakielam kung naka-takong pa ako basta makarating agad ako sa kapatid ko.

"Miss, Kay Andrew Williams" Agad kong tanong sa nurse.

"Room 2452 po, Ma'am." Turo niya.

Pumunta agad kami sa kwarto na sinabi niya at nang mahanap na namin yun ay pumasok na ako pati si Adam.

"Dad, Anong nangyari? Kamusta si Andrew?" Bungad ko kay Daddy.

"He's okay na, Anak. May dengue siya pero Thank, God, Naagapan kaya hindi siya severe." Si Mommy ang sumagot.

Nakahinga ako ng maluwang nung narinig ko iyon. Nilapitan ko ang kapatid ko at hinalikan sa noo. Kahit may sakit siya, Pogi parin ang kapatid ko.

"Ako naman ang magtatanong, Who's with you, Serenity?" Dad asked.

Sasagutin ko na yung tanong niya pero nagpakilala bigla si Adam.

"Good Morning, Sir. I'm Adam Richardson, Serenity's partner at work and kaibigan din po niya ako." Pakilala ni Adam.

"Are you sure na kaibigan ka lang? Hindi ka-ibigan?" Matigas na tanong muli ni Dad.

"Dad, Hindi." Singit ko.

"I'm not talking to you, lady." Sagot ni Daddy.

Okay, Fine! Mananahimik na lang ako bahala kayo mag-usap dyan. UGH! Di ko nga syota or jowa yan.

W-O-R-K-M-A-T-E KO YAN!

"Yes, Sir. We're only friends. Wala po namamagitan between the two of us." He replied.

"See? I told you, Dad!, Kulit mo talaga ehh!" Asar ko kay Daddy.

"Robert, Wag mo naman takutin yung mga bata. Aamin yan, Once na sure na sila." Singit ni Mommy.

Shit! Pati ba naman si Mommy? Naubusan na ba talaga ako ng kakampi? Ha? Pag Nanay at Tatay talaga nang-asar, Wala tayong takas. Wooooooh! What a nice day!

Mga 15 minutes na akong nandito, Tinignan ko uli ang oras 12:30 am na pala. Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko.

"Serena, Wear this. Malamig dito."

Adam offered his jacket.

"Thank You, Adam."

"Nak, May pasok ka na bukas, Hindi ba?" Tanong ni Daddy.

"Yes, Dad." I replied.

"Magpahinga ka na, Kami na bahala kay Andrew. Balitaan ka nalang namin bukas." Utos ni Mommy.

"Okay po, I'll just commute. I can call carpool." Paalam ko.

"No! Magpahatid ka nalang. Dyan oh, Sa makisig na lalaking katabi mo ngayon." Turo ni Daddy.

"Ako po ba iyon?" Tanong ni Adam na natawa ako.

"Wala ng iba." Ngiti ni Daddy.

Napakamot nalang ako ng ulo. Hoy! Wala akong kuto ah. Naloloka ang beauty ng lola mo dahil dito.

"Is it okay, Hijo? Babae ang anak namin. Okay lang ba kung ihatid mo nalang siya sa bahay?" Pakiusap ni Mommy.

"Sure, Ma'am. I will drive your daughter home." Sagot ni Adam habang nakatingin sa akin. Pero umiwas naman ako ng tingin.

Bago ako umalis, Kinausap ko muna si Andrew.

"Baby Bro? Magpagaling ka ah. Babalik nalang ako tomorrow kasi may work ako. I love you."

He nodded and gave me a kiss on the cheek. Then I said goodbye to Mom and Dad.

We took the elevator kasi nananakit na yung paa kong ilang oras ng suot ang lintik na high heels na ito. Ewan ko ba kung bat pa ko nag heels. Ahh, Oo nga pala dahil judgemental ang mga tao sa club.

I waited for Adam at the lobby. Until I heard a beep, I walked to his car. He opened the door for me.

Nilakasan ko ang aircon ng sasakyan, Naiinitan ako dahil siguro sa nainom ko. Naramdaman ko na rin ang hilo dahil sa alak.

"Hindi ka ba uminom?" Tanong ko.

"Nakainom." Sagot niya.

"Eh ilan? Parang walang tama?"

Tanong ko uli.

"Pito." Pa-yabang niyang sagit.

"Weh? Pito? Pitong baso?" Biro ko sakanya.

"Pitong bote ng beer"

"Alam mo? We should have a session kahit tayong dalawa lang.

Tignan natin sino matibay." Pag-aaya ko sakanya.

"Sige ba! Hahaha." Pagpayag niya.

Tinuro ko sa kanya ang daan papunta sa amin. Mga 10 minutes lang nakarating na rin kami sa bahay. Malapit lang naman yung hospital sa bahay namin.

Hindi ko na siya pinababa para pagbuksan ako ng pintuan pero nung binuksan ko na ang pinto para bumama, Hinawakan niya ang kamay ko.

"I miss you." He winked.

I smiled at him.

"Thank You, I'll see you tomorrow"

I waved goodbye and said goodnight.

"Goodnight, Ms. Williams."

Pumasok na ako sa loob at sinalubong ako ng maid namin.

"Ma'am, Kumain na po kayo?"

Tanong ni Manang Rina.

"Paki-handaan nalang po ako ng cup noodles. Okay na po yun sa akin."

Agad naman siyang pumunta sa kusina at ako umakyat na muna sa kwarto ko. Tinanggal ang heels ko at inilagay sa shoe rack ko. Naligo na rin ako at nagpalit ng damit.

Dinala nalang ni Manang sa kwarto yung pagkain ko at yung juice. Pagtapos ko kumain ay nag toothbrush na ako.

Humiga agad ako at napa-hikab.

Binuksan ang lampshade sa tabi ko. Pinikit ang mga mata ko.

I miss you too.