Chereads / Unpredicted Stories / Chapter 12 - -JOJOWAIN O TOTROPAHIN?-

Chapter 12 - -JOJOWAIN O TOTROPAHIN?-

"Okay class hndi daw makakapasok sa'tin si Ma'am dahil may meeting sila"

"KYAHHHHH"

"Party party!!!"

Kan'ya kan'yang sigawan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ng president namin. Yung iba todo cellphone at yung iba naman todo ang pagmamake-up

"Guys laro tayo para hindi boring!" aya ni Raiko

"Laro? Ano ka? Bata?" angal ko naman

"Ang KJ mo naman Cassy! Tara game tayo! Anong laro ba Raiko?" singit naman ni Chii

"Hmmm... yung katulad sa JaMill! Jojowain o totropahin! Tayo tayo lang!" pumwesto naman ang mga kaklase ko ng pabilog

"Sino unang tatanungin? Paikot ba?" tanong uli ni Chii

"Spin the bottle nalang, parang truth or dare pero yung 'jojowain o totropahin' yung tanong" suggestion ko at tumingin naman sakin si Raiko

"Oh akala ko ba pangbata lang 'to? Bakit ka sasali?"

"Baket? May sinabi ba akong hindi ako sasali? Usog nga d'yan at ako ang unang mag-iikot" tinulak ko s'ya at pumwesto sa kabilang side

Inikot ko ang bote at tumapat ito kay Marga at Jeric

Si Marga ang nagtanong kay Jeric

"Anong gagawin mo kay Chii? Totropahin o Jojowain?"

May gusto kase si Jeric kay Chii

"Syempre Jojowain"

"AYIEEEEEEEEEEE"

Ilang minuto pa ang lumipas ng tumapat kay Raiko at sa akin ang bote, sa akin tumapat ang pinakailalim ng bote at sa kanya naman ang ibabaw kaya ako ang magtatanong sa kaniya

"Ako? Totropahin mo ako Jojowain?" lakas loob kong tanong sa kaniya

May gusto kase ako sa kanya kaya lagi ko s'yang kinokontra tuwing may sasabihin s'ya para mapansin n'ya ako

"Wow ang tapang!"

"Sagot na Raiko! Ang tagal!"

ilang saglit pa ay sumagot na si Raiko

"Totropahin"

Halos mahulog ang puso ko sa narinig ko

"AWWWWWWW"

Ang sakit mga pren!

Nanginginig ang kamay ko ng kunin ko muli ang bote para sana ikutin ng dagdagan pa ni Raiko ang sinabi n'ya

"Syempre sa ngayon totropahin lang muna kita para makapaghanda ka, pero bukas wala ng ligaw-ligaw

JOJOWAIN NA KITA"

------