Chereads / Unpredicted Stories / Chapter 13 - -E P I C P I C T U R E S-

Chapter 13 - -E P I C P I C T U R E S-

"Raiko, pinapatawag ka ni Ma'am Anne sa Office nya" Sabi ko kay Raiko

"Ha?Bakit daw?" Tanong naman nito na hindi manlang nag abalang lingunin ako dahil nagcecellphone s'ya

"Tungkol ata sa Soccer game nyo"sagot ko nalang at umupo na sa silya ko

Pagkaupo ko ay inilabas ko ang notebook ko para sagutan ang mga notes ko na hindi ko nasagutan kahapon

----------

Pag kauwi ko ay nag online agad ako para kuhanin yung files na sinend ng kaklase ko daw sa GC namin

Pagkabukas ko ng messenger ay sinave ko agad yung files, ibback ko na sana pero naagaw ang atensyon ko

Yung shared photos...

May nakita akong epic pictures doon at binuksan ito

Puro epic pictures ko kanina nung nagsasagot ako ng assignment,mukha akong timang dito

Punyetaaaa sino kaya nagpicture neto?tapos sinend pa sa GC!!

Nagbackread ako sa lagbabakasakaling makita ko kung sino yung nagsend pero isang oras na akong nag sscroll hindi ko padin makita kaya nang mapagod ako ay sumuko narin ako at naglog out

Malaman ko lang kung sino ka patay ka saken...

---------

"Guys wala si Sir connect na kayo sa TV tapos patugtog kayo!"Sabi ng kaklase ko

"Oo nga!para naman hindi boring!"Sabi din ng isa

"Ako nalang magpapatugtog guys"Sabat naman ni Raiko kaya kinonnect nya yung CP nya sa TV at nagpatugtog na

Maya maya ay may dumating na dalawang lalaki at tinawag si Raiko, sa pagkakatanda ko ay kasamahan nya ito sa Soccer, dahil nga sa nakaconnect yung cellphone nya sa TV ay pinahawak nya muna ito sa isa sa mga kaklase ko habang ako ay nagbasa na lamang ng libro

Oo nga pala, mas matanda ako sa kanila ng dalawang taon dahil sa nagstop ako ng pag aaral dahil sa problema sa pamilya tapos ngayun bumalik ulit ako dahil okay na yung lahat

Nasa kalagitnaaan ako ng pagbabasa ng makarinig ako ng matinding tawanan agad akong napatingin sa tinitignan nila at nanlaki ang mata ko ng makita doon ang mga epic pictures ko na nakita ko kahapon sa messenger

"WHAHAHAHAHAHAHHAHAH"

"HAHAHAHAHAHAHAH EPIC AMP"

"HAHAHAHAHAHAHAHA MUKHA SYANG EWAN"

Nainis ako sa dahil sa lakas ng pagtawa nila kaya kinuha ko yung cellphone kung saan nakasave yung picture ko

Cellphone ni Raiko

Peste!sya pala yung nagpicture sakin kahapon...Tarantado ka humanda ka saken

"Oh bat kayo nagtatawanan"

Ayan na si Peste

"Hoy Tarantado! bakit mo ko pinicturan ng hindi ko alam?! Tapos nakita ko din to sa messenger!!Anong trip mo ha?! Anong ginawa ko sayo?!!!" galit na sabi ko dito

Gulat naman syang napatingin sa screen ng TV at saka ibinalik sakin ang tingin

"L-let me explain" sabi nito na halatang kinakabahan

"EXPLAIN? HA? PINAGTRIPAN MO YUNG PICTURE KO TAPOS EXPLAIN?!" galit ko paring sigaw dito pero maya maya ay may sumingit na kaklase ko

"Ah Cassy, hindi sya yung nagpicture sayo nyan, at hindi rin sya yung nagsend ng picture sa GC, ako may gawa nun.Sorry wag mo sya sisihin"

Dahil dito ay hindi ako nakapagreact agad, kung hindi sya yung nagpicture non,bakit may kopya sya sa cellphone nya?

Naagaw ang atensyon ko ng makarinig ako ng hiyawan at bilungan sa mga kaklase ko

"Woahhh"

"Ang perfect ng pagkakakuha"

"Puro mukha si Cassy yung laman"

"Oo nga tapos puro stolen pa"

Napalingon ako sa TV ng marinig ang bulungan na iyon

0_0 POTAENAAA...BAKIT PURO PICTURE KO NANDUN?

Iniscroll pa ng iniscroll ng kaklase ko yung gallery at puro litrato ko ang nandoon,shet puro Stolen

Nilipat ko ang tingin ko kay Raiko at nakita ko ang pag iwas ng mata sya sa mata ko at kitang kita ko rin ang pamumula nya

"AYIEEEE!!"

"LOVEWINNNNSSSSS!"

"MAY LIHIM KA PALA RAIKO AH!!"

Hiyawan ng kaklase ko kaya lalong nahiya si Raiko

"B-bakit puro picture ko yung cellphone mo?"Kinakabahang tanong ko

Hindi sya umimik ng ilang saglit pero sumagot naman sya

"May gusto kase ako sayo"Sabi nya kaya nagulat ako

"Ano?!" Tanong ko

"May gusto ako sayo, mula nung unang pasok mo palang sa room tinamaan na agad ako, kahit na mas matanda ka sakin ng ilang taon, nagustuhan parin kita kaya lagi kitang pinipicturan ng hindi mo alam,minsan sinusundan din kita tuwing umuuwi ka para malaman ko kung safe ka tuwing uuwi tapos yung picture na sinend sa GC sinave ko den kase nakyutan ako" Dirediretso nyang konpesyon na nakapagpanganga sakin

"Kaya ngayong alam mo na isa nalang ang masasabi ko" Dugtong nito

"Ano?" curious na tanong ko at ngumiti naman s'ya saka tumugon

"LILIGAWAN KITA SA AYAW MO AT SA GUSTO AT NGAYON MAGSISIMULA NA AKO"

**

Update every friday