"Shet Bro! May transferee sa kabilang section! Ang ganda!" Sabi ng kaibigan ko na si Keith pagtapos ay kinabig pa ako
"Eh ano ngayon?" Tanong ko, busy kase ako sa pagsusulat ng notes
"Sus! Pagkakataon mo na yun para magkagirlfriend! Ligawan mo na baka maunahan ka pa ng iba jan! Ganda pa naman " patuloy nya pa pero di ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagsusulat
"Hay nako ewan ko sayo puro ka pag aaral! Bahala ka nga jan maghahanap muna ako ng chixx!" Sabi nito saka umalis
Parang sira lang? maghahanap daw ng chixx? bakit di nalang yung babaeng sinasabi n'ya? Tsk tsk...
--------
Habang naglalakad ako papuntang library para magsauli ng libro ay may kumalabit sa akin
"Ah k-kuya?pwede po magtanong?" sabi nito,napatingin naman ako sa kanya,s'ya yung transferee sa kabilang room
Hmmm...Maganda s'ya.
"Sige, ano ba 'yon?" Tugon ko
"Saan po ba yung CR? 'di ko po alam kase kakatransfer ko lang po dito" Sabi nito at napa poker face naman ako at tinuro yung nasa likuran nya
"A-ah Hindi ko nakita,sige po salamat po" Sabi nito at namumulang pumunta sa CR na nasa likuran nya lang kanina
-,- 'di kase naghahanap ng maayos
Nang uwian ay kanya kanya ng nag siuwian ang mga kaklase namin, 'di na sila p'wedeng magtagal kase gabi na at baka mawalan sila ng masasakyan na sasakyan pauwi, gabi na kasi uwian namin
Ako nalang ang nasa room namin dahil may tinapos pa ako
Nang paalis na ako ay biglang namatay yung ilaw sa room, agad akong lumabas para tignan kung patay din sa iba
Patay nga...
block out...
Lalabas na sana ako ng building ng may mapansin akong kakaunting ilaw sa katabing room namin kaya pinuntahan ko 'to
"Sh*t nasaan na ba 'yon" dinig kong boses ng babae, dahil sa flashlight ng cellphone na hawak nya ay naaninag ko yung mukha nya
Sya yung bago...
"May problema ba?" tanong ko
"AY TIPAKLONG!" gulat na sigaw nito at napatalon pa -,-
"Bakit 'di kapa umuuwi?gabi na ah?may hinahanap ka?" tanong ko dito at tumango s'ya
"Ah Oo, yung cellphone ko kase dito makita" sabi nito
-,- Baliw ba 'to?
"Eh ano tawag d'yan sa pinanggagamit mo pang ilaw?" Tanong ko dito at nagulat naman s'ya ng marealized na iyon
"A-ah hawak ko pala hehe, 'di ko napansin, salamat"Sabi nito at saka umalis na halatang hiyang hiya
-,- Hay nako -,-
---------
Halos araw araw ata na makakasalubong o makakasama ko s'ya puro katangahan yung ginagawa nya -,-
Pero dahil din dun nacute-an ako sa kanya
Ewan ko kung bakit -,-
Basta, 'di kumpleto araw ko pag di ako tumatawa ng palihim pag may ginagawa s'yang katangahan
Dahil doon napapansin ko na lagi na akong nakatingin sa kanya,pati si Keith nakakahalata kaya kinakant'wan ako nito
"Nako Bro ayan ah! Iba na yan! Ligawan mo na!!!!" Sabi nito at nag ngiting aso pa -,- baliw
---------
"Ayusin mo ah!kailangan maganda yung pagtatanong mo ng "Can I court you?" Ah dapat ano dapat may effect!yung tipong magsslow motion yung paligid nya tapos tapos tapos sasagutin ka agad kahit kakatanong mo palang na pwede ba manligaw!ganun ah!!" paalala sakin ni Keith,tsk buang talaga
Sa ngayon kasalukuyan akong nag aantay kay Gray, may tinatapos pa kase sya sa Room nila,by the way half day lang yung klase ngayon dahil sa urgent meeting ng mga teachers
Ilang saglit lang ng paghihintay ay napangiti ako ng makita s'yang lumabas
"Gray!" tawag ko dito at lumingon naman s'ya sakin
"Oh A-azi?bakit di kapa umuuwi?" tanong nito sakin
"Ahh a-ano m-may sasabihin kase ako" kinakabahang sabi ko
"Talaga?ano yun?" Tanong n'ya muli
"Ah mamaya ko na sasabihin, samahan mo muna ako" Sabi ko sa kanya
"Huh? saan? bakit 'di mo pa sabihin ngayon?"Usisa nito
"Ah! basta! samahan mo nalang ako!"
--------
Halos isang oras ang biyahe at nakapunta na kami sa destinasyon namin, nandito kami ngayon sa isang park na tago, na diskubre ko sya nung mga oras na gusto kong mapag isa
"Wow,ang ganda dito" manghang sabi nya, totoo naman, medyo madami ang tao dito pero malawak naman
Pinasyal ko sya dito at ng nagkalakas na ako ng loob umamin ay hinarap ko sya sakin at tumingin sa mga mata nya
"Gray,Hmmm sasabihin ko na yung gusto kong sabihin sayo" panimula ko
"Sige,ano ba 'to parang kinakabahan naman ako sayo HAHA" sabi naman nya
"A-ano kase a-mmm...m-may gusto ako sayo" sabi ko dito at natahimik naman sya pero halata sa mukha nya ang pagkagulat
"Alam kong nakakabigla pero totoo,'di ko alam kung paano at kailan nagsimula pero naramdaman ko nalang nagusto kita" konpesyon ko sa kanya
"Ah-eh kase wala sa utak ko ang pag bboyfriend kase...magmamadre ako" nag echo sa tainga ko ang huling sinabi nya
"magmamadre ako"
"magmamadre ako"
"magmamadre ako"
WTH??Unang beses ko lang 'to umamin tapos rejected agad?
"Ah g-ganun ba? So hindi kita pwedeng ligawan?O-okay lang" malungkot na sabi ko pero di sya nagsalita
"Ah sandali lang ah,bibili lang ako ng makakain natin" sabi ko sa kanya at tumango naman sya
Wala sa sariling naglakad ako paalis at pumara ng jeep ata saka umuwi
Maya maya ay tumawag sakin si Keith para makahingi ng balita
"Oh ano bro?Naligawan mo na??Pinayagan ka?" Tanong nito
"Hindi nya ako pinayagan pero naligaw ko na"Sagot ko
"Hindi ka pinaya-WHAT THE F*CK??!NILIGAW MO?????!!!!!!"
Eh sa di nya ako pinayagan eh,atleast naligaw ko na sya *Smirks
** update every Friday