"Class dismissed"
Pagkasabing pagkasabing yun ng teacher namin ay tumayo na ako at nagmadaling lumabas ng room.
"OY MARK!CLEANERS KA!!!"
Bwisit amp pabibo masyado.
Nakabusangot akong bumalik ng room at kinuha yung walis at nagwalis ako ng bintana.
Ay sahig pala -,-
Sa amin nga di ako nagwawalis eh
Anim kaming cleaners, yung dalawa absent, yung dalawa nagpupunas ng bintana, yung isa nagbubura ng sulat sa board at ako naman ang pinagwalis.
Hays, buhay public nga naman
Nasa kalagitnaan na ako ng paglilinis ko ng may makita akong pera.
Lumingon muna ako kung may ibang nakakakita dito maliban sa akin pero wala, agad kong kinuha ito at nakita ko na dalawa itong magkatupi.
Uy wampepte. Nice Mark, ang swerte mo tsk tsk tsk.
Binulsa ko na ito at nakangiting nagpatuloy.
Bago ako umuwi ay pumunta muna ako ng tindahan para magpaload
"Paload nga po, regular 150" at saka ko inabot ang bayad
Tinanong sakin ang number ko at maya maya ay pumasok na ang load.
May pang ML na ako gaizZzz
Aalis na sana ako ng tinawag ako ng tindera
"Hoy bata!" Lumingon ako dito at sumagot
"Bakit po?" Tanong ko
"YUNG BINAYAD MO PLAY MONEY LANG!"
Nanlaki naman ang mata kong tinignan ang pera na hawak n'ya at nakita ko nga na may tatak iyon na "Play Money"
PotAAAAAAAAAAAAAA kaya pala medyo tumatawa mga kasama ko sa room kanina bago ako umalis
Yare sa'kin may pakana no'n.
**
Update every Friday