Chereads / Yesterday's dream / Chapter 1 - Chapter 1

Yesterday's dream

🇵🇭Sherry_Ann_Tallud
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 20.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

"Tiyak masaya ang araw ko ngayon! Ang ganda ng panaginip ko. The way he kiss and hug me means alot to me. How wonderful it is my baby!"

Panaginip palang yun pero napaka-perfect na ang araw ko. Isang lalaking hindi ko parin nakikita ang mukha pero laging dumadalaw sa panaginip ko. I really want to see him in per3son but how? Burado ang mukha niya pag inaalala ko na siya. Tanging ang marka lang sa braso niya ang naiiwan sa isip ko.

"Missy, bangon na dyan anak. Maaga ka ngayon para sa program niyo sa school" sabi ni mama habang na kanina pa pala kumakatok sa pintuan ng kwarto ko

Bumangon na nga ako at pinagbuksan siya ng pintuan sabay halik sa pisngi niya. Mas malambing ang mama ko sa akin kumpara sa mga kapatid ko dahil ako daw ang pinakamabait sa kanila. Patay na ang papa ko since Elementary pa ako. Army kasi siya and noong nagkaroon ng giyera isa siya sa napatay ng mga kalaban. It's not too easy for us sa pagkawala ni papa especially to mama.

Nag aaral ako sa isang unibersidad sa amin bilang isang freshman. I'm the second offspring of my mama and papa. Our eldest was Kuya Mike whom I admires the most because of his good attitude. Aside from being gentleman he is loyal and faithful also to his girlfriend. And one thing I want to my future boyfriend is to be like my kuya Mike.

May childhood bestfriend ako si Monique, very talented, with brain and beautiful. She was our valedictorian since Elementary tapos ako okay na sa akin kung papasa ako. I don't know, nagpapaturo naman ako sa kanya but still nasa huli parin ako. Maybe I was not destined to be like her.

"Hello Missy! I texted you last night pero dika nagreply." bungad ni Monique nang papasok siya room

"low battery na kasi kagabi Mon tinamad na rin akong i-charge kaya diko na nabasa. Sorry. Ano nga ba yung tinex mo?" I asked

"magpapatulong sana ako for today's program pero okay na. Natapos ko na lahat." nakangiting sagot niya

"Sorry Mon. Diko naman kasi alam" sabi ko

"No. no. It's okay Missy. Ano na? Open na ba natin ang booth para makapag-start na tayo?" she asked habang bitbit mga damit na gagamitin

Mabait si Monique sa akin. Mas sanay akong tawagin siyang Mon para shortcut. Intramurals kasi ngayong week and will start today. We opened a wedding booth para mapagkuhanan ng pondo namin para classroom.

"Missy?"

"Missy?"

"Missy?"

Nagulat nalang ako sa kumakalabit sa likod ko. Akala ko kung sino yun pala si Nathan. Si Nathan ay isa sa mga tagahanga ko. Matagal na siyang umamin na may gusto siya sa akin and he asked me kung pwede siyang maging suitor ko and dahil wala pa akong interest sa pag ibig I rejected him. But until now, nangungulit parin.

"Missy, pwedeng tayo naman ang next na magpapakasal? Nakakainggit na kasi sila " nakangiting tanong niya

Nanlaki mga mata ko sa tanong niya. Gwapo naman siya. He has musculine body and very gentleman pero diko alam pero iba ata ang hinahanap ko, iba ata ang gusto ng puso ko.

"Dagdag sa pondo namin to kaya sige at saka di naman to totoo" sagot kong pabiro

"Yes, hindi man totoo pero this will be included to all memories we shared" seryosong sagot nya

"Aysus! Okay. Thats enough Nathan." sagot ko at nagbuntong hininga

"After kay Nathan, ako naman Missy a?" singit ni John na nagselos ata

Napatango nalang ako para tumigil na sila sa kakadaldal. Si John ay parang kapatid na ang turing ko sa kanya, aside kasi sa makulit din siya kaugali pa niya ang kapatid kong si Miko.

Nang naglalakad na ako papuntang harap kung saan nag aantay si Nathan, nakita ko ang isang lalaki na nakasilip sa mga naghihiyawang barkada nito. Malayo siya pero diko siya maiwasang titigan ng titigan. Parang may something sa kanya na dapat kong alamin.

"Missy, ano na? dito na ang attention mo." bulong ni Nathan sa akin habang nasa malayo ang attention ko

"sorry." maikli kong sagot

Syempre walang kissing scene na naganap. Magdedemanda nalang ako if ever na meron.

Tiningnan ko ulit ang lalaki pero wala na siya doon. Tiningnan ko ang paligid pero wala na talaga siya. Siguro nga sumilip lang siya dahil sa ingay ng barkada ni Nathan.

"full na full ka ngayon Missy! Imagine lahat ng humahanga sayo walang lumamang? Madami dami tayong pera ngayon dahil sayo" sabi ni Mon habang binibilang ang perang nakuha namin

"Full nga ako Mon pero pagod naman" sagot ko naman habang nagpupunas ng pawis

"Teka pala Mon, may nakita ako kaninang lalaki. Di siya familiar sa akin. He looks something special to me. Diko maintindihan. I've searched after ng fake wedding for his presence pero wala na siya." dagdag ko

"Sa wakas na-love at first sight kana Missy! I'm so happy for you. But who's that lucky guy?" Curious na tanong nito

Nagkibit balikat nalang ako bilang sagot ko.

-----------------------------------------------------------

"Mahal kita, Missy!" boses ng lalaki

"Sino ka? Bakit di kita makita?" tanong ko na takot na takot

"Nandito ako sa harap mo Missy. Nakikita mo ba ako?" tanong nito

At nagising ako nang makita ko na ang marka niya sa kanyang braso.

Lagi na siyang dumadalaw sa panaginip ko pero bakit hindi ko parin makita ang mukha niya? Maniniwala na ba ako sa sinasabi nilang multo? Hindi! Totoo sya. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. Gustong gusto ko na siyang makita at makilala. Tanging ang marka lang niya ang nagpapakita sa akin, anong ibig sabihin nito?

No boyfriend since birth ako kasi nga pag aaral ang priority ko. I don't entertain suitors also kasi nga takot akong bumagsak. Takot akong iwanan ako ni Mon.

I'm taking Medical coarse. Gusto ko yun kasi pangarap kong maging Doctor someday. Gusto kong maging unique sa Family ko someday.

"ate Missy!" si Miko na kumakatok sa pintuan ng kwarto ko

Dali dali ko naman binuksan ng di na mag ingay pa.

"Miko, bakit? May problema ba o may kailangan ka ba sa akin?" tanong ko

"may bisita ka po sa baba." sagot nito at bumaba na

"tekaaa----" pagpigil ko pero di na siya nakinig

Nagsuklay nalang ako at bumaba na. Nagtatawanan sila sa baba. Sobrang tawa ni mama parang ngayon ko lang ulit narinig ang mga tawang yun. May nagsasalita ding lalaki na familiar ang boses pero di ko mahulaan kung sino.

"goodmorning ma!" bati ko kay mama habang nasa pintuan pa ako ng kusina

"goodmorningtoo Missy! Halika may bisita ka. Ang aga naman kasi niyang pumunta." sagot ni mama

"Hello, Missy" bati niya

Nanlaki mga mata ko nang makita ko si Aaron. Ang President ng Medical club sa school, hindi ko alam kung anong magiging reaction ko kasi nga suklay lang to. Dipa ako nagmumumog o di kaya naghilamos. Sa gulat ko dali dali akong tumakbo sa comfort room para makita ang itsura ko sa salamin.

"Infairness wala naman akong muta. Cute ko parin naman. Yun nga lang amoy laway ako" I said

Bumalik na ako after kong macheck ang sarili ko and I asked sorry sa pagwalk out ko and he just nodded.

"So, what's going on? why you're here?" tanong ko

"I have something to tell Missy. You're mom is too good huh! She really gets me" sabi niya habang nakangiti

"Okay. Pwede na bang malaman kung ano yun?" sarcastic kong tanong

"Maybe later Missy. You're too excited to know it" seryosong niyang sagot

"Okay" maikli ko namang sagot

"Tara na muna sa sala para doon na kayo mag usap" yaya ni mama na nanonood pala samin

"Ano nga bang sasabihin mo at naparito ka?" panimula ko

"alam mo namang on going ang intramurals natin and sadly our contestant for pageant back out" seryosong sagot niya

"Why?! Sayang! She has all!" gulat na sumbat ko

"Because she's pregnant." Mahinang sabi niya na mas lalo kong kinagulat.

"And I'm here because I want you to take her position" dagdag nito

"bakit ako? pwedeng si Monique nalang? Kasi kung ikukumpara mo ako kay Monique mas malayong maganda at matalino siya" pagmamaktol ko

"Ayaw niya and ikaw ang gusto niyang sumali kasi may trust siya sayo" sagot nya

"Hindi ko kaya. Saka diba tapos na ang pictorial and all? Hayaan niyo nang matalo tayo" sumbat ko

"NO! Consistent tayong nananalo every year and then ganyan ang sasabihin mo? I'm the Medical club President and I will do my best para magchampion tayo. I already talked to the Vise President in our campus and he agreed to my proposal!" tumataas na boses ni Aaron

"okay calm down" I said

"how will I calm down kung ang hirap mong pakiusapan?" tanong niya with teary eyes pa

"Nakailang linya palang tayo tapos mahirap na akong pakiusapan?" painis na tanong ko

"mama?" dagdag ko sabay lingon kay mama

"Go anak! Dapat champion kayo dyan. I trust you so much" sabi niya at hinaplos ang buhok ko

Super positive ni mama and nakakagaan ng loob kasi kahit di pa ako sumasabak sa competition nanalo na ako sa kanya.

"Okay sige." sagot ko nalang pero deep inside I'm already dying

Kailangan kong magbeauty rest for the next 3 days? How about our booth? Pero syempre if mananalo man kami may parte din ako sa pera na pwede kong itulong kay Mon para sa pondo.